You are on page 1of 33

LOLABASYANG.

COM
Episode 4: “Ang Prinsipeng Mapaghanap”
Episode Writer: Ash Malanum
Head Writer: Elmer Gatchalian
Final Script as of June 24, 2015

TEASER OPENING (SEQ. 11)

1. INT. BAHAY NI LOLA B. DAY


Nag-uusap sina LOLA B at kanyang mga apo na sina CHRIS, USAGI
(Skype) at AXEL. Biglang hihirit si Axel ng joke.

AXEL
Lola B, joke time muna tayo… Ano ang tawag sa
pinakamalaking mouse?

LOLA B
Meron bang ganu’n? Eh ano?

AXEL
E ‘di hippotaMOUSE.

Magtatawanan ang mga bata.

LOLA B
Kayo talaga mga apo.

CHRIS
Lola B, I have a joke too. Ano’ng insekto ang walang gums?

LOLA B
E ano?

CHRIS
E ‘di langgam.

Tawanan silang lahat muli.

AIKA
Ano’ng hayop ang laging ayos?

LOLA B
E ano?

AIKA
E ‘di OX!
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Tawanan silang lahat.

LOLA B
Ako rin meron.Ano’ng hayop ang laging nauuntog?

AXEL, USAGI at CHRIS (Sabay-sabay)


Ano?!

LOLA B
E ‘di DOGGG!

Tatawa nang malakas si Lola B. Pero sa mga bata, kuliglig moment


ito at wala ni isa ang tatawa.

LOLA B
Kapag hindi kayo tumawa hindi ko na kayo kukwentuhan.

Biglang tatawa ang mga bata.

AXEL
Grabe. Lola B, ang sakit ng tiyan ko kakatawa. Hahaha.

LOLA B
Marunong naman pala kayo makisama.

CHRIS
Lola B, tell me more about the kids in perya. Bakit
kalahating animals sila?

LOLA B
Hindi naman talaga sila ipinanganak sa ganoong kalagayan.
Sa kasamaang palad sila ay sinumpa.

AIKA
Sumpa? Nazedesu ka? (Why?)

LOLA B
Kaya sila isinumpa dahil sa mga pagkakamaling nagawa nila.

AXEL
Ano pong kasalanan po nila?Kawawa naman sila. Lalo na ‘yung
batang bibe.

2
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

LOLA B
Ang mabuti pa, sisimulan ko ang kuwento sa bahagi kung saan
natanggap ng ating bida ang isang regalong hinding-hindi
niya malilimutan.

2. EXT. GARDEN SA BAHAY NI JUSTIN. DAY


Sa isang makeshiftstage, si MAESTRO MAGNIFICO (40s), isang
magician, ay nagpapakita ng magic tricks. Ito ang 9th birthday
party ni JUSTIN (9). Fairytale ang theme. Ipapakilala si Justin
sa mga guest.

LOLA B (VO)
Ikasampung kaarawan noon ni Justin… Pero kahit gaano pa man
ka-engrande ang party niya… ang ating bida, nakasimangot at
mukhang hindi masaya…

MAESTRO
Ikinalulugod kong ipakilala ang ating mahal na prinsipe,
the birthday boy, Justin!

Lalabas si Justin sa stage. Prince Charming ang suot na costume


ni Justin. Nakasimangot siya at mahaba ang nguso, duck face.
Uupo si Justin malapit sa stage kung saan nagpe-perform pa rin
ng magic tricks si Maestro. Nagpapalabas ng bibe, imbis na
kalapati sa kanyang sombrero si Maestro. Pero hindi impress si
Justin, babatuhin niya ng pagkain (pwedeng puto) si Maestro.
Lalapit naman ang MOMMY (30s) niya, on her Elsa costume at
sasawayin siya.

MOMMY
Justin, stop it! You’re being rude. Nagsasayang ka pa ng
pagkain.Nakakahiya kay Maestro Magnifico.

Tuloy lang sa pagma-magic si Maestro.

JUSTIN
Ayaw ko sa clown na ‘yan. I don’t like this party!

MOMMY
Hindi naman siya clown!He’s a magician! Sabi mo, you want
magic on your birthday. Sabi mo fairytale?

JUSTIN

3
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
No! I want real magic!A real wizard like Dumbledore!Ang
gusto ko Harry Potter! Hogwarts! Hindi fairytale!Hindi
clown!

MOMMY
Hindi mo naman nilinaw, anak.Hayaan mo, on your next
birthday, Harry Potter ang theme. Smile ka na. Tingnan mo
nakanguso ka na naman. Sige ka magiging bibe ka niyan.

JUSTIN
Basta ayaw ko sa clown na ‘yan.

MOMMY
O siya mag-selfie na lang tayo. Sayang naman ‘tong pinatahi
kong costume.

Ilalabas ni Mommy ang kanyang cellphone at magpo-pose sila ni


Justin.

MOMMY
1, 2, 3 smile!

Pero naka-duckface pa rin si Justin. Mapapailing na lang si


Mommy. Lalapit si MYSTERY GIRL (10 y/o)sa table nila, gusgusin
ang itsura niya.

MYSTERY GIRL
Pwede po ba ‘kong makahingi ng kahit kaunting pagkain?
Gutom na gutom na po kasi ako…

JUSTIN
NO! Who are you?! Invited ka ba sa party ko?! Go away!

Itutulak ni Justin ang Mystery Girl. Matutumba si Mystery Girl.

MYSTERY GIRL
Napakasama mo!

JUSTIN
Walang invited na witch sa party ko!

Magwawala ang bibe na mina-magic ni Maestro at mapapalipad sa


pwesto ni Mystery Girl. Bubuhatin niya ito.

MYSTERY GIRL

4
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Dahil makasarili kang bata at hindi marunong makontento sa
kung ano ang mayroon ka… isinusumpa ko, sa susunod na
kabilugan ng buwan ay unti-unti kang magiging bibe!

Ihahagis ni Mystery Girl ang bibe sa puwesto ni Justin at madi-


distract siya. ‘Pag tingin nilang muli sa batang babae ay wala
na ito. Pinagtitinginan ng lahat ng guests si Justin.

JUSTIN
Umalis na kayo! Party’s over!

Magwo-walk out si Justin.

MOMMY
Justin, anak… Pasensya na po kayo at may sumpong ang bata.

Susundan ni Mommy si Justin. Si Maestro mula sa stage ay


nagmamasid lang.

TITLECARD: ANG PRINSIPENG MAPAGHANAP

3. INT. JUSTIN’S HOUSE, DINING. NIGHT


Naghahanda ng pagkain si YAYA SUSI (20s) pero walang magustuhan
si Justin.(Ito po ‘yung sequence na pwede i-upload online na
stand alone.)

JUSTIN
Yaya Susi, what’s for dinner?

YAYA SUSI (Pwedeng British accent)


For your appetizer, we have grilled chicken salad with
season fruit! For entrée, we have Grilled Prawns with a
Spicy Peanut-Lime Vinaigrette. Finally, for your dessert,
we have caramelized banana pudding. Very yummy! So how do
you like your dinner, Justin?

JUSTIN
Ayaw ko lahat niyan. Nawalan na ko ng gana. Just get me a
drink.

YAYA SUSI
Oh, for your refreshment, we have liquid solution that was
mixed evenly with organic and inorganic compound substances
and had undergone fermentation and sealed inside a solid
state of matter in a homogeneous mixture.

JUSTIN

5
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Yaya Susi, ano’ng pinagsasabi mo?

YAYA SUSI
Ang sabi ko baka gusto mo ng softdrinks?

Darating ang Mommy niJustin, from work. Hahalikan niya sa pisngi


si Justin.

MOMMY
Hi Justin, how’s your day? Kumain ka na?

JUSTIN
Hindi pa. Si Yaya Susi kasi…

MOMMY
Yaya Susi?

YAYA SUSI
Don’t look at me like I am the one who caused the trouble!
I never imagined being a governess can be such an
unbearable source of torturous aggravation.

MOMMY
Ikuha mo na lang ako ng maiinom.

JUSTIN
Tubig na lang i-serve mokay mommy.

YAYA SUSI
You mean, hydrogen dioxide?

MOMMY
Kukuha ka ng tubig o mawawalan ka ng trabaho?

YAYA SUSI
Oh dear, you don’t have any sense of humor.

Aalis na si Yaya Susi para kumuha ng tubig.

MOMMY
Justin, may peace offering ako sa’yo. Huwag ka nang
magtampo sa Mommy, OK?

Excited na iaabot ni Mommy ang kahon ng iPhone6. Agad na


bubuksan ito ni Justin.

JUSTIN

6
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
What’s this?

MOMMY
iPhone6. ‘Di ba ‘yan ang request mo?

Ihahagis ni Justin ang phone.

MOMMY
Justin, bakit mo hinagis?

JUSTIN
I don’t like it. Ang gusto ko, iPhone7!

MOMMY
Sumosobra ka na. Hindi ko alam kung paano ka naging spoiled
brat na ganyan! Go to your room kung ayaw mong mapalo!

JUSTIN
I hate you! Sana kay Daddy na lang ako sumama!

MOMMY
Don’t you say that!Sabi mo, hate mo rin ang Dad mo at ang
ang stepmom mo!

JUSTIN
Well, I hate all of you!

Mabilis na tatakbo paalis si Justin. Mapapabuntung-hininga na


lang si Mommy.

3A. INT. LOLA B’S HOUSE. DAY.

AXEL
Hmmm… Lola, medyo bad boy pala si Justin ‘no?

CHRIS
Hindi lang medyo, Axel… He’s a very bad boy nga eh…

AIKA
Kaya ba siya ganu’n, Lola, kasi hiwalay ang mommy at daddy
niya?

LOLA B
Oo… Kaya lagi siyang galit at nag-aalburoto kasi ‘yon ang
paraan niya para maipakita na hindi siya masaya sa nangyari
sa mommy at daddy niya…

7
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
AIKA
Kawawa naman siya…

4. INT. JUSTIN’S HOUSE, BEDROOM. NEXT DAY.


Magigising si Justin na kakamot-kamot pa sa may leeg niya.
Kakatok ang kanyang Mommy sa labas ng kwarto.

MOMMY
Justin, bumangon ka na at nandito na ang friends mo.
Maglalaro daw kayo ng basketball.

JUSTIN
Five minutes.

Babangon si Justin upang umihi, halos nakapikit pa ang mata niya


sa antok. Mapapansin niya sa salamin na may duck face na sya.
Mapapasigaw siya.

JUSTIN
Aaaaaaahhhhhhhhhh!

Kakatok ang mommy ni Justin sa pinto.

MOMMY
Justin, are you OK? Anong nangyayari diyan?

JUSTIN
Ah… OK lang po ako Mommy, may nakita lang kasi akong ipis.

MOMMY
Ganu’n ba? Sige mag-ayos ka na at kanina pa naghihintay ang
friends mo sa sala.

JUSTIN
Opo.

Panic si Justin. Ilang beses na niya kinurot ang sarili niya


pero hindi naman siya nananaginip. Sinubukan niyang tanggalin
ang beaks niya pero wala namang magawa.

JUSTIN
Oh no! Hindi nila ko pwede makita na ganito ang itsura.

5. INT. JUSTIN’S HOUSE, LIVING ROOM. CONTINUING.


Nasa sala ang DALAWANG KAIBIGANni Justin, kasing-edad niya.
Nandoon din si Yaya Susi at si Mommy.

8
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

YAYA SUSI
So boys, do you have a girlfriend?

MOMMY
Yaya Susi, stop it.

FRIEND 1
Tita, matagal pa po ba si Justin?

FRIEND 2
Oo nga po?

MOMMY
Baka pababa na rin ‘yun. Nagbibihis lang siguro. Ang mabuti
pa puntahan n’yo na siya sa kuwarto niya. Yaya Susi,
samahan mo sila.

YAYA SUSI
Boys, follow me!

6. INT. JUSTIN’S HOUSE, BEDROOM. DAY


Bubuksan ni Yaya Susi ang kuwarto ni Justin gamit ang master
key.

YAYA SUSI
Justin, your friends are here. And whether you like it or
not, here we come!

Bubuksan si Yaya Susi ang pinto at mapapasigaw nang malakas.


Exaggerated. Humahangos namang dadalo si Mommy at papasok ng
kuwarto.

MOMMY
Ano’ng nangyari? Justin?

YAYA SUSI
He’s not here.

MOMMY
Eh bakit ka ba sumisigaw? Akala ko kung ano nang nangyari.
Baka nasa baba na ‘yun at nagkasalisi lang kayo. Tara na sa
baba.

9
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Susunod naman ang mga friends ni Justin. Mapapansin naman ni
Yaya Susi ang isang balahibong puti sa kuwarto. Kukunin niya
ito, pipikit at magwi-wish.

YAYA SUSI
I wish, I wish to be the fairest lady of them all.

Hihipan niya ito pero walang mangyayari.

YAYA SUSI
Perhaps, I already am!

7. EXT. OUTSIDE JUSTIN’S HOUSE. DAY


Nakatalukbong si Justin habang naglalakad sa daan palabas ng
malawak nilang lupain. Mapapansin niya ang sunod-sunod na
pagbiyahe ng mga sasakyan ng mga taga-perya. Maglalakad sana
siya palayo pero sasabit ang kumot na gamit niya sa nakausling
bato. Agad niya itong kukunin pero may biglang magsusuot ng sako
sa ulo niya.

*****GAP ONE*****

8. INT. BAHAY NI LOLA B. DAY


Nagmemeryenda na ang maglo-lola. Si AIKA may isang bento ng
sushi, si CHRIS ay may pizza habang si Lola B at AXEL ay may
suman.

LOLA B
Question: Kung papipiliin kayo, aling hayop ang gusto
n’yong maging?

CHRIS
Ako… lion! Para king of the jungle!

AIKA
Hmmm… gusto kong maging cat! Kasi cats have nine lives!

AXEL
Ako, dinosaur! Para kakainin ko kayo lahat!

LOLA B
Naku, kainin mo muna ‘yang suman mo… O kayo, kumusta ang
meryenda n’yo diyan?

CHRIS

10
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Inggit kami, Lola… Wala kaming suman ni Aika…

LOLA B
Pag nagbakasyon kayo dito, araw-araw ko kayong igagawa ng
suman…

AIKA
Si Justin, ang sarap din ng meryenda… Tapos may iPhone 6
pa… Pero masungit pa rin…

CHRIS
Oo nga… He seems to have it all… Binibigay nga lahat ng
mommy niya ang gusto niya eh…

LOLA B
Kasi nga, ‘yun ang paraan ng mommy ni Justin para mapunan
ang kakulangan sa buhay niya…

CHRIS
So, what will happen to Justin?

AXEL
Baka mangingitlog siya ng balut?

AIKA
Hindi pwede ‘yun. Kare wa shōnendesu. (He’s a boy.)

LOLA B
O siya itutuloy ko na ang kuwento… habang nagmemeryenda
kayo…

9. INT. PERYA, TENT. DAY


Establishing ng Perya. Dadalhin si Justin kay Maestro Magnifico
ng mga alipores niya. May alalay si Maestro, si MUNTI (Dagul or
Mura ang peg).

MAESTRO
Welcome home sa bago mong tahanan, bata. O mas tamang
sabihing sisiw. Hahaha.

Tatawa nang nakakainsulto si Maestro.Gagaya naman si Munti.


Titingnan nang masama ni Maestro si Munti at titigil ang huli sa
pagtawa.

JUSTIN

11
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
I know you! ‘Di ba ikaw ‘yung clownsa birthday party ko?
Iuwi mo na ko sa ‘min, please!

MUNTI
Maestro, clown ka raw!(tatawa)

MAESTRO
Tumahimik ka! Kung ayaw mong maging one-fourth!

JUSTIN
Tawagan mo na ang Mommy ko at humingi ka na agad ransom so
I can go home!

MAESTRO
Unang-una, huwag mo na ulit akong tatawagin clown. Maestro.
Iyan ang itatawag mo sa ‘kin. Isa pa, sino’ng nagsabing
makakauwi ka pa? Dito ka na titira sa perya, habambuhay
kasama ng mga tulad mong taong hayop!

JUSTIN
Sigaradong lagot ka kapag nahanap ako ng Mommy ko.
Ipapakulong ka niya.

MAESTRO
‘Yun ay kung hahanapin ka pa niya? Sa sama ng ugali mo,
malamang sobrang saya niya sa pagkawala mo! (laughs)

JUSTIN
Hindi totoo ‘yan!

MAESTRO
Lalo na sa itsura mong ‘yan. Walang magmamahal sa’yo kaya
dito ka sa perya nararapat! At ikaw Justin, ang kukumpleto
sa koleksyon ko ng mga taong hayop.

Sesenyasan ni Maestro si Munti. Kakabitan ng cowbell niMunti si


Justin habang hawak ng dalawang alipores.

MAESTRO
Sige na, dalhin na siya sa koral!

JUSTIN
Let me go! Let me go!

Ilalabas na si Justin ng mga alipores.

12
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
MUNTI
Maestro, nadagdagan na naman ang koleksyon mo. Ano na ang
plano mo ngayon?

MAESTRO
Malalaman mo rin sa takdang panahon.

MUNTI
Wow Big Brother, ikaw ba ‘yan?!

Titingnan lang nang masama ni Maestro si Munti.

10. EXT. PERYA, CAGE. DAY


Makikilala ni Justin ang iba pang isinumpa, tulad nina AGOAT
ISIDRO (girl, 7) na may sungay ng goat, may goatee at mahilig sa
hugoat; CAMEL TIANCO (boy, 12) na kuba (hindi naman talaga siya
cursed); at ENCHONG GO (boy 10), half monkey.

ALIPORES
O bago n’yong kasama.

Matatakot si Justin samga batang kalahating hayop at sisigaw.

ENCHONG
Hoy!Kung makasigaw ka naman!Tingnan mo kaya itsura mo?

JUSTIN
I’m sorry. First time ko lang nakakita ng mga tulad n’yo.

AGOAT
Tulad natin. Ako nga pala si Agoat Isidro. Siya naman si
Enchong Go at ito si Camel Tianco. Ikaw sino ka?

JUSTIN
I’m Justin.

CAMEL
Justin Bibe.

JUSTIN
What?

ENCHONG
Iyan na ang pangalan mo ngayon.

AGOAT
Ano’ng ginawa mo, bakit ka nandito?

13
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

JUSTIN
Can’t you see I was kidnapped!

CAMEL
Hala. Inglesero. Ikaw kumausap diyan, Enchong Go!

ENCHONG
O, bakit ako. Nananahimik ako rito.

AGOAT
Tumahimik nga kayo! Ang ibig kong sabihin ano’ng kasalanan
mo bakit ka naging bibe?

JUSTIN
Wala akong ginagawang masama.

CAMEL
Akala mo lang wala… Pero meron, meron, meron!
Magtatawanan sila.

AGOAT
Lahat ng napupunta rito, may ginawang masama.

Darating si Maestro dala ang mga pagkain kasama si Munti.

MAESTRO
Mukhang nagkakasundo ang mga alaga ko. Maganda ‘yan. Dahil
diyan ito ang reward n’yo. Kumain kayo ng marami.

Bibigyan sila ng styro, isa-isa na may lamang pancit.

JUSTIN
Ano ‘to pancit?Wala ba kayong crème brûlée at caviar?

MAESTRO
Munti, kunin mo ang pagkain niya.

Babawiin nga niMunti ang styro kay Justin.

MAESTRO
Ipapaalala ko lang sa inyo kung bakit ganyan ang mga itsura
n’yo. Dahil mga salbahe kayo, kaya kayo isinumpa. Habang
buhay magiging taong hayop na kayo at walang magmamahal sa
tulad n’yo kahit pa ang mga magulang n’yo!

14
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
MUNTI
Tama!

JUSTIN
Hindi totoo ‘yan!

Kukumpas si Maestro at lalabas sa kamay niya ang buntot-pagi.


Aawatin naman ni Agoat si Justin. Makikita sa mukha ng mga
batang hayop ang takot.

AGOAT
Justin, tama na.

MAESTRO
Matuto kayong sumunod sa akin kung ayaw n’yong mahataw
nitong buntot-pagi.

MUNTI
Oo nga!

Sabay na lalabas sina Maestro at Munti.


CAMEL
Buti na lang hindi niya tayo hinagupit nu’ng buntot-pagi
kung ‘di hindi na naman tayo makakalakad sa sakit.

JUSTIN
Ang sabi niya, salbahe raw tayo.

ENCHONG
Oo, kaya sinumpa tayo nu’ng batang diwata. Ako kasi hindi
ako nakikinig sa mga magulang ko kaya naging kalahating
unggoy ako.

CAMEL
Ako naman…

ENCHONG
‘Wag ka makinig diyan kay Camel Tianco, hindi naman ‘yan
sinumpa. Pinanganak siyang ganyan tapos masama pa ugali.

AGOAT
Panay kayo kalokohan. ‘Eto Justin, hati na lang tayo sa
pagkain ko.

JUSTIN
Eh, ikaw Agoat, ano ginawa mo?

15
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
AGOAT
Ako? Mabait kaya ako. Insecure lang ‘yung diwatang ‘yun sa
ganda ko.

JUSTIN
Alam ko na kung bakit ka sinumpa? Sinungaling ka.

AGOAT
Akin na nga ‘yang kinakain mo.

JUSTIN
Joke lang.

Magtatawanan ang bagong magkakaibigan.

11. EXT. PERYA, STAGE. NIGHT.


Maraming tao. Sa backdrop ng makeup stage makikita ang “The
Maestro Magnifico Show.” Magpe-perform si Maestro Magnifico ng
kanyang magic tricks, matapos ay ipakikilala niya ang mga half-
animals at magpe-perform.

MAESTRO
Lapit na, lapit na, lapit na! Nakita mo na ba?! Narinig mo
na ba?! Ang mga taong kalahating hayop! Humanda nang
mamangha sa kanila! Unang-una si Enchong Go!

Montage ng performance ng mga taong hayop.

a. Maglalambitin si Enchong sa monkey bars.


b. VO ni Maestro: Camel Tianco. Magja-juggle ng mansanas.
c. VO ni Maestro: ang singer na si Agoat Isidro. Kanta naman
siya.

MAESTRO
At ang pinakabago naming atraksyon, nagmula sa kaharian ng
mga itik… ipinagmamalaki naming ipakilala sa inyo… si
Justin Bibe!

Manginginig si Justin sa gitna ng stage. Hindi ito magugustuhan


ng audience at tuluyan siyang mabu-boo. Babatuhin pa siya ng
kamatis.

16
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
12. INT. PERYA, CAGE TENT. NIGHT
Ginagamot ni Agoat si Justin.

JUSTIN
Ouch. Pwede dahan-dahan lang.

AGOAT
Sorry ha. Hindi kasi ako si Dr. Kwakwak! Dapat nga ikaw
‘yun eh. Hahaha.

Magtatawanan ang iba pa. Pero hindi si Justin. Bigla itong


ngangawa ng iyak.

CAMEL
Hala ka Agoat, pinaiyak mo si Justin.

AGOAT
Uy, joke lang ‘yun. ‘Wag ka na umiyak.

ENCHONG
Pinagtawanan mo kaya siya. Ang sama ng ugali mo.

AGOAT
Sino kaya sa atin ang mas masama ang ugali?

ENCHONG
Sino kaya sa ‘tin ang may sungay?
JUSTIN
Nami-miss ko na ang Mommy ko. Kung hindi lang sana ako
naging bad baka kasama ko pa rin siya… Alam n’yo, sa bahay
namin, para akong prinsipe. Lahat ng gusto ko, sinusunod ni
Mommy… Kasi, ayaw niyang maging malungkot ako pagkatapos
nilang maghiwalay ni Daddy…

AGOAT
Dati hindi ko rin na-a-appreciate ‘yung mga ginagawa ng
Mommy at Daddy ko. Lagi akong naghahanap ng wala.

ENCHONG
Alam ko na ngayon na naging pasaway ako.

CAMEL
Ako naman…

ENCHONG
O hindi ka kasali, dito ka pinanganak ‘di ba? Totoo ba ang
tsismis?Si Munti raw ang tatay mo?

17
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

CAMEL
Hindi totoo ‘yon!

JUSTIN
Gusto ko na umuwi. Bakit hindi tayo tumakas?

ENCHONG
Hindi pwede. Nakikita mo ba ‘tong mga bell sa leeg natin?
Tracking device ‘to. Kaya malalaman si Maestro kung may
tumatakas.

CAMEL
Kapag nahuli tayo, siguradong hahagupitin tayo nang buntot-
pagi. Pati mata mo, may latay.

AGOAT
Isa pa, kahit makatakas tayo rito, tatanggapin ba tayo ng
mga magulang natin?

ENCHONG
Alam ko na, para mawala ang lungkot mo may papakita kami
sa’yo.

13. EXT. PERYA. NIGHT


Kita ang makulay na ilaw ng perya. Dahan-dahan na lumalakad ang
apat na magkakaibigan, nakatingkayad pa.

JUSTIN
‘Kala ko ba, hindi tayo pwedeng tumakas?

AGOAT
Hindi naman tayo tatakas. May pupuntahan lang tayo dito rin
sa perya.

CAMEL
Nandito na tayo. Dito kami nagpupunta kapag nalulungkot
kami.Para malibang kami.

JUSTIN
Eh ano bang meron dito? Dapat sumakay na lang tayo ng
ferris wheel.

ENCHONG
Ayan na. Tingnan mong mabuti.

18
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Magre-react pa sana si Justin pero makikita niya ang unti-unting
pagdami ng mga alitaptap.

JUSTIN
Ang ganda!

AGOAT
Thank you.

JUSTIN
Ng mga alitaptap.

AGOAT
Alam ko!

JUSTIN
Thanks for bringing me here.

CAMEL
Oh… it’s none of your business.

JUSTIN
Ano?

ENCHONG
Ang ibig niyang sabihin, wala ‘yun. ‘Wag ka na kasi mag-
English. My English is very small.

Magtatawanan na lamang sila habang nakatanaw sa mga alitaptap.

LOLA B (VO)
Manghang-mangha si Justin sa ganda ng tanawin na nakikita
niya. Pero mas namamangha siya sa kabaitang ipinapakita ng
mga bago niyang kaibigan.

14. EXT. PERYA. NIGHT


Sisilipin muna ni Justin ang mga natutulog na kaibigan bago
tuluyang tumakas. Magtatago siya sa mga rides at mapapatingin sa
bilog na buwan. Bigla siyang may maaalala.

LOLA B (VO) CON’T FROM LAST SEQUENCE’S VO


Magkagayunman, dahil sa nararanasang hirap at kalupitan,
lalong naging masidhi ang pagnanais ni Justin na makatakas
sa perya.

FLASHBACK:

19
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

MYSTERY GIRL
Dahil makasarili kang bata at hindi marunong makontento sa
kung ano ang mayroon ka… isinusumpa ko, sa susunod na
kabilugan ng buwan ay unti-unti kang magiging bibe!

Babalik si Justin sa mga kasama niya. Sa kabilang banda


masisilip naman niya si Maestro at si Munti na nag-uusap.

MAESTRO
Sa wakas at kabilugan na rin ng buwan! Maisasakatuparan ko
na rin ang aking mga plano! (laughs)

Makikitawa si Munti pero muli na naman siyang titingnan ng


masama ni Maestro.

MAESTRO
Munti! Kunin mo na ang libro ng karunungan!

MUNTI
Your wish is my command Maestro.

Dahan-dahang babalik si Justin sa tent ng mga taong hayop pero


makikita siya si Maestro. Bigla itong lilitaw sa harap niya.

MAESTRO
At saan mo binabalak pumunta?

*****GAP TWO*****

15. INT. BAHAY NI LOLA B. DAY.


Nagkukulitan ang kids kasama si Lola B.

CHRIS
Aika, what will you do kapag nahuli ka ni Maestro na
tumatakas?

AIKA
Sore ga kowaidesu. (That’s scary.) Magpapanggap akong nag-
i-sleep walk. Eh ikaw Axel?

AXEL
Sasabihin ko na nagugutom ako at naghahanap lang ako ng
midnight snack. Ikaw, Kuya Chris?

20
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
CHRIS
I’ll probably run as fast as I can.

LOLA B
Nako, wala kayo sa ‘kin. Ako gagamitan ko siya ng magic!

Kuliglig moment. No reaction mula sa kids.

LOLA B
Parang inaantok naako. Next week ko na lang itutuloy ang
story?

AIKA
Mate! (Wait)Lola B, siguradong walang panama sa inyo si
Maestro.

LOLA B
O siya. Gusto nang tumakas ni Justin mula sa perya, pero
naisip niya na hindi niya kayang iwanan ang mga bago niyang
kaibigan kaya naisipan niyang bumalik…Na siya namang naging
dahilan para siya ay mahuli ni Maestro.

16. INT. PERYA, CAGE TENT. NIGHT


Kakaladkarin ni Maestro si Justin sa isang braso papasok sa
kural ng mga taong hayop.

MAESTRO
Gumising kayong lahat! Gusto kong makita n’yo kung paano ko
paparusahan ang suwail na ito!

Magigising ang iba pang MGA TAGAPERYA at magigimbal sa


masasaksihan. Kukumpas si Maestro at lalabas sa kamay niya ang
buntot-pagi lalong matatakot ang mga bata.

JUSTIN
Parang awa mo na Maestro. Huwag mo kong sasaktan. Hindi
naman talaga ko tatakas eh.

MAESTRO
Ikuwento mo sa pagong!

Mapapatingin ang lahat kay Camel.

CAMEL
Teka, camel ako. Hindi ako pagong!

21
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
AGOAT
Ako nalang ang parusahan n’yo. Huwag na siya.

ENCHONG
Hindi. Ako ang parusahan n’yo, Maestro.

CAMEL
Huwag n’yong gagalawin ang mga kaibigan ko. Ako na lang.

ENCHONG
Oo nga po. Si Camel na lang. Huwag na kami.

CAMEL
O teka. Akala ko ba sama-sama tayo rito?

JUSTIN
Huwag ang mga… huwag ang mga kaibigan ko! Ako ang may
kasalanan ako ang parusahan n’yo!

Pero haharang ang lahat ng mga taong hayop kay Justin.

MAESTRO
Ah ganu’n pala. Pwes, magsama-sama kayo!

Hahatawin sana ni Maestro ang mga bata pero magbabago ng isip.

MAESTRO
Meron akong mas magandang naisip!

Sesenyasan ni Maestro si Munti. Papasok sa kural si Munti at


lalapit kay Maestro.

MAESTRO
Kuhanan mo ang bawat isa ng bahaging hayop nila.‘Yung
unggoy, putulan mo ng buntot.‘Yung kambing, kunin mo ang
isang sungay.At ‘yung bibe, pigtasan mo ng balahibo!

Biglang magdi-dissapear si Maestro. Siya namang papasok ang iba


pang mga alipores.

CUT TO:

Makikitang may benda ang mga bahaging kinuhanan ng bahaging


hayop. Himas-himas pa ito ng mga bata.

22
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

JUSTIN
Sorry. Pati tuloy kayo nadamay.

AGOAT
‘Wag mo nang isipin ‘yun. Sabi ni Maestro, wala daw
magmamahal sa tulad natin at hindi na tayo matatanggap ng
pamilya natin. Pero hindi naman totoo ‘yun. Kasi isang
pamilya tayo dito ‘di ba? At napatunayan kong tanggap at
mahal natin ang isa’t isa.

Magkakatinginan si Camel at Enchong.

ENCHONG
Nice Hugoat, Agoat! (tatawa)

Mag-a-apir pa si Camel at Enchong.

JUSTIN
Thanks talaga. Pero kailangan kong kausapin si Maestro.

Biglang aalis si Justin at magkakatinginan na lang


magkakaibigan.

17. EXT. PERYA. NIGHT


Kabilugan ng buwan. Naka-set up sa gitna ng perya ang malaking
banga na pinaiinitan ng apoy. Huhubarin ni Maestro ang pang-
itaas at makikita ang balat-ahas niya.

Note: Pwedeng mag-insert tayo ng shot dito ng clouds parting to


show the full moon as we hear the voiceover of Lola B.

LOLA B (VO)
Lingid sa kaalaman ng mga bata,si Maestro ay isinumpa rin
gaya nila. Sa tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan,
lumalabas pa rin ang pagiging kalahating ahas niya sa
kabila ng iba-ibang paraang sinubukan niya para siya ay
tuluyang maging tao at magkaroon ng pambihirang lakas.

MAESTRO
Sa wakas, matutupad na rin ang matagal kong pinapangarap
ngayong kompleto na ang mga taong hayop na kailangan ko.

23
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Magiging ganap na tao na ang katawan ko at magkakaroon na
ako ng walang kasing-lakas na kapangyarihan! (laughs)

Makikitawang muli si Munti. Pero matatahimik siya nang biglang


lumitaw ang dilang ahas ni Maestro.

MAESTRO
Akin na ang libro ng karunungan.

Iaabot ni MUNTI ang libro. Bubuklatin ni Maestro ang libro,


makikita ang sketch ng mga taong hayop, kamukha ni Enchong,
Agoat at panghuli, ni Justin. Ang sunod na pahina ay ang spell.

MAESTRO
Akin na ang mga bahaging hayop.

Iaabot ito ni MUNTI. Ilalagay naman ni Maestro ang lahat ng


sangkap sa malaking banga at muling bubuklatin ang libro.
Babasahin niya ang spell.

MAESTRO
Mahiwagang bilog na buwan! Tuparin ang aking kahilingan!
Gawing tao ang aking kaanyuan! At bigyan ako ng
kapangyarihan!

Kikidlat nang malakas at tatama ito direkta sa bangga na


umuusok-usok pa. Magsasandok si Maestro at ilalagay sa bote.
Iinumin niya ito at biglang mawawala ang balat-ahas sa katawan
niya.

MAESTRO
Tagumpay! (laughs)

Matapos ay magpapakawala si Maestro ng malakas na enerhiya.


Kitang-kita ito lahat ni Justin.

*****GAP THREE*****

18. INT. PERYA, CAGE TENT. NIGHT


Babalik si Justin sa mga kasama at ikukuwento ang nasaksihan.

AGOAT
Justin, ano’ng nangyari?

JUSTIN
I saw Maestro. Taong hayop din siya. Pero nakita kong
gumawa siya ng potion para maging tao ulit.

24
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

ENCHONG
Kailangan nating makuha ‘yun.

JUSTIN
Tama. But first we need a plan!

Magha-huddle ang lahat ng mga taong hayop nang kumpol-kumpol,


magbubulungan. Makikitang tatayo si Camel at kakamot sa baba at
mapapangiti. Hihilahin siyang muli si Enchong para makisali sa
plano.

19A. INT. LOLA B’S HOUSE. DAY (OPTIONAL)

Note: Can we delete the scene na nag-uusap ang mga bata within
hearing distance ni Maestro? Ang weird nang pagkaka-stage ng
scene na ito kasi obviously dinig na dinig ni Maestro ‘yung
usapan ng mga bata dahil ang lapit-lapit nila. We can just have
a spiel with Lola B and kids discussing kung ano ang plan ng mga
bata then we cut right into the scene na nakatulog na si Maestro
at nakapasok na ang mga bata sa tent.

AXEL
Lola B, ano’ng plan nina Justin?

LOLA B
Well… Nilagyan nila ng pampatulog ang pagkain ni Maestro…

Magtatawanan ang mga bata.

AIKA
Talaga lola? Ginawa nila ‘yon?

CHRIS
Justin and the half-animal kids, for the win! Yes!

AIKA
Kanino sila nakakuha ng pampatulog?

LOLA B
Ibinigay ni Munti…

CHRIS
‘Yung midget? So siya nga ang daddy ni Camel?

LOLA B
Oo…

25
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

AIKA
Kung siya ang tatay ni Camel, bakit niya hinayaan na
pahirapan sila ni Maestro?

LOLA B
E kasi nga, pare-pareho silang slaves ni Maestro…

AXEL
Lola B, effective ba ‘yung pampatulog?Nakatulog ba si
Maestro?

Sly smile from Lola B. Then we cut to the scene na pumapasok na


sa tent ang mga bata at nakatulog na si Maestro.

19. INT. PERYA, TENT NI MAESTRO. NIGHT


Kumakain si Maestro habang sina Justin, Agoat, Enchong at Camel
ay nakatago sa kung saang bahagi ng tent, nagbubulungan.

AGOAT
Sigurado ka bang effective ‘yung nilagay mong pampatulog sa
pagkain ni Maestro?

CAMEL
Oo naman. Galing ‘ata kay Tatay ‘yun?

AGOAT
Tatay? Huwag mong sabihing…?

ENCHONG
Sabi ko na nga ba, tatay mo si Munti?!

AGOAT
Camel, kung tatay mo si Munti, bakit ka niya hinahayaang
maghirap dito?

CAMEL
May magagawa ba siya? Pare-pareho lang naman tayong alipin
ni Maestro…

JUSTIN
Shhhh. Quiet. Baka marinig tayo. Masira pa ang plano natin.

Maya-maya ay tumayo si Maestro. Naghikab at humiga sa kama.

26
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
JUSTIN
Ayun. Tara na.

Lalabas sa pinagtataguan ang apat at agad na hahanapin ang bote.

AGOAT
Justin, ano ba’ng itsura nu’n?

JUSTIN
Basta nakalagay sa bote.

ENCHONG
Parang ganito?

JUSTIN
Ayan nga. Nice one Enchong go! Quack! Quack!

AGOAT
Justin, ‘yung boses mo?Mee, mee. (Sound po ‘yan ng goat)

ENCHONg
Hala ano’ng nangyayari sa inyo? Hu, hu, hu. (Sound ng
monkey)

CAMEL
Naku, paano kaya ako?

Walang sound.

CAMEL
Tara na nga, umalis na tayo rito bago pa tayo mahuli.

Mabilis na lalabas ng tent ang mga bata.

20. INT. PERYA, CAGE TENT. NIGHT


Isa—isang iinom ang mga taong hayop ng antidote at magiging
ganap na tao. Iinom si Enchong at magiging tao.

ENCHONG
Agoat, ikaw naman.

Pero aagawin ni Camel ang bote, iinom nang kaunti mula sa bote.
Pero walang magbabago.

CAMEL
Teka bakit hindi pa rin ako nagiging tao?

27
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

ENCHONG
Eh kasi tao ka naman talaga. Hindi ka naman sinumpa gaya
namin.Ipinanganak ka nang ganiyan.

CAMEL
Baka kailangan ng isa pa.

Muling iinom si Camel pero walang mangyayari. Iinom sana siyang


muli pero pipigilan siya ni Enchong.

ENCHONG
Camel, tama na. Ibigay mo na ‘to kay Agoat.

CAMEL
Pasensya na.

AGOAT
Ayos lang. Mee.

Sisilipin ni Agot ang bote at makikitang isang patak na lang.

AGOAT
Paano ‘to isang patak na lang ang natitira? Dalawa pa kami
ni Justin ang hindi nakakainom. Mee.

ENCHONG
Ikaw kasi Camel dumoble pa eh.

JUSTIN
Huwag na kayo magsisihan. Para sa’yo ang huling patak.
Quack.

AGOAT
Hindi pwede. Sa’yo na lang. Mee.

JUSTIN
Hindi ko iinumin ‘yan. Alam kong miss mo na ang pamilya mo.
Quack.

AGOAT
Pero paano ka? Mee.

JUSTIN
Sige na. Inumin mo na. Quack.

Iinumin ni Agoat ang huling patak at magiging ganap na tao siya.

28
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

AGOAT
Maraming salamat, Justin.

Yayakapin ni Agoat si Justin.

JUSTIN
Kailangan na nating tumakas habang natutulog pa si Maestro.
Quack. Quack.

AGOAT
Pero paano ‘tong suot nating bell?

Biglang papasok si Munti.

MUNTI
Ako’ng bahala diyan.

May ilalabas na malaking pliers si Munti.

*****GAP FOUR*****

21. EXT. PERYA. NIGHT


Tatakas ang grupo nina Justin. Mapapansing wala na ang cowbells
sa leeg nila.

ENCHONG
Bilisan ninyo baka biglang dumating si…

Bigla na lamang mag-a-appear si Maestro.

MAESTRO
Baka bigla akong dumating?

MUNTI
Maestro, pakawalan mo na ang mga bata. Nakuha mo na ang
gusto mo.

MAESTRO
Isa ka pa! Traydor!

Magpapakawala ng kapangyarihan si Maestro at patatamaan si


Munti.Titilapon ito. Biglang magtatakbuhan ang mga bata.

MAESTRO
Saan sa palagay n’yo kayo pupunta?

29
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
Muling magpapakawala ng kapangyarihan si Maestro sa direksyon ng
mga tumatakbong bata. Matatamaan sana si Agoat pero sasaluhin
ito ni Justin.

AGOAT
Justin bakit mo ginawa ‘yun?

JUSTIN
Tumakas ka na dali. Quack.

Lalapit sa direksyon nila si Maestro. Muli na namang


magpapakawala ng kapangyarihan si Maestro pero itutulak siya ni
Justin at tatama sa langit ang panira.

MAESTRO
Tumabi kang bibe ka!Kung ayaw mong maging peking duck!

Ilalabas ni Maestro ang buntot-pagi sa kamay niya. Hahatawin


niya sana si Justin pero mapapansin niyang tuluyang naging hayop
ang mga bata.

MAESTRO
(laughs) Sinasabi ko na nga ba!

JUSTIN
Ano’ng ginawa mo sa kanila? Quack!

MAESTRO
‘Yung ninakaw n’yong bote, hindi para sa mga batang katawan
n’yo ‘yun. Pero sige tatapusin ko na ang paghihirap ninyo.

Muling maglalabas ng kapangyarihan si Maestro at ipupukol kay


Justin pero may sasalag na kapangyarihan din dito. Lalabas si
Mystery Girl.

MAESTRO
Diwata, long time no see!

Iikot si Mystery Girl at magiging magandang diwata.

DIWATA
Magnifico, sa kabila ng parusang ibinigay ko sa’yo noong
bata ka pa ay hindi ka pa rin nadadala! Bagkus ay naghangad
ka pa ng mas matinding kapangyarihan!

30
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
MAESTRO
Hindi ko lang sinunod ang utos ng nanay ko na bumili ng
suka, ginawa mo na agad akong taong ahas!Nasaan ang
hustisya? Kaya naman pinangako kong hihigitan ko ang
kapangyarihan mo! Eto ang bagay sa’yo!

Magtatagisan ng kapangyarihan si Maestro at ang diwata. Sa huli


ay matatalo si Maestro at magiging isa siyang baka! Hihipan ni
Diwata ang magic wand na umuusok pa.

DIWATA
Wala kang binatbat! Habambuhay ka nang kakain ng damo!

Ikukumpas ni Diwata ang magic wand at magiging tao nang muli ang
mga hayop maliban kay Justin.

DIWATA
Ang galing ko talaga!

JUSTIN
Ahem. Ahem. Ahem.

DIWATA
Ay oo nga pala. Dahil saipinakita mong katapangan at dahil
pinatunayan mong kaya mong unahin ang kapakanan ng iba bago
ang iyong sarili, ibinabalik na kita sa pagiging balut… ay
este sa pagiging tao.

Sa isang kumpas ng wand ay magiging tao nang muli si Justin.

JUSTIN
Maraming salamat Diwata. Promise magiging good boy na ko.

AGOAT
Kami rin Diwata. Magiging mabait na bata na kami.

DIWATA
Buti naman. O siya ‘wag na kayong maging pasaway. Paalam!

Bigla ngang mawawala ang Diwata.Magyayakapan naman ang


magkakaibigan.

22. INT. JUSTIN’S HOUSE. DAY


Hindi mapakali si Mommy sa kakapindot sa telepono habang nanood
lang ng TV si Yaya Susi. Biglang papasok si Justin, kasama sina
Agoat, Enchong at Camel.

31
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015

JUSTIN
Mommy!

MOMMY
Justin!

Tatakbo si Justin sa Mommy niya pero si Yaya Susi ang yayakap sa


kanya.

YAYA SUSI.
Oh my Justin. I’m glad you’re OK. We’ve looked everywhere
for you. I so miss you my baby boy.

MOMMY
Ehem. Ako yata ang nanay dito.

Bibitaw si Yaya Susi kay Justin at agad namang yayakap ang huli
sa Mommy niya.

JUSTIN
Sorry po talaga, Mommy. Promise po magiging good boy na
‘ko.

MOMMY
Promise ‘yan ah. ‘Wag mo na uulitin. Ano ba kasing
nangyari?

JUSTIN
Long story po. Oo nga pala, may bago akong friends. Si
Enchong, si Camel at si…

AGOAT
Agatha. Agatha po ang pangalan ko.

Magngingitian ang mga bata kasama ang sobrang happy na si Mommy


at Yaya Susi.

23. INT. BAHAY NI LOLA B. DAY


Ita-type ni Lola B sa laptop niya ang mga sinasabi niya.

LOLA B
At magmula noon ay naging matalik na silang magkakaibigan…
at mga batang may respeto at pagmamahal sa mga magulang.

32
LOLABASYANG.COM
Ep. 4: Ang Prinsipeng Mapaghanap
Writer: Ash Malanum
Final Script as of June 24, 2015
AXEL
Pag masungit ba ako, Lola B, magiging bibe rin ako gaya ni
Justin?

LOLA B
Sa kuwento lang natin ‘yon, Axel… Pero pag naging masungit
ka, siguro baka maging bubuwit ka…

AXEL
Lola…

LOLA B
Joke lang…

CHRIS
Thanks po sa story, Lola B. Gagawa po muna ako ng homework.
Bye!

LOLA B
Bye Chris!

USAGI
Ako rin po. Sayonara! (Goodbye)

AXEL
Lola B, nandiyan na po ang sundo ko. Sa susunod po ulit.

Hahalik si Axel kay Lola B at patakbong aalis.

LOLA B
O mag-iingat ka ah. Ba-bye.

Isasara ni Lola B ang laptop, tatayo sa upuan. Katakataka namang


may malalaglag na puting balahibo ng bibe sa laptop niya.

THE END

33

You might also like