DALUBHASAAN NG GITNANG MINDANAO
OSMEÑA DRIVE, LUNGSOD NG KIDAPAWAN
“KAIBAHAN SA KASARIAN AT KAKAYAHAN SA ASIGNATURANG
AKADEMIKONG STATISTICS AND PROBABILITY NG MGA PILING MAG-AARAL
SA SENIOR HIGH GABAY SA PAG-AARAL”
Isang Panukalang Papel-Pampananaliksik ng Inihirap sa Kaguruan ng Departemento ng
Senior High School sa Dalubhasaan ng Gitnang Mindanao.
GALIDO, RUFFA MAE J.
ESLABON, SONVER C.
QUIÑONES, AMY O.
GASCAL, LORD C.
DINDO OJEDA
Tagapayo
Marso 2019
Panimula
Saloob ng mahigit na 50 taong pananaliksik, ipinakita ng mga pag-aaral na magka-iba ang
paraan ng mga lalaki at babae sa pagiisip, ayon sa isang pag-aaral na inilathala noong Hunto
8,Scientific results journal.
Mathematics is everywhere. Ang sikat na kasabihan na yan ang dahilan kung bakit isa sa
mga itinuturo sa atin mula sa ating pagkabata ay ang Matematika. Sa simula aymga simpleng
numero lamang ang ating nakikita, ngunit habang patagal ng patagal angating pag-aaral ng
Matematika, ito ay nadadagdagan ng mga letra at ng mga kump-likadong numero na siyang
nagiging dahilan kung bakit ito humihirap. Subalit may mgamangilan-ngilan na estudyante ang
tila di nahihirapan sa asignaturang ito. Karamihan ng mga estudyanteng ito ay binubuo ng mga
kalalakihan kung kaya’t nabuo ang kaisipan naang mga kalalakihan ay higit na magaling sa mga
babae pagdating sa Matematika. Ayon sa pag-aaral ng University of Missouri ukol sa pagkakaiba
ng mentalidad ng babae at lalaki pagdating sa Matematika, ang pagtingin ng mga babae sa pag-
aaral ang nagbibigay sa kanila ng adbentahe upang makaangat sa lalaki. Ngunit sapagdating ng
ika-anim na taon sa elementarya mas lumalaki ang pagitan ng lalaki sa babae sa Matem-atika,
sang-ayon sa lalaki. Ayon kay Drew Bailey, isang Ph.D sa psychological science na nagmula sa
Unibersidad ng Missouri, ang pagkakaba lamang ng babae sa lalaki pagdating
sanasabing paksa ay ang kanilang paraan ng pagsagot sa mga tanong dito. Mas madalas sumagot
ang mga lalaki kumpara sa babae ngunit mas madalas ding mali ang sagot. Sakabilang banda,
mas mabagal sumagot ang babae ngunit mas madalas ay tamaAyon pa rin kay Bailey, “Ang pag-
unlad ng mentalidad ng isang tao sa Matematika ay kalahating practice makes perfect at
kalahating perfect makes practice”. Ayon naman kay David Geary, isa ring Ph.D sa
psychological science sa M.U. atkapwa manunulat ni Bailey sa isang pag-aaral, nakasalalay din
sa magulang ang pagigingkumportable ng isang bata sa mga numero at ang mga “basic math”
bago pa man silamag-umpisa sa pag-aaral. Hanggang ngayon, ang perspektibo ng karamihan
ay ang matematika ay para sa kalalakihan lamang at marami silang kilalang tao na may kaalaman
upang ilarawan at ipaliwanag ang puntong ito. Ayon kay Fox-Keller (1985), kahit madali
na lamang ngayon para sa mgakababaihan na pumasok sa mga larangan na may kaugnayan
sa matematika at agham naging ibabaw pa din sa lahat ang kaisipan na ang mga kalalakihan pa
rin ang lubos na magtatagumpay at mahuhusay sa mga larangan ng matematika at agham at ang
mga kababaihan ay walang lugar para sa mga ganitong propesyon.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay may layuning maipakita ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa
Matematika na nagmula sa asignaturang Statistic and Probability. Naglalayon din nitong masagot
ang mga katanungang sumusunod:
1. Simula ba pagkabata ang hilig ng mga mag-aaral sa Matematika?
2. Impluwensiya ba ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa Matematika?
3. Ano ang dahilan kung bakit nagugustuhan o di nagugustuhan ng mga mag-aaralang
Matematika?
4. Sino ba ang mas magaling pagdating sa matematika ang babae o lalaki?
5. May maapektuhan ba ang pagkahilig sa matematika sa pagkatuto nila?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito ay maipapakita kung alin sa kanila may kakayahang sa asignaturang
akademikong Statistics and Probability. Ipapakita rito kung ang Matematika ba o ang pagkahilig
dito ay sadyang naipapamana o maari ring na impluwensiyahan lamang ang isang tao ng isa pa.
Maari ring maipakita sa pag-aaral na ito ang mga taong makaimpluwensiya kung sakali nga na
ang Matematika ay nakakahiligan dahil sa ibang tao. Dito, maipapa-alam din sa mga mag-aaral
ang mga kalakasan at kahinaang taglay ng Matematika sa kanilang pag-aaral. Makakatulog sa
mga sumusunod:
Sa Pamahalaan
Malaki ang maiaambang ng resulta ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil malalaman nila
kung ano ang magiging bunga ng paksa. Bukod dito, mapag-aaralan din nila ang pamamalakad
ng edukasyon at dapat isaalang-alang sa bawat desisyon na kanilang gagawin at mas lalong
mapaunlad din nila ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sa Paaralan
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga paaralan dahil sa pamamagitan nito ay masusukat kung
ano ang dapat ilabas na gagawin sa mga mag-aaral upang matuto pa ng mabuti.
Sa Guro
Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro na madagdagan ang kanilang abilidad sa
pagtuturo at malaman kung saan pa sila nagkulang sa pagtuturo upang matututo pa ang mga
mag-aaral.
Sa Magulang
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga magulang dahil sa pamamagitan nito ay maibibigay
nila ang pangangailangan ng kanilang mga anak.
Sa Mag-aaral
Malaki ang maiiambag ng pag-aaral na ito dahil madaragdagan ang kanilang kaalam kung
alin pa ang kanilang bibigyan tuon sa pag-aaral upang matuto.
Sa Susunod na Mananaliksik
Malaki ang maitutulong sa pamanahong papel na ito sa mga sumusunod pang mga
mananaliksik dahil magkakaroon na sila ng “secondary data” kumg ang kanilang paksa ay
patungkol sa kaibahan ng kasarian at kakayahan sa asignaturang akademiko.
Hypotesis
Ho-Walang kabuluhang kaugnay ang kakayahan ng kasarian sa akademikong statistics and
probability sa mga respondente.
Ha-May kabuluhang kaugnay ang kakayahan ng kasarian sa akademikong statistics and
probability sa mga respondente
Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon upang maipakita upang maipakita ang kakayahan sa
asignaturang akademikong Statistic and Probability sa mga mag-aaral ng Grade 11 HUMSS 11-
1. Na ang pananaliksik na ang mga kalalakihan ay mas makakaagat sa mga kababaihan
pagdating sa Matematika. Ang pag-aaral ay sasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng Central
Mindanao Colleges ay magkakaroon ng sampung babae ang sasagot gayundin sa lalaki sampu
din.
Depinisyon at Terminolohiya
Estadistika(statistics)- ay ang pag-aaral tungkol sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-aanalisa o
pagsisiyasat, pagbibigay kahulugan o interpretasyon at pagtatanghal ng mga datos (o data).
Probabilidad (probability)- ay sumusukat sa pagkatataon na ang isang pangyayari ay mangyayari
o magkakatotoo.
Kasarian- ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae. Sinasabi ng
Encyclopædia Britannica na ang pagkakakilanlang pangkasarian ay "pagkakakilala ng isang
indibidwal sa pagiging lalaki o babae, na kaiba sa tunay na kasariang biyolohikal.