You are on page 1of 2

Sabi nila, mahalaga ang bawat boto, ang pagboto ay karapatan mo.

Totoo nga naman ngunit, sino ang dapat iboto? Sino


ang karapat-dapat sa pwesto? Ang pagboto ay ang kilos kung saan ipinahayag ng isang tao ang kanyang opinyon o
kagustuhan, publiko o lihim, tungkol sa isang isyu o panukala , sa isang pulong, isang sadyang katawan o halalan. Sa
mga demokratikong sistema , ang pagboto ay isang pangunahing karapatan. Sa pamamagitan ng pagboto, ang
mamamayan ay may posibilidad na ipahayag ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga awtoridad sa
politika na pinakamahusay na kumakatawan sa kanilang mga ideya, interes o halaga.(Encyclopedia Titanica, 2021).

Kadalasan kapag panahon ng eleksyon, nasusubok ang mga mamamayan sa pagpili ng mga susunod na pinuno ng bayan.
Nagiging kumpetisyon ito hindi lamang ng mga kandidato kundi maging ang kanilang mga taga-suporta. Ang karamihan,
nasa gitna at tila inaabangan kung sino ang maidedeklarang wagi. Lumitaw ang mga terminong bobotante dahil sa mga
ganitong uri ng tao; mga botanteng tila hindi nag-iisip o nagpapadala lamang sa agos. Kadalasan ring nagiging biru-
biruan ang eleksyon; nadaan sa kasikatan o sa mga patawa at nakakaaliw na personalidad. Tandaan, kapag ginawang
katatawanan ang eleksyon nagiging katawa-tawa rin ang bansa kaya mahalagang maging seryoso sa pagpili ng mga
mamumuno. (Reyes, 2021)

Noong 2016, ang dating senador na si Miriam Defensor Santiago ay nagsabing: “Nananawagan ako sa mga kabataan na
gawin ang tungkol dito (matalinong pagboto), buksan ang mga mata ng iyong mga kapit-bahay, hikayatin silang tumingin
sa unahan, ipayo sa kanila na bumoto hindi lamang para sa kanilang mga sarili kundi pati na rin sa kanilang mga anak at
apo. Tungkulin natin ngayon na isipin ang bukas, tungkulin natin ang magpasya sa kapalaran ng bansang ito. “. Ang
maagang pakikilahok ng kabataan sa eleksyon ay isang hakbang upang ihanda ang ating mga sarili upang mamuno.
Naniniwala ako na isa na tayo sa mga kumikilos at namumuno upang mapaunlad ang bansa ngayon. Maraming mga
kabataan ang nasa pulitika na nagagawang mamahala nang maayos. Hindi man tayong kabataan bihisa sa pamumuno
tulad ng mga nakatatanda, naniniwala pa rin akong mayroon tayong sapat kakayahan upang payabungin ang ating
bansa. Ito ang ating panimulang ambag sa mas mahusay at mas maunlad na Pilipinas kaya dapat nating pag-isipan nang
mabuti ang mga bagay na ito. Ayon nga kay Rizal: “Ang kamangmangan ay pagka-alipin sapagkat kung ano isip ay ganoon
ang tao; ang taong walang sariling isip, ay taong walang pagka-tao; ang bulag na tagasunod sa isip ng iba ay parang
hayop na sususnod-sunod sa tali.

Sa pagboboto, naranasan natin ang isang gawain na nagpapantay sa ating lahat. Ano mang relihiyon, kasarian, antas ng
pinag-aralan at katayuan sa buhay, ang ating boto ay magkakasinghalaga. At higit sa lahat, ang pagboboto ay isang
responsibilidad sa ating buhay, ang paghulma sa kinabukasan ay dinidiktahan ng ginagawa natin sa kasalukuyan. At dahil
dito, ang pagboboto sa isang kandidato na at may bahid ang repuatsyon ay isang pagdalisdis sa ikakasama ng katayuan
ng ekonomiya at lipunan. Kung may reklamo tayo sa mga namamahala sa kasalakuyan na gobyerno, hindi ba’t maaari
nating sisihin ang ating mga sarili sapagkat tayo ang nagluklok sa kanilang mga posisyon? Ipinauubaya natin sa kanila
ang buong bansa, kung kaya’t mga kapamilya, kaibigan at sa lahat ng kabataan tulad ko, Nawa’y ipagdasal natin ang
matalinong pagboto ng isa’t-isa sapagkat ang mga boto natin ang magdidita n gating kunabukasan.. Ipakita natin ang
ating pagkamakabayan at bigyang katuparan ang pagbabago para sa ikakaunlad ng bansa at ng mamamayang Pilipino.
Nasa ating kamay ang pagbabago. Handog natin ang pagbabago mahalaga ang pagbabago. Kung gusto mo ng
pagbabago, kung gusto mo ng mainam na solusyon, mainam na pagbabago ikaw ay bumoto dahil tiyak na ang boto mo,
ang boto ko, ang boto nating lahat ay katumbas ng kinabukasan ng isang buong henerasyon. Pakikinabangan ng buong
bansa, pakikinabangan ng lahat at pakikinabangan niyo.

Nandito po ako ngayon upang ipaalala sa inyo na isang taon na lamang ang kailangang lumipas at magkakaroon muli ng
botohan; magkakaroon muli ng halalan. Isa rin ako sa mga kabataang aabutin ng legal na edad at maaaring makaboto na
rin sa panahong iyon at napag-isip isip ko kung ako man ay pahintulutan na bumoto, ako ay boboto. Bakit? Sapagkat may
pake ako. Ikaw ba may pake ka ba? May pake ka ba sa mga nangyayari sa paligid mo? May pake ka ba sa inang bayan
mo? May pake ka ba sa mga kabalastugang nangyayari sa harapan mo? Sa lahat ng nasaksihan mo sa gobyerno ngayong
termino may pake ka ba? Inuulit ko, may pake ka ba talaga? O isa ka lamang sa mga tao; sa mga kabataang mahilig
manuro ng pagkakamali ng gobyerno. Mahilig manuro ng pagkakamali ng ibang tao ngunit siya mismo ay walang
ginagawa upang magbago. Kung may pake ka, patunayan mo, panahon mo na upang bumoto.

Bakit nga ba mahalaga ang pagboto? Unang una sa lahat isa itong pribilehiyo. Noon, hindi lahat ng tao ay maaaring
bumoto, hindi lahat ay may karapatang bumoto. Naalala mo ba ang women's right to vote noong 19th century? Ang mga
kababaihan noon ay walang karapatang bumoto. Ikaw ngayon na paparating sa wastong gulang o baka nasa wastong
gulang na na may buong layang bumoto, bumoto ka. Utang na loob bumoto ka. Wag mong sayangin yung panahon mo.
Wag mong sayangin yung oras mo yung pagkakataong ito na nasa harapan mo pagkakataong mabago ang mundo;
pagkakataong mapabuti ang bansa natin. Nabigyan tayo ng pagkakataon kaya bakit hindi natin ito gamitin?

Ikalawa, isa itong responsibilidad at obligasyon at responsibilidad mo bilang isang mamamayang Pilipino na makilahok at
bumoto sa bansa mo; sa bansang sinilangan mo. Iparamdam mo ang presensya mo at bigyan mo ng kapakinabangan ang
boto mo dahil lahat ay binibilang; lahat ay mahalaga. Iluklok mo ang tamang kandidato sa gobyerno: ang kandidatong
may pake sa mahihirap; ang kandidatong may pake sa lipunan sa kalikasan; at higit sa lahat ang kandidatong
maghahandog ng pagbabago para sa ikabubuti ng bansa natin. Ang kandidatong Ipaglalaban tayo; ang kandidatong
magbibigay ng tapat na serbisyo at hindi magtatangkang mangurakot at mandaya. Ating napagdaanan na ang Noli Me
Tangere ang El Filibusterismo; alam na natin ang mga pangyayari, alam na natin ang nangyari noon, alam na natin ang
mga kanser sa lipunan at ang mga dapat iwasan, at ang maaaring maidulot ng pamahalaan kung sakaling mapasakamay
ito sa isang mapangahas na tao. Kung ayaw na nating maulit ang nakaraan, ayusin na natin ito ngayon. Simulan na natin
ang pagbabago. Si Rizal ay umaasa sa kabataan sapagkat tayo ang pag-asa ng bayan, dahil tayo ang may panahon upang
makapag babago ng lahat.

Ikatlo, dito masusukat ang kapantayan ng mamamayan: mahirap man o mayaman, petiburgesya, magagawa lamang,
panginoong maylupa, ay isang balota lang ang kinakailangan para sa pagbabago. Mahalaga ang desisyon mo, mahalaga
ang balota mo, ang mahalaga ang boto mo. Tandaan tayo ang maghuhulma ng kinabukasan kaya't sulitin ang
pagkakataon, suriin nang mabuti ang mga kakandidato, paghandaan at pag-isipan ang bawat desisyon sa darating na
araw ng pagbot. Dahil ang boto mo ay higit pa sa mahalaga, napakahalaga ng partisipasyon nating lahat kaya kung may
paki ka, bumoto ka.

You might also like