You are on page 1of 38

LOLABASYANG.

COM
Episode 1: “MARYANG MAKILING”
Final Script as of June 1, 2015 (Draft 8)
Writer: Ivan Payawal
Head Writer: Jun Lana/Elmer Gatchalian
Director: Percival M. Intalan

1. INT. LOLA B HOUSE / DINING. DAY.

Makikita natin ang isang magandang dining room. Nagtatakbo si


AXEL, 5 years old, papalapit sa camera.

AXEL
Lola B! Lola B! Nandito na sila!

Tatakbo papunta sa dining table si Axel at uupo. Makikita


nating may Ipad (o Telpad) sa lamesa. At sa screen makikita
sina AIKA, 8 years old, at CHRIS, 10 years old.

AIKA / CHRIS
Hello po Lola B!

Reveal LOLA B, tila galing sa kusina, nagtatanggal ng oven


mitts. Lalapit sa Ipad (o Telpad). Makikita natin na si AXEL
ay naglalabas ng sarili niyang Ipad sa lamesa.

LOLA B
Hello mga apo! Kamusta na kayo?

2. INT. ROOMS (WEBCAM / SPLIT SCREEN) DAY

Sa Ipad (o Telpad) screen, makikita natin ang tig-iisang


window nina Lola B, Axel, Aika at Chris

LOLA B
Aika kumusta na kayo ng Mommy mo diyan sa
Japan?

AIKA
Konnichiwa! Ok naman po Lola B!

LOLA B
At ikaw Chris, nagpa-practice ka bang mag-
Pilipino diyan sa Guam?

CHRIS
K-konti langpoh.
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
LOLA B
Etong si Axel, kanina pa ako kinukulit kung
ano ang ikukuwento ko ngayon

CHRIS
We checked your blog Lola

AIKA
Wala pa po kayong bagong story na pino-post

LOLA B
Kasi isusulat ko pa lang ito mamaya! Kaya
kayo ang unang makakarinig ng kuwentong
ito...Simulanna natin ha...

3. EXT. FOREST DAY

Makikita natin ang isang malawak na gubat

V.O. LOLA B
Noong unang panahon--

Tapos mag-f-freeze.

CHRIS
Excuse me Lola B...

4. INT. ROOMS (WEBCAM/SPLIT SCREEN) DAY

CHRIS
Why do these stories always start with “Noong
unang panahon”?

LOLA B(matatawa)
Simula pa lang may question na agad si
Chris!“Noong Unang Panahon” ang simula ng mga
kuwento natin dahil bumabalik tayo sa panahon
na bata pa ang mundo.

AIKA
Kyōryū no toshi
(Panahon ng dinosaurs?)

LOLA B
Ha? Aika anong sabi mo?

2
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
AIKA
Sorry Lola, na-excite lang ako.
Ang sabi ko, ibig sabihin ba
ng Noong Unang panahon
ay Year of the dinosaurs?

LOLA B
Not necessarily…Hindi ito panahon na nakasulat
sa kasaysayan kundi panahon na abot ng ating
imahinasyon.

5. EXT. FOREST/BATIS DAY

VO LOLA B
Panahon ito nang ang mundo’y puno ng mahika…

Makikita natin ang kakaibang gubat na ito na parang nasa


ibang mundo. Iba’t ibang bulaklak ang nakapalibot sa
malalaking puno.

V.O. LOLA B
Sa mundong ito, may isang malawak na gubat,
kung saan may mahiwagang batis na mapupuntahan
mo lang kung magpapakita sa iyoang mga Diyosa
ng Kagubatan… Si Maryang Marikit…
Si Maryang Maantas
Si Maryang Makahiya…
At si Maryang Maawit…

Makikita nating nag-e-emote na feeling maganda si MARyANG


MARIKIT, nagdadakdak naman habang nagsasalok ng tubig si
MARyANG MAANTAS, kiming nag-aayos ng buhok si MARyANG
MAHIYAIN, at nag-vo-vocalize si MARyANG MAAWIT.

VO LOLA B
Ngunit ang pinakamaganda at
pinakamakapangyarihan sa kanilaay ang Diyosang
tagapag-alaga ng gubat
gamit ang isang Mahiwagang Libro…

Makikita muna ang kamay, ang buhok, ang libro, then reveal si
Mariang Makiling, nakasalumbaba at tila nag-iisip ng isusulat
sa libro, may hawak siyang quill.

MAKILING (biglang may idea)


Alam ko na!

3
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

Sisipol si Makiling pero siya ay nahihirapan. Uulitin niya


ulit ang sipol... hindi pa rin makasipol.

MAKILING
PSSSST! Libro ng kahilingan! (bilis mag give
up)

Lalabas ang libro ng kahilingan na lumilipad papunta sa


kanya. Pagkahawak niya dito, siya ay magsusulat ng kahilingan
sa libro gamit ang feather 'ballpen' na nakasabit dito.
Isusulat niya ang 'Sana magkaroon ng bahaghari sa batis' ---
May lalabas na bahaghari sa kalangitan. Palakpakan ang mga
kapatid.

MAKILING
Ay, may reaction! Kayo naman, o! Thank you mga
sis. Shucks. Actually, walayan, spur of the
moment lang, ganun...

Patuloy sa pagtanggap ng papuri si Makiling na pa-humble


effect.

VO LOLA B
Ito ang kuwento ni MARyANG MAKILING

Cut to:

TITLECARD

6. EXT. THRONE AREA DAY

Mula sa malayo, may makulay na MAYA ang mabilisna lumilipad


papunta sa trono ni Mariang Makiling. Mukhaitong nangangamba
na parang may mga kalabang parating.Mapapansin ito ng ibang
mga diwata. Patuloy na iikot na lumilipad si Maya sa itaas ng
ulo ni Makiling.

MAYA
Makiling!

MAKILING
Maya? Ano’ng nangyari!

MAYA
May dalawang lalaking paparating!

4
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
MAKILING
Bakit sila nandito?Anong tsismis mo?

MAYA
Ewan ko pero ang dinig ko naghahanap ng yaman?

Tatayo si Makiling sa kanyang trono at siya ay maglalaho


parang bula.

MAYA
Etong si Makiling naglahong parang bula...

Bigla-biglang may susulpot na bula — literal na bula -dahil


si MAKILINGay naging isang bula na hinihipan ng hangin.

MAYA
Ay...infairness bula nga!!!

Lilipad si Maya kasabay ng bula.

7. EXT. GUBAT - MAHOGANY DAY

May dalawang tao na mukhang naliligaw sa gubat. Sila ay


sinaTOMAS,makisig at matipuno pero mukhangpagod na,atSIMON,
na bakas sa maamong mukha ang pag-aalala. Mauupo si Tomas sa
isang malaking bato.Mapapansin ito ni Simon sa kanyang
likuran.

SIMON
Hindi tayo puwedeng huminto!

TOMAS
Kanina pa tayo paikot-ikot!

SIMON
Nauubusan na tayo ng oras! Si Lola,
kailangan gumaling at ikaw? Ayaw mo
bang mabayaran lahat ng utang mo?

TOMAS
Siyempre gusto! Sino bang ayaw
mawalan ng problema! Pero nagugutom
na ako! Ang sakit na ng paa ko!
Naliligaw pa tayo! Pagabi na rin!
Paano na natin makikita ang waterfalls!?

SIMON

5
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Ang dami mo namang reklamo! Isipin
mo nalang ang magagawa mo pag
nakuha na natin ang kayamanan.

Mapapaisip si Tomas.

TOMAS
Sige na nga!

Tatayo si Tomas nang biglang siya ay namutla. Parang gusto


na niyang maihi sa salawal.

SIMON
Obakit parang nakakita ka ng…

Lilingon si Simon at makikita ang isang mahiwagang malaking


COBRANG ANACONDA.

SIMON
Ahahaa--ahaaaaaasssss!!!

Parang nawalan ng dugo si Simon at hindi


makagalaw.

SIMON
Huwag kang tatakbo....

Agad-agad namang tumakbo si Tomas na nagsisigaw na parang


babae sa kagubatan. Mananatili si Simon sa kanyang
kinalalagyan.

AHAS
Hindi mo ba susundan ang kasama mo?

Halos di makapaniwala si Simon na nagsasalita ang ahas.

AHAS
Wala ka bang dila?

Sabay labas ng mahabang dila ang anaconda.

AHAS
SUMAGOT KA!

SIMON
Meron...meron...

AHAS

6
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Bakit ka nandito
sa kagubatan ko?!

SIMON
Hinahanap ko ang
diwatang si Mariang Makiling.
Sabinila, matutulungan daw niya kami.

AHAS
Sino? Walang Mariang Makiling dito.
Umalis ka na bago pa kita kainin!

SIMON
Hindi po ako manggugulo, gusto ko
lang pong humingi ng tulong. Ang
lola ko, may sakit — naghahanap
lang po ako ng gamotpara sa sakit niya.

AHAS
Gamot?!Mukha bangmay botika dito?

SIMON
Wala ng gamot namakapagpapagaling salola ko.
Pero sabi nila, ang mga diwata ng
kagubatan ay may gamot na kayang
tanggalin ang anumang sakit.

AHAS
Weh… Di nga? Talaga?

SIMON
Ang gusto ko lang ay makausap si Mariang
Makiling at baka sakaling
payagan niya ako na makapunta sa mahiwagang batis…
Sabi nila, mabait si Mariang Makiling.

AHAS
Papayagan kitang makita ang batis
perosa isang kundisyon...

SIMON
Kahit ano...para kay lola.

AHAS
Kailangan mong sagutin ang bugtong ko…
Kapag tama ang sagot mo,

7
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
dadalhin kita sa batis…
Pero kung mali — hinding-hindi ka na
makakauwi na buhay…
(laughs) Ssssss…

SIMON
(mapapaisip muna, kinakabahan) Ahhh…
(Pagkaraan ng ilang saglit) Sige game!

AHAS
Matapang.... Isang bugtong...isang
sagot.. Handa ka na ba?

SIMON
Opo.

AHAS
Heto na si Kaka, sunung-sunong angdampa....

Patay. Hindi alam ni Simon ang kasagutan.

SIMON
Tao ba ito?

AHAS
Hindi.

SIMON
Lugar?

AHAS
Hindi.

SIMON
Bagay? Gamit sa bahay? Sa opisina?

AHAS
Hindi.

SIMON
Pagkain? Prutas? Gulay?

AHAS
Hindi ito Pinoy Henyo! Sasagutin mo
ba o hindi dahil gusto na kitang kainin!

SIMON
Sandali lang po... Hindi tao,

8
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
lugar, bagay... hayop...hayoppp...
Si Kaka.... Sunung-sunong...
Ahhh... Alam ko 'yan...
Napag-aralan namin ‘yan sa elementary!

AHAS
Ssssss....

SIMON
Hindi ahas!

AHAS
Ssss...

Matatauhan si Simon.

SIMON
PAGONG! PAGONG! PAGONG!

Magugulat ang ahas.

AHAS
Sigurado ka na ba sa sagot mo?

SIMON
Opo?

AHAS
Puwede ka pang magpalit.

SIMON
Sure na yan.

AHAS
(whispering)
Dapat kasi hinirapan ko.

SIMON
Ano po?

AHAS
Ay wala, wala....

Magugulat nalang si Simon at maglalaho ang ahas.Magliliwanag


ang buong kagubatan. Masisilaw si Simon atmakikita niya si
Mariang Makiling. Magugulat si Simon atmabibighani sa
kagandahan ni Makiling. Slow mo effect kay Simon na mukhang
smitten kay Makiling.

9
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

Sa kabilang dako, makikita nating sumisilip si Tomas at


makikita din niya si Makiling.

Tititigan ni Makiling si Simon. Nanlalambot ang mga tuhod ni


Simon.

8. EXT. BATIS DAY

V.O. LOLA B
Pagkatapos ng mahabang lakaran,
manghang-mangha si Simon nang
makita niya ang mahiwagang batis.

Pagbukas ng mga mata ni Simon, nandoon na siya sa batis.

V.O. LOLA B
Hindi ito basta-basta makikita
ng ordinaryong tao, lalo na ang mga taong
may masamang balak.

Si Tomas ay magtatago sa may puno sa ibaba ng batis. Makikita


niya sina Makiling at Simon.

Magugulat nalang si Simon nang mag-mamagical gesture si


Makiling na parang karate kid at tapos lalabas ang kayamanan
ng kagubatan mula sa tubig ng batis.

V.O. LOLA B
Hindi makapaniwala si Simon sa
kanyang nakikitang mga kagamitan na
yarisa ginto at diyamante.

Makikita ni Simon ang mga kayamanan ng kagubatan. Pero


balewala ang yaman na nakikita sa nakikita ni Simon.
Hindimaalis ni Simon ang kanyang tingin kay Makiling.

MAKILING
O, kanina ka pa hindi umiimik.
Akala ko ba gusto mong makita ang mga ito.

SIMON
Maraming salamat,diwata
pero ano ba ang itatawag ko
sa isang Diyosang katulad mo.

MAKILING
Naku di naman masyado...

10
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Tawagin mo nalang akong MaryangMakiling.

SIMON
Ikaw si Maryang Makiling?

MAKILING
Hindi... Ako si Sailor Moon…
Tawaginmo akong Sailor Moon...
Ano ba, kasasabi lang...

SIMON
Maryang Makiling, ako siSimon...
Gusto ko sanang humiling sa ‘yo
kung puwede mong pagalingin ang lola ko...
Mahal na mahal ko ang lola ko.

Lalambot ang puso ni Makiling.

SIMON
Parang awa mo na. Meron po bang
magic dito na puwedeng magpagaling
kay lola? Kahit anong kapalit!
Bastagumaling lang siya.

Tahimik.

MAKILING
Malinis ang iyong puso. Kung nabubuhay
pa ang nanay o lola ko, malamang ay
gagawin ko rin ang ginagawa mo.

Tatawagin ni Mariang Makiling ang lumilipad na libro. Pipito


siya ulit, puro laway lang ang lumabas.

MAKILING
(pasigaw)
PSSSST libro ng kahilingan! yooohooo?!

Lilipad ang libro papunta sa kanya. Magugulat si Simon at


mahihiwagaan sa kanyang nakikita. Laking gulat ni Simon nang
biglang parang naging maamong tuta ang libro kay Makiling.

MAKILING
Good boy...good boy...

Nang makita ng libro si Simon, bigla nalang ito magagalit na


parang aso. Matatakot si Simon.

11
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

MAKILING
Huwag kang matakot.

LIBRO
GRRRRRRRRR....

MAKILING
Magtiwala ka...

Dahan-dahang hahawakan ni Simon ang libro... Agad itong aamo


at lilipad patungo sa kanya...Matutuwa si Makiling.

MAKILING
Anglibro ng kahilingan ay hindi basta-
basta mahahawakan ng kahit sinoman.
Kung ang puso nghumahawak nito
ay dakila at mabuti,
tutuparin niya ang mga
kahilingan mo. Pero pag nahawakan
ito ngmay masamang balak, maraming
puwedeng masamang mangyari hindi
lang sa humahawakkung hindi
pati na rinsa aming kaharian.
Ipapahiramko sa ‘yo ang libro ng kahilingan…
Ang kailangan mo lang gawin ay isulat mo
sa blankong pahina ang kahilingan mo.

Agad-agad kukunin ni Simon ang panulat sa tabi ng libro.

MAKILING
Sandali, Simon…Kung ang kahilingan mo
ay gumaling ang lola mo,
kailangan mong dalhinang libro sa tabi niya
at saka mo isulat ang hilingmo.

Magugulat nalang si Simon nang biglang magsusulputan ang mga


kapatid ni Makiling na sina Makahiya (na tila hiyang hiya),
Maantas (mukhang galit nanaman sa mundo), Maawit (na handang
handang bumirit at
Marikit (wet look lagi na hindi tumitigil sa pagsayaw)

MAANTAS
Wait wait wait!!!
Nahihibang ka na ba Makiling?
Paganahin mo naman isip mo!
Ipapahiram mo ang libro sa dayuhang ‘to! Bakit?!

12
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

MAKILING
Maantas, nakapasa siya sa mgapagsubok.
Pinagkakatiwalaan siya nglibro.
At saka nakalimutan mo na ba
ang bilin ng Inang Reyna natin?
Hindi ba’tnangako tayo sa kaniya na
tutulong tayo sa sinumang nangangailangan...

MAANTAS
Pero Makiling... Ano’ng nangyari sa
Inang Reyna? Naubos ang lakas niya
dahilsa kakatulong sa mga tao na inabuso
ang kaniyang kapangyarihan!
Oh no...Oh no no no no no no!...

Biglang sabay kanta ni Maawit.

MAAWIT
(Birit with matching hand gestures ala Mariah)
No!

Maweweirduhan na si Simon sa mga kapatid ni Makiling.

MARIKIT
Oo nga Makiling, huwag mo nalang
pag-aksayahan ng panahon yan!
Sayaw nalang tayo...tara!!!

MAKAHIYA
(whispering)
Makiling, huwag kangpumayag.
Baka mapahamak ka lang.

MAKILING
Ano Makahiya? Pakilakas...

MAKAHIYA
(still whispering)
Baka mapahamak ka.

MAKILING
Pakilakas.

MAKAHIYA
(masyadong mahiyain)
Makiling, nakikiusap ako,
huwagkang pumayag!

13
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

SIMON
May sakit ba siya?

MAKAHIYA
(pasigaw)
Wala akong sakit!

Sabay tago sa likod ni Maantas.

MAKILING
Mga kapatid, hindi ko hinihingi
angpermiso n’yo.

MAAWIT
(pakanta)
Nagmamalasakit lang kami…
‘Wag mo sanang masamain…

MAKILING
Naiintindihan ko pero
pinagkakatiwalaan siya ng libro.
Kaya magtiwala rin tayo sa kaniya.

Sasang-ayon ang mga kapatid maliban kay Maantas.

MAKILING
Maantas?

Tatango lang ito.

MAANTAS
(to Simon)
Subukan mo lang lokohin si
Makiling, ikaw ang mananagot sa amin.

SIMON
Hindi po...tama na po...
Pramis! Hindi po.

Sabay maglalaho parang bula.

SIMON
Grabe, para silang mga bula…
Ang bilis mawala...

Sabay lulutang ang apat na bula.

14
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

SIMON
Ay bula nga.

Liliparin ng hangin ang mga bula.

9. EXT. GUBAT - MAHOGANY DAY

Naglalakad sina Makiling at Simon sa gubat.

SIMON
Maraming salamat,Mariang Makiling.
Pramis, ibabalik ko ito agad.

Itatago ni Simon ang libro sa kanyang malaking bag.

MAKILING
Walang anuman, humayot ka na’t
iligtas ang iyong lola.

Magmamadaling lalakad si Makiling palayo.

SIMON
Makiling?

MAKILING
Ha?

SIMON
May boyfriend ka ba?

MAKILING
Ha?

SIMON
Boyfriend? Nobyo? Asawa?

MAKILING
Wala. Bakit mo naitanong?

SIMON
Wala. Jus asken’.

MAKILING
Diyan ka na nga!

15
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Biglang nagdisappearing act si Makiling. Tila parang may
inaabangan si Simon. Makikita niya ang bula na susulpot at
mahahanginan na ito palayo.

SIMON
Sabi na nga ba
magiging bula rin siya eh

Pagka-alis ni Makiling. Susulpot si TOMASsakanyang likuran.

TOMAS
Simon! Simon!

SIMON
O Tomas, akala ko nakabalik ka na sa bayan.

TOMAS
Eh...hinintay kita baka kasi kung
ano na nangyari sa ‘yo.

SIMON
Nu’ng tumakbo ka, nakatakbo
na rin ako.

TOMAS
Ah talaga?

SIMON
Oo. Halika ka na, Tomas…
Bumalik natayo sa bayan.

Alam ni Tomas na may itinatago si Simon. Mapapansin ni Tomas


ang bag ni Simon.

TOMAS
Parang mabigat ‘ata ang dinadala mo.

SIMON
Ayos lang ako.

Susugod bigla si Tomas para makuha ang backpack ni Simon.


Mag-aaway sina Tomas at Simon. Mabubuksan ni Tomas ang bag
at magtatangkang lumipad ang libro pero makukuha ito ni
Tomas. Maiiiba ang ihip ng hangin, pati ang pag-uugali ng
libro ay naiba. Tatangkain ni Simon na mabalik sa kanya ang
libro. Mag-aagawan sila ni Tomas at mapipigtas ang isang

16
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
blankong pahina ng libro. Makukuha ni Tomas ang Libro ng
Kahilingan saka siya tatakbo palayo. Hahabulin siya ni Simon.

SIMON
Tomas!!! Tomas!!!

***** GAP 1 *****

10. EXT. THRONE DAY

V.O. LOLA B
Makalipas ang ilang mga araw,
unti-unti nang namamatay ang gubat.
Pati ang mga diwata ay hindi na
nararamdaman ang kanilang mahika.

Makikita natin ang mga diwata na nag-aalala sa pagbabago ng


gubat: Ang pagkalanta ng mga bulaklak. Ang pagkakasakit ng
mga
alaga nilang hayop. Si MAYA ay nasa kamay ni Makiling,
nanghihina. (hindi pa natin makikita ang mukha ni Makiling)
Sina Maantas at Marikit naman ay pumapalya na
ang mahika.

Si Mariang Makiling ay nakaupo sa kanyang trono.

V.O. LOLA B
Galit na galit si Maryang Makiling.
Ang pakiramdam niya, siya aynaisahan.

V.O. AXEL
Eh kasi...Pinahiram pa niya ‘yung libro!

Sisiklab ang kidlat sa langit dahilsa kanyang


galit.Mararamdaman ito ng iba pang diwata.Susulpot ang MGA
DIWATA sa trono. Makikita pa rin natin na nakatalikod si
Makiling sa kanilang mga kapatid.

MAAWIT
Makiling, huminahon ka!

MAKILING
Tama kayo, mga kapatid ko!
Dapatnakinig ako sa inyo!

Haharap si Makiling sa kanila. Unang beses natin makikita si


Makiling pero magugulat ang kanyang mga kapatid.Hihinto ang
pagkidlat at hangin.

17
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

MAKILING
Ano’ng nangyari sa mga mukha n’yo?Ewwww!

MARIKIT
Ewww ka diyan...ikaw din ‘no!

Iba’t ibang klaseng pigsa ang naglabasan sa kanilang mga


mukha. Nagmukha silang matatandangmangkukulam.

MAAWIT
MAKILING! KASALANAN MO ITO!

MAANTAS
Yan! Yan na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo!
Mukha na tayong mga losyang diwata!
Lumuwas ka sa bayan at hanapin ang
libro! Inuubos ng lalaking ‘yon
ang kapangyarihan ng gubat!
At huwag na huwag kang babalik dito
hangga't di mo nakukuha yun!

MAKAHIYA
Grabe ka Makiling! Hiyang-hiya na nga ako...
binigyan mo pa ako ng pigsa!!!

MAKILING
Ha? Anong sabi mo?!

MAANTAS
Umalis ka na...

Makikita ni Maantas na di pa rin tumitigil sa pagsayaw si


Marikit.

MAANTAS
Pwede ba Marikit! Tigilan mo na ang pagsasayaw!
Walang kasayaw-sayaw sa mga nangyayari!

MARIKIT
Kahit may pigsa ako, mas maganda pa rin ako
dahil dalawa lang ang tumubo sa mukha ko
samantalang kayo...hahaha!

Titingnan ng masama ni Maantas si Marikit. Titigil si Marikit


pero smaller dance moves nalang.

MAANTAS

18
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
O ano Makiling! Ano pang ginagawa mo dito!
Hanapin mo na ang libro!

MAKILING
Teka mga kapatid, nauubusan na
ako ng kapangyarihan...hindi ko na
magawang lumipad?!

MAANTAS
PUWES MAG-ISIP KA NG PARAAN!

MAKILING
Sandali lang naman, grabe naman kayo...
kailangan ko munang magmukhang tao!

Magmamagic si Makiling.Mapupuno ng usok ang lugar.Uubohin ang


mga diwata. Pagkakita ng mga kapatid kay Makiling - suot suot
niya ang isang sirang sira na duster. Mukha na talaga siyang
losyang. Malilito si MAKILING.Hindi niya alam ang gagawin.
Pumapalya na nga ang kanyang kapangyarihan. Pipigilan matawa
ng mga kapatid.

MARIKIT
BAGAY!!!

11. MONTAGE. EXT. BAYAN DAY Commented [EG1]: We can convert this into Lola B spiel.
Ina-narrate na lang ni Lola B yung tungkol sa pagpunta ni
11.A - BRIDGE.Nakasakay sa tricycle si Makiling. Nakatakip Mariang Makiling sa mundo ng mga tao, at kung paano siya
tinanggap ng mga ito.
ang kanyangtenga at siya ay ingay na ingay sa motor nito.
Sisilip siya sa tricycle.

11.B TALIPAPA - COMMUNITY

Kung sino-sino na ang pinagtatanungan ni Makiling. Napapagod


na siya. Nagugutom lalo.

V.O. LOLA B
Kung saan-saan hinanap ni Maryang Makiling
si Simon. Nagtanong-tanong din siya
sa mga tao pero hindi naging
maganda ang pakikitungo sa kanya ng
mga ito… Ang iba’y takot sa
kaniya… Ang iba naman ay pinagtatawanan
ang kaniyang itsura.
Nawawalan na ng pag-asa
si MaryangMakiling.

19
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Mauupo si Makiling sa isang bench habang hindi niya malaman
kung saan siya pupunta.

12. EXT. TALIPAPA DAY

Hindi na mapigilan ni Makiling ang maiyak. Sinisisi ang


sarili sa masamang nangyayari sa gubat. Makikita natin si
CHAYONG, suot-suot ang kanyang balabal at hawak hawak ang
rosaryo galing simbahan.Patuloy ang kanyang pag-ubo. Tila may
sakit ito.

Mapapansin ni Makiling na may tumatakbong lalaki. May


maririnig siyang sigaw.

CHAYONG
Magnanakaw! Magnanakaw!

Makikita ito ni Makiling...Susubukan niyang tumulong pero


papalya ang kanyang mahika. Kukuha si Makiling ng balat ng
saging na makikita at ihahagis sa daan. Madudulas ang
magnanakaw. Kukuhanin ni Makiling ang pitaka. Matatakot sa
kaniya ang magnanakaw at tatakbo palayo.

CHAYONG
Miss?

Magugulat si Chayong sa itsura ni Makiling.

CHAYONG
Maraming salamat.

Ibibigay ni Makiling ang pitaka kay CHAYONG, early 50's.


Mukhang may sakit ito. Hindi iimik si Makiling.Mukhang lutang
pa rin.

CHAYONG
Okay ka lang?

Titingin si Makiling kay Chayong.Biglang kokorokok ang tiyan


ni Makiling.

CHAYONG
Gusto mo kumain?

Sabay tulo ng luha sa left eye ni Makiling. Paawa effect.

13. INT. ROOMS - SKYPE DAY Commented [EG2]: This can be deleted

20
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

AIKA
Kanojo wa Saimon no sobodearimasu!

AXEL/LOLA B
Tagalog please!

AIKA
Ay sorry Lola…Hehe na-excite kasi ako… sabi ko!
Parang alam ko na kung sino si Lola Chayong!

CHRIS
No spoilers please!

LOLA B
Sigurado ka ba?!

AIKA
Ah eh...hindi ko alam Lola B hehe..

AXEL
Sige na Lola, tuloy mo na!

LOLA B
O sige sige..

14. INT. BAHAY NI SIMON NIGHT

V.O. LOLA B
Kinagabihan, ipinagluto ni Chayong
si Makiling ng masasarap na pagkain...
Gutom na gutom itong si Makiling!

Papasok sa bahay sina Chayong at Makiling. Magluluto si


Chayong at hahainan ng pagkain si Makiling.Agad-Agad naman
kakain si Makiling. Halos di magkaugaga sa pagkain si
Makiling. Naloloka si Chayong.

CHAYONG
Salamat talaga, anak…
O, dahan-dahan lang…

Matatakot si Chayong kay Makiling. Parang hindi tao kung


kumain si Makiling.

CHAYONG

21
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Ano ba’ng nangyari sa ‘yo at nagkaganyan ka?

Biglang papasok si Simon sa bahay.

SIMON
Lola?!

Pagkakita ni Makiling kay Simon, mapupuno ito nggalit.

MAKILING
Ikaw?! Abusado ka!
Pinagkatiwala ko sa ‘yo ang Libro ng
Kahilingan! Pero ano’ng ginawa mo!

SIMON
Miss? Okay lang kayo?

Maguguluhan si Chayong.

MAKILING
Hindi mo ba ako nakikilala?!
Nasaan ang Libro ng Kahilingan!?

SIMON
Sino ka? Paano mo nalaman
ang Librong Kahilingan?!

MAKILING
Ako si Mariang Makiling!!!

SIMON
Ikaw si Mariang Makiling?

MAKILING
Hindi, konsensya...
Ako ang iyongkonsensya...

SIMON
Niloloko mo ako!Wala sa akin ang
Libro ng Kahilingan!

MAKILING
Sinungaling ka!!! Mananagot ka saakin!!!

Poposisyonsi Makiling at aatake gamit ang kaniyang mga


kamay...
Pero walang nangyayari.

22
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
CHAYONG
Anak, pasensya ka na... Gutom pa ‘ata ito.

SIMON
Lola, saan n’yo ba napulot yan?!

CHAYONG
Muntik na akong manakawan kanina…
Siya ang tumulong sa akin…

Magrerecharge si Makiling para may lumabas na kapangyarihan


sa kanyang mga kamay. (Cricket sound)... Wala pa rin.

V.O. MAKILING
Hala! Powers! Powers ko! Wala na!

SIMON
Miss, mukhang may tama na kayo.

MAKILING
Kasalanan mo ‘to. Pinagkatiwala ko
Sa ‘yo ang Libro ng kahilingan...
pero ano’ng ginawa mo?Inabuso mo
ang kapangyarihan ng gubat!Tingnan
mo ang ginawa mo sa mukha ko, Simon!

SIMON
Paano mo nalaman ang pangalan ko?

CHAYONG
Oo nga, paano mo nalaman pangalan ng apoko?

MAKILING
Apo mo?!

CHAYONG
Ay bakit? Mukha bang anak ko lang?
Ay di mo naitatanong, kabibili ko lang
ng anti-aging cream sa talipapa.

SIMON
Mawalang-galang ho Miss…
Pero nakakaistorbo na po kayo dito.
Kailangan nang magpahinga ng lola ko…
Lola, di ba sinabi ko sa inyo
na ‘wag na kayong lalabas ng bahay?
Baka lalo pang lumala ang sakit n’yo…
(titingin kay Makiling)

23
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
At kung sinu-sino pa tuloy ang napupulot n’yo!

CHAYONG
E bored na bored na kasi ako sa bahay…
Kaya namasyal muna ako…
(pabulong kay Simon)
Pero kung hindi ako tinulungan ng lukaret na ‘yan,
baka tuluyan nang nawala ang pitaka ko…

MAKILING
Ano ‘yon?!

SIMON
Pasensya na lang, Miss…
Pero kailangan mo na talagang umalis…

MAKILING
Teka, teka... (BEAT)
Heto na si Kaka
sunung-sunong ang dampa!

Matatauhan si Simon.

SIMON
Makiling? Ikaw nga!

MAKILING
Nasaan ang libro!?

SIMON
Makiling, patawarin mo ako...
SiTomas, ‘yung isang kasama ko…
Ninakaw niya ang libro...
Athanggang ngayon, hindi ko pa rin
siya natatagpuan.

MAKILING
Hindi mo nagamit ang libro?

SIMON
Hindi... Lumulubha na rin si Lola.
Hinanap ko na kung saan-saan
si Tomas pero wala eh.
Naglahonalang siya parang bula.

CHAYONG
Tomas, ano ba ang pinagsasabi n’yo!?

24
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Naguguluhan na ako!

SIMON
Siya ang diwata ng gubat, Lola!
Pinahiram niya sa akin
ang Libro ng Kahilingan para gumaling kayo…
Pero si Tomas, ninakaw niya ‘yon sa akin!

CHAYONG
Ikaw si Maryang Makiling?

MAKILING
Bakit ba walang naniniwala?!

Mangingiti na lang sina SIMON at CHAYONG. Manlulumo naman si


MARIANG MAKILING.

***** GAP 2 *****

15. INT. BAHAY NI LOLA B. DAY.

Continuation ng pag-uusap nina LOLA B and her apo’s.

AIKA
Ano’ng nangyari kay Maryang Makiling, Lola B?

Lola B yawns.

LOLA B
Naku mga apo, inaantok na ako.
Bukas ko nalang itutuloy ang kuwento…

AXEL/AIKA/CHRIS
Ha?! Lola B No!

LOLA B
Joke joke joke hehe…
Kayo naman, hindi ko mabiro.
Siyempre ikukuwento ko.

CHRIS
Lola? Makukuha pa kaya ni Makiling ang libro?

LOLA B
(teasing) Tingnan natin...

16. INT. BAHAY NI SIMON DAY

25
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

Tulog na tulog si MARIANG MAKILING. Nakanganga pa. May langaw


na dadapo at papasok sa loob ng bibig niya. Mauuubo si
Makiling kaya magigising. Babangon siya at magtataka ng ilang
sandali sa kapaligiran. Makikita niya na nagluluto si
CHAYONG.

CHAYONG
Ayan, gising ka na!
Si Mariang Makiling ka ba talaga?
Eh si Sleeping Beauty ka ‘ata eh...
Buti nagkasya sa ‘yo ang mga pinagliitan ni Simon.

MAKILING
Nasaan po si Simon?

CHAYONG
Namamasada, humahanap ng pera.
Hay, ‘yang apo ko na ‘yan...
Ayaw sumuko… Gagaling daw ako...
Sabi ko naman, apo, matanda na ako...
Pag oras mo na, orasmo na...

MAKILING
Aling Chayong, maraming salamat po
Sapagkupkop n’yo sa akin.
Pangako, pag nakuha namin ang libro kay Tomas,
papagalingin ko po kayo.

Ngingiti lang si Chayong. Hahainan niya ng pagkain si


Makiling.

CHAYONG
Kumain ka na…

MAKILING
Ang dami naman po niyan…

CHAYONG
Dinamihan ko talaga…
Para ka kasingconstruction worker kung kumain…

Ngingiti si Makiling.

17. EXT. BAHAY NI SIMON DAY

Nasa may labasan si Makiling. Nag eexercise at stretching.


Susubukan niyang gamitin ng kapangyarihan. Magkakarate kid

26
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
gesture nanaman siya... Bigla-biglang may susulpot na bula
out of nowhere. Magsisilbing itong 'BULANG Crystal" para
makita kung ano na ang nangyayari sa kanyang kaharian.
Makikita niya unti-unting namamatay na ang gubat. Magpapakita
ang 4 niyang kapatid.Magsisilbi itong webcam.

18 Ang apat na magkapatid ay makikita sa THRONE AREA ng GUBAT

MAANTAS
O ano na Makiling!

MAKILING
Maantas, isang araw palang ako dito.

MAANTAS
Pero hindi mo ginagawa
angdapat mong gawin!!!
Hindi ka kasi nagsusumikap!
Baka naman puro pagpapasarap lang
angginagawa mo diyan!

MAKILING
Tumigil ka Maantas! Ginagawa ko ang lahat!

Makikita sa likuran ni Maantas na sumasayaw pa rin si


Marikit. At kumakanta naman si Maawit ng iba't ibang klase
tono ng 'No, No, No'.

Ngayon, naiba ang ihip ng hangin.Makikiusap si Maantas.

MAANTAS
Makiling! Tulungan mo kami...
Nakikiusap ako.
Huwag nating hayaan mamatay ang gubat.
Pag namatay ito, tayo naang susunod.

Tila parang may gustong sabihin si Makahiya.

MAKILING
Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat.
Makahiya may gusto ka bang sabihin?

MAKAHIYA
Hindi mo naman ako maririnig eh

MAKILING
Ha?

27
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
MAANTAS
O sya! Paalam.

Puputukin ni Makiling ang bula.

18. INT/EXT. BAHAY NI SIMON NIGHT Commented [EG3]: 18A, B and C can be condensed into
1 long sequence
18.ANagtatawanan sinaMakiling at Chayong. Tinitingnan ang
isang photo album na kungsaan makikita ang baby pictures ni
Simon.

CHAYONG
Napaka-maalaga talaga ng apo kong yan...

MAKILING
Mahal na mahal po kayo ni Simon…

CHAYONG
Alam ko‘yun.
Siyempre natatakot ako
na kapag nawala ako,
anong mangyayari sa kanya.

MAKILING
Mahahanap natin ang libro.

CHAYONG
Ay tingnan mo si Baby Simon dito...naliligo hahaha

Matatawa si Chayong tapos uubohin nang grabe. Nakakatakot na


ubo. Tila parang lumulubha ang kanyang sakit.Mag-alala si
Makiling.Darating si Simon. Makikita na tinitingnan ni
Makiling ang mga dating niyang litrato.

SIMON
’La naman eh.

CHAYONG
Bakit ba! Cute ka naman.

MAKILING
Di hamak na mas guwapo ka ngayon.

Maiilang si Makiling sa kanyang sinabi.

SIMON
‘La, magpahinga na kayo...Sige na…

28
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
CHAYONG
Ano ba yan, wala na nga akong
ginawa kundi magpahinga, pag
nawala naman ako di ba’t pahinga
rin ang gagawin ko?!

SIMON
Lola!

CHAYONG
Oo na, oo na!

18B Lalabas si Makiling sa kuwarto papuntang dining area.

MAKILING
Masaya kasama ang lola mo.

Mauupo si Simon sa sofa. Tila nawawalan na ng pag-asa.


Mapapansin ito ni Makiling.

SIMON
Ayoko na. Kung saan-saan na ako
naghanap. Bakit hindi ko pa rin
makita si Tomas?

Magdadabog si Simon.

MAKILING
Simon! Huminahon ka...

SIMON
Ano pa bang puwede nating gawin?
Angnatitira nalang parte ng libro na
meron ako ay isang blangkong pahina!

MAKILING
Ano?Meron ka pang
blangkong pahina?

SIMON
Oo…

MAKILING
Akin na ang papel…

SIMON
Bakit?

29
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

MAKILING
Basta, akin na ang papel…

Kukuhanin ni Simon ang pahina pero mag-aalinlangan siyang


ibigay ito kay Makiling.

SIMON
Makiling, ibibigay ko ito pero
nakikiusap ako...pagalingin natin
ang nanay ko at pangako,
hindi nakita guguluhin.

MAKILING
Makakaasa ka.
Hanapin na natin siTomas.

SIMON
Paano?

18C. EXT.

Gamit-gamit ang punit na papel mula sa Libro ng Kahilingan,


gumawa si Makiling ng paper airplane.

SIMON
Nagjo-joke ka ba?

MAKILING
Ano?

SIMON
Bakit ka ba gumagawa ng eroplano?

MAKILING
Sandali. Manood ka.

Mag-e-exercise si Makiling. Pagkatapos pipikit. Liliwanag ang


kanyang mga kamay. Didilat ang kanyang mga matapero
manlalambot siya. Sasaluhin ni Simon si Makiling.

This time, si Makiling ang magkakaroon ng slow mo effect.


Magugulat nalang si Makiling na matagal na pala silang
nagtititigan. Si Simon naman nakatingin sa malaking pigsa ni
Makiling.

SIMON
Ayos ka lang?

30
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

MAKILING
(nods) Nahilolang ako dahil
naglabas ako ngkapangyarihan.

SIMON
Buti meron ka pa.

MAKILING
Tatlong araw ka ba namang matulog…
Narecharge ako kahit paano…

Paliliparin ni Makiling ang eroplano. Ang papel na eroplano


na ito ay biglang lumipad patungo sa ibang direction.
Hindi na ito sumusunod sa hangin.

MAKILING
Halika na! Dali!

19. EXT. GUBAT NIGHT Commented [EG4]: Ito na rin pwede nang gawing Lola B
spiel. Ikuwento na lang na hinabol nina Maria at Simon ang
V.O. LOLA B eroplanong papel na hinatid sila sa lair ni Tomas. Or
pwedeng may Lola VO na lang sa umpisa ng Seq. 20 saying
Sinundan nila Marya at Simon ang eroplanong papel hanggang sa na hinabol nina Maria ang eroplano hanggang sa matunton
natunton nila ang pinagtataguan ni Tomas. nila ang lugar ni Tomas.

Naglalakad sina Simon at Makiling sa kagubatan. Sinusundan


nila ang direksyon ng lumilipad napaper plane. Makikita nila
ang isangmaliit na kuweba. Maglalanding ang eroplano sa harap
ngkuweba. Magkakatinginan sina Simon at Makiling. Hahawakan
ni
Simon ang kamay ni Makiling. Magugulat si Makiling pero
hindi siyapapalag. (Gusto rin pala haha…)

20. INT. TOMAS' LAIR NIGHT

Pagpasok nila ay manghihina si Makiling. Ang kuweba ay


punong-
puno ng ginto. Makikita nila si TOMASna may suot suot na
bling bling pero magugulat silang
pareho dahil naging itsurang halimaw na si Tomas. Makikita
ang Libro ng Kahilingan na nasa birdcage. Hindi na ito
kulay ginto kundikulay itim na.

Dahan-dahan nilang kukuhanin ang libro nang biglang mag-


iingay ang libro at magigising si Tomas.

MAKILING

31
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Ibalik mo sa amin ang Libro ng Kahilingan!

TOMAS
Hindi! Akin ang librong ‘yan!

Magkakaroon ng sagupaan: Makiling at Simon laban kay Tomas.


Ibubuhos ni Makiling ang natitirang kapangyarihan at
magkakaroon siya ng mahiwagang latigo. Pupulupot ang latigo
kay Tomas kaya di siya makakagalaw.

Agad-agad pupuntahan ni Simon ang libro. Papakawalan ni Simon


ang libro ngunitito ay lilipad. Makakawala si Tomas mula sa
pagkakatalisalatigo. Makikita ni Tomas na lumilipad ang
libro.

Huhulihinni Tomas at Simon ang lumilipad na libro. Mag-


uunahan sila. Mukhang mga bata sina Tomas at Simon
nanaglalaro ng pabitin.Magagalit si Tomas lalo at sasaktan
siSimon.Sasakalin niya ito. Hindi na makahinga si Simon.

SIMON
Ibigay mo na sa amin ang libro, Tomas!
Maawa ka sa Nanay ko!

TOMAS
Wala akong napala sa libro na ‘yan!

SIMON
Dahil maitim ang puso mo!

TOMAS
Pero hindi ako papayag
na may ibang makinabang!
Kaya magkakamatayan muna tayo
bago mo makuha ang libro!

Pinapanood ni Makiling ang mga nangyayari. Halatang nanlulumo


na siya. Pero mag-iipon siya ng lakas at mula sa
kanyangpagkakaupo ay lulundag siya at makukuha niya ang
libro. Pagkahawak ni Makiling salibro, liliwanag ito at
magiging ginto.

Agad-agad mawawala ang mga pigsa sa kaniyang mukha. Gamit ang


kapangyarihan ng libro, susulpot sina MARIKIT, MAKAHIYA,
MAANTAS at MAAWIT. Wala na ringmga pigsaangkanilang mga
mukha. Hawak-hawak ang libro, ibubuhos nila ang kanilang
kapangyarihan laban kay Tomas. Magugulat nalang si Simon

32
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
nang maging bato si Tomas.

Lalapit si Simon sa mga diwata.

SIMON
Maraming salamat sa inyo.
Utang kosa inyo ang buhay ko.

MAKILING
Simon! Tayo na!
Pagalingin na natin ang lola mo!

MAANTAS
Makiling, hindi ka talaga
natuto sa pagkakamali mo?
Nakuha na natin ang libro!
Bumalik na tayo sa kaharian natin!

MAKILING
Magtiwala kayo.

Agad-agad aalis sina Makiling at Simon.

21. INT. CHAYONG's BEDROOM. NIGHT


Magmamadaling papasok sa bahay sina Simon at Makiling.
Makikitang ina na nakaratay sa kama. Malubha na.Bubuksan agad
niMakiling ang libro at maghahanap ng blangkong pahina.
Makikita ni Makiling na isanalang ang blangkong pahina.
Titingin si Makiling kay Simon.

MAKILING
Simon, isa nalang...

SIMON
Gagamitin mo...

MAKILING
Hihilingin ko rin sana sa libro na
manumbalik ang lakas
ng mga diwataat ng gubat.

SIMON
Pero paano si lola ?

Hindi malaman ni Makiling ang gagawin.

***** GAP 3 *****

33
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal

21.A INT/EXT CONTINUATION

Hindi pa rin malaman ni Makiling ang gagawin. Nakatingin


lang si Simon sa kanyang ina, hawak-hawak ang kamay nito.

SIMON
Gamitin mo na ang pahina. Kasalanan
naman namin kung bakit nagkagulo
ang kaharian mo. Gamitin mo. Siguro,
totoo nga ang sinabi ni lola, na
kapag oras mo na, oras mo na.

Yayakapin ni Simon ang kaniyang ina.Susubukan ni Makiling


umalis. Pero matitigilan siya. Bubuksan niya ang libro at
magsusulat agad sa blangkong pahina. Liliwanagang libro at
ang huling kapangyarihan ng libro ay mapupunta sakatawan ni
Chayong. Magugulat si Simon. Magigising si Chayongbigla -
fresh na fresh - na parang walang nangyari.Yayakapin ni Simon
ang ina. Maiiiyak ito sa tuwa. Lalapitanni Simon si Makiling
at ito’y yayakapin niya.

SIMON
Salamat… Maraming salamat…

21.B

Sabay na lalabas sina Makiling, Simon at Chayong.

MAKILING
Kailangan ko nang bumalik sa gubat.

SIMON
Paano ang gubat?

MAKILING
Huwag kang mag-alala, magtiwala lang
tayo na magiging maayos rin anglahat.

CHAYONG
Maria, maraming salamat. Hindi ko
alam kung anong ginawa mo o kung
sino ka ba talaga? Pero
maramingsalamat! Makakaasa ka na
hindi ko sasayangin ang pangalawang
pagkakataon na ito na niregalo mosa akin.

34
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Magsisimulang maglakad palayo si Makiling.

SIMON
Makiling!

Hahabulin ni Simon si Makiling.

MAKILING
Tinawag mo ako?

SIMON
Hindi, si Sailor Moon...

Magtatawanan sina Makiling at Simon. Magugulat si Makiling


atyayakapin siya nang mahigpit na mahigpit ni Simon.

SIMON
Makikita ba kita ulit?

Ngingiti lang si Makiling.

***** GAP 4 *****

22. EXT. GUBAT MORNING

Pabalik na si MAKILINGsa kanyang kaharian. Makikita niyaang


epekto ng pinaggagawa ni Tomas, sa kanyang gubat.Maiiyak
nalang si Makiling dahil wala na siyang magawa.Habang nakaupo
si Makiling sa ilalim na patay na puno, dadapo sa kaniyang
harapan ang paper plane na ginawa niya. Pupulitin niya ito.
Gamit ang panulat ng libro- susulatan niya ang punit na
pahina – ’Iligtas angkalikasan’.

Tahimik.

Nang biglang magliliwanag ang libro. Lilipad ito at magsalita


kay Makiling.

LIBRO
Makiling, hindi ko matutupad ang
kahilingan mo… Sapagkat itong
pahina ay nawala na sa libro...

Maiiyak si Mariang Makiling.

LIBRO
Ngunit dahil naging parte ko

35
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
ang pahinang ito,
sige, pagbibigyan kita…

Mangingiti si Mariang Makiling.

LIBRO
Pero maykapalit.

MAKILING
Anong kapalit? Kahitano...
Manumbalik lang ang lakas nggubat.

LIBRO
Kung gayon, hawakan mo angpahina…

Hahawakan ni Makiling ang pahina. Mararamdaman niya ang


kapangyarihan nito.Si Mariang Makiling ay aantokin.

V.O. LOLA B
Tinupad ng LIBRO ang hiling ni Maryang Makiling.
Unti-unti SIYANG inantok at tuluyan nang nakatulog
nang mahimbing...

Hihikab at mahihigasa lupa at sa kanyang pagtulog, unti


unting siyang nagiging isang bundok na tatayo sa gubat na
naghihiwalay sa mga taoat mga diwata.

LOLA B (VO)
Dahil sa sakripisyo ni Mariang Makiling,
muling nanumbalik ang lakas ng kagubatan…

Manunumbalik ang lakas ng gubat pati ang lakasng mga diwata.


Magugulat sina MAANTAS, MAAWIT, MAHIYAIN at MARIKIT nang
makita ang isang bundok sa malayo. Nararamdaman nila na ito
ay ang kanilang kapatid.

LOLA B (VO)
At mula sa lupang hinimlayan ni Makiling,
isang bundok ang sumibol at yumabong…

Maiiyak angmga diwata dahil sa kabayanihan ng kanilang


kapatid.

23. EXT. BAYAN. DAY

36
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
Habang masayang nagpepedicab si Simon, sakay-sakay ang
kanyang ina, mapapansin niya ang bagong bundok. Titingnan
niya
ito nang maigi. Parang babaeng nakahiga na nakangiti sa
kaniya ang hugis ng bundok.

LOLA B (VO)
Kung pagmamasdan daw na mabuti,
ang hugis ng bundok ay parang isang babaeng
nakahiga at nakalugay ang buhok…
Sabi ng matatanda, iyon daw si Mariang Makiling…
At ang bundok na iyon ang simbolo
ng pagmamahal niya sa kalikasan…

Superimpose Mariang Makiling’s image na nakahiga at nakalugay


ang buhok. Ngingitian ni Mariang Makiling si Simon. Then
magdi-dissolve na ang image to that of the mountain.

LOLA B (VO)
Sa tuwing tinatanaw daw natin ang bundok na ito,
ipinapaalala daw nito sa atin
na mahalin natin ang kalikasan
gaya ng pagmamahal dito ni Mariang Makiling…

Biglang may dadapong ibon sa balikatni Simon. Buhay pa si


Loro.

24. INT.BAHAY NI LOLA B. DAY

Continuation ng online conversation ni LOLA B and her apo’s.

AIKA
Lola B, take us to Mount Makiling!

LOLA B
Sure! Sa susunod na vacation n’yo rito,
dadalhin ko kayo doon!
O, abangan n’yo ang kuwentong ‘yan
sa blog ko ha! Mag-post kayo ng comment
tapos i-share n’yo rin!

CHRIS
Yes, Lola B! Gotta go!
Bye, Lola B! I love you!

37
LOLABASYANG.COM
Episode 1: “Mariang Makiling” (Draft 7)
Final Script as of June 1, 2015
Writer: Ivan Payawal
AIKA
Love you, Lola B!

LOLA B
I love you too! Bye!

AIKA / CHRIS
Bye Axel!

AXEL
Bye!

Magsa-shut off ang screen nina Aika at Chris.

AXEL
Ako Lola B? Love mo ako?

LOLA B
Siyempre naman, apo!
Love ka ni Lola B!
At marami pa akong
ikukuwento sa inyo!

AXEL
Yehey!

Hahalikan ni AXEL si LOLA B tapos ay tatakbo na ito palabas.


Pagkaalis ni Axel, magsa-snap si Lola B at biglang lilitaw
ang libro. Bubuksan niya ito at makikita ang lagda
niMariangMakiling sa punit na papel. Ngingiti si Lola
B.Titingin sa camera si Lola B saka kikindat at maglalaho
naparang bula. Biglang may makikita tayong bula na
nakalutang.Bula nga. Literal.

THE END

38

You might also like