You are on page 1of 1

Droga, Ang Ipinagbabawal na Gamot

Angela Izavelle Rafanan

Marami na silang sumuko at tumanggi ngunit patuloy pa rin ang paglaganap ng illegal
na droga lalong lalo na sa ating bansa. Pansin mo ba? Halos mga kabataan ang mga
gumagamit at nalululong dito? Paano nga ba natin ito maiiwasan? Dapat pa ba itong itigil
o ipagpaliban nalang? Bakit hindi ito maiwas-iwasan?Dapat na nila itong iwasan dahil ang
droga ay nakakaapekto sa ating kalusugan, pwede ring humantong sa pagkabigo sa
akademiko at nagpapahamak sa sariling kaligtasan. Kasi kung sino pa ang siyang may
kaya sa buhay, sila pa ang nagpapalaganap sa mga illegal at ipnagbabawal na gamot na
siyang humahantong sa mga krimen, pagnanakaw at iba pa. Ang paggamit ng droga ay
nakakagambala sa pansin. Isa sa mga dahilan kung bakit naaabuso ang paggamit ng
droga ay ang stress, na siyang nakapagbibigay ng problema sa pamilya, paaralan at
lipunan. Sa kabila ng pag alam sa mga mapanganib na epekto ng droga, ang mga tao ay
gumugugol at sinasayang ang sandamakmak nilang mga pera para lang makalimot sa
mga alaala at kalungkutan upang maghanap ng sariling kaligayahan. At kapag ang isang
tao ay lulong na sa droga, napakahirap na itong itigil. Kung kaya’y habang maaga pa,
maging aware at alerto na sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil ang mga gamot
na ito ay naglalaman ng mga kemikal sa pagbabago ng katawan na siyang ikinikilos at
iniisip ng isang tao. Hindi ito mabuti para sa kalusugan dahil may dala silang pinsala sa
ating puso, utak at mga mahahalagang parte ng ating katawan dahil ang paggamit ng
gamot na ito ay natupok sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng pag-inject, pag-apply sa
balat pati sa bibig at ang paninigarilyo at kapag ang isang gamot ay napakahalaga na sa
isang tao ay hindi na maaring maging normal kung wala ito.

Bilang isang kabataan na hindi pa gaanong mulat sa mundong ito ang maipapayo ko
lamang na mga epektibong paraan para hindi malulong at maitigil na ang paggamit ng
droga ay magkaroon ng magagandang kasamahan dahil ang mga kaibigan at kakilala ay
may pinakamalaking impluwensiya sa paggamit ng droga habang nagbibinata. Paglahok
sa mga laro at mga aktibidad sa lipunan, sa paraang ito hindi ka magiging malungkot at
magkakaroon ka ng walang sawang kasiyahan para sa magandang buhay. Maari ring
humanap ng iba’t ibang libangan, tulad na lamang sa pagbabasa ng libro, pagaaral kung
paano gawin ang isang bagay kung sa ganon ay magiging abala ka sa mga ito at magiging
balewala na saiyo ang mga illegal na gawain. Maraming mga paraan para dito, kaya dapat
tayong lahat ay maging responsable at magkaroon ng disiplina para sa sarili upang
maiwasan ang paggamit sa ipinagbabawal na gamot.

You might also like