You are on page 1of 2

Droga

Ano nga ba ang droga ? Sa aking kaalaman o nakikita sa kapaligiran, ito ay isang salot sa
lipunan na sumisira ng buhay ng bawat kabataan. Hahayaan pa ba nating dumadami ang mga
adik sa lipunan ? kung kaya naman nating itong sugpuin, bakit hindi ?
Sa aking nakikita o naririnig lahat ng gumagamit ng droga ay halos menor de edad o mga
kabataan.Dulot na rin siguro nito ay ang malaking impluwensiya ng mga barkada o mga
sindikato na ang tanging iniisip lamang ay ang kanilang sariling kapakanan.
Ang mapalad sa ganitong negosasyon ay ang mga drug lord sapagkat sila ay yumayaman. At
hindi sila mahulihuli dahil kaya nilang bayaran ang batas. Oh gobyerno ng Pilipinas saan ba
patungo ang ating batas? marami na ang nasira, marami na rin ang pumapatay; marami naring
nawasak na buhay, kayong mga DRUG LORD at pusher may natitira pa ba kayong konsensya?
Sa mga gumagamit nito sana kayoy mamulat sa katotohanang pansamantala lamang ang
kaligayahang dinudulot sa inyo.
Tayo namang mga Pilipino ay napakatanga natin. Bakit kamo? Halos wala na nga tayong makain
ngunit mas pinipili pa nating gumastos at bumili ng droga. Paano nalang ang kinabukasan ng
ating magiging mga anak at sa mga susunod na henerasyon kung tayo mismo ang nag papakita sa
kanila ng maling gawain.. Sa aking mga kapwa kabataan, gumising na at mamulat! Mag-isip at
gumawa ng tama para sa ating bansa.
Ni minsan ba ay sumagi sa ating isipan na maari tayong mamatay o magkasakit nang dahil
lamang sa mali at abusong pag gamit ng droga?Naisip niyo narin ba ang inyong kinahihinatnan
sa pag gamit ng droga? Sa palagay ko, tama lang ang desisyon ng ating kagalang kalang na
Pangulong si RODRIGO DUTERTE na patawan ng parusang kamatayan ang lahat ng
gumagamit ng pinagbabawal na droga at gayun din ang mga nag dadala ng droga sa ating
minamahal na bansang Pilipinas. Itoy Para matakot at itigil na ng mga sindikato ang kanilang di
kanais nais na gawain dahil lalo lamang dumarami ang mga gumagamit at naaadik rito.
Hahayaan pa ba natin ang ating mga mahal sa buhay o mga kaibigan na maging biktima sa
ganitong maling gawain?Hahayaan pa ba natin na lahat ng kabataan ay malulong sa
pinagbabawal na gamot? Hindi lingid sa ating kaalaman na karamihan sa ating mga kapwa
Pilipinoy nahihirapang humanap ng mas disenteng trabaho gayon pa man, hindi ito sapat na
dahilan upang kapitan ang patalim ni kamatayan, tulad nga ng sinabi sa isang kanta, Kung gusto
may paraan, Kung ayaw may dahilan. Siguro nga ay mas ninanais ng iba ang madaliang
pagkakakitan upang yumaman ng walang kahirap-hirap ngunit, naisip ba nila ang magiging
epekto nito sa kanilang binuong pamilya lalo na sa kabuoan ng ating lipunan? Kay rami rami ng
trabahong maaaring pasukan, sa buhay, diskarte lamang ang kailangan pero ang pagiging bahagi
ng isang maling gawain ay kailan may hindi magiging sapat na solusyon upang itaguyod ang
ating pang araw-araw na buhay.Mahirap na nga tayong mga Pilipino lalo pa nating pinapahirapan
ang ating buhay.Paano uunlad ang Pilipinas kung tayo mismo ang siyang gumagawa ng mga
bagay na ikakasira at ikakabagsak nito?.
Sa mga magulang, sanay pangalagaan nating mabuti ang ating mga anak.Maglaan ng sapat na
oras upang silay pagtuunan ng pansin at kausapin sa pagkat maaring silay may mabigat na
pasanin, minsan, dahil sa sobrang kalungkutan nagbabakasakali silang sa pamamagitan ng
paggamit ng pinagbabawal na droga ay mapagaan ang kanilang problema. Sanay tayoy
maalarma at mas lalo pang pagbutihin ang pag gabay sa kanila. Maraming salamat, at
magandang umaga!

You might also like