You are on page 1of 1

Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas.

Ako si Mary jane, isa akong biktima ng


ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako
sa isang tao na bibigyan niya ako ng isang trabaho sa ibang bansa bilang katulong,at dahil sa kabaitan
niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.

Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong bag na binili ng kaibigan kong nagsama sa akin sa ibang bansa
at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng kamatayan.

Sa limang taon na pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong kasama
ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at dahil sa
maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na gawain,
marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas. Karamihan sa kanila ay itinatakwil ng kanilang
pamilya, napapariwara, at nasisira ang pag-aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na
gamot at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs.

Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng ipinagbabawal na
gamot o magbebenta, walang idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong buhay.

Naniniwala ako sa hindi ninyo paggamit ng drugs o masasangkot sa ano mang klase ng iligal na trabaho,
may magandang kinabukasan na naghihintay sa inyo.

Huwag kayong makakalimot sa Panginoong Diyos, siya ang maggagabay sa inyo para hindi malihis ng
tamang landas.

Kayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan at magiging bayani ng ating bansa.

Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal at palaging mapasainyo ang pagpapala ng Panginoong Diyos
magpakailanman. Amen.

God Bless Us.

Mary Jane

Liham ni MaryJane Veloso, isang Pilipinang nasa deathrow sa Indonesia, para sa mga kabataang Pilipino. Pinanatili ang porma ng sulat ngunit
itinama ang baybay ng ilang salita.
Mula sa http://www.gmanetwork.com/news/story/476718/news/pinoyabroad/look-in-handwritten-letter-mary-jane-veloso-tells-youth-
to-stay-away-from-drugs

You might also like