You are on page 1of 1

“Nagmahal , Nasaktan , Lumaban”

Nais ko lamang itanong sa inyo , Sino ba ang nagkajowa na dito ?


Palagay ko'y karamihan naman sa inyo'y , Nakaranas na ng naranasan ko
Kaya't akin nang sisimulan , Ang mga karanasang aking natutunan
Galing sa mapait na nakaraan , Nagmahal , nasaktan , lumaban

Una , una mokong hinangaan sa paglalaro ko ng bola at lumaoy ikaw narin ang
nambola
Tinanong moko ano ang aking pangalan , sinagot ko jackielyn ang pangalan ko
Ngumiti ka at nagpasalamat sa akin , hindi ko maintindihan pero bakit ?

Ano , ano ang ibig sabihin nang mga ngiti mo nayan hindi ko lubos maisip kung bakit
pero iba ang tama nito sa aking isip
Nagbukas ako ng messenger at ikaw , ikaw na nagtanong ng pangalan ko
Nagulat ako at chinat moko , "Hi , pwedeng makipagkaibigan?" sabi mo

Nagreply ako , "Oo" hanggang sa humaba na ng humaba ang usapan at ito'y nauwi na
sa ligawan
Hindi ko inaakala , na "Oo" din pala ang isasagot ko sayo hanggang huli
Nanligaw ka halos isang taon , hindi nabaliwala lahat ng paghihirap mo dahil "Oo ,
sinasagot na kita"

Masaya tayo , mahal kita , mahal natin ang isa't isa , wala tayong problema , kulitan
asaran at marami pang iba pero bakit ganon ?
Parang may kulang , hindi ko alam kung ano basta ang nasa isip ko mahal moko
Teka sapat bayon ? Na sa tuwing may ganon , dapat ba akong gumanon , ang labo
naman non
Hanggang sa ito na nga , lumabo nang tuluyan ang ating samahan na nauwi sa
hiwalayan

Hindi man lang pinag-usapan kung ano ang dahilan para tayo'y magkaintindihan pero
ito'y iyong pinabayaan
Ano pang magagawa ko , kung ikaw mismo sumuko na ayaw mona sawa kana at tinigil
mona , tinigilan mona akong mahalin pa
Masaket , oo masaket sa tulad ko na lumalaban pa kinakaya pa pero yung isa ayaw na
Kasi sabi mo hindi ka susuko , sabi mo hindi ka magsasawa hindi ka titigil na mahalin
ako pero anong ginawa mo , iniwan mo parin ako
Binaliwala mo lahat , sinayang mo lahat , tinapon mo lahat at eto ako ngayon , iniwan
mong nag-iisa

Akala ko kase magkakatotoo yung sinabi ko sa sarili ko na kung sino yung una siya na
hanggang huli , pero hindi pala
Isang malaking kabiguan , akala ko lang pala , pinaasa ko lang ang sarili ko sa wala
Sana masaya kana ngayon sa buhay mo , dahil ako ? Pinatawad na kita , oo pinatawad
na kita kase mahal kita sobra

Kundi dahil sayo , hindi ko makikilala yung taong minamahal ako ng sobra ngayon
Na yung pagmamahal kong ginawa sayo ay gaya ng pagmamahal niya sakin
Salamat dahil may tatlo akong natutunan sayo , at yon ay natuto akong magmahal ,
masaktan , at lumaban.

You might also like