You are on page 1of 35

MAKABAGONG SISTEMA NG EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMYA:

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA AKADEMIKONG PERPORMANS NG

MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MATEMATIKA SA MATAAS NA

PAARALAN NG BACO

Isang Pananaliksik na Inihaharap kay G. Joseph Abaca sa Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik sa Poblacion, Baco Oriental Mindoro

Marc Muriel A. Ruado

Mataas na Paaralan ng Baco

Pebrero 2021

1
TALAAN NG NILALAMAN

I. Dahon ng Pamagat ……………………………………………………………………..1

II. Abstrak …..……………………………………………………………………………. 4

III. Pasasalamat……………………………………………………………………………6

Dedikasyon………………………………………………………………………...7

Kabanata

1 ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panimula…………………………………………………………………………. 8

Balangkas Konseptwal………………………………………………………...... 10

Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………….. 11

Kahalagahan ng Pananaliksik…..……………………………………………….. 12

Saklaw at Delimitasyon…..………………………………………………..…..… 13

Kahulugan ng Katawagan..………………………………………………..…….. 14

2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA 15

3 DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik.………………………………………………..…..……18

Respondente.………………………………………………..…..…………………18

Instrumento ng Pananaliksik.………………………………………………..…..19

Tritment ng mga Datos.………………………………………………..…..……..19


2
4 PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS 20

5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom.………………………………………………..…..……… .………………. 28

Konklusyon.………………………………………………..…..……… …………. 29

Rekomendasyon…………………………………………………………………… 31

TALAAN NG SANGGUINAN………………………………………………………….... 32

APENDIKS

A. Talatanungan………………………………………………………………….. 34

B. Dokumentasyon………………………………………………………………....35

3
ABSTRAK

Sa paglaganap ng COVID-19, natigil ang lahat ng mga establisyemento at iba’t ibang

departamento sa buong mundo. Isa na rito ay ang pansamantaang pagtigil ng normal na

edukasyon kung saan harap-harapang nagtuturo at nag-aaral ang mga estudyante at mga

kaguruan. Naapektuhan nito ang paraan ng pag-aaral at nagkaroon ng bagong sistema na

hindi maitatangging bago sa panlasa ng lahat. Kung kaya sa pag-aaral na ito, nais malaman

ng mananaliksik ang mga salik at kung paano ito nakakaapekto sa akademikong perpormans

ng mga mag-aaral sa asignaturang matematika sa Mataas na Paaralan ng Baco. Gumamit ng

dalawampung respondente ang mananaliksik upang makakalap ng mga datos na

pagbabasehan sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga respondente ay nagmula sa tatlong

strand ng ika-11 na baitang sa nasabing paaralan, ito ay ang STEM (Science Technology

Engineering and Mathematics), ABM (Accountancy Business Management), at HUMSS

(Humanities and Social Sciences).

Sa isinagawang pag-aaral, nalaman ng mananaliksik na karamihan sa mga mag-aaral

ng ika-11 na baitang ng Baco National High School mula sa strand na STEM, ABM, at

HUMSS ay may pananaw na nakakaapekto ang salik na kasapatan ng kaalaman na natutunan

sa Junior High School ng mga mag-aaral patungo sa pagtahak sa asignaturang Matematika ng

SHS ng ika-11 na baitang at ang salik na kawalan ng kagamitan o akses na makatutulong sa

pag-aaral ng matematika katulad ng internet at mga edukasyunal na bidyung presentasyon sa

kanilang akademikong perpormans sa makabagong sistema ng edukasyon.

Dagdag pa rito, karamihan sa mga respondente ay may pananaw na lubos na

nakakaapekto ang salik na nilalaman o kontent ng mga modyul sa pagkatuto ng mga mag-

aaral at ang salik na interes ng mag-aaral sa pagkatuto nito sa asignaturang matematika sa

4
kanilang akademikong perpormans sa makabagong sistema ng edukasyon sa gitna ng

pandemya.

5
PASASALAMAT

Walang hanggang pasasalamat sa mga taong tumulong sa mananaliksik upang

mapagtagumpayan at maging epektibo ang ginawang pag-aaral.

Una, nagpapasalamat ang mananaliksik sa Panginoon dahil hindi ito magagawa at

matatapos kung wala ang Kanyang patnubay, binigyan Niya rin ng lakas ng loob at sa lahat

ng ginagawa, nandoon ang Kanyang presensya.

Pangalawa, sa mga magulang ng mananaliksik na walang sawang sumusuporta sa

kaniyang pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pang-pinansyal at oras na binigay sa

kaniya upang magawa ang pananaliksik.

Pangatlo, sa guro ng mananaliksik na si Sir Jospeph Abaca na professor sa Filipino at

binigyan ng mga ideya upang mas mapalawak ang pamanahong papel.

Pang-apat, sa mga mananaliksik sa mga kaugnay na pag-aaral na ito dahil nadagdagan

ang aming mga nakalap na impormasyon at nagkaroon kami ng mga basehan sa pag-aaral.

Pang-lima, sa aking mga kamag-aral at mga napiling respondnete na tumulong

magbigay ng impormasyon tungkol sa aking paksa. Lubos ang aking pasasalamat dahil kung

wala ang mga taong ito, hindi magiging epektibo, kasiya-siya, makabuluhan, magiging

maayos, organisado, at kapani-paniwala ang pamanahong papel na ito.

6
DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal na inihahandog unang-una sa mahal

na Panginoon na Siya ang nagbigay ng lakas at walang sawang paggabay sa mga taong nasa

paligid lalong lao na ang mga taong kabilang o nakiisa sa pananaliksik na ito.

Buong puso ring inihahandog ang lahat ng ito ng mananaliksik sa kaniyang magulang

na walang sawang sumuporta sa kaniya at sa kaniyang pang-pinansyal na pangangailangan.

Masasabing kayo/ Kayo ang dahilan ng kaniyang pagsusumikap.

7
KABANATA 1

Ang Suliranin at ang Sanligan ng Pag-aaral

Panimula

Lubhang mahalaga ang matematika sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao at maging sa

bawat indibidwal sapagkat ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman tungkol dito ay hindi

lamang pansamantalang mapakikinabangan ngunit ito ay pangmatagalan. Ang matematika ay

hindi lamang nakatuon sa mga numero, isa rin itong pag-aaral ng espasyo (heometriya),

istruktura (alhebra), kantidad at pagbabago na ating nabibigyang tuon sa kahit ano man ang

ating ginagawa. Samakatuwid, hindi lamang limitado ang nasasakop na gampanin ng

matematika sa buhay ng bawat tao. (Wikipedia, Pebrero 2020)

Ang asignaturang Matematika ay may malawak na tungkulin sa ating

edukasyon at sa pag-unlad ng mundo kung kaya ito ay nangangailangan ng sapat at higit na

pag-unawa at kaalaman. Ngunit hindi maitatangging maraming bilang ng mga mag-aaral sa

kasalukuyang panahon ang nawawalan ng interes sa asignaturang ito na nagiging dahilan ng

pagbaba o maging ang pagbagsak ng kanilang marka at grado sa paaralan. (Santiago, 2015)

Inisa-isa ni Wichael (n.d.) sa kaniyang artikulo na “Why some teens dislike math and

science” ang mga dahilan kung bakit hindi kinahihiligan ng mga mag-aaral ang asignaturang

matematika. Ang ilan sa kanyang mga punto ay ang kawalan ng pag-unawa. Ang isa sa

mga binibigyang dahilan ng mga mag-aaral ay ang kawalan ng pag-unawa sa isa o dalawang

mga aralin ng asignatura. Madalas, sa matematika, ang pagkakaturo ng mga leksyon ay sa

paraang mula sa pinaka madali hanggang sa pinaka mahirap, at kung ang estudyante ay

mawawalan ng pagunawa sa bandang gitna ng proseso, mararamdaman niyang siya ay

“nawawala”

8
Ang matematika o sipnayan ay ginagamit sa buong mundo bilang mahalagang

kasangkapan sa maraming mga larangan kabilang ang natural na

agham, inhinyerya, medisina at mga panlipunang agham. ( Wikipedia, Marso 2019)

Sa panahong pandemya ang mga mag-aaral ay nakararanas ng matinding hirap sa

pagpopokus sa pag-aaral. Maraming interupsyon ang gumugulo sa kanilang pag-iisip dahil sa

mga bagay-bagay na nakapaligid sa mga ito na siyang nagiging mitsa ng pagbagsak sa

akademiko. Ang pagbagsak ay isang malaking hamon sa bawat mag-aaral, na tila isang

malaking balakid sa kanilang hinaharap tungo sa magandang kinabukasan. (East Asia College,

2019)

Bukod pa rito, maraming mga estudyante ang nagsasabing nakararamdam sila ng

matinding pagkabagot sa asignaturang ito na wala namang kaugnayan sa pang-araw-araw na

pamumuhay. Bakit ganito na lamang kanegatibo ang reaksyon ng mga mag-aaral? Wala

namang mali sa kanilang mga katwiran, kaso, may nakalimutan silang magandang

maidudulot ng Matematika. Kailangan lang munang maintindihan na hindi puro hirap at

kalituhan ang hatid ng asignaturang ito. Tahasang nahahasa nito ang critical thinking ng mga

mag-aaral. Sa tuwing nakukuha ang tamang sagot sa problema, nabibigyan ng lakas ng loob

at kumpiyansa ang sarili upang bigyang solusyon ang mga nararanasang mabibigat na dagok

sa buhay.

Dagdag pa rito, isang malaking tungkulin ng pagkatuto ng mga mag-aaral ang

pagbasa at ibayong pag-unawa sa iba’t ibang materyales na kagamitan o maging ang

panonood sa mga bidyong tumatalakay sa paksang may kaugnayan sa matematika sa iba’t

ibang plataporma o websayts upang maipaliwanag ang isang aralin, ngunit ito ay nakabatay

pa rin sa interes at kagustuhan at interes ng mga mag-aaral na matutunan ito.

9
Balangkas Konseptuwal

Ang konseptuwal na balangkas ng pananaliksik na ito ay ginagamitan ng input-

proseso-awtput na modelo. Nilalaman ng input ang mga tutugunang suliranin at malalaman

ang pinakalayunin ng mananaliksik. Sa proses naman tinutukoy ang mga hakbang na

isasagawa ng mananaliksik upang maisakatuparan ang minimithing kasagutan, kabilang din

ang pagkuha ng datos. Sinasaklaw ng awtput ang mga implikasyon ng nakalap na datos mula

sa isinagawang pag-aaral.

INPUT

Nais ng mananaliksik na malaman ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong

pagkatuto sa asignaturang matematika sa mga mag aaral ng Senior High School mula sa

STEM, ABM, at HUMSS ng ika-11 na baitang sa Mataas na Paaralan ng Baco (Baco

National High School),

PROSESO

Ang mananaliksik ay may ibibigay na talatanungan sa mga piling mag aaral ng ika-11

na baitang ng BNHS upang makakalap ng mga impormasyon at datos na magiging gabay sa

paksa at kasagutan sa sinasagawang pananaliksik.

AWTPUT

Inaasahan na ang mananaliksik ay mapagtatanto at maibabahagi ang kaalamang

napulot sa pananaliksik na ito upang mas maging epektibo ang pag-aaral sa asignaturang

matematika.

Figura 1. Paradimo sa Pag-aaral

10
Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito sisiyasatin at pag-aaralan ng mananaliksik kung ano-ano ang mga

salik na nakakaapekto sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba’t ibang strand ng

Senior High School sa asignaturang matematika sa Mataas Na Paaralan ng Baco sa gitna ng

makabagong sistema ng pag-aaral.

Layunin ng pananaliksik na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga salik na nakaaapekto sa mga mag-aaral ng Senior High School sa pag-aaral

ng asignaturang Matematika sa makabagong Sistema ng pag-aaral at gaano ba ito

nakakaapekto?

1.1. Sapat ba ang kaalaman na natutunan sa Junior High School ng mga mag-aaral

patungo sa pagtahak sa asignaturang Matematika ng SHS ika-11 na baitang?

1.2. May kinalaman nga ba ang nilalaman ng mga modyul sa pagkatutuo ng mga mag-

aaral sa asignaturang matematika?

1.3. May kinalaman ba ang kawalan ng kagamitan o akses na makatutulong sa pag-

aaral ng matematika katulad ng internet?

1.3. May kinalaman ba ang interes ng mag-aaral sa pagkatuto nito sa asignaturang

matematika?

11
Kahalagahan Ng Pananaliksik

Nakikita ng mananaliksik sa isinasagawang pag-aaral na magiging malaki ang

benepisyo nito at naniniwala na maipapasa ang mahahalagang impormasyon sa nasasaklawan.

Malalaman ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa

asignaturang matematika sa bagong sistema ng edukasyon dulot ng pandemya at ito ang

maaaring maging solusyon sa problemang kinahaharap. Makatutulong ito sa mga

kasalukuyang mag-aaral ng Senior High School at sa mga susunod pa.

Ang mga tiyak na kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang mga sumsunod:

I. Kahalagahan sa mag-aaral:

Mula sa mga mahahalagang impormasyon at mga datos na nalikom mula sa

pananaliksik na ito, maaaring makapagbigay ito ng tulong sa mga kasalukuyang mag-aaral ng

Senior High School ng BNHS (Mataas na Paaralan ng Baco) partikular na ang ABM, STEM,

at HUMSS strand na kumukuha ng asignaturang matematika partikular na ang General

Mathematics, Statistics and Probability, at Pre-Calculus, at Basic Calculus para sa kumukuha

ng STEM strand. Makatutulong din ito upang maging kawili-wili sa kanila ang pagkatuto sa

mga asignaturang nabanggit.

II. Kahalagahan sa mag-aaral:

Ang pananaliksik na ito ay may malaking maitutulong sa mga guro at propesor na

mas maging malinaw sa kanila ang sitwasyon ng kanilang mga mag-aaral at kung ano ang

kanilang saloobin tungkol dito. Ito ay makapagbibigay sa kanila ng ibang pamamaraan upang

mas maging epektibo at kasiya-siya ang pagkatuto rito katulad ng paggamit ng iba’t ibang

12
plataporma sa iba’t ibang websayts o aplikasyon. Sa pamamagitan ng mga datos na

malilikom ng mananaliksik ay mas matutulungan ang mga mag-aaral at guro na mas

mapaayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa upang mas mahusay ang pagbabahagi ng mga

impormasyon sa pagkatuto ng mga estudyante.

III. Kahalagahan sa mga susunod na pananaliksik:

Mahalaga ang pananaliksik na ito sa pagbabahagi ng mga nalikom na impormasyon at

datos ukol sa paksang tinatalakay. Lubos na malaki ang maitutulong nito sa susunod na

mananaliksik na naglalayong tugunan ang ilang mga suliranin at komplikasyon upang

makapagbahagi ng mga solusyon dito.

Saklaw At Delimitasyon

Sa pag-aaral na ito, nais malaman ng mananaliksik ang iba’t ibang salik na

nakakaapekto akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa BNHS-SHS sa asignaturang

matematika

Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahong papel na ito ay sasaklaw sa mga mag-aaral

na Senior High School. Sampung estudyante mula sa ika-11 na baitang ang nagmula sa

STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematucs). Ito ay sa kadahilanang mas

marami ang bilang ng kanilang asignatura na tungkol sa matematika bukod sa Statistics and

Probability, General Mathematics, mayroon din silang asignaturang Pre-Calculus, at Basic

Calculus na tunay na nakapgbibigay ng hirap sa pang-unawa ng mga mag-aaral dito. Sa

strand na ABM (Accountancy & Business Management), at HUMSS (Humanities and Social

Sciences) ay limang estudyante ang napili bilang respondente ng mananaliksik ng Mataas na

Paaralan ng Baco, Dibisyon ng Oriental Mindoro sapagkat mayroon din silang asignaturang

matematika. Ang mananaliksik ay nakipanayam at nagsagawa ng online sarbey kwestyuner

13
para sa mga mag-aaral na bubuo sa pananaliksik na ito. Ang mga sumagot sa sarbey

kwestyuner ay pili lamang ng mananaliksik na tutumbas sa nagawang mga kwestyuner.

Kahulugan Ng Katawagan

1. Matematika- kilala rin sa tawag na sipnayan. Nangangahulugan na pag-aaral ng mga

modelo ng kayarian, pagbabago, espasyo, at alinmang may kinalaman sa numero

2. Asignatura- o sabdyek ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang

matuto. Karaniwang itong naka-ayos sa paraang magiging madali para sa mag-aaral na

maintindihan ang bawat paksa na pinag-aaralan.

3. Strand- tumutukoy sa mga bahagi ng K-12 program na binubuo ng STEM, ABM, HUMSS,

AT GAS.

4. Akademikong pagkatuto- ito ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga araling natanggap

mula sa isang asignatura

5. STEM- strand sa Senior High School na may akronim na Science Technology Engineering

and Mathematics

6. ABM- strand sa Senior High School na may akronim na Accounatncy Business

Mangement

7. HUMSS- strand sa Senior High School na may akronim na Humanities and Social

Sciences

14
KABANATA 2

Mga Kaugnay na Literatura

Ang Matematika ay isa sa mga mahahalagang wika ng buhay ng tao na nagbibigay ng

mabisang paraan ng pagbuo ng disiplina sa kaisipan at hinihikayat ang lohikal na

pangangatuwiran. Bilang karagdagan, ang kaalaman sa matematika ay may mahalagang papel

sa pag-unawa sa iba’t ibang mga larangan at aspeto ng buhay tulad ng agham, araling

panlipunan, at maging ang musika at sining. (Park, 2008)

Ayon kay McLeod (1992) na binaggit sa artikulo ni Mata (2012) ang pag-uugali sa

matematika ay isa lamang positibo o negatibong emosyonal na disposisyon patungo sa

asignaturang ito. Kung ang mga nag-aaral ay mayroong negatibong pag-uugali sa isang paksa

o isang paksa, maaaring maapektuhan ang pagganap nito sa pang-akademiko. Kung kaya

naman, ang pag-aaral sa makabagong sistema ng edukasyon ay hindi makakaapekto kung ang

isang estudyante ay mayroong negatibong pag-uugali patungkol dito. Dagdag pa rito, ang

negatibong pag-uugali sa matematika ay maaaring makaapekto sa pagganap ng mag-aaral sa

paksa gaano man kalinaw ang mga termino at simbolong ginagamit sa mga aralin.

Ayon naman kay Bouska na binanggit din sa parehong artikulo ni Mata (2012),

mayroong makabuluhang papel na ginagampanan ang mga materyales sa pagtuturo o

pagkatuto ng mga mag-aaral gaya ng mga bidyung presentasyon na maaaring maakses sa

pamamagitan ng internet at iba’t ibang plataporma tulad ng KhanAcademy at Youtube

tungkol sa mga aralin sapagkat ang impluwensya ng mga materyal na audio visual sa

paglikha ng kamalayan at kaalaman sa mga mag-aaral ay mas epektibo kaysa sa mga salita

lamang o modyular na materyales kung nauugnay ito sa proseso ng pag-aaral.

15
Samakatuwid para sa wastong talakayan at pag-unawa patungkol sa asignaturang

matematika, ang mga materayles na pantuto tulad ng mga edukasyonal na bidyu sa internet

ay kinakailangan lalo’t higit sa makabagong edukasyunal na Sistema.

Bukod rito, ang paggamit ng mga materyal na panturo ay maaaring makatulong na

pukawin ang kanilang interes, magbigay ng isang malinaw na larawan sa kaisipan, bilis ng

pag-unawa, makatulong na mapanatili ang memorya at magbigay ng isang nakabahaging

karanasan na sa huli ay lumilikha ng kamalayan sa kasaysayan.

Ang pananaliksik na ito ay sinusuporta ng mga teoryang tiyak na may kaugnayan sa

pananaliksik na ito. Isa rito ay ang kognitib debelopment, ang kognitib debelopment ay isang

komprehensibong teorya tungkol sa uri at pag-unlad ng pag-iisip ng tao. Ito ay unang

nadiskubre ng isang Swiss Developmental Psychologist na si Jean Piaget. Layunin ng

teoryang ito na malaman ang likas na pagkatuto ng tao at kung paano ang tao nakakakuha,

nakakagawa, at kung paano ginagamit ang pagkakilala o kaalaman. Tinawag ito ni Jean

Piaget na Developmental Stage Theory.

Para kay Piaget, ang kognitib debelopment ay isang progresibong proseso ng pag-iisip

ng tao. Naniniwala siya na ang lahat ng bata ay may kakayahang makagawa at makabuo ng

kaalaman sa kanyang kapaligiran base sa kanyang nalalaman at naiintindihan.

Bukod pa rito itinuturo ni Piaget (1968) na ang bawat mag-aaral at estudyante ay may

pare-parehong kakayahang makaunawa at mahusay na pangangatwiran sa iba’t ibang mga

katanungan at problema sa matematika kung binibigyan ito ng oras at pansin.

Dagdag pa rito, ang Teoriya ni Jerome Bruner na Discovery Learning ay isang

mahalagang salik sa pagsuporta ng pananaliksik na ito. Ang ideya sa likod ng Discovery

Learning ay ang mga mag-aaral ay likas na gumagamit ng dating kaalaman, umiiral, at

16
maging bagong kaalaman niya upang makatuklas at maunawaan ang isang bagong ideya,

katotohanan, o paniniwala tungkol sa isang paksa.

Ang Discovery Learning ay isang teoryang konstrukibista. Sa Discovery Learning,

ipinapaliwanag dito na ang mga estudyante ay gumagamit ng kanilang kakayahang

nagbibigay-malay upang makakuha ng bagong kaalaman. Sa madaling salita, ang mga mag-

aaral ay maaaring hindi lahat ay nasa parehong antas ng pag-aaral; ang bawat mag-aaral ay

maaaring makakuha ng iba't ibang antas ng kaalaman sa isang paksa sa kanyang sariling

pamamaraan at pagkaunawa sa pagtalakay na inilaan at itinakda hindi lamang niya at maging

ng mga guro sa mga silid-aralan.

Ayon pa rin sa teoryang ito, may malaking salik ng pagkaunawa ng mga mag-aaral

ang pagtatanong; kung kaya mahalagang bigyan ng mga guro ang mga mag-aaral ng ibayong

pansin at pagtuturo tungkol sa isang paksa sa asignaturang matematika at tungkulin naman

ng mga mag-aaral na ito’y unawain nang maayos.

17
KABANATA 3

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Maraming uri ng deskriptibong pag-aaral, ngunit napili ng mananaliksik ang mabisang paraan,

ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan o sarbey

kwestyuner para makalikom ng datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang

disenyong ito, sapagkat mapapadali ang pagkuha ng mga datos mula sa mga respondente.

Ang nasabing disenyo ay epektibo sa mga dalawampung (20) mag-aaral n amula sa mga

strand ng ABM, HUMSS, at STEM ng ika-11 na baiting dahil mabilis na makakukuha ng

datos ang mananaliksik dahil ito ay gagamit ng mga limitadong tanong na sasagutan ng mga

respondente sa mabilis na paraan, ang pagpili ng mga sagot sa pagpipilian.

Respondente

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa mga salik na

nakaaapekto sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral na STEM, ABM, at HUMSS sa

ika-11 na baiting ginamit ang stratified random sampling kung saan ang pagpili ng

respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Ang pag-aaral na ito ay

sumasaklaw sa 20 na mag-aaral n amula sa ika-11 na baiting. Ito ay binubuo ng sampu (10)

na mag-aaral na mula sa STEM, lima (5) na mag-aaral mula sa ABM, at lima rin (5) na mag-

aaral mula sa HUMSS. Ang mga sumagot sa sarbey kwestyuner ay pili lamang ng mga

mananaliksik na tutumbas sa nagawang mga kwestyuner.

18
Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o sarbey kwestyuner bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang sarbey

kwestyuner ng pananaliksik na ito ay nakabatay sa pag-aaral na isinagawa mula sa paaralan

ng Our Lady of Fatima University, Lagro, Lungsod ng Quezon sa kanilang pag-aaral na

katulad ng pinepresentang pananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Ang mananaliksik ay naghanda ng sarbey kwestyuner na sasagutan ng mga

respondente gamit ang Facebook Messenger. Pagkatapos masagutan ang mga sarbey

kwestyuner, kukuhanin ng mananaliksik ang bahagdan o porsyento ng mga

magkakaparehong sagot ng mga respondente sa sarbey kwestyuner. Sunod ay ang paggawa o

pagbubuod ng mga sagot at ito’y gagawan ng konklusyon. Ngayon, malalaman na ng

mananaliksik ang pananaw ng mga mag-aaral ng ika-11 na baitang ng BNHS sa mga salik na

nakaaapekto sa kanilang akademikong perpormans sa asignaturang Matematika.

19
KABANATA 4

Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Propayl ng mga Respondente

Ang pananaliksik na isinagawa ay nagpokus sa dalawampung respondente na

nakapanayam sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Ang mga sumusunod ay nagpapakita

ng propayl ng mga respondente na isinagawa sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng

Baco.

A. Kasarian

Kategorya Bilang ng Sumagot Bahagdan/Porsyento

Babae 6 30%

Lalaki 14 70%

Pangkalahatan 20 100%

Talahayanan 1.1

Ipinapakita sa unang talahayanan ang propayl ng mga respondente partikular na ang

kanilang mga kasarian. Makikita rito na anim (6) sa mga respondente o tatlumpng

bahagdan/porsyento (30%) ng pangkalahatang sumagot ng sarbey ay lalaki. Dalawampu (20)

o pitumpung bahagdan o porsyento (70%) naman ang mga kababaihan na sumagot sa

20
isinagawang sarbey ng mananaliksik. Ito lamang ay nangangahulugang karamihan sa mga

respondente ay babae kumpara sa mga sumagot na may kasarian na lalaki.

B. Strand

Kategorya Bilang ng Sumagot Bahagdan/Porsyento

STEM (Science Technology 10 50%

Engineering and Mathematics)

ABM (Accountancy Business 5 25%

Management)

HUMSS (Humanities and 5 25%

Social Sciences)

Pangkalahatan 20 100%

Talahayanan 1.2

Ang talahayanan bilang 1.2 ay naglalaman ng strand na pinapasukan ng mga

respondenteng nakapanayam ng mananaliksik. Makikita rito na sampung estudyante o

kalahati ng pangkalahatang respondente ang nagmula sa STEM (Science Technology

Engineering and Mathematics). Ito ay sa kadahilanang mas marami ang bilang ng kanilang

asignatura na tungkol sa matematika bukod sa Statistics and Probability, General

Mathematics, mayroon din silang asignaturang Pre-Calculus, at Basic Calculus na tunay na

nakapgbibigay ng hirap sa pang-unawa ng mga mag-aaral diito. Pareho namang bilang ang
21
nagmula sa ABM (Accountancy Business Management) at HUMSS (Humanities and Social

Sciences) na lima o isang kaapat (1/4 o 25%) ng kabuuang respondente.

Suliranin Blg. 1A: Sapat ba ang kaalaman na natutunan sa Junior High School ng mga

mag-aaral patungo sa pagtahak sa asignaturang Matematika ng SHS ika-11 na baitang?

Ang mga sumusunod naman ay nagpapakita ng resulta ng online sarbey na tumutukoy

sa pananaw ng mga respondente kung ang nasabing salik ay nakakaapekto o hindi sa

makabagong paraan ng pag-aaral sa gitna ng pandemya, partikular na ang kasapatan ng

kaalaman na natutunan sa Junior High School ng mga mag-aaral patungo sa pagtahak sa

asignaturang matematika ng SHS ng ika-11 na baitang:

Kategorya Bilang ng Sumagot Bahagdan/Porsyento

Lubhang Nakakaapekto 9 45%

Nakakaapekto 10 50%

Hindi Nakakaapekto 1 5%

Lubhang Hindi Nakakaapekto 0 0%

Pangakalahatan 20 100%

Talahayanan 1.3

Makikita rito sa talahayanan bilang 1.3 na sampung respondente (10) o kalahati ng

kabuuang pinag-sarbeyan (50%) ang nagsasabi o may pananaw na nakakaapekto ang

22
kasapatan ng kaalaman na natutunan sa Junior High School ng mga mag-aaral patungo sa

pagtahak sa asignaturang matematika ng SHS ng ika-11 na baitang. Siyam naman (9) o

apatnapu’t limang porsyento o bahagdan (45%) ang nagsabing lubos na nakakaapekto ang

nabanggit na salik sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa SHS sa asignaturang

matematika. Isa (1) o limang porsyento o bahagdan (5%) naman ang nagsabing hindi ito

nakakaapekto at walang bilang ng mga respondente ang sumagot na ito ay lubos na hindi

nakakaapekto s kanilang akademikong perpormans.

Ito ay nangangahulugang ang kasapatan ng kaalaman na natutunan sa Junior High

School ng mga mag-aaral patungo sa pagtahak sa asignaturang matematika ng SHS ng ika-11

na baitang ay nakakaapekto sa kanilang akademikong perpormans sa nasabing asignatura.

Suliranin Blg. 1B: May kinalaman nga ba ang nilalaman ng mga modyul sa pagkatutuo

ng mga mag-aaral sa asignaturang matematika?

Kategorya Bilang ng Sumagot Bahagdan/Porsyento

Lubhang Nakakaapekto 12 60%

Nakakaapekto 6 30%

Hindi Nakakaapekto 1 5%

Lubhang Hindi Nakakaapekto 1 5%

Pangakalahatan 20 100%

Talahayanan 1.4
23
Makikita rito sa talahayanan bilang 1.4 na labindalawang respondente (12) o

animnpung porsyento o bahagdan ng kabuuang pinag-sarbeyan (60%) ang nagsasabi o may

pananaw na lubos na nakakaapekto ang nilalaman ng modyul sa kanilang pagkatuto ng mga

respondente sa asignaturang matematika. Anim na bilang naman (6) o tatlumpung porsyento

o bahagdan (30%) ang nagsabing nakakaapekto ang nabanggit na salik sa akademikong

perpormans ng mga mag-aaral sa SHS sa asignaturang matematika. Isa (1) o limang

porsyento o bahagdan (5%) naman ang nagsabing hindi ito nakakaapekto at isang bilang din

ng mga respondente (1) o limang porsyento o bahagdan (5%) ang sumagot na ito ay lubos na

hindi nakakaapekto s kanilang akademikong perpormans.

Ito ay nangangahulugang ang ang nilalaman ng modyul sa kanilang pagkatuto ng mga

respondente sa asignaturang matematika ay lubos na nakakaapekto sa kanilang akademikong

perpormans sa nasabing asignatura.

24
Suliranin Blg. 1C: May kinalaman ba ang kawalan ng kagamitan o akses na

makatutulong sa pag-aaral ng matematika katulad ng internet?

Kategorya Bilang ng Sumagot Bahagdan/Porsyento

Lubhang Nakakaapekto 5 25%

Nakakaapekto 10 50%

Hindi Nakakaapekto 5 25%

Lubhang Hindi Nakakaapekto 0 0%

Pangakalahatan 20 100%

Talahayanan 1.5

Makikita rito sa talahayanan bilang 1.5 na sampung respondente (10) o kalahating

porsyento o bahagdan ng kabuuang pinag-sarbeyan (50%) ang nagsasabi o may pananaw na

na nakakaapekto ang kawalan ng kagamitan o akses na makatutulong sa pag-aaral sa

asignaturang matematika katulad na lamang ng internet at mga edukasyunal na bidyung

presentasyon. Limang bilang naman (5) o dalawampu’t limang porsyento o bahagdan (25%)

ang nagsabing lubos na nakakaapekto ang nabanggit na salik sa akademikong perpormans ng

mga mag-aaral sa SHS sa asignaturang matematika. Limang bilang din (5) o dalwampu’t

limang porsyento (25%) ng kabuuang respondente ang sumagot na ito ay hindi nakakaapekto

sa kanilang akademikong perpormans. Walang bilang naman ng mga respondente ang

nagsabing ito ay lubos na hindi nakakaapekto sa kanilang pagkatuto.

25
Ito ay nangangahulugan lamang na ang kawalan ng kagamitan o akses na

makatutulong sa pag-aaral sa asignaturang matematika katulad na lamang ng internet at mga

edukasyunal na bidyung presentasyon ay nakakaapekto sa kanilang akademikong perpormans

sa nasabing asignatura.

Suliranin Blg. 1D: May kinalaman ba ang interes ng mag-aaral sa pagkatuto nito sa

asignaturang matematika?

Kategorya Bilang ng Sumagot Bahagdan/Porsyento

Lubhang Nakakaapekto 9 45%

Nakakaapekto 5 25%

Hindi Nakakaapekto 5 25%

Lubhang Hindi Nakakaapekto 1 5%

Pangakalahatan 20 100%

Talahayanan 1.6

Makikita rito sa talahayanan bilang 1.6 na siyam na bilang ng mga respondente (9) o

apatnapu’t limang porsyento o bahagdan ng kabuuang pinag-sarbeyan (45%) ang nagsasabi o

may pananaw na lubos na nakakaapekto ang kanilang interes o kawalang-interes sa kanilang

pagkatuto sa matematika. Limang bilang naman (5) o dalawampu’t limang porsyento o

bahagdan (25%) ang nagsabing nakakaapekto ang nabanggit na salik sa akademikong

perpormans ng mga mag-aaral sa SHS sa asignaturang matematika. Limang bilang din (5) o
26
dalwampu’t limang porsyento (25%) ng kabuuang respondente ang sumagot na ito ay hindi

nakakaapekto sa kanilang akademikong perpormans. Isang bilang naman ng mga respondente

ang nagsabing ito ay lubos na hindi nakakapekto sa kanilang pagkatuto sa nasabing

asignatura.

Ito ay nangangahulugang ang kawalan ng kagamitan o akses na makatutulong sa pag-

aaral sa asignaturang matematika katulad na lamang ng internet at mga edukasyunal na

bidyung presentasyon ay nakakaapekto sa kanilang akademikong perpormans sa nasabing

asignatura.

27
KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas ng lagom, konklusyon mula sa

datos sa sarbey, at ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin base sa

impormasyong nakuha.

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong na maunawaan at matukoy ang mga salik na

nakaaapekto sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral mula sa ika-11 na baitang sa

asignaturang matematika ng BACO National High School, Dibisyon ng Oriental Mindoro.

Ang mananaliksik ay lumikha ng (sarbey kwestyuner/talatanungan/checklist sarbey)

upang makakuha ng mga impormasyon at datos na magiging batayan ng pag aaral. Ang

nagawang talatanungan ay ipasasagot sa mga napiling respondente sa pamamagitan ng mga

online na platraporma katuald ng Facebook Messenger. Ito rin ay magsisilbing interpretasyon

ng layunin ng pananaliksik at magsisilbing gabay sa maraming mag-aaral. Nagsagawa ng

masusing pagsusuri ang mananaliksik sa pag-aanalisa ng mga datos na nakalap sa mga

respondente na naging daan sa matagumpay na pananaliksik.

Sa isinagawang sarbey mayroong sampung estudyante (10) ang nakapanayam ng

mananaliksik ang nagmula sa strand na STEM at tig-limang respondente ang nakapanayam

ng mananaliksik mula sa strand ng ABM at HUMSS na may kabuuang 20 na mag aaral ng

ika-11 na baitang ng Baco National High School ang naging respondente na sumagot sa

sarbey kewestyuner. Sa mga naging sagot ng mga respondente, nakagawa ng maayos at

malinaw na interpretasyon ang mga mananaliksik tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa

akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika.


28
Gumamit ang mga mananaliksik ng istatistikong pamamaraan sa mga datos na

nakuha upang higit na masuri ang mga datos na nakalap at matiyak ang kalidad ng gunawang

pananaliksik na magsisilbing basehan ng mga mag aaral sa pagyakap sa asignaturang

Matematika.

Konklusyon

Ang konklusyong ito ay nakabase o nagmula sa sarbey na isinagawa ng mananalisik.

1. Karamihan sa mga mag-aaral ng ika-11 na baitang ng Baco National High School

mula sa strand na STEM (Science Technology Engineering and Mathematics), ABM

(Accountancy Business Management), at HUMSS (Humanities and Social Sciences)

ay may pananaw na nakakaapekto ang salik na kasapatan ng kaalaman na natutunan

sa Junior High School ng mga mag-aaral patungo sa pagtahak sa asignaturang

Matematika ng SHS ng ika-11 na baitang sa kanilang akademikong perpormans dito

sa makabagong sistema ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

2. Karamihan sa mga mag-aaral ng ika-11 na baitang ng Baco National High School

mula sa mga strand na STEM (Science Technology Engineering and Mathematics),

ABM (Accountancy Business Management), at HUMSS (Humanities and Social

Sciences) ay may pananaw na lubos na nakakaapekto ang salik na nilalaman o kontent

ng mga modyul sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang matematika sa

kanilang akademikong perpormans dito sa makabagong sistema ng edukasyon sa

gitna ng pandemya.

29
3. Karamihan sa mga mag-aaral ng ika-11 na baitang ng Baco National High School

mula sa mga strand na STEM (Science Technology Engineering and Mathematics),

ABM (Accountancy Business Management), at HUMSS (Humanities and Social

Sciences) ay may pananaw na nakakaapekto ang salik na kawalan ng kagamitan o

akses na makatutulong sa pag-aaral ng matematika katulad ng internet at mga

edukasyunal na bidyung presentasyon sa kanilang akademikong perpormans dito sa

makabagong sistema ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

4. Karamihan sa mga mag-aaral ng ika-11 na baitang ng Baco National High School

mula sa mga strand na STEM (Science Technology Engineering and Mathematics),

ABM (Accountancy Business Management), at HUMSS (Humanities and Social

Sciences) ay may pananaw na lubos na nakakaapekto ang salik na interes ng mag-

aaral sa pagkatuto nito sa asignaturang matematika sa kanilang akademikong

perpormans dito sa makabagong sistema ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

30
Rekomendasyon

Sa konklusyong nagawa ng mananaliksik at sa buong paggawa ng pamanahong

papel ay nais na magbigay ng rekomendasyon.

1. Para sa mga susunod na mananaliksik, maaari niyong gamitin itong pamanahong

papel bilang basehan para sa mas malalim na pag-aaral na kaugnay sa paksang ito.

Nirerekomenda ng mananaliksik na magsagawa pa ng mas malawak na pag-aaral at

higit pa sa bilang na nakapanayam ng mananaliksik na dalawampu ukol sa mga salik

na nakaaapekto sa pagbagsak o akademikong perpormans sa asignaturang Matematika

ng mga mag-aaral sa strand na ABM, HUMSS , at higit sa lahat sa strand na STEM.

2. Para sa mga magulang, nirerekomenda ng mananaliksik na bigyan ng sapat na

atensyon at suporta ang kanilang mga anak upang magkaroon sila ng inspirasyon sa

kanilang pag-aaral.

3. Para sa mga mag-aaral mula sa ika-11 na baitang, ang mga salik na nakaaapekto sa

akademikong perpormans sa asignaturang Matematika ay napakalawak at

napakarami, kailangan lang natin pagsikapan ang lahat ng pagsubok at nasa kamay

natin ang ating kinabukasan, kung kaya’t mahalagang magsikap tayo at gawin ang

ating makakaya upang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay, lalong-lalo

na kung ang propesyon na nais nating makamit ay may kinalaman sa asignaturang

matematika.

31
TALAAN NG SANGGUNIAN

Wikipedia contributors. (2021b, June 11). Matematika. Wikipedia, ang malayang

ensiklopedya. https://tl.wikipedia.org/wiki/Matematika

Titco, P.J.R. (2017, October ). Mga Estilo Ng Pag-Aaral At Epekto Nito Sa Akademikong

Pagkatuto Ng Mga Mag-Aaral Ng Baitang 12 Sa Mga Strand Ng Abm, Humss At

Stem Ng La Salle Green Hills. ResearchGate.

https://www.researchgate.net/publication/349993658_MGA_ESTILO_NG_PAG-

AARAL_AT_EPEKTO_NITO_SA_AKADEMIKONG_PAGKATUTO_NG_MGA_

MAG-

AARAL_NG_BAITANG_12_SA_MGA_STRAND_NG_ABM_HUMSS_AT_STE

M_NG_LA_SALLE_GREEN_HILLS

Shier, M. (2020, September 11). 2.1 Learning Preferences and Strengths – Student Success.

Pressbooks. https://opentextbc.ca/studentsuccess/chapter/learning-preferences-and-

strengths/

Becon, R. (2013, September). Meaning and Concept of Mathematics.

http://www.savap.org.pk/journals/ARInt./Vol.4(5)/2013(4.5- 58).pdf

32
C. (n.d.). Belief in Mathematics Learning and Understanding. Nakuha noong Marso 21, 2017

mula sa

http://cd1.edb.hkedcity.net/cd/maths/en/ref_res/document/Research%201%20Eng-

pdf/chapter2.pdf

Mata, M. D. L. (2012, October 4). Attitudes towards Mathematics: Effects of Individual,

Motivational, and Social Support Factors. Hindawi.

https://www.hindawi.com/journals/cdr/2012/876028/

Malasan, J. (2013, May 1). Bakit Karamihan sa mga Estudyante ay Mayroong Mababang at

Baksak na Marka. Nakuha mula https://www.scribd.com/doc/45995136/Bakit-

Karamihan-sa-mga-Estudyante-ay-Mayroong-Mababa-at-Bagsak-na-Marka-sa-

Eskwelahan-Pananaliksik

Torres, P. G. (2011, Pebrero 1). Mga Pulang Marka, Uso na Bakit Kaya?. Nakuha noong

Marso 21, 2017 mula sa https://colombierebears.jimdo.com/2011/02/01/mga-pulang-

marka-uso-na-bakit-kaya/

Wichael, A.M. (n.d.) Why some teens dislike math and science. Nakuha noong Marso 21,

2017

Wong, S. L. (2019, December 2). Relationship between interest and mathematics

performance in a technology-enhanced learning context in Malaysia. Research and

Practice in Technology Enhanced Learning.

https://telrp.springeropen.com/articles/10.1186/s41039-019-0114-3

33
APENDIKS A

TALATANUNGAN

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan kung ito ba ay nakakaapekto o hindi sa

iyong akademikong perpormans sa asignaturang matematika gamit ang sumusunod na

pamantayan.

SUKAT/SAGOT KATEGORYA

4 Lubos na Nakakaapekto

3 Nakakaapeto

2 Hindi Nakakaapekto

1 Lubhang Hindi Nakakaapekto

1. Kasapatan ng natutunan sa Junior High School patungo sa pagtahak ng asignaturang

Matematika sa Senior High School.

2. Nilalaman ng mga modyul at ang pagpapaliwanag nito ng mga aralin sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa asignaturang matematika

3. Kawalan ng kagamitan o akses sa iba't ibang plataporma online na makatutulong sa

pagkatuto sa asignaturang Matematika tulad ng gadget o internet.

4. Kawalan ng interes sa asignaturang Matematika

34
APENDIKS B

DOKUMENTSYON

Ang sumusunod na websayt link ay naglalaman ng kuha o mga litrato ng mga sagot

ng mga respondente. Pindutin ang Ctrsl+Click upang ito ay ma-akses.

https://drive.google.com/drive/folders/1izewG5OvMxiU1XGBPLO1aVxDYHlvpKbH

35

You might also like