You are on page 1of 5

PROYEKTO SA EsP

KABATAAN AT DROGA

Emmanuel James A. Abad

Ipinasa kay: Gng. Mendoza


Ang mga ipinagbabawal na gamot ay nanggagaling sa mga Drug den o kaya nama’y
Drug laboratory na patagong ginagawa ng mga Drug lords. Ito ay nakukuha ng mga tao galling
sa mga drug pushers na nagbebenta ng droga. Ang droga ay nakakaadik dahil sa mga sangkap
nito at ang kabataan ang karaniwang natutulak na magdroga dahil hindi pa nila masyado alam
ang kanilang mga pinapasok na mga bagay kaya naman sila ang nalululong dito. Nakukuha ito
ng mga kabataan galling sa mga drug pushers na nagbebenta nito upang pagkakitaan at ang mga
kabataan naman ay binibili ito gamit ng pera ng kanilang magulang o kaya naman sa
pagnanakaw o kaya sap ag gawa ng iba pang krimen.
Dahil sa mga pangyayari na ito, ang ating pamahalaan ay gumagawa ng iba’t ibang
programa ukol dito gaya ng “Tokhang” at iba pang mga programa. Maraming nasisirang mga
pamilya dahil sa droga dahil napapariwara ang mga kabataang kasapi nito at nadadamay ang
kanilang pamilya dahil sa mga ginagawa nila. Masama rin ang epekto ng ipinagbabawal na droga
sa kabataan dahil naaadik sila sa gamot na ito na nagdudulot ng hindi pagpasok sa eskwelahan
dahil nawawalan na sila ng pakialam sa edukasyon kapag naadik. Ito rin ay nagdudulot ng
masamang epekto sa ibang tao na nakakasalimuha nila dahil naiimpluwensyahan nila ang mga
ito na gumamit din ng droga.
Maraming tao ang pwedeng makapagimpluwensiya sa isang kabataan na gumamit ng
droga, maaaring kaibigan niya, mga taong nasapaligid niya o kaya ang kanyang mismomng mga
magulang, pero kung ako ang tatanungin sila mismo ang may kasalanan kung bakit sila
nalululong dito dahil sila ay malaki na at may kakayahan nang makapagisip ng tama o mali kaya
dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng maayos at dapat ay piliin nila ang
kanilang magiging mga kaibigan. Kung sila ay nalulong na, maaari parin naman silang magbago
at bumangon mula sa pagkakamali nila at magbagong buhay dahil maraming tao sa paligid nila
ang lagging nandyan para sa kanila.
v

You might also like