FILIPINO SCRIPT
Narrator: May isang mag-asawang nakatira sa malayong bayan ng Nalbuan. Sila ay sina Don Juan at
Namongan. Isang araw, iniwan ni Don Juan ang kanyang buntis na asawa at pumunta sa kabundukan
upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot (Don Juan nakikipaglaban sa mga igorot) Habang sya ay
nasa kabundukan…….
Aliah: Ire!
Ambreen: Aaaaaahhhh! (Struggling)
Aliah: Sige pa!!
Ambreen: Oooooh! Aaaaaahhh!( continous)
Aliah: Lalaki ang iyong anak
Narrator: Kakaiba ang sanggol na isinilang ni Namongan sapagkat pagkasilang pa lamang nito ay
nakakapagsalita na
Sean: Namongan, aking ina nais kong Lam-ang ang iyong ipangalan sa akin. Nasaan ang aking tatay?
Ambreen: aking anak, Lam ang, ikaw ay nasa akin pang sinapupunan, nang ang iyong ama ay umalis at
nagpunta sa bundok upang malutas ang kanyang away sa isang grupo ng mga Igorot doon.
Narrator: Nalungkot si Lam ang. Hindi pa nya nakikita ang kanyang ama buhat ng sya ay isinilang at
nasasabik na syang Makita ito
Sean: Matatagalan kaya ang kanyang pagbabalik?
Ambreen: Hindi ko alam, ni hindi ko, Ni hindi ko man lamang sigurado kung buhay pa sya
Narrator: Dahil doon, napagpasyahan nyang pumunta sa kabundukan at hanapin ang kanyang ama
Narrator: ISang araw sa kanyang paglalakbay, may napanaginipan syang kakaiba. Sa knayang panaginip
ay nakita nya ng ama na walang awing piñata ng mga Igorot. Lubos syang namuhi sa kanyang
pagkagising
Narrator: pagkalipas ng siyam na buwan, sa wakas ay narrating nya ang nayon ng mga igorot
Sean: Mga igorot! Sabihin nyo sa akin kung ano ang napakaruming bagay na ginawa nyo sa aking ama.
Karapatan nyo lamang na pagbayaran ito.
Ella: aming kaibigan Lam Ang tama lamang an gaming ginawa, kaya bumalik ka nalang sa inyong tahanan
Sean: hindi ako nasisisyahan sa inyong bilang ( pinatay lahat ni lam ang mga igorot maliban sa isa)
Sean: ( nakaharap kay celine) Lakad!!!!! Sabihin mo sa tribo mo na ako si lam ang ay pinatay ang inyong
pulutong!
Narrator: Sa kanyang pag uwi sa nalbuan, napadaan sya sa ilog ng Amburayan. Doon ay naligo sya upang
maalis ang mga dugo at dumi sa kanyang katawan ngunit ito’y nakapatay ng mga hayop sa ilog
Narrator: Nang sya ay nasa wastong gulang na upang magasawa ay may nakilala syang isang magandang
babae, si Ines Kannoyan, at sya ay umibig ditto
Sean: Ina, nais kong ligawan si Innes Kannoyan, sya ay isang maganda at masipag na dalaga na nakatira
sa Calanutian.
Ambreen: Ngunit hindi iyon ganon kadali! Gusto nila ang lalaking matipuno at mayaman
Sean: mangyaring wag mo akong ipagkanulo aking ina, sapagkat makakarating ako doon ng walang kahit
anong playa
Narrator: Hindi napigil si lam ang saka naglakbay
Narrator: sa kanyang paglalakbay, ay nakasalubong nya si Kaybigang Sumarang. May Malaking mata na
sinlaki ng plato at may ilong na sinhaba ng dalawang talampakan
Sean: Kaybigang Sumarang, saan ang iyong punta?
Vincent: Kaybigang lam ang, ako ay pupunta sa Calanutian upang umakyat ng ligaw para kay Ines
Kannoyan
Sean: Subalit Kaybigan, doon rin ang aking punta, na may parehas na layunin, at sa palagay ko kaylangan
na nating pumunta sa magkaibang direksyon
Vincent: Ihanda ang iyong katapusan at subukang ipagtanggol ang iyong sarili dito sa aking sibat
Sean: maglaban na lamang tayo! (makikipaglaban)
Narrator: Nadako sila malapit sa bayan nina Ines Kannoyan
Narrator: Kinuha ni Lam an gang hangin at malakas na inihagis kay sumarang na napadpad sa ikapitong
bundok
Sean: Katapusan ko pala ha
Narrator: nagpatuloy sya sa paglalakbay paunta sa bahay ni ines kannoyan kasama ang kanyang
paboritong puting manok at aso. Nang makarating sya sa bahay ay nainis sya sa dami ng manliligaw ni
Innes Kannoyan
Narrator: Kaya naman inutusan nyang tumilaok ang kanyang manok . Noon din ay gumuho ang bahay ni
Ines at nangamatay lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan naman nyang tumahol ang aso at tumahol
nga ito. Mabilis naming nabuo ulit ang bahay nila Ines
Narrator: Lumabas si Ines at ang kanyang mga magulang upang salubungin sya. Ipinaramdam ng
tandang ang pagmamahal ni lam ang kay ines kannoyan
Tandang: ang aking panginoon na si Lam ang ay iniibig ka at gusto ka nyang pakasalan Tiktilaok
Casey: Pakakasalan kita kung matutumbasan mo ang aming kayamanan
Narrator: Ang pagsubok na ibinigay ni Ines ay hindi nakapagpahina ng loob ni Lam ang. Umuwi sya at
bumalik kasama ang isang malaking Bangka na puno ng ginto, hinigitan nito ang kayaman nila Ines
Narrator: ikinasal sila at namuhay ng masaya
Narrator: pagkatapos ng ilang buwang pagsasama
Julian: Kaibigang Lam ang, nais kitang palalahanan na ikaw na ang sususnod na maninisid upang hulihin
ang isdang rarang ( aalis)
Sean: aking asawa, napili ako para sumisid upang hanapin ang rarang, nanaginip ako na makakain ako ng
pating na berkakan. Kapag nangyari ito, sasayaw ang hagdan,ang kusina ay babagsak, at mababasag ang
ating kalan
Narrator: dumating na ang araw at umalis na si lam ang. Pagdating sa ilog agad syang sumisid para sa
rarang, ngunit sa kasamaang palad nangyari ang kanyang napaniginipan at nangyari ang mga
palatandaan na ibinigay ni lam ang na sinabinya kay Ines, kaya nanghingi ng tulong si kannoyan kay
Marcos, ang Maninisid
Casey: Ikaw ba si marcos?
Julian: Oo, ano ang maitutulong ko sa iyo?
Casey: maari mo bang hanapin ang buto ng aking asawa?
Julian: Masusunod
Narrator: sumisid si marcos. Sa kanyang unang pagsisid, sya ay nabigo. Pero sa pangalawang
pagkakataon, nahanap nya ang buto ni lam ang kung saan sya kinain ng pating. Kinuha nya lahat ng buto
at siniguradong walang maiiwan. Pagkaahon nya, nilagay nya nag mga buto sa isang tela. Tumilaok ang
manok at nagsimulang gumalaw ang mga buto. Tumahol naman ang aso ng dalawang beses, at nagulat
sila ng biglang tumayo si lam ang
Sean: tiyak na nakatulog ako, aking asawa. Ang tagal nating hindi nagkita
Casey:}: Ang lahat ng mga palatandaan na ibinigay mo sa akin ay ang sanhi ng aking pagiyak. Sapagkat
hindi ko makakaya, hindi ko makakaya na mawala ka. Namiss kita ng labis
Sean: Hindi, hindi iyon mangyayari, aking asawa
Narrator: At namuhay sila ng masaya
THE END