You are on page 1of 8

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Marami sa mga mag-aaral ngayon ang siyang nawawalan ng interes sa

asignaturang Matematika. Ang Matematika ay isang kakayahan na kung saan kailangan

ng lahat ng tao. Ang pag-aaral ng Matematika ay higit pa sa inaakala ng lahat. Ito ay

hindi madaling asignatura na dapat hindi natin maliitin. Kailangan ng malalim na pang-

unawa at pag-intindi sa sasagutan. May mga proseso na kung saan dapat ay sinusundan

upang nang sa gayon ay tama ang masasagot sa huli. Sa ibang mag-aaral, ito ay sadyang

napakahirap na nagiging sanhi ng pagkawala ng interes ng iba.

Ang mga literaturang ito ay makakatulong na mapalawig at mapalalim ang kaalaman

kaugnay sa mga salik na nagiging dahilan ng pagkawala ng interes ng mga mag-aaral.

Ayon sa Oxford English Dictionary (2021) ang strand na HUMSS sa Senior High

School ay denisenyo upang epektibong maihanda ang mga mag-aaral na makakuha ng

degree sa kolehiyo sa liberal na edukasyon. Mayroong iba’t ibang asignatura ang strand

na HUMSS. Ang mga aktibidad ay para sa paghahabi sa kritikal na pagiisip ng mga mag-

aaral. Gayon din ay nagpopokus sa paghahabi sa kanilang Oral Communication, Media

and Information, at Reading and Writing Skills. Ang strand na HUMSS ay para sa mga

mag-aaral na gustong aralin ang mga nasa Social Sciences. Kasama sa strand na ito ang

pananaliksik at presentasyon, na kung saan magiging maganda ang pundasyon para sa

kanilang hinaharap na trabaho bilang mamahayag, abogado, guro, politiko, manunulat, at

sikolohiya.
Ayon kay Spielgaben (2013) may mga dahilan kung bakit nga ba nawawalan ng

interes ang mga mag-aaral sa pag-aaral sa asignaturang Matematika. Isa na rito ay ang

kakulangan ng kasama sa pag-aaral. May ilang mga bata na kung saan gusto lamang

mapag-isa kaysa makipag-ugnayan sa ibang tao kung kaya’t ang iba ay nahihirapan sa

pag-aaral sapagkat wala silang kasama. Karamihan sa mga mag-aaral ay nahihirapan sa

paaralan lalo na kapag nag-aaral mag-isa. Kapag ang isang mag-aaral ay walang

mahingian ng tulong o matanungan patungkol sa pag-aaral ay nagsisimula silang

mapagod at mawalan ng interes sa pag-aaral.

Malaking tulong sa pag-aaral ang pagkakaroon ng kaibigan at kaklase sapagkat

magkakaroon ng mas malawak na pag-intindi sa isang paksa ang isang tao kung

magbabahagian ng ideya ang bawat isa. (Spielgaben, 2013)

Ayon kay Banihit (n.d.), ang sanhi ng pagbagsak ng mga mag-aaral sa

asignaturang Matematika ay nahahati sa dalawa: Impluwensya ng guro at ang mentalidad

ng mag-aaral. Nagreresulta ang impluwensya ng guro sa pagbagsak ng mag-aaral

maaaring dahil sa hindi epektibo na pagtuturo. Maaaring hindi nila nagagawang

mapalinaw at mapadali ang aralin. Sa kabilang bahagi ay maaring dahil din sa pag-ayaw

ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika. Sinabing ang pag-iisip ng masama sa

asignaturang Matematika ay nakakaapekto sa pagbagsak ng mga mag-aaral.

Ayon kay Haris (2010), isa sa malaking dahilan kung bakit bumabagsak sa

Matematika ang mga estudyante ay dahil sa kakulangan ng tamang tulong. Minsan

nahihirapan ang mga guro sa pagtukoy kung sino ang mga estudyanteng nangangailangan

ng tulong, kaya naman hindi sila napapansin. Sa kolehiyo, bihira na ang mga guro na

nagbibigay ng personal na tulong sa mga estudyante. Kaya't hinahanap ng mga


estudyante ang dagdag na tulong tulad ng pagkonsulta sa mga magtuturo o pagkuha ng

propesyunal na tulong. Isa pang dahilan ng pagkawala ng interes ng mga estudyante sa

Matematika ay ang presyur na kanilang nararamdaman.

Ayon kay Paul (2011), may ibang paaralan na nagprepresyur sa mga mag aaral at

dahil sa sobrang presyur na ito, nahihirapan ang mag-aaral sa pagbabalanse ng kanilang

pag- aaral sa bawat asignatura, na nagiging dahilan ng unti-unting pagkawala ng interes

ng estudyante sa pag-aaral. Lalong lalo na kung ang pagsusumikap niyang ito ay nauuwi

sa wala.

Ayon kina Ablian at Parangat (2022) ang mga mag-aaral ay nakararamdam ng

pag-aalala sa tuwing ang kanilang sasagutan ay naiiba sa kanilang nalalaman. Nag-aalala

rin ang mga mag-aaral kapag kulang sila sa kakayahan na masagutan ang mga

mathematical problems at aralin ang mga aral sa Matematika na mayroong mahirap na

pormula. Ayon sa natuklasan, ang mga mag-aaral ay masyadong nag-iisip habang

nagsasagot ng mathematical problems kapag sila ay walang hustong kaalaman sa mga

aralin sa matematika. Sila ay lubos na natatakot lalo na kapag ang mga sasagutan ay hindi

pamilyar at wala sa nalalaman nila. Sinabi ng mga mag-aaral na nakakaranas sila ng

paghihirap sa pag-intindi sa mga mathematical problems. Gayon din ang pagpapaliwanag

sa kung paano nakuha ang sagot.

Gayon din, umayon ang mga mag-aaral na sa tuwing sila ay tinatanong ng

kanilang mga guro na magsagot ng mga mathematical equation ay nabilis ang tibok ng

kanilang puso at kinakabahan. Nararamdaman nila na nasakit ang kanilang ulo kapag

nagsasagot. (Ablian at Parangat, 2022)


Ang mga mag-aaral ay umayon sa sinasabi na ang karamihan ay nananahimik

tuwing ang asignaturang tinuturo ay Matematika. Sa kadahilanang ang mga mag-aaral ay

takot na matanong ng kanilang mga guro. Ang mga mag-aaral ay umiiwas sa pagsagot sa

tanong ng guro dahil nakararamdam sila ng pagkabalisa sa tuwing nagkakalkula. Kapag

ang mag-aaral ay masyadong nag-alala sa pagsagot sa mahihirap na tanong sa

Matematika, kadalasang inihuhuli nila itong sagutan upang maiwasan. Sa paglalahat, ang

asignaturang Matematika ay nagbibigay ng stress at anxiety sa mga mag-aaral. (Ablian at

Parangat, 2022)

Ayon kina Salinas et al. (2019), ang math anxiety ay isang problema na

masamang nakaapekto sa performance ng mag-aaral. Maaaring ang mga mag-aaral na

may mataas na lebel ng anxiety ay ang mga mag-aaral na mas mahihirapan sa tuwing

humaharap sa pagsagot ng mathematical problems dahil sa anxiety na nararanasan nila.

Ang asignaturang Matematika ay importante sa kadahilanang ito ay makakatulong

sa pagresolba at pagpasiya. Sinasabi na mayroong relasyon sa mathematics anxiety at

achievement. Sa pagpalagay na tumataas ang math anxiety ng isang mag-aaral, ang

performance nito sa paaralan ay bumababa. Kung kaya ay masasabi na ang math anxiety

sa isang mag-aaral ay nakakaapekto sa kanilang mathematics achievement. (Salinas, et

al., 2019)

Ayon kay Breslich (2010) na sinabi niya kay Castillo ay ang Matematika ay

importante sa kabuoan ng pag-aaral dahil sa bilang ng mga tao ngayon na

nangangailangan ng malaking kaalaman sa Matematika sa aktibidad at karanasan sa

araw-araw na buhay. Ngunit sa taglay na kahalagan ng


Matematika may mga salik pa rin na nakakapekto kung bakit nawawalan ng interes ang

mag aaral katulad na lamang ng pagbagsak ng grado ng mga mag aaral.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1.Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib

analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral

na ito ang mga salik na nagiging dahilan ng pagkawala ng interes ng mga mag-aaral ng

HUMSS sa asignaturang Matematika.

2.Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Mount

Carmel College sa strand ng HUMSS

Ang mga respondente ay mayroong dalawang grupo: dalawampu’t lima (25) sa

ikalabing isang baitang at dalawampu’t lima (25) sa ikalabing dalawang baiting,

Samakatuwid mayroong pantay na paghati ng mga respondente batay sa taon. Gumamit

din ang mga mananaliksik ng random sampling upang magkaroon ng pantay na

representasyon ang bawat grupo. Pansinin ang kasunod na talahanayan

Talahanayan 1

Distribyuson ng mga respondente sa baitang labing isa at baitang labing dalawa sa

Mount Carmel College Baler (MCCB)


3. Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang dahilan ng mga

mag-aaral sa pagkawala ng kanilang interes sa asignaturang Matematika

Upang lalong madagdagan ang kaalaman ng mga mananaliksik sila ay nangalap

ng impormasyon sa online sources tungkol sa nasabing paksa ng pamanahong papel.

4. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay hindi lamang nagsisilbing pagsasanay para sa

mananaliksik para sa susunod na panahon, ngunit ito rin ay tumutugon sa mga isyu na

kinakaharap natin ngayon. Ang mga katanungan na ginawa ng mga mananaliksik ay

sinuri ng guro at lubos na pinag-isipan ng mga mananaliksik. Matapos makuha ng

mananaliksik ang hudyat ng guro, ang mga mananaliksik ay nagsimula ng mangalap ng

datos. Ang prosesong ginawa sa pananaliksik na ito ay gumamit ng talahanayan, Bar grap

at Pie grap upang maayos at orginasadong mailahad ang resulta. Dahil sa tulong ng mga

ito nakapagtala ng datos ang mga mananaliksik. Mabilis lang naisagawa ang
pagngunguha ng datos dahil sapat lamang at katamtaman ang dami ng respondente.

Isinigawa ito sa strand ng HUMSS sa Mount Carmel College Baler. Ito ay upang mas

mapaliit lamang ang saklaw ng grupo ng mga respondante at ito ay mabusising mapag

aralan bilang isang mabusising panimulang pagpasok sa pag aaral ng mga isyu patungkol

sa kawalan ng interes sa asignaturang Matematika.

You might also like