You are on page 1of 2

Gawain 2

Panuto: Basahin at suriin ang teksto batay sa mga inihandang katanungan.

Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si May Jane, isa akong biktima ng
ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya,
naniwala ako sa isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong at
dahil sa kabaitan niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.

Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong bag na binili ng kaibigan kong nagsama sa akin sa
ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng kamatayan.

Salimang taon ng pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong
kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga
kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng
ipinagbabawal na gawain, marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas.

Karamihan sa kanila ay itinatkwil ng knailang pamilya, napapariwara, at nasisira ang pag-aaral.


Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamot at marami na rin akong nakitang
namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs.
Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng
ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang
inyong buhay.

Naniniwala ako sa hindi ninyo paggamit ng drugs o masasangkot sa ano mang klase ng illegal
na trabaho, may magandang kinabukasan na naghihintay sa inyo.
Huwag kayong makakalimot sa Panginoong Diyos, siya ang maggagabay sa inyo para hindi
malihis ng tamang landas.

Kayong mga kabataaan ang pag-asa ng ating bayan at magiging bayani ng ating
bansa.Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal at palaging mapasainyo ang pagpapala ng
Panginoong Diyos magpakailanman. Amen.

Atanacio 2016

Tanong
1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?
____________________________________________________________________
2. Sino ang sumulat ng liham? Ano ang kaniyang katauhan?
____________________________________________________________________
3. Paano ginamit ang mga elementong pathos at logos sa kaniyang liham?
____________________________________________________________________
4. Masasabi bang isa itong mabisang tekstong manghihikayat?

_______________________________________________________________
5. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig?
______________________________________________________________

You might also like