You are on page 1of 14

1

KABANATA 1
Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula
a. Rasyonal
Sa panahon ngayon, marami sa mga mag-aaral ngayon ay mas pinahahalagahan
ang ibang bagay kaysa sa kanilang pag-aaral. Marami ang nalululong sa mga bagaybagay at ang iba naman ay may malalim na problema kaya bumabagsak sa mga
asignatura. Napag-alaman ng mga mananaliksik na marami sa mga mag-aaral ng STI
Academic Center Calamba ang bumabagsak sa kanilang mga asignatura. Ninanais na
mabatid kung ano ang mga sanhi ng kanilang pagbagsak.
b. Batayang Konseptuwal
Ninanais ng mga mananaliksik na malaman ang mabisang paraan para malaman
ang mga sanhi ng pagbagsak ng mga mag-aaral upang mapag-handaan at maiwasan ng
hindi na muli bumagsak sa kanilang mga asignatura. Ang mga mananaliksik ay
maghahanda ng talatanungan upang makakuha ng impormasyon hinggil sa pagkakabagsak ng bawat mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakita ang sanhi ng pagbagsak ng
mga mag-aaral sa STI Academic Center Calamba sa kanilang mga asignatura sa taong
2015-2016.
Ninanais ng pananaliksik na ito na masagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga sanhi ng pagbagsak sa kanilang asignatura ng mga mag-aaral
ng STI Academic Center Calamba sa taong 2015-2016?
2. Sa papaanong paraan masosolusyonan ang pagbagsak ng mga mag-aaral ng STI
Academic Center Calamba sa kanilang mga asignatura sa taong 2015-2016?
3. Anu-anong mga bagay ang maitutulong ng asignatura sa mga mag-aaral ng STI
Academic Center Calamba sa taong 2015-2016?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay may kahalagahan sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral. Ito ay mahalaga sa mga mag-aaral upang sila ay magkaroon ng
kaalaman patungkol sa mga bagay sa mundo na nakakamtan sa pamamagitan ng pagaaral at upang sila ay magkaroon ng magandang kinabukasan para sa kanilang hinaharap.
Sa mga magulang. Mapapatnubayan ng mga magulang ang kanilang mga anak kung
bakit sila bumabagsak sa kanilang mga asignatura.
Sa mga guro. Sa pag-aaral na ito, matutulungan ang mga guro para malaman nila kung
bakit bumabagsak ang mga mag-aaral sa kanilang mga asginatura.
Sa mga mananaliksik. Higit na makakatulong ito sa mga mananaliksik para sa kanilang
riserts na magbibigay ng sapat na impormasyon patungkol sa kung bakit bumabagsak ang
mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang mga indibidwal na maaring sumagot sa mga suliranin ay ang mga mag-aaral
ng STI Academic Center Calamba 2015-2016. Tatlumpung mag-aaral ay itinatayang
mabibigyan ng katanungan. Maari rin ito sa ibat-ibang kurso na mayroon ang nasabing
paaralan.
Depinisyon ng mga Termino
Asignatura. Ito ay tinatawag na subject sa ingles, tulad ng Filipino, Math, Science,
MAPEH at iba pa.
Mabatid. Maunawaan; maintindihan; mawatasan; matanto.
Mabisa. Epektibo; mabuti; makapangyarihan.
Talatanungan. Ito ay tinatawag na survey sa ingles; pagbibigay ng mga katanungan.
Hinggil. Tungkol sa; patungkol sa;
Nakakamtan. Makuha; makamit.
Riserts. Ito ay tinatawag na research sa ingles; paghahanap ng impormasyon.
DOTA. Defense of the Ancients.
LoL. League of Legends
CS GO. Counter Strike Global Offensive

KABANATA 2
Mga Kaugnay na literatura at Pag-aaral

Kaugnay na literatura
According to the Higher Learning Commission.org the studys participants
provided many reasons why some students may fail in their subjects. Based on the
analysis of the answers provided, the reasons for student failure are was Lack of Effort,
repeated 72 times, or 12 percent of responses. This category included both Lack of effort
and Poor or nonexistent work ethic as subcategories. Many faculty members were
disturbed by how many students are satisfied with a grade of C or D instead of working
harder to get better grades. Lack of Motivation or Interest, engagement, persistence, and
not being active learners. This category included the following subcategories: Lack of
motivation; Dont-care attitude, or negative attitude; Lack of engagement; Lack of
interest, direction, or focus; and Lack of passion. Personality Issues, this category
includes Lack of social connection, Lack of support system and network, and Poor selfesteem and self-confidence. One respondent thought lack of self-confidence was the
major reason for failure.

Napakaraming dahilan kung bakit bumabagsak ang isang mag-aaral sa kanyang


asignatura. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral o riserts ukol sa kalimitang
problema ng mga mag-aaral, tatlo sa sampung mag-aaral ang bumagsak sa kanyakanyang asignatura. Ayon sa website ng KMC Service for better life maraming bagay na
nakakatukso at nagiging dahilan ng pagbagsak sa klase ng isang mag-aaral.
Hindi na kataka-taka na ang una nila sa lisatahan kung bakit bumabagsak ang
isang mag-aaral ay ang paglalakwatsa, lumiliban sa klase kahit mag-isa lng ay natutunan
ang mamasyal, maglibang sa mga Malls o kadalasan ay may kasama rin na mga kaklase
at kabarkada . Kasama rin sa mga dahilan ay ang problemang dumarating sa isang magaaral na nakababagabag ng kanyang isipan, mga problema sa personal life nya , problema
sa pera at sa magulang, madaling maapektuhan ang pag-aaral ng isang mag-aaral dahil sa
mga personal problem na ito. Isa rin sa nagiging dahilan ng pagbagsak ng isang magaaral ay ang paggamit ng computer hindi upang mag riserts ng kanilang gawain sa
paaralan kundi maglaro ng DOTA , LOL, CS GO at iba pang online games.

http://www.kmc-service.com/mga-dahilan-kung-bakit-bumabagsak-sa-klase
http://cop.hlcommission.org/Learning-Environments/cherif.html

Kaugnay na Pag-aaral
A problem running through almost all of the categories is that too many students
come to college without the necessary preparation. They lack numerous academic skills,
such as critical thinking, writing skills, and math and science backgrounds. And also
according to the study of Higher Learning Commission the Lack of Effort, Lack of
Interest and Motivation, and the last is the Personal Issues. This is the study, why students
failed to their subjects.
Ang ibang kabataan ngayon ay parang walang pakialam sa kanilang pag-aaral,
hindi nila iniisip kung babagsak sila sa klase at magiging dahilan ito para pahintuin sila
sa kanilang pag-aaral. Ayon sa mga datos na nakulekta o nalikom sa internet tulad ng
KMC Service for better life ng mga mananaliksik ang pinaka pangunahing dahilan ng
mga mag-aaral ay ang paglalakwatsa , pagbibisyo kasabay ng kanyang pag-aaral at ang
paglalaro ng computer
Maraming mag-aaral ang bumabagsak sa kanya-kanyang asignatura sa
kadahilanang iniisip nya ang sariling kaligayahan. Kahit hirap na ang magulang sa
pagtustos sa kanilng pag-aaral ay wala pa rin syang paki-alam dito.

Bigyan natin ng pansin ang kanilang ginagawa, gabayan sila para magkaroon ng
pokus sa pag-aaral, kilalanin nila ang kanilang mga kaibigan at iwasan ang mga
barkadang may bisyo. Malaking tulong ang teknolohiya sa pag-aaral kayat wag itong
aksayahin sa mga walang kuwentang bagay. Pahalagahan ang pagsisikap ng magulang
upang makapagtapos kayo ng pag-aaral. Sikapin na makatapos ng pag-aaral habang bata
ka pa. Time is Gold.

http://www.kmc-service.com/mga-dahilan-kung-bakit-bumabagsak-sa-klase
http://cop.hlcommission.org/Learning-Environments/cherif.html

Sintesis
Ang mga nakolektang datos sa ibat-ibang literatura at pag-aaral ay napagkumpara
ng mga mananaliksik na ang karamihan sa mga mag-aaral na bumabagsak ay mas inuuna
ang paglalakwatsa, pagbibisyo at paglalaro ng kompyuter sa halip na pag-aaral ang
unahin.

KABANATA 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptib sapagkat ito ang
mabisang paraan upang maisagawa ang sarbey at talatanungan para makalikom ng mga
datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang paraang ito para sa paksang ito
sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga respondante.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang pangunahing instrumento na ginamit ng mga mananaliksik ay ang sarbey at
talatanungan. Bukod dito ay may ilang riserts din ang ginawa galing sa internet.

Mga Respondante sa Pag-aaral


Ang mananaliksik ay gumamit ng tatlumpung (30) mag-aaral ng STI Academic
Center Calamba bilang respondante upang makatulong sa ginagawang pananaliksik.
Naipapakita rito ang mga sanhi ng pagbagsak ng mga mag-aaral sa STI Academic Center
Calamba sa kanilang mga asignatura sa taong 2015-2016.

10

Talahanayan 1
Lalaki
Katanungan
1.
Kabuuan
2.
Kabuuan
3.

oo
6

Babae
hindi
8

oo
5

11

14
11

16

14
7

hindi
11
5
16

11

11

Pangngangalap ng mga Datos

a. Kongklusyon
Napag-alaman ng mga mananaliksik na 26% na babae at 26% na lalaki na
mga mag-aaral sa STI Academic-Center Calamba ay 52% umano ang bumabagsak
dahil sa paglalakwatsa, panonood ng sine at pagliban sa klase. Dagdag pa rito ang
pag-iisip sa ibang mga bagay kaysa sa pag-aaral at sa kadahilanan ng pagiging huli
lagi sa oras ng klase kung kayat bumabagsak sa kanilang mga asignatura.
Ang natirang 48% naman ay binubuo ng 21% na lalaki at 27% na babae na
nagsasabing sa pinansyal na problema, paggamit ng internet, telepono at kompyuter

12

at mga bisyo tulad ng paglalasing ay nagiging dahilang ng kanilang pagbagsak sa


kanilang mga asignatura. Kasama na rin dito ang pakikipag-relasyon sa kapwa
kamag-aral, problema sa pamilya at pagtatrabaho kasabay ng kanilang pag-aaral.

b. Rekomendasyon
Marapat na taglayin ng isang mag-aaral na laging isa-isip na ang pag-aaral ay susi
para sa tagumpay. Maging disiplinado sa lahat ng oras at bagay lalong lalo na sa pagaaral. Maging maagap para di na mahuli sa takdang oras ng mga klase. Kung mararapatin
ay huwag bumarkada sa mga mga kapwa niya kamag-aral o tao na ilalayo sa tamang
landasin. Magkaroon ng Time Management para sa iyong pag-aaral, sa iyong pamilya, sa
iyong sarili at sa iyong mga kaibigan upang maiwasan na muling bumagsak sa mga
asignatura. Sikapin na makatapos ng pag-aaral habang bata pa dahil nasa huli ang pagsisisi.

13

Para sa mga susunod na mananaliksik marapat na pag-aralan mabuti ang napiling


paksa. Suriin ang mga sakop nito at mga kaugnay. Palawakin ang kaalaman sa mga
nakuhang impormasyon o detalye at maglahad ng sariling opinyon, reaksyon o pananaw
para makatulong sa pagririserts.

Talasanggunian
Websayt:
Anonymous Contributor
http://www.kmc-service.com/mga-dahilan-kung-bakit-bumabagsak-sa-klase
Anonymous Contributor
http://cop.hlcommission.org/Learning-Environments/cherif.html

14

You might also like