You are on page 1of 59

HAYAAN MO SCRIPT

MGA KARAKTER:
Mond ulila, laking-ampunan, necrophiliac, makata, kumukuha ng kursong
Biology tulad ni Jaco, tagahanga at paglaon ay magiging nobyo ni Rey Ann
Rey Ann ulila, kinupkop ng pulis, kaibigan at tila kapatid na maituturing ni
Ana, liberal/liberated, kabilang sa isang rock band, kumukuha ng kursong
Political Science, nasa huling taon na sa kolehiyo
Ana kaibigan ni Rey Ann, tahimik subalit may maibubuga rin sa pagsusulat,
kumukuha ng kursong Literature, nasa huling taon na
Jaco kaibigan ni Mond, karibal ni Mond kay Rey Ann, anak ng mga sponsor
ni Mond sa pag-aaral sa kolehiyo

EPISODE 1 (Rey Ann Maramag)


1 EXT. ESKINITA. GABI.
Tumatakbo ang isang lalaking may tangan na itim na bag sa pasikot-sikot na
mga eskinita. Hinahabol siya ng mga armado ring lalaki. Sa pakikipagpalitan
niya ng putok ng baril, makakabanggan niya ang isang magbabalot na
kapares niya ang tindig. Ang magbabalot ay abala at masayang nagbibilang
ng kanyang kinita, bitbit ang basket na mayroong maliit na Hello Kitty
bagpack, kung kayat hindi nakaiwas sa banggan. Mahuhulog ang binibilang
niya at ang bag na itim ng lalaking humahangos. Diretso lamang sa
pagtakbo ang isang lalaki habang dinadampot ng magbabalot ang mga
nahulog na barya at ang bag na itim. Ihahabol niya sana ito subait agad
nakalayo ang lalaki. Bubuksan niya ito at tatambad ang mga pakete ng
puting pulbos. Maririnig niya ang mga yabag ng paang patungo sa kanyang
direksyon.
LALAKI 1
Dyan ka lang!

Namutla ang magbabalot at akmang tatakbo pa lamang nang luminga siya


upang saluhin ng kanyang katawan ang mga bala.

2 INT. BARONG BARONG. GABI.


Humahangos na papasok ang lalaki sa barong-barong. Susukot sukot na
sisilip ang batang si Mond sa dumating.
JOSIE
(Umuungol. Umiiyak.)

Page 1 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Babalikan ng batang si Mond ang ina subalit agad ding magtatago ang bata
sa sandaling marinig ang yabag ng amang papalapit sa ina.

ROMY
SSSSSSHHHHH!!!

Talsik-laway at nanlalaki ang mata ni Romy sa pagpapatahimik kay Josie.


Aligaga ito at maghahanap ng kung anong bagay na magagamit upang
saktan at patahimikin si Josie. Maaalala ang kanina pang hawak na baril.
Pagbalik nito sa babae ay tahimik na ito at may saksak ng kutsilyo sa dibdib.
Matutulala at maaaligaga lalo si Romy. Matatawa na tila nahihibang na.
Kakapkapan ang sarili hanggang masumpungan ang isang maliit pakete ng
shabu. Hihithitin niya ito. Iikot ang paningin niya at sa pagpihit ay
sasalubungin ng putok ng baril sa ulo. Magdidilim ang paligid.

3 INT/EXT. BARONG-BARONG. MADALING ARAW.


Nakapaligid ang mga kapitbahay sa barong-barong habang nag-iimbestiga
ang mga kapulisan.
KAPITBAHAY 1
Kung hindi ho lasing eh madalas sabog yang si Romy. Matagal na ho yang
ganyan, wala lang makasaling wala kasing sinasanto.

KAPITBAHAY 2
Pati ang asawa niyan at anak madalas madamay. Pero laging kawawa si
Josie, hindi nalabas ng bahay na walang ube sa muka o katawan.

Akmang nagtatala si PSI1 Joel Diosana mga impormasyon. Lalapit ang isa
pang police officer sa kanya.
PO3 Salonga
Pasitib, chief! Si Romy alyas Bato nga ho ito. Nakapuslit sa operasyon kagabi
pero mukang may iba ng humatol sa kanya.

PSI1 Diosana
Yung magbabalot?

PO3 Salonga
Wala pa hong resulta. May naiwang anak na babae..

PSI1 Diosana
Page 2 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Sige, sige.

Darating ang mga kinatawan ng DSWD at autopsy team upang kunin ang
mga bangkay. Sa mustra ni PSI1 Diosana ay dadamputin ang bangkay ni
Romy. Muling lalapit si PO3 Salonga.

PO3 Salonga
Chief! May konting problema ho tayo. (Tuturo sa loob ng barong-barong)

Hindi na patatapusin ang kausap. Pupuntahan nila ang kinalalagyan ng


katawan ni Josie na mahigpit na yakap ng batang si Mond. Hindi ito umiiyak.

PO3 Salonga
Ni parang di ho nakakarinig. Ayaw bumitaw, ayaw ring magsalita man lang.

Hinahaplos ng isang may edad ng social worker na babae ang likod ng bata
at sinusubukan pa ring kausapin ito. Lalapitan ni PSI1 Diosana ang bangkay
ni Diosana at mumustra sa mga kasama. Makukuha na ang bangkay ni Josie.
Saka pa lamang iiyak si Mond at susubukin niyang humabol subalit mahigpit
na siyang yakap ng social worker.

4 INT. MORGE. GABI.


Pupuntahan ni PSI1 Diosana ang bangkay ng magbabalot sa morge.
Daratnan niya ang batang babaeng nakayakap sa bangkay. Lalapitan niya
ang nag-iisang pamilyang naiwan ng magbabalot.
PSI1 Diosana
(Titighim bago magsimula) May anak akong babae, siguro kaedarin mo siya,
sinlakihin mo..

Umiiyak at tila walang naririnig ang batang babae. Sa paglapit ng pulis ay


lalong lumakas ang pag-atungal nito. Mapapalinga linga ang pulis.

PSI1 Diosana
Hindi ka pwedeng magtagal dito. May matutuluyan ka ba?

Darating si PO3 Salonga upang iabot ang autopsy report ng magbabalot kay
PSI1 Diosana. Lalayo sila mula sa kinaroroonan ng batang babae. Dahan-
dahang sisipiin ang papel. Mapapabuntong-hininga si PSI1 Diosana at
mapapakamot ng noo habang mapapayuko lamang si PO3 Salonga.
Page 3 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
PSI1 Diosana
Ipatawag nyo lahat ng nakasama sa operasyon.

PO3 Salonga
Yes, chief!

PSI1 Diosana
They will be relieved.

PO3 Salonga
Sir?!

PSI1 Diosana
Malinaw ang pagkasabi ko. Thats an order.

Agad tatalilis si PO3 Salonga upang sumunod at babalikan ni PSI1 Diosana


ang batang babae.
PSI1 Diosana
Anong pangalan mo?

Hihina nang muli ang paghikbi ng bata subalit tulala pa rin at nakakapit sa
ama. Uupo si PSI1 Diosana upang subukang tagpuin ang paningin ng bata.

PSI1 Diosana
Hindi ka pa ba nagugutom? May gusto ka bang kainin? (Walang tugon ang
batang babae.) Kung ako ang tatay mo

Sa wakas ay makukuha niya ang atensyon ng bata. Titignan siya nito ng


masama subalit saglit lamang. Makikita ng pulis ang bagong Hello Kitty bag
ng bata. Sisilipin at makikita ang sulat ng bata para sa nalalapit na kaarawan
ng ama. Mapapapikit na lamang ang pulis.

PSI1 Diosana
Kukunin na nila ang tatay mo mamaya. Nasa labas lang ako, okay ba?

Page 4 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Aalis ang pulis at lilingunin ang bata ng huling beses. Sa paglabas niya ay
lilingon din ang bata sa pintong nilabasan.

5. INT. BAHAY AMPUNAN. UMAGA.


Kanya-kanyang imis ang mga bata sa kanilang hinigaan. Kanya-kanyang
dampot ng walis at panlampaso ng sahig. Samantala, pusturang pusturang
donya naman ang kanilang tagapag-alagang si Myrna. Taas na taas ang mga
kilay na iginuhit. Bantay na bantay ng pamamaypay ang ayaw maagnas na
make up na naghiwalay sa kulay ng kanyang muka tila ipinatong lamang sa
katawan.
MYRNA
Bilis-bilis ang kilos! Magsiligo na agad kayo at mag-almusal at hindi nagsabi
ng oras sina Sister kasama ang mga mag-aampon!

Excited ang lahat ng mga bata maliban kay Mond. Naglilinis na ang lahat ay
nakatalungko pa ang yayat nang si Mond. Nakaligo na at nakabihis ang lahat
ay saka pa lamang siya babangon. Tumanaw lamang siya sa bintana at
minasdan, inobserbahan ang ilang mga batang naglalaro ng patintero sa
kalsada, katapat ng mga kaedaring batang hindi ulila na nagseselpown, at
ang ilan pang mga batang pinaglalaruan ang isang galisin at pipilay pilay na
pusang itim. Makakatakas ang pusa. Makikita sila ni Myrna.

MYRNA
Hoy! Aga-aga laro agad ha. Nakapaglinis na ba kayo ng toka sa inyo?
Nakaligo na kayot lahat papapawis pa, aksaya kayo sa tubig at sabon ah!
Aryana yung ligpitin, ano ba!

Agad namang susunod ang mga bata. Pinahilera ni Myrna ang labindalawang
mga bata sa tanggapan ng kanilang bahay.
MYRNA
Pagdating nina Sister, umayos na naman kayo. Hwag mukang di
pinapakain, di natuturuan. Ngumiti nang maganda. Kung ayaw nyo, hwag
nyo. Kung makakapal ang mukha nyo at walang utang na loob na tulungan
naman akong mabawasan ang alagain.

Bubulong si Sherwin, 10 taong gulang, payat at maputla, at may kapilyuhan


ang mga ngisi, kay Vincent, ang pinakamatanda sa kanila, 13 taong gulang,
payat at kayumanggi.

SHERWIN (kay Vincent)


Page 5 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Alagain mo muka mo.

Maririnig ito ni Myrna at lalapitan niya ang dalawa upang parehong


babatukan. Pagsasabihan nito si Vincent pagkatapos ay hahawakan sa isang
kamay ang pisngi ni Sherwin:
MYRNA
(Kay Vincent) Ikaw. Hindi kita pinapalamon dito para kunsintihin itong mga
to. Tanda-tanda mo na.. (kay Sherwin) At ikaw.. Kapag di ka umayos
mamaya..

Tahimik lamang ang ibang mga batang nagpapakita na rin ng takot. Ang ilan
ay nakakunot na ang noo at sabukot ang mga mukha. Agad magbabago ang
mood ni Myrna.

MYRNA
Para sa inyo naman kasi ito..Teka.. parang kulang kayo..

Magme-make face si Sherwin na sadyang ipakikita kay Myrna at kakabigin


ng bisig ni Vincent ang bata. Hindi na sila papansinin ni Myrna. Tutunuguhin
niya ang silid-tulugan, buo ang tiwalang dito masusumpungan ang sagot sa
kanyang katanungan. Subalit wala si Mond dito. Pagbalik niya sa mga bata
ay nakahanay na rin si Mond sa mga ito. Suot ang may butas na sando at
oversized na shorts, nakayapak. Lalapitan, susuriin, at tatarayan siya ni
Myrna.
MYRNA
Naligo ka na ba? Nagtutbras? Bakit muka ka pa ring

Sorpresang kakatok sabay pasok si Sister, 50 taong gulang, kasunod ang


isang pares ng mag-asawang nasa edad 40 at ang batang si Jaco. Magugulat
si Myrna at agad sasalubong subalit idiretso ang madre sa pagbati sa mga
bata kung kayat ang foster parents na lamang ang chinika.
SISTER
Mapagpalang umaga, mga bata!

MGA BATA
(Magiliw na sasagot ang mga bata.)Mapagpalang umaga rin po!

MYRNA

Page 6 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
(Magpapansin at hahabol ng bati si Myrna.) Sa inyo rin ho, Sister! Salamat ho
sa pagdalaw ninyo

Magsasalita pa ata si Myrna ay nag-umpisa ng maglakad ang matandang


madre patungo kay Mond.
SISTER
May problema ba, iho? May dinaramdam ka ba?

Tititig si Mond sa madre sabay tatakbo papalabas sa likod-bahay ng


ampunan. Magugulat ang madre at tataasan ng kilay si Myrna. Magugulat
din ang mga bata at ang mag-asawa. Papalakpak at tatawa si Sherwin.
Maiimpit ang pagtawa niya nang lakhan ng mata ni Myrna. Agad namang
babawi ng ngiti si Myrna sapagkat mahuhuli siya ng madre sa ginagawa.
Magpapaliwanag si Myrna kay Sister Charm.

Page 7 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
MYRNA
Pasensya na ho kayo, Sister, maam, sir. Ilang linggo na ho yon dito ay
ganyan pa rin. Yun ho yung naulila nina Josie at Roming adik

SISTER
Myrna!
Susubuking hanapin ng madre ang bata. Una nitong tutukuyin ang kusina
kung saan tatambad sa kanya ang nilalangaw nay nilalanggam pang
pinggan na may kapirasong kanin, ilang pirasong mga dilis, na sinabawan ng
pinakuluang malunggay.

SISTER
Ang akala koy kapapadala lamang ng parokya ng mga de lata at pera para
sa pangkain ng mga bata?

MYRNA
Oho sister.. Hindi pa lang ho nakakapamalengke at..

Nagdire-diretso ang madre patungo sa mag-asawa at maya-maya pa ay


nagpaalam na sa mga bata.
MYRNA
Sister! Aalis na po kayo agad?

SISTER
Patatawagan na lamang muli kita kapag handa ka na at ang mga bata.

Face palm si Myrna. At akmang susugurin ang mga bata subalit bago pa ito
nagtilian na ang mga batang babaeng inutusan niyang hanapin si Mond.

6. EXT. LIKOD BAHAY NG AMPUNAN. UMAGA.


May hawak na bato si Mond at umiiyak ang mga batang babae.

MYRNA
Dyusmio! Ano bang problema mong bata ka?! Manang mana ka talaga sa ma
mong adik! Hindi ka magtatanghalian at hapunan! Manigas ka dyang bwisit
ka!

Page 8 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Pipingutin ni Myrna si Mond at saka igagalyos na parang aso sa likod-bahay
ang batang lalaki. Luluhang nakangiti si Mond habang nakatitig sa bangkay
ng galising pusang kanina lamang ay pinanonood niyang pinaglalaruan ng
mga bata.

7. EXT. BUROL. GABI (MAKALIPAS ANG 13 TAON).


Hindi nauubusan ng patay sa lugar nina Mond. Sa isang buwan siguro ay
hindi bababa sa dalawa. Parating nagkakasama sina Sherwin (23 taong
gulang) at Mond sa mga lamay subalit hindi nila itinuturing na kaibigan ang
isat isa. Nagkakasabay lamang sila para sa kani-kanilang interes: si Sherwin,
upang makapagsugal at si Mond, upang makiramay at kumuha ng
inspirasyon sa kakaibang kapayapaang nadarama tuwing nalalapit sa mga
bangkay. Sa panahong ito rin ay sumasideline si Mond sa mga punerarya
bilang helper o boy upang may maidagdag na pantustos sa pag-aaral.

SHERWIN
Tangina mo, ang dugas mo! Hahaha. O taympers, taympers ha!

Ilalapag ni Sherwin ang mga baraha at lalapitan si Mond.

SHERWIN
Pare, ano na naman yang ginagawa mo?

Aagawin ni Sherwin ang maliit na notebook ni Mond. Magbabasa nang saglit


at mauumay kaagad.
SHERWIN
Ang korni mo talaga, boy! Ano ba napapala mo sa patula-tula mong yan?
Para kang gago. Haha. Bakit di ka na lang magFliptop? Sisikat ka pa sa mga
chikas.

Kibit-balikat na tititigan lang ni Mond si Sherwin.

SHERWIN
(Pabulong) Tara na nga, dun tayo kina Aling Lydia, inaalat ako rito.

MOND
(Malakas) Anong meron don?

SHERWIN
Page 9 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Sssshhh!

Lilingon si Sherwin sa mga ka-saklang mas may edad sa kanya ng hindi


bababa sa 10 taon. Ngingiti ito at tatango sa mga ito at babalik sa pakikipag-
usap kay Mond.

SHERWIN
Lechon!

MOND
O ano naman?

SHERWIN
Tol, joke yon. Aling Lydia. Lechon. Naturingan kang makatao ang slow mo.
Inatake raw sa puso ika nung akala nanalo sa lotto, joke time lang pala.
Bobo.

MOND
Kung hindi magkakuntsaba tila magkakambal talaga ang swerte at
kamatayan ano?

SHERWIN
(Seryosong tititigan si Mond) Lul. Sadyang jumbohala na talaga yun eh lakas
pang kumain at lumaklak. Walang absent yon sa ga kainan dito, birthday,
burol, pati feeding program, nakikigulo. Di ba nga nung bata tayo eh
kinakasangkapan pa tayong tagapila non? Gamit na gamit ka nga noon eh
lampayatot ba naman hahaha.

MOND
(Mapapatango at ngisi. Magsusulat) Batis ng alaalay naglalawa na..

SHERWIN
Nyemas naman o. Kelan ka ba magiging normal?

Lilingunin ni Sherwin ang ngayon ay abala nang mga kalaro sa sakla.


Aakbayan ni Sherwin si Mond paalis sa naunang burol. Kakawala si Mond at
mabilis na magpapaalam sa bangkay ni nilamayan saka hahabol sa nauna
nang tumakbong si Sherwin.

Page 10 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
8. EXT. KALSADA. GABI.
Habang naglalakad, maglalabas ng cellphone si Mond. Aakbay si Sherwin sa
kanya.

SHERWIN
Aba. Big time! Touch screen! San mo napitik yan? Hahaha

MOND
(Mabilis) Binenta to sakin ng kaklase ko, second hand, hulugan, six gives. Di
pa to bayad. Nag-iintay pa ako ng sustentong baka kinupit na naman ni
Myrna sa padala ni sister.

SHERWIN
Yan yan yan. Pumi-freestyle ka na ah. Kaklase ba yan o boyfriend?
Hahaha. Asa ka kay Myrna, pinanglalake na naman niya yon!

MOND
Yung kaklase kong si Jaco. Kailangan daw niya ng extra, ewan pangchicks
niya ata.

SHERWIN
Di ba yun yung anak ng nag-iisponsor sayo?

Tatango lamang si Mond. Hihinto siya upang magbasa ng text ni Jaco.

MOND
May pupuntahan ako.

SHERWIN
Gabing gabi naman ata ang date niyo?

Mag-uumpisa nang maglakad si Mond palayo kay Sherwin matapos magdirty


finger kay Sherwin.
SHERWIN
Hahaha. Tangina mo! Ampogi mo! Happy balentayns! Hahaha

Page 11 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
9. INT/EXT. RESTO BAR. GABI.
Sasalubungin ni Jaco si Mond.
JACO
Bakit ngayon ka lang? Handa ka ba?

MOND
Nawala sa isip ko eh..

JACO
O tara tara, ikaw na agad ha. Tatlo lang pare.

MOND
Teka, teka

Nasa entablado na si Mond. Bubunutin niya mula sa bulsa g pantalon sa


puwitan ang kanyang notebook at magbabasa ng tula sa harap ng maraming
tao sa unang pagkakataon. Pupukpukin niya ang mic at titighim dito upang
subukin kung gumagana ito.
MOND
Mapag.. Mapagpalang gabi po. Ako po si Mond. Unang beses ko po itong..
Uhh.. Itong una po para sa mga may Monday sickness, Lunes na naman kasi
bukas, title po, Monday!
Isa sa mga araw na ito/
Ipupunla ko sa iyo/
Ang araw na parating sumasalo/
Sa lahat ng galit ng mundo//
Mapapawalang saysay ang pangakong saya ng Biyernes/
Maaligaga tuwing Sabado at Linggo/
Di makahihimbing sa pananabik sa iyo//
Ang dating kinasusuklaman ay magiging dahilan ng pagbangon//
Iluluwal mo ang Lunes na babago/
Sa pagtingin sa lahat ng mga Lunes na lumipas/
Mga pagkakataong pinalampas/
Mga hudyat ng panimulang kinatamarang ibalangkas//
Isisilang mo ang Lunes na may bagong bihis/
Wala nang masusuklam sa Lunes sa nalalapit na bukas//

Page 12 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Tahimik ang audience. Magpapaliwanag si Mond.

MOND
Bale yung tula po, tungkol sa.. (lulunok) sa magiging anak ko po sana,
papangalanan kong Monday. Palalakihin ko nang maganda para yung mga
tao mapapa-I love

BABAE MULA SA AUDIENCE


I hate Mondays.

At mag-uumpisang magbulungan ng pagsang-ayon sa babae ang audience.


Pagpaapwisan si Mond subalit magpapatuloy.
MOND
Ahhhh.. Itong ikalawa po, hindi ko orihinal, mula sa isa sa mga paborito kong
manunulat, Jose Lacaba, Halaw kay Su Tung po.

Kung may ipapanganak


ang dasal ng pamilya karaniway ganito:
Maging matalino sana.

Sapagkat ang buhay koy


Winasak ng talino
Gusto kong ang anak koy
Lumaking tangat gago

Sa gayon ay magiging
Tahimik ang buhay niya
At sa kanyang pagtanday
Magiging senador pa!

Pigil ang tawa ni Mond matapos ang ikalawang tula subalit wala pa ring
ibang mababakas samuka ng audience maliban sa kunot ng noo, pagtataka
o Pagkadismaya. Nagtataka na rin si Mond. Hanggang sa mapalingon siya sa
isang poster sa pader na ukol sa event na dinaluhan niya: Mula sa Puso: A
Valentines Day Spoken Word Poetry Special

MOND
(Sa sarili) Putangina
Page 13 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Bababa na sana si Mond subalit may makakukuha sa kanyang atensyon.
Isang babaeng may nakasukbit na gitara ang pumapalakpak, ngingiti at
magtataas ng aprub na hand signal sa kanya.
REY ANN
Whooo! Ayos! Hahaha. More!

Tatabigin ng ni Rey Ann ang katabi at kaibigang si Ana at ngingiti rin ito at
papalakpak subalit hindi kasing lakas ng kay Rey Ann. Matutulala si Mond sa
dalagang ngayon ay nakatitig at sumesenyas sa kanyang magpatuloy lang.
katabi rin nila ang kaklase ni Mond na si Jaco. Mabilis na bubuklat ng
notebook si Mond. Wala siyang masusumpungang tula sa pagkataranta kung
kayat magpapatuloy siya, freestyle.

MOND
Sa aming lugar, wala akong lamay na nililibanan/
Hanggang sa isang gabing inanyayahan akong pasayawin/
Ang mga titik sa loob ko sa saliw ng palatak ng sariling dila/
At kabog nito (ituturo ang dibdib)//
Noon lamang ako nabingi sa sariling dagundong ng dibdib/
Tila ngayon ko nga lamang ata narinig/
Sapagkat nasanay na akong mapayapa kapiling ang malalamig na bang../
(matitigilan si Mond. Nakaabang ang mga tao.)
Malalamig na.. gabing ipinaghehele ng pagbungisngis ng mga bituin//
Nang gabing yon, ang pagkabog nitoy naglakbay hanggang sa kalawakan/
At nagpakendeng pa sa mga bituin/
Posibleng umabot na rin nga rin siguro sa Pluto ang kabog na mabigat pa sa
baho, ewan ko/
Isa lang ang sigurado ako/
Sa gabing iyon, pagtingala ko, ang buwan ay hugis puso.//

Hihingalin si Mond matapos bitawan ang mga huling salita. Papalakpak na


ang ilang mga tao. Mapapako sa kinatatayuan si Mond na nooy nakatitig pa
rin kay Rey Ann. Aakbayin siya at hihilahing pababa ni Jaco mula sa
entablado. Ngingitian ni Rey Ann si Mond at tutuloy na sa pagse-set up sa
entablado para sa pagtugtog ng kanilang banda.

10. EXT. ESKINITA, PATUNGO SA PANIRAHAN NI MOND. HATING-GABI,


PAALA-UNA NG SUSUNOD NA ARAW.
Page 14 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
High si Mond sa kakaibang sayang ngayon lamang niya nadama. Aagawin ng
kumpulan ng mga taong naghihisterya ang pansin niya. Dahan dahan siyang
lalapit at makikita ang bangkay ni Sherwin na mayroong maliit na pakete ng
shabu sa kamay at kartong nakapatong sa katawan: Pusher, wag tularan.
Walang bakas ng pagkabigla kay Mond subalit mananatili ito sa lugar
hanggang dumating ang otoridad.

MOND
(Sa sarili) I love Mondays..

Page 15 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
EPISODE 2 (Jaco Tango)
11. EXT. TRACK AND FIELD. HAPON
Ipakikita ang kabuuan ng track oval at ang mga taong may kani-kaniyang
kumpulan at pinagkakaabalahan. Sa gitna ng mga ito ay ay ipakikita si Jacko
na nakaupo sa field ng track oval, malayo ang tingin habang pinaiikot sa
kaniyang daliri ang disc ng frisbee. Biglang darating ang matalik na
kaibigang si Mond. Sa kilos, porma, at pananamit ay laging ginagaya ni Mond
si Jaco sa eskwela. Wala din naman kasing masyadong choice si Mond sa
pananamit dahil karamihan sa mga gamit niya ay pinaglumaan o
pinagsawaan ni Jaco. Madalas mapaghinalaang may relasyong homosekswal
ang dalawa.

MOND
Hoooy! Tulala ka na naman diyan. (Kukunin ang umiikot na disc ng frisbee sa
daliri ni Jaco)

JACO
(Biglang babaling ng tingin si Jacko kay Mond.) Oyyy, pre! Ikaw pala yan.

MOND
Musta?

JACO
Medyo busy lately. (Mangingisi habang ibinabalik ang tingin sa kaibigang si
Mond)

MOND
Babae ba yan?

JACO
Gago. Puro ka na lang babae.

MOND
Ako pa nga. Ako pa talaga ha.

JACO
Gago malinis talaga ako. Huwag mo akong igaya sa mga karakas mo. Yang
mga ninja moves mo na yan. Nakow.

MOND
Hindi ko kasalanang maging lapitin ng mga babae. hahaha

JACO

Page 16 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Parang tunay ah. Hahaha

MOND
(Ngingisi sa sinasabi ng kaibigan habang umiiling-iling ang ulo.)
JACO
Idinadaan mo pa kunwari sa hilig mo sa pagtula.
(Bibigkas ng ilang linya ng tula habang ginagaya ang tono at postura ng
kaibigan)
Kagabi, higit sa anuman/
mas tinamaan ako sa iyo/
kayat magdamag na lango/
ang diwa ko sa kilig./
At kanina pagkagising/
di nakuha sa pag-inom ng kape/
o pagligo ang amats ko/
sa iyo.//

MOND
Gago, wag mong idamay ang mga tula ko. (Iiling-iling habang ngumingisi).
Tara! Maglaro na lang tayo!

JACO
Ge. (Lalakad papunta sa may kabilang bahagi nang kinatatayuan ni Mond.)

Ibabato nang malakas ni Mond ang disc ng frisbee kay Jacko ngunit hindi
niya ito masasalo. Susundan ng tingin ng dalawa ang pinatunguhan ng disc
na aksidenteng tatama kay Rey Ann na noon ay nagja-jog kasama ang
kaibigang si Ana. Mapapangiwi si Jaco. Manlalaki ang mga mata ni Mond.
Mabilis nilang lalapitan si Rey Ann na napaupo rin marahil sa pagkagulat at
hawak ang gilid ng ulong tinamaan ng disc. Katabi ni Rey Ann ang kaibigang
sin Ana na hindi mapakali sa pag-aalala.
JACO
(Habang inaalalayan si Rey Ann sa pagtayo) Sorry, sorry, sorry. Are you
okay?

MOND
(Aalalay sa kabilang braso ni Rey Ann)

REY ANN
De, wala to. Ayos lang, nabigla lang siguro. (Natatawang iaangat ang
mukha mula sa pagkakayuko. Bahagyang magugulat nang makitang si Jaco
pala ang kausap) Jacko! You are Jakco, right? (Titingin sa kaibigang si Ana na
wari bang humihingi ng pagsang-ayon nito).

Page 17 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
JACO
(Ngingiti at tatango kay Rey Ann) Ah oo nga pala, kaibigan ko si Mond
(Babaling sa kaibigang si Mond habang ipinapakilala ito sa dalawang
dalaga.)

MOND
Uhh..Hi. (Ngingiti at makikipaghandshake kina Rey Ann at Ana. Mas
magtatagal at may eye contact kay Rey Ann.)
REY ANN
Hi, Mond. (Aabutin ang kamay ni Mond at makikipaghandshake rin habang
nakangiti ito.)

ANNA
Hi rin, Mond! Nice to meet you. (Aabutin din ni Anna ang kamay ni Mond at
makikipaghandshake kasabay ng matipid nitong ngiti. Mabilis na bibitiw si
Mond.)

REY ANN
Sorry ha, we really have to go now. Nice seeing you again, Jacko (Babaling
ng tingin sa bagong kakilalang si Mond) Nice meeting you as well, Mond.

MOND
(Tatango at ngingiting tila walang katapusan. Maaalala ang paghagis ng
Frisbee disc na tumama kay Rey Ann) Pasensya na ulit sa lakas ng tama ko
sa iyo.

REY ANN
Huh? (Nangingiting nagtataka)

MOND
Uh. Sa lakas ng pagtama sa iyo ng frisbee disc.

REY ANN
Ahhhhh. (Matatawa) Okay na yun. Hindi naman ako nasaktan. (Hahawakan
ang bahaging tinamaan habang nakangiti.)

MOND
(Sa sarili) Hindi ko rin naman hahayaan. (Bibitiwan nito ang pinakamatamis
subalit may halong pagkamisteryosong ngiti)

Ihahatid ng tingin ni Mond ang mga bagong kakilala na sina Ana at Rey Ann
habang nililisan ng dalawa ang track oval.
JACO
Uyyyyyy! Baka matunaw.
Page 18 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
MOND
(Magugulat ng bahagya at babalik ang atensyon sa kaibigan. Mapapangisi.)

JACO
(Tutuksuhin si Mond sa pamamagitan ng paggaya sa tono at boses).
Pasensya na ulit sa lakas ng tama ko sa iyo. Hahaha. Teach me, master!
(Magtatawanan ang dalawa at mapapabuntong-hininga si Mond na hindi pa
rin mawala ang sa mukha ang ngiti.)

Page 19 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
12. INT. CORRIDOR. HAPON.
Bitbit nina Ana at Rey Ann ang sangkatutak na mga libro mula sa library.
REY ANN
Hindi mo naman sinabing magwe-weights tayo ngayon, akala ko cardio
cardio lang.

ANNA
Sorry na nga..

REY ANN
Iuuwi mo lahat to? Mababasa mo to lahat ngayong gabi?

ANNA
Ehh..

REY ANN
Piliin mo na lang yung mga kailangan mo talagang unahin. Tapos iwan na
lang natin tong iba muna sa locker mo. Dali.

ANNA
(Iisa iisahing ihiwalay ang mga librong kailangan at hindi. Hindi na
makapagsalita masyado sa hingal.)

REY ANN
Akin na susi ng locker mo.

ANNA
Ako na..

REY ANN
Ako na, ha? Inatyin mo na lang ako sa may Gate 1. (ngingiti at didiretso sa
locker na nasa dulo ng corridor)

Susundin ni Ana si Rey Ann. Samantala, humihingal na ilalapag ni Rey Ann


ang mga libro saka bubuksan ang locker ni Ana at isa-isang isasalansan ang
mga librong hiniram ni Ana sa library. Sapagkat mangilan ngilan na lamang
ang tao, tahimik na ang paligid. Subalit di mapapakali si Rey Ann, babagal at
biglang bibilis ang pagkilos sanhi ng pakiramdam na para bang may
nagmamanman sa kanya. Pagkasara ng locker ni Ana ay dire-diretso na
niyang babagtasin ang corridor patungo kay Ana.

13. INT. APARTMENT. GABI.


Papasok sina Rey Ann at Ana sa apartment na inuupahan ni Rey Ann.
Ihahagis ni Rey Ann ang bag sa kama sabay higa at titig sa kisame.
Page 20 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Samantala, uupo si Ana sa pinakamalapit na upuan upang maghubad ng
running shoes niya. Ito ang unang beses na nakarating siya sa apartment ni
Rey Ann na may isang taon na ring bumukod sa bahay nina PSI1 Diosana,
ama ni Ana, ang pulis na kumupkop sa kanya. Ililibot ni Ana ang mata at
makikita ang picture frame na nakasabit sa dingding na malapit sa kama ni
Rey Ann. Aakyat siya sa kama ng kaibigan upang makita ng mas malapitan
ang mga larawan. Hahampasin ni Rey Ann si Ana sa binti sapagkat nayugyog
ang kama sa pagsampa ni Ana. Gaganti ng bahagyang pagsipa sa hita si Ana
at magtatawanan ang dalawa. Tititigan ni Ana ng isa isa ang mga larawan.
Hihilig sa kanyang gilid ang pagkakahiga ni Rey Ann upang panoorin ang
kaibigan. Makikita ni Ana ang larawan nilang dalawa noong mga bata pa sila
kasama si PSI1 Diosana na nakangiting tikom ang mga labi. Nakaakbay ang
pulis sa kanilang dalawa. Nakangisi si Ana samantalang malungkot at tila
badtrip na si Rey Ann. Ang isa pang larawan ay kuha noong graduation nila
ng high school. Mahinhin ang pagkakapigil ng ngiti ni Ana samantalang
malaki ang ngiti ni Rey Ann na nakadila pa. Ang huling larawan ay hindi
pamilyar kay Ana.

ANA
Ikaw to?

Ituturo ni Ana ang larawan ng isang batang nakangiti at nakaukyabit sa leeg


ng isang lalaking may tangang basket. Ang isang kamay ng batang babae ay
may hawak na itlog. Babangon si Rey Ann at ibaba ang picture frame. Uupo
siya sa kama at tititigan ang larawan. Uupo na rin si Ana at maghihintay sa
sagot ni Rey Ann.

REY ANN
Si tatay. (Ngingiti nang malungkot) Nakuha ko lang to sa kapitbahay namin
dati, suki namin, comfort food niya ata ang balot. Tuwang-tuwa samin ng
tatay ko. (Mas masaya na ang ngiti sa pag-alaala sa nakaraan.)

ANA
(Ngingiti nang malungkot) Miss mo siya?

REY ANN
Araw-araw. (Ngingiti habang nangingilid ang luha. Yayakapin ang picture
frame at mabilis na pupunasan ang namimintong luha. Tatayo at muling
isasabit ang picture frame.)

ANA
Galit ka ba kay papa? Sa akin?

REY ANN
Page 21 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Luh? San naman galing yan? (Lalapitan at tititigan sa mata ang kaibigan.
Matatawa.) Matagal na yon.

ANA
Hindi mo naman sinagot ang tanong.

REY ANN
Bakit naman ako magagalit sa nagpakain, nagpalaki sakin, nagpapaaral sa
akin, kumukunsinti sa akin?

ANA
Galit ka ba?

REY ANN
(Ngingiti) Hindi. Tama na nga! Change topic. Anong masasabi mo kay Jaco?

ANA
Okay naman. Bakit?

REY ANN
Eh kay Mond?

ANA
(Mamumula, mapapabawi ng tingin kay Rey Ann) Uhh.. okay rin lang.
(Tatango tango.)

REY ANN
Ano yon?

ANA
Anong ano yon?

REY ANN
Bakit parang naiilang ka Parang namumula ka? Luh, patingin nga

Magtatakip ng unan si Ana sa mukha at hahampasin siya ni Rey Ann ng isa


pang unan habang hinahablot ang unang ipinantatakip ni Ana. Magpapagapi
na lamang si Ana.

ANA
Kelan ka babalik sa bahay?

REY ANN
Type mo si Mond no?
Page 22 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
(Pipilitin pa ring ibahin ang usapan subalit natatawa rin) Tinatanong kasi ni
papa, nag-aalala

REY ANN
(Nanunukso) Iiiihhhh.. Dalaga ka na! (Sabay hampas ng unan.)
ANA
Hindi kaya! Kakaiba lang kasi siya, yung awra..

REY ANN
Luh, umaawra awra ka pa dyan. Oo o hindi lang.

ANA
(Nagpipigil ng emosyong pipilitin pa ring ibahin ang topic) Tsk. Pwede ba.
Nagugutom na ako.

REY ANN
Ako rin. Sabi ko naman sayo kumain na tayo sa labas. Tara?

ANA
Kung sa bahay na kayo tayo magdinner?

REY ANN
(Ihahagis ang unan, sapul sa muka ni Ana. Nasalo niya ito at naiurong nang
bahagya ang ulo kung kayat hindi masyadong malakas ang tama.) Bihis
lang ako. Ikaw?

ANA
Pasensya na ulit sa lakas ng tama ko sa iyo.

REY ANN
Ano?

ANA
Pasensya na ulit sa lakas ng tama ko sa iyo. Sabi sayo ni Mond. Kayo kaya
ang mukhang smitten sa isat isa kanina.

REY ANN
(Ngingiti) Natututo ka na gumanti ha.

ANA
Mana sayo. Haha.

Page 23 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Magpapalit na rin ng damit pantaas si Ana at lalabas na sila ng apartment.
Sa napalakas na pagkabig ng pinto ni Rey Ann ay mahuhulog ang lumang
Hello Kitty bag na nakasabit sa likod ng pinto.

14. INT/EXT. FUNERAL PARLOR. GABI.


Magaan pa rin ang mood ni Mond. Naglalakad siya patungo sa kanyang part-
time na trabaho sa isang punerarya.
MANG KANOR
(Sisipulan ng ilang ulit ang muntik nang lumagpas na si Mond) Hoy! Momon!

Sa wakas ay babalik sa hwisyo si Mond at patakbong lalapit kay Mang Kanor.

MANG KANOR
Sakto dating mo. Kala ko di ka na darating, marami tayong gawa,
pinapatulong ka ni boss sa paggagayak.

MOND
Sa burol ho?

MANG KANOR
Sa bangkay. Dali ka!

Mapapalunok si Mond at mapapangiti. Mae-excite. Agad itong susunod kay


Mang Kanor patungong morge.
MANG KANOR
Kaya mo na ba mula rito? Birthday ng anak ko ngayon, kailangan ko na
mauna

MOND
Okay po.

MANG KANOR
Ayusin mong trabaho mo ha pareho tayong malilintikan

MOND
(Tatango at ngingisi)

MANG KANOR
(Mapapakunot ang noo sa reaksyon ng kausap) Ay siya sige. Heto ang susi.
(Mapapakamot sa ulo at agad nang aalis)

Isa isang susuriin ni Mond ang mga bangkay na nakataklob pa ng puting


kumot, mayroong tatlo. Ang una ay isang lalaking nasa pagitan ng 40-50 ang
edad. Maputi, mugto ang mata, manipis na ang buhok, wala namang anong
Page 24 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
bakas ng pasa o pisikal na pananakit sa katawan. Sa sarili ay wari bang
hinuhulaan ni Mond ang sanhi ng pagkamatay ng mga katawan. Aalisin niya
ang kumot na nakataklob sa buong katawan ng bangkay. Pupunta siya sa
ikalawa, isang ginang na nasa 30-40 taong gulang. Maputing medyo
madilaw, malaman, malaking babae. Bibilis ang tibok ng puso ni Mond at
mapapahinga ng malalalim. Aalisin niya rin ang kumot. Lalapitan niya ang
ikatlong bangkay. Bangkay ng babaeng nasa edad 20-25 siguro. Aalisin niya
ang talukbong na kumot. Tatambad ang kayumangging katawan subalit kita
ang bakas ng mga pasa at saksak. Balingkinitan ito at may hibla pa ng mga
buhok na nakaharang sa mukha. Hahagurin ni Mond ang buhok upang wala
ng humarang sa maganda nitong mukha. Akmang yayakapin niya ang
bangkay subalit tumunog ang cellphone niya at matitigilan siya. Titingin siya
ng oras sa kanyang relo.

15. EXT. CORRIDOR/LOCKER AREA. TANGHALI.


Lunch break. Pagkasauli sa mga tinapos na libro ay agad na babalikan nina
Ana at Rey Ann ang mga librong hiniram kahapon. May makikitang nakaipit
na papel sa kaniyang locker. Kukunin niya ito at babasahin.
ANA
Kagabi, hindi ako dalawin ng antok/
kaya't naisip kong lumabas/
saka tinitigan ang kalsadang/
binasa nang nagdaang ulan./
di naglao'y kinatok/
ng nakaraan ang katahimikan/
at katiwasayan ng aking pagkatao./
pinagbuksan ko't isa-isang pinatuloy,/
nananabik pa rin ako sa tuwing aalalahanin/
kung paano kita nakita't nakilala./
nangingiti pa rin ako/
sa mga palihim kong pagsulyap at pagtitig./
naaalala ang pagpipigil sa nadarama./
tulad ng dati'y muli akong natunaw sa mga/
di sadyang pagtatama ng ating mga mata./
lagi't lagi pa ring napaparalisa pag ikaw na/
ang kaharap at nagigiliw pa ring makipagsayaw/
sa hangin, pag pasimple kang aamuyin./
kagabi, tulad ng mga nagdaan/
ay dinalaw ako ng ating nakaraan./
kaya't, huwag sanang dumating ang gabing/
hindi na ako dalawin ng ating mga nakaraan/
sapagkat ang pinakahuli'y nabaon na sa katagalan.//
P.S

Page 25 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Hayaan mo akong idaan sa mga tula ang mga bagay na nais sabihin sa iyo.
Hayaan mo akong magpakilala at kilalanin ka sa pamamagitan ng mga sulat
na ito. Hayaan mo ako kahit man lamang dito. Hayaan mo.
(Maaaring basahin ang tula sa paraan ng voice over ng isang lalaki)

REY ANN
Bakit naman ganyan ang mukha mo? (Mangingisi sa kaibigang si Ana na ang
itsura ay naglalaro sa pagtataka o pagkatuwa)

Page 26 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
Kung ikaw ba makatanggap ng ganito? Sige nga anong gagawin mo?

REY ANN
Anong gagawin ko? (Ngingiti nang pilya at kukuha ng papel at bolpen)

ANA
Huy! Anong ginagawa mo?

REY ANN
Doing you a favor? (Ngingiti sabay kagat ng labi)

ANA
Baliw ka talaga.

REY ANN
O eh di ikaw na?! (Naghahamong iaabot ang papel)

ANA
(Bubuntong hininga at kukunin ang papel)

REY ANN
(Ngingisi at panonoorin ang pagsusulat ni Ana)

ANA
(Matitigilan.) Teka, ano naman ang sasabihin ko?

REY ANN
Basta sagutin mo lang. Pakinggan mo iyan (Ituturo ang dibdib ng kaibigan
gamit ang drum stick na kanina pang nilalaro sa kaniyang kamay).

ANA
(Mauupo at magsusulat ng tugon)
Hello. Whos this? Sorry
Hindi ko talaga alam kung paano ko dapat sagutin yung letter mo. I mean,
how am I supposed to trust or believe sa natanggap na sulat mula sa hindi
kakilala? Im not even sure kung nantitrip ka lang ba or what.

Masusundan pa ang mga sulatan.


MOND
Ano bang ibig mong malaman sa akin. Pwede kong simulan ang pagbabahagi
ko mula roon.

Page 27 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
Siguro it would be better kung ano nga ba ang gusto mong ikuwento. Handa
akong makinig o should I say magbasa(?) Simulan mo sa kung saan mo
gustong simulan. Higit namang mga sarili natin ang nakaaalam ng mga
bagay na kayang ibahagi sa hindi. Sa ngayon, ang alam ko lang tila mahilig
ka sa tula.

MOND
Oo, mahilig ako sa tula. Mahilig ako sa dagat. Mahilig ako sa buwan at bituin.
Mahilig ako sa mga bulaklak. Mahilig ako sa bundok. Mahilig akong kumilala.
Mahilig akong manahimik. Mahilig akong magkape. Mahilig akong makinig sa
mga kanta. Mahilig akong kumanta.

ANA
Hilig ko rin ang ilan sa mga hilig mo. Hilig ko rin ang mga iyan. Pangarap
kong tumulala sa buwan at bituin habang nagkakapet nakaupo sa may
bintana o sa bubungan. Hilig ko ang dagat. Hilig ko ang ulan, higit ang
lungkot na kakabit ng bawat alaalang bitbt ng ulan. Pero sa tingin ko, sa
dami ng mga hilig mo sa kape tayo pinakamagkakasundo.

MOND
Isinulat ko kagabi, matapos mabasa ang sagot mong liham ukol sa alaalang
hatid ng ulan. Sana basahin mo:
Hungkag kang iiwan ng bawat ninyong alaala mag-isa kang manunulay
habang sinusukat ang tatag at rupok ng sarili sa pagbabalik-balik sa mga ito.
At nakatalungko mong aaluin ang damdamin kayapos ng sariling luha.
At oo minsan hindi mo kinakailangang pigilin ang sariling umiyak kung
kailangan. Lalong hindi mo kailangan ng ulan para mailabas ang lahat ng
iyan. Pakawalan mo isa-isa sa dibdib mo baka sakali, baka sakaling
mapagaan nito ang mga dala-dala mo. Isipin mong umuulan. Isipin mong
binabalik ng ulan ang mga kalungkutan mong di masabi-sabi sa iba. At
ngayon, isipin mong ako ang ulan na handang pakinggan ang mga ito. Hindi
ka mag-isa rito, nandito aako. Sambitin mo sa akin ang lahat-lahat.
Magtiwala ka.

ANA
Kung minsan kayhirap nang magtiwalat maniwala sa katulad ng mga
ganitong panahon at pagkakataon. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Pero
sige, tulad nang hinihingi mo mula sa simulat simula, magtitiwala ako.
Hahayaan kitang makilala ako.

MOND
Basta tandaan mo, may mga espasyo sa mundo na hindi kayang punan ng
pag-iisa. Hayaan mong damayan kita. . . hatian.
Page 28 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
Masyadong masalimuot ang ilang bahagi ng buhay ko. At tiyak na hindi mo
gugustuhing makihati o ni makisalo.

MOND
Lahat naman tayo may kani-kaniyang bahagi ng buhay na sadyang
kaysalimuot. Nag-iiba-iba lang siguro ang mukha o bahagi ng mga buhay na
masalimuot pero ang bottomline lahat tayo may ganung bahagi. At yung
mga yun ang bumubuo sa iyo. Sa ikaw. Nga pala, may naisulat ako medyo
matagal na. Actually nang medyo bago pa lang ang pagsusulatan natin pero
ngayon lang nakahanap ng lakas ng loob para ipabasa sa iyo. Para sa iyo:
Mapanlinlang ang iyong mga mata/
kaya't di ka basta-basta makilala/
maraming katanungan sa'king isipan/
hangad ko'y mabigyang kasagutan./
gusto kong magpakalunod/
hindi sa tubig na patuloy sa pag-anod/
kundi sa tinig mong malalim/
maghahatid sa'kin sa katauhan mong lihim./
Patayin mo ako sa lisik ng iyong tingin/
saka ilibing sa iyong damdamin./
hayaan mong rumagasa ang iyong dugo,/
nang mas makilala ka nang buo./
tabunan mo ako ng himaymay ng iyong laman,/
silang bahalang magsalaysay sa'kin ng iyong nakaraan./
ibuhol mo sa'kin ang hilatya ng iyong bituka,/
ito ang sa aki'y magpapaalala, sa'yong nakaraang nais kong makilala.//
(Maaaring habang binabasa ito ni Anna ay ipakitang binibigkas naman ito ni
Mond).
P.S
Pwede ba tayong magkita? Pwede ba kitang mayayang lumabas? Hihintayin
kita sa Botanical Garden. Andun ako sa Sabado, alas tres ng hapon.
Hihintayin kita. Sana dumating ka.

16. INT. APARTMENT. GABI.


Isa-isang binabasa muli ni Rey Ann ang mga sulat ng misteryosong
tagahanga ni Ana. Nakaabang lamang si Ana sa imumungkahi ni Rey Ann.

REY ANN
May pagka-Hokage ang isang to ah.

ANA
Ano na? (Naiinip)
Page 29 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
REY ANN
(Magugulat. Ngingisi) Aba, ibang epekto sayo nyan ah.

ANA
Ano na ngang gagawin ko?
REY ANN
Ikaw. Kayo ang nag-uusap. Pakiramdaman mo.

ANA
Samahan mo ako.

REY ANN
Seryoso? (Matatawa) To naman, parang bata.

ANA
Sige na kasi

REY ANN
Oo na, sige na. Matahimik ka lang at umuwi na. Mag-aaral pa rin ako o? Kala
mo ikaw lang ang studious ha.

ANA
Baliw (Kikilos na at mag-aayos ng mga gamit at sarili) Basta bukas ha?

REY ANN
Kulit mo. (Dahan dahang itutulak na palabas ng pinto ng apartment si Ana.)
sige na!

ANA
Salamat. (Ngingiti)

REY ANN
(Tatango) Sige na. Ingat ka dyan. Di na kita ihahatid ha, di ka naman
mapaghihinalaang adik o pusher dyan

ANA
SSHHHH! (Matatawa sila pareho) Ba-bye!

REY ANN
(Masayang kakaway kay Ana at papanoorin ito hanggang tuluyang
makalayo. Magsasara ng pinto. Kukunin ang Hello Kitty bag na nakasabit sa
likod ng pinto. Hihiga sa kama. Tutulal sa kisame habang yakap ang Hello

Page 30 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Kitty bag. Makikita ang isang sulat na naiwan ni Ana. Muling babasahin at
mapapangiti para sa kaibigan.) Sorry.. Pero kaya mo na yan.

17. EXT. BOTANICAL GARDEN/ SA LAKE PARK. HAPON.


Sa Botanical Garden, habang napaliligiran ng mga halaman at mga taong
namamasyal ay hindi mapakali si Mond sa pag-upot pagtayo. Maya-mayay
lalakad itot muling babalik sa mga nauna nang ginawa. Halatang-halata sa
kaniya ang pagkasabik na makita ang kapalitan ng sulat. Ngunit hindi
maitago ng pananabik ang kaba sa kaniyang mukha. Palakad-lakad at
patingin-tingin sa kaniyang orasan habang lumilinga-linga sa paligid.
Makaraan pa ang ilang minuto ay darating si Ana. Hindi dumating si Rey
Ann. Lilingon-lingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Makikita
niya si Mond. Laking gulat ni Mond nanag makitang ang papalapit sa kaniya
ay hindi si Rey Ann na inakala niyang napadadalhan niya ng sulat. Laking
gulat din ni Ana nang si Mond ang madatnan.

ANA
Hi. You are Mond, right? Jacos friend?

MOND
Oo. Ikaw naman yung kaibigan ni Rey Ann, tama? Nasaan si Rey Ann?

ANA
Bakit mo siya hinahanap? Uhm.. ikaw ba yung nagpapadala ng mga to?
(Kukunin sa bag ang ilang mga sulat mula sa kanyang bag)

MOND
(Magtataka at magugulat) Teka, bakit nasa yo yan?

ANA
(Magtataka at magugulat) Nakuha ko sa locker ko?

MOND
(Mapapatulala at mapapakawala ang kanina pang impit na salita.
Mapapatalikod sa kausap at pigil ang nagbabadyang pagmumura sa sarili.)

ANA
So these werent really meant for me right? Para kay Rey Ann?

MOND
(hihinga nang malalim at babalik/ haharap kay Ana) Im sorry, Ana. Let me
fix this. It was all my fault.

ANA
Page 31 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
No. No. Its fine. So.. I guess I have to go now?

MOND
Teka, pwede pa rin naman natin to pag-usapan.

ANA
Whats the point?

Page 32 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
MOND
Please.

ANA
Okay, if you insist so. (Mauupo si Ana sa may upuang kinapapatungan ng
bag ni Mond) So, ano na? (may disappointment sa tinig niya)

MOND
Talk? Lets talk. Ituloy mo yung mga kwento mo. Okay, Id like to make that
one clear to you. Siguro, nagkamali nga ako ng pagbibigay ng mga letter but
I want you to know that I had fun exchanging and sharing thoughts and
stories with you. Na nung panahong nagpapalitan na tayo ng mga sulat at
kuwento e hindi ko na iniisip kung para ba kanino ko pinadala yung letters
basta alam ko masaya akong mabasa yung mga kuwento sa sulat. Na
panatag akong magbahagi rin ng kung ano at sino ako.

ANA
(Ngingiti) Well that made me feel better now. At least I know na hindi lokohan
yung pagpapalitan natin ng mga sulat. So.. friends? (Ilalahad ni Ana ang
palad)

MOND
(Aabutin ni Mond ang kamay ni Ana upang makipagkamay) Oo naman, totoo
yun lahat.

ANA
Thank you for letting me feel na puwede akong magtiwala kahit sa mga
bagay na hindi nakikita. Na pwede akong magbahagi ng sarili ko na walang
takot na baka mahusgahan ng iba. Thank you for being that person behind
all those letters I received. Those letters that made me feel comfortable
sharing my thoughts with. Those letters that served as a confidant for a short
while. Those letters that made me feel alive.

MOND
Pwede pa rin naman siguro tayong ganito kaso.. pasensya ka na.
Makukuha ni Ana ang punto ni Mond. Bagamat nagkakuhanan ng loob sa
pagsususlatan, si Rey Ann pa rin. Maghihiwalay ang dalawa. Unang aalis si
Ana. Mabagal ang pag-usad, naglalaban pa rin sa kanyang dibdib ang galit,
inggit, saya, lungkot, at iba pang emosyong hindi niya maipaliwanag.
Maiiwan si Mond na ganoon din.

EPISODE 3 (Anna Villanueva)

Page 33 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
18. INT. KANTINA NG CAMPUS. MAGKAKASAMA SINA MOND, JACKO
AT REY ANN, TULAD NG DATI. ARAW.
Hindi magkamayaw ang mga estudyante sa loob ng kantina. Halos hindi na
magkarinigan ang mga nag-uusap dahil sa sari-saring huntahan at tawanan
ng grupo-grupong estudyante. Oras ng pananghalian kaya halos lahat ng
estudyante ay break time. Wala nang halos malugaran para makaupo. Ang
ibang tapos nang kumain ay ginagamit ang natitirang oras para
magkuwentuhan, magtsismisan o gawing extension ng CR. Tulad ng mga
babaeng nag-aayos ng sarili sa pagsusuklay, paglalagay ng make-up.

Halos nalibot na nina Mond, Jacko, at Rey Ann ang buong lugar ngunit wala
silang makitang bakante. Nakita ni Jacko ang iba nilang kaklase sa bandang
duluhan ng kantina. Mabilis siyang humakbang para lapitan ito. Paglapit niya
ay napatigil ang grupo sa pagtatawanan at napalingon lahat sa kaniya. Ang
kanilang pagkain ay halos ubos na at tulad ng iba, inuubos ang natitirang
oras ng break sa pagkukuwentuhan.

JACO
Mga tol! (bibigyan ng high five ni Jacko ang isa sa mga lalaking nasa grupo.)
Tapos na ba kayo? (titingin sa iba pa at hinagod ang lamesang naroon pa
ang pinagkainan)
Kakain sana kami, kaso walang mapuwestuhan. (pagkasabi nito ay sabay-
sabay na lilinga sila sa paligid)

KAKLASE 1
Tapos na kami, dito na kayo, o. (sabay tapik sa iba pang kasama)

KAKLASE 2
Oo nga, tara mga tol. Sibat na! (titingnan ang mga katabi at aktong aalis
na)

JACO
Salamat! Kita tayo mamaya. (bibigyan na naman ng isang high five ang
isang kaklase)

Sa likod ni Jacko ay masasaksihan nina Mond at Rey Ann ang ginawang


teknik ni Jaco upang makakuha sila ng lugar. Mapapangiti ang dalaga sa
naisip ni Jacko.

19. INT. SA SILID-AKLATAN NG CAMPUS. HAPON.


Magkasama sina Jaco at Ana sa library. Tahimik ang lugar at mangilan-ngilan
lamang ang nagbabasa. Si Jaco ay hindi naman makapagpokus sa kaniyang
binabasa, tila may malayong iniisip. Nakatingin kay Ana na parang blangko
ang mukha.
Page 34 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
Hoy! Para kang namatanda riyan ah. Ako bang tinitingnan mo o yung mga
babae sa likuran ko? Parang tumatagos sa mukha ko ang mga tingin mo. Ano
ba meron?

JACO
Wala, wala naman. (Yuyuko, ibabaling-baling ang pahina ng librong nasa
harapan niya na parang wala sa sarili.)

Page 35 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
Panong wala? Wala ba, yang tulala ka diyan. May problema ka ba?
(Concerned na iritable sa sinagot ni Jaco at padabog na binabaling-baling
ang pahina ng librong binabasa.)

JACO
Wala nga. Ano ba ang magiging problema? Ikaw yata ang may problema?
Parang naiinis ka. (Mahahalata ni Jaco ang pagbabago ng mood ni Ana.)

ANA
Know what, I just find it weird. Napaka generous mo magkuwento kay Rey
Ann, pero sa akin parang halos ayaw mo magsalita. I mean, I dont get it.
(Paismid na paliwanag ni Ana.)

JACO
Sobra ka naman. Hindi naman yon ganon.
(Mapapangiti si Jacko sa sinabi ni Ana, halatang kinikilig nang mabanggit ang
pangalan ni Rey Ann.)

ANA
May I inform you, that Mond has this thing with Rey Ann, and he happens to
be your friend. And not just a friend, a close friend. (Malulungkot si Ana nang
marealize ang sinabi. Si Jaco na lang sana ang kay Rey Ann, siya na lang
sana ang gusto ni Mond. Napakalumbaba siya.)

20. INT. LOCKER AREA. HAPON


Inilalagay ni Rey Ann ang kaniyang mga gamit sa kanyang locker. Pagkasara
ay makikita niya si Jaco. Iaabot ang isang paper bag. Nakangiti si Jacko
habang nakatingin kay Rey Ann. Si Rey Ann naman ay hindi alam kung
tatanggapin o hindi ang iniaabot ng binata. Nang mahalata niyang
nangangawit na sa pag-abot si Jaco ay kinuha na ito ni Rey Ann.

REY ANN
Ano to? (Atubiling abutin ang bag. Ang tanong ay parang nagsasabing
anong pakana ito?)

JACO
(nakangiti) May trade fair pala sa kabilang hall. Naisip lang kitang bilhan kasi
palagay ko bagay sayo yan. (Ngunit sa totoo ay hindi ito mabibili sa isang
simpleng fair sapagkat rare ito.)

REY ANN
A ganon ba? Ano ba to? (Magtataka ngunit masisiyahan sa sinabi ni Jaco)

Page 36 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
JACO
Buksan mo na. (Sabik na hihimukin ni Jaco ang kausap)

REY ANN
(Sisilipin ang loob ng bag, manlalaki ang mata sa makikita. Sabik niyang
ilalabas ang bigay ni Jaco. Isang limited edition na bracelet na gawa ng isang
eccentric artist.)
Wow! No way! (Tuwang-tuwang masasabi niya.)

Malulunod sa kaligayan si Jaco nang makitang gustong-gusto ni Rey Ann ang


ibinigay. Sa di kalayuan, masasaksihan ni Mond ang mga naganap,
mababalisa siya sa nakita.

21. INT SA GYM, GABI.


Katatapos lamang maglaro ng basketbol ng magkaklase. Marami na ang
nauna umuwi. Tanging sila Jaco at Mond na lamang ang naiwan sa locker
room. Tapos na silang maligo at nakatapis ng tuwalya sa baywang. Walang
pang-itaas. Nag-aayos ng gamit sa bag bilang paghahanda sa pag-uwi.

MOND
Tol, trip mo ba si Rey Ann? (Seryosong tanong ni Mond, diretso ang tingin
niya kay Jaco.)

JACO
Hindi, tol. (nakayukong sagot ni Jaco, umiiwas ng tingin)

MOND
Tol umamin ka na! (Seryoso pa rin)

JACO
Gago, tol, ikaw babaero hindi ako. (Pabiro)

MOND
(Nagngingitngit) Marami namang iba diyan. Akin na si Rey Ann. (Ang
pagkakasabi ni Mond ay parang utos kay Jaco na iwasan si Rey Ann.)

JACO
(Mag-aangat ng mukha si Jaco, mararamdaman ang tindi ng mga salita ni
Mond, mapipikon siya. Ayaw niya nang sinasabihan siya kung ano ang dapat
niyang gawin.)
Gago ka pala e! Pano naging sayo si Rey Ann? Bakit sinagot ka na ba niya?
Ano, iniisip mo bang makukuha mo siya sa pasulat-sulat? Ulol!
Style mo rin! If I know, libog lang yan!

Page 37 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
MOND
So trip mo nga talaga si Rey Ann?! (Galit na tanong ni Mond, handang
makipagbuno anumang oras)

Page 38 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
JACO
(Itutulak si Mond.) Masama ba kung liligawan ko si Rey Ann? Hindi pa naman
kayo ha! (duduruin ang dibdib ng kaibigan)

Mapapatda si Mond. Padabog na aalis si Jaco dala ang kaniyang mga gamit
at maiiwan si Mond na nagpupuyos sa galit.

MOND
(Malalalim at mabibilis ang hininga ni Mond. Nagpupuyos ang damdamin
habang hawak ang nalamukos na kulay pulang papel.)

22. INT/EXT. CAMPUS. UMAGA.


Nagkaroon ng kompetisyon ang dalawang binata sa panliligaw kay Rey Ann.
Hindi alam ng dalaga ang tunay na nangyayari sa dalawang magkaibigan. Sa
kabila nito ramdam niya ang tensiyon sa dalawa. Ngunit sa kabila noon
nasisiyahan siya sa atensiyon na ibinibigay sa kaniya.

Nagpapalitan ng pagbibigay ng regalo sina Jaco at Mond--bulaklak, tsokolate,


tula. Nagpapalitan ng paghahatid at pagsusundo. Napansin ni Ana na kung
hindi si Mond ay si Jaco ang kasama ni Rey Ann. Nakumpirma ito ng dalaga.

ANA
(Hahatakin si Jaco) Jaco! Ano bang nangyayari?

JACO
Ano? (Iiwas, magmamadaling umalis, hahabulin siya ni Ana)

ANA
(Hahatakin siyang muli ni Ana na puno ng mga katanungan ang mukha.)

JACO
Mamaya na tayo mag-usap may klase pa ako.

ANA
(Sapilitang ihaharap niya sa kanya si Jacko.) Sabihin mo kung anong
nangyayari at paalisin kita kung kailan mo gusto! (walang gatol na sabi ni
Ana)

23. INT/EXT. CAMPUS. TANGHALI


Kinompronta ni Ana si Rey Ann habang nag-iisa siya sa corridor. Naka head
set ito at nakikinig ng music. Inuuga-uga ang ulo at halatang dalang-dala sa
rock music na pinakikinggan.

Page 39 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
(Hinarap ni Ana si Rey Ann sa kaniya) Hindi mo ba alam? O talagang manhid
ka?

REY ANN
Bat high blood ka? Mababa ba ang score mo sa exam?
(Tatanggalin ang head set, nagtatakang haharapin ang kaibigan.)

ANA
Huwag mong ibahin ang usapan. Alam mong nag-aaway sina Jaco at Mond
dahil sayo!

REY ANN
Is it my fault? I guess nobody can resist my charm. You know what your
problem is? (Titignan nang diretso si Ana at ngingiting mapang-uyam)
binuburo mo ang sarili mo sa mga boring mong libro, yan tuloy
nagmumukha kang boring. (Ibabalik ni Rey Ann ang headphones at lalakad
palayo kay Ana.)

24. EXT. CAMPUS. GABI


Naglalakad sina Jaco at Rey Ann sa pasilyo malalapit sa hardin ng campus.
Maaliwalas ang gabi at malamig ang simoy ng hangin, isang romantikong
tagpo kung tutuusin. May ilang mga magnonobyo ang nagpapalipas ng oras
sa tabi-tabi na nag-uusap rin. Paminsan-minsang nagtatawanan at
nagbibiruan. Hanggang sa sumeryoso na bigla si Jaco sa kanilang usapan.

JACO
Hatid na kita. (Lilingon kay Rey Ann)

REY ANN
Hindi na, kaya ko na. Saka hinihintay ako ni Mond sa library. (Nakangiting
sabi)

JACO
A ganon ba? (dismayadong tanong ng binata, hahawakan ni Jaco ang kamay
ni Rey Ann. Matitigilan ang dalaga) Hindi ko na kaya to, Rey Ann! Sino ba sa
amin ni Mond ang gusto mo? (Balisang tanong ni Jaco, pipiliting mayakap,
hawak pa rin ang kamay ng dalaga.)

REY ANN
(Gulat at lito, hinihila ang kamay ngunit ayaw pawalan ni Jaco) Bitiwan mo
ako!

JACO
Page 40 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Hindi kita bibitiwan hanggat hindi ka nakakapili sa amin ni Mond. (Pipilitin
muling yakapin ang dalaga subalit hindi magtatagumpay.) Siya ba ang gusto
mo? (Bibitiwan si Rey Ann at ihaharap sa kaniya) Huwag mo akong gawing
tanga, Rey Ann!

Makikita ni Mond ang ginagawa ni Jaco, hindi na niya makokontrol ang sarili.
Habang nagsasalita si Jacko ay papalapit si Mond at aktong susugurin siya.
Sasakalin niya ito. Isang alaala ang guguhit kay Mond, ang alaala ng
kanyang ama. Magdidilim ang kaniyang paningin, makikita niya ang
kaniyang ama sinasaktan ang pusa sa pagkuha nito ng ulam nila sa mesa.
Sinakal ng kanyang ama ang pusa at saka ito inihampas sa pader habang
umaangil ito samantalang walang emosyon ang ama sa kanyang ginagawa.
Bumalinguyngoy ang dugo sa ilong at hanggang sa mawalan ito ng buhay.
Isang tili ng babae ang narinig ni Mond, sinasaktan na niya ang kanyang
matalik na kaibigan na halos nakahandusay na sa lupa, bumalinguyngoy ang
dugo nito ngunit buhay pa ito. Doon lamang nagkaulirat si Mond sa
pangyayari, tumakbo siya sa isang sulok at tuluyang kinain na ng dilim ang
binata.

25. EXT. CAMPUS. GABI.


Dumalo si Ana sa magkakaibigan. Nakita niya ang pagsapak ni Mond kay
Jaco. Si Rey Ann ay nakatayo at tulala sa pangyayari. Si Jaco ay nakabulagta
at duguan. Nakiusyoso ang ibang estudyante sa nangyari.

ANA
(Titingin kay Rey Ann) Ano pang itinatayo mo riyan, lets help him, dalhin na
natin si Jaco sa clinic! (Parang wala sa sariling kikilos si Rey Ann, itatayo nila
ang duguang si Jacko)

Naging magkasintahan sina Mond at Rey Ann ngunit sa loob ng kanilang


relasyon ay magtataka si Rey Ann sa mga ikinikilos ng nobyo, higit sa mga
pagkakataong palagi siyang tinatanggihan nito tuwing tatangkain niyang
makipagniig. Si Jacko ay umiwas na sa kanila lalo nang makumpirmang si
Mond ang pinili ni Rey Ann. Si Ana ay nanatiling nakamasid sa mga
nangyayari sa mga kaibigan.

26. INT. SILID. GABI


Isang silid. Magulo at hindi gaanong maliwanag. Pinupuno ng musikang punk
ang buong kuwarto. Magulo at halatang bihira lang magsinop ng gamit. Sa
gitna ay kama na ang hitsura ay parang galing sa pagbangon ang humiga,
magulo. Sa kaliwa ay tukador at sa kanan ay isang maliit na sofa. Nakaupo si
Mond at Rey Ann sa sofa. Nakahiga si Rey Ann sa mga hita ni Mond. Nag-
uusap ang dalawa na magkalapit. Sa tabi nila ay may isang bote ng lotion na
bukas.
Page 41 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Aabutin ni Mond ang bote at papahiran ang braso ni Rey Ann. Ang hitsura
niya ay naliligayahan. Si Rey Ann man ay gayundin, sa palagay niyay
napaka-sweet ni Mond kaya pumayag siyang pahiran siya ng lotion nito
gayong hindi naman siya bagong ligo. Matapos ang kanang braso ay ang
kaliwang braso naman ang sinunod na pahiran. Sumunod ay pinahiran ni
Mond ang leeg, ang balikat. Si Rey Ann ay maputi, maputla, malamig na
nakahiga sa kama. Napapikit si Mond. Binulong ang pangalan ni Rey Ann.
Nang maramdaman niya ang haplos ng kamay ni Rey Ann, mainit. Dumilat
siya at agad umalis.

27. EXT. OVAL. UMAGA


Nanonood ang magkaibigan na sina Rey Ann at Ana sa mga nagsasanay na
manlalaro sa field. Malalim ang iniisip ni Ana samantalang si Rey Ann ay
aliw na aliw sa mga manlalaro, nakatuon ang kaniyang paningin sa isang
guwapo at matipunong manlalaro ng soccer.

ANA
(Lilingon kay Rey Ann at mapapansing ngumingiti-ngiti at parang nagpapa-
cute sa isang manlalaro si Rey Ann. Titingnan niya ang lalaki at
mapapansing may hitsura ito. Sisigawan niya ang lalaki.) Bano! Ang bano
mo!

REY ANN
Hoy! Ano ka ba? Whats the matter with you? Huwag mo nga sirain ang laro
niya. (Nakaismid at babalik sa pagngiti at pagtango sa guwapong
manlalaro.)

ANA
Di ba kayo na ni Mond? Bakit nagpapa-cute ka pa diyan sa player? (Asar na
tanong ni Ana)

REY ANN
Oo. (Tipid na sabi.) Bakit ba? Wala naman akong ginagawa sa kanya, ah.
Oo. Boyfriend ko siya. Boyfriend ko lang naman si Mond, hindi naman asawa.

ANA
Youre impossible! (babalik ang tingin sa luntiang damuhan ng oval.
Maaliwalas ang umaga ngunit makulimlim ang kaniyang gunita.)

REY ANN
Ana, I like Mond, really, but it doesnt mean na hindi na ako pwedeng
magkagusto sa iba. Saka ang weird niya ha. Alam mo yun, ang sweet niya

Page 42 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
tapos kapag ako naman maglalambing, iniiwasan ako? Ilang beses na niya
yun ginawa sa akin, no.

ANA
Ha? (Nalilito sa kuwento ng kaibigan)

REY ANN
Hindi ba kapag ang nagsama ang lalaki at babae, tapos sila lang, di ba dapat
mangyari ang dapat mangyari? (Kikindatan ang kaibigan)

ANA
What do you mean?

REY ANN
Common, Ana. Youre playing nave. You know what I mean. (Malisyoso ang
ngiti)

Nagpanggap si Ana na walang alam sa sinasabi ni Rey Ann. Ayaw niya lang
marinig ang mga ganoong bagay tungkol sa kanila. Nasasaktan siya kapag
iniisip na laging nagsosolo ang dalawa. Lagi niyang tinatanong sa sarili na
bakit hindi na lang siya. Maganda rin naman siya, higit na matalino at mas
sensible kausap. Bagay na bagay sila ni Mond dahil pareho sila ng
wavelength. Mas marami silang mapag-uusapan, tulad ng mga tula. Mahilig
din siya sa tula. Napatingin siya sa langit (asul na asul ang kalangitan at
nalalambungan ng ulap ang araw) parang umuusal nang dasal, mahina
niyang nabanggit ang pangalan ni Mond.

REY ANN
What? Are you saying something? (Hindi gaanong narinig ang kaibigan dahil
abala sa kapapanood sa cute na player)

ANA
(Magkikibit balikat at tatayo. Iiwan ang kaibigan.)

28. INT. SILID NI ANA. GABI


Hihiga nang pabalagbag sa kama si Ana. Ang hitsura niyay parang pagod-
pagod na tila galing sa isang malayong paglalakbay. Nakatitig siya sa
kisame, nag-iisip na naman. Iniisip niya si Mond. Isang babaeng edad 30 ang
kumatok sa pinto ng kaniyang silid.

KASAMBAHAY
(Nagsalita mula sa labas.) Ate, ipaghahain ba kita?

ANA
Page 43 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
(Tinatamad na sasagot) Wag na, hindi ako kakain. (Dadapa sa kama at
ibabaon ang mukha sa unan.)

Papalayo ang yabag ng kasambahay. May maririnig na anasan, may


kumatok muli sa kuwarto.
ANA
(Naiinis na sasagot) Sinabi nang hindi ako kakain, bakit ba ng kulit mo?
Bwisit! (Tatayo siya para buksan ang pinto, magugulat siya sa
mabubungaran.)

MRS. DIOSANA/ INA NI ANA


Ano bang nangyayari sayo, Ana? (Alalang tanong ng kaniyang mama)

ANA
(Iiiwas ang tingin sa mama niya at aalis sa pintuan, mauupo sa gilid ng
kama, aabalahin ang sarili sa pagbukas-sara ng lamp shade, sa tabi nitoy
naroon ang isang picture frame.)

MRS. DIOSANA/ INA NI ANA


Ilang araw ka nang hindi kumakain kapag dumarating ka. Ano bang
dinaramdam mo? May problema ka ba sa school?

ANA
(Mananatiling tahimik, ililigid ang paningin sa silid na tila hindi interesado sa
sinasabi ng ina. mapapako ang kaniyang paningin sa isang gallery wall.
Naroon ang mga larawan niya kung saan tumatanggap ng ibat ibang
parangal. At sa bawat parangal ay naroon si Rey Ann na kasama niya sa
larawan, laging nakaakbay.)

MRS. DIOSANA/ INA NI ANA


(Mapapatingin sa mga gamit sa school na nagkalat sa sahig. Sa ilalim noon
ay isang libro na hindi pa nabubuksan ang balot. Aabutin niya ito.) Akala ko
ipanreregalo mo ito?

ANA
(Hihilahin ang libro at ilalagay sa ilalim ng unan, hihigang patalikod sa ina.)

INA NI ANA
Kilala kita, magsasabi ka rin. (Tatayo at tutungo sa pintuan, lilingunin ang
anak bago tuluyang umalis. Marahang ipipinid ang pinto.)

29. INT. SILID. GABI


Ilalabas ni Ana ang itinago sa ilalim ng unan. Aklat ito tungkol sa mga tula.
Nang magsabi ang kapalitang-sulat na nais siyang makita. Nais niyang
Page 44 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
maging espesyal ang pagkikita nila. Bumili siya ng aklat at iipit niya roon ang
sagot niya sa pag-ibig ng sumusulat. Hindi niya lubos akalalain na si Mond
ang binatang iyon. Bagamat sa likod ng kaniyang isipan, may pag-asam rin
na kay Mond sana nagmumula ang mga liham. Ngunit matapos ang
pagkikita sa Botanical garden, ang akala niyang espesyal na araw ay hindi
naganap. Isang hapon ay nakita na lang niya na may sulat si Rey Ann sa
locker niya, dumating si Mond. Parang nagpapaliwanag kay Rey Ann.
Kumukumpas si Rey Ann at tinuturo ang sarili. Takang-taka ngunit halatang
masaya. Nakatulog si Ana nang umiiyak.

30. INT. SILID. MADALING-ARAW.


Nagising si Ana sa vibration ng kaniyang cellphone sa side table ng kama.
Inabot niya ito at tiningnan ang oras. Alas dos ng madaling araw. Nainis siya.
Sino bang taong mang-iistorbo ng tulog sa ganitong oras. Kinusot niya ang
mugtong mga mata, mahapdi pa mula sa pagkakaiyak nang magdamag.
Tumatawag si Rey Ann. Pinindot niya ang receiver.

REY ANN
Ana, may mali ba sa akin? (Garalgal ang boses.) I just wanted to express my
love. But he always reject me! (Tuluyan na siyang umiyak)

ANA
(Bubuksan ang lampshade, babaling sa sidetable at matatanaw ang larawan
nila ni Rey Ann. Maaliwalas ang ipinapakita, malapit na malapit sa isat isa,
masaya. Mapapawi ang lungkot, mapapalitan ng pag-aalala sa kaibigan). Ano
bang nangyari? (Tono nang handang makinig sa kuwento)

EPISODE 4 (Mond Verana)


31. INT. KLASRUM SA BIOLOGY. UMAGA.
Bukas ang ilaw. Sa loob ng klasrum ay makikita si Mond na nakaupo sa gitna
at nakatulala sa kanyang nasa harapan. Nakasuot siya ng scrub dress.
Nakapomada ang buhok. Nakalagay ang libro niya sa upuan. Tahimik na
tahimik ang loob ng klasrum. Mamamatay ang mga ilaw at tanging sa gitna
lamang ang matitirang liwanag. Walang emosyon ang mukha ni Mond.
Blangko. Malalim ang kaniyang iniisip. Tatayo siya at makikita niya ang
kanyang guro at ang kanyang mga kaklase, duguan, at matindi ang
pagkakatamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan. Nakatayo si
Mond sagitna ng maraming patay na parang tuod sa kawalan. Makikita niya
ang kanyang sarili na nakikipaghalikan sa patay. Ngumingiti siya at
hanggang tuluyang hahalakhak. Mistulang mawawala sa sarili. Hanggang sa
kumurap ang kanyang mata at mabubuhay muli ang kanyang mga kaklase
at guro. Lalapit at kakausapin ni Jaco si Mond.
KAKLASE 1

Page 45 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Mond, Pare... ok ka lang? (Tulala at ngumingiti lamang sa klase ni Mr.
Hernandez si Mond.) Anong iniisip mo?

Titingin lang si Mond sa kaklase na walang ekspresyon at ngingiti.

KAKLASE 1
(Mapapakunot ang noo at magpapaalam na lamang.) Sige ha, may klase pa
ko sa Psychology. (Mapapaiiling sa kaibigan at tatapakin ng malumanay sa
braso si Mond.)

32. INT. LIBRARY. UMAGA.


Punong-puno ng mga estudyante ang library bilang paghahanda sa finals.
Kakaunti na lang ang bakanteng mauupuan. Ang bookshelves ay bungi-
bungi, marami ang kinuha ng iba, ang ilan ay nakasalampak sa mga mesa.
Abala rin ang computer corner, ang hindi nakakuha ng aklat ay naghanap
naman sa Internet. Sa isang sulok malayo, panatag na nagbabasa ang isang
babaeng nakasalamin, maayos na pananamit na halatang mamahalin,
nakapatong ang kaniyang bag sa katabing upuan.

MOND
Do you mind? (Nakaturo sa upuan na kinalalagyan ng bag.)

ANA
(Makikita sa gilid ng mata ang muwestra ng kamay ng nagtanong. Aalisin
niya ang kaniyang bag nang hindi nililingon ang nagsalita. Engrossed na
engrossed sa binabasa.)

Page 46 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
MOND
I like that book. (Hinarap sa kaniya ang aklat) Mary Roach, right?
(Maipapakita ang pamagat ng aklat na Stiff: The Curious Lives of Cadavers.)

ANA
(Matitigilan si Ana, makukumpirna niya kung kanino galing ang boses.
Ibababa niya ang aklat at magpapakawala ng isang awkward na ngiti.)

MOND
(Ngingiti kay Ana) Akala ko tapos mo na basahin yan?

ANA
(Mauutal sa kaba. Magtataka siya kung bakit ganito ang nararamdaman) Ha,
a, e. Yeah, yes.

MOND
(Kukunot ang noo subalit nakangiti nang bahagya at tila nag-aabang pa rin
sa sagot ni Ana.)

ANA
Well.. I think its agood book. And a good book is.. worth reading for the
second time. Dont you think so?

MOND
(Maapapatango. Mapapaisip si Mond sa sinabi ni Ana. Tunay na sumasang-
ayon siya sa sinabi ng dalaga.)

33. INT. COFFEE SHOP. GABI.


Ibabaling ni Rey Ann sa pagbabanda ang kaniyang mga libreng oras upang
malimutan ang dinaramdam niya kay Mond. Hindi rin niya gaanong
nakakasama si Ana dahil sa mga practice bago o pagkatapos ng klase. Sa
mga panahong ito, naglalagi si Ana sa library, para magbasa at mag-aral ng
leksiyon. Si Mond ay napapadalas din ang pagpunta sa library. Ang muling
pakikipagkita nina Mond at Ana ay nagbukas ng panibagong yugto sa
kanilang pagkakaibigan. Kung dati ay sa pagitan ng sulat nagpapalitan ng
mga kwento at kuro-kuro, ngayon ay personal na. Palagi silang tumutuloy sa
coffee shop para magbasahan ng tula o magpalitan ng aklat.

MOND
(Nakatulala kay Ana. Pinapakinggan ang lamyos ng tinig. Tinititigan isa-isa
ang mahabang buhok na nakaayos sa likod ng batok, maputing kutis na
malinis, mukhang malambot. Napadako ang kaniyang paningin sa dibdib ng
dalaga, tiningnan niya muli ang mukha. Higit sa libog ang nararamdaman
Page 47 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
niya kay Ana. Marami na siyang babaeng nakasama, iba-ibang personalidad,
higit na maganda sa kaniya. Tulad ni Rey Ann, maganda talaga, maganda
ang hubog ng katawan, seksi magdala ng damit. Pero si Ana, higit sa kanila
ang dalaga. Panatag ang kaniyang isip kapag siya ang kasama. Para siyang
lunas sa isang sakit na pabalik-balik.)

ANA
Ang init at lamig ay iisa/
Tulad ng sa atiy nagbigkis/
Ang tibok na walang pintig/
Aabot, paaabutin sa langit.
(Tatapikin ni Ana ang kamay ni Mond. Mapapansin niya ang pagkakatitig ni
Mond.)
Uy, tapos na.

MOND
Ha? (Tatango nang tatango habang nakatitig pa rink ay Ana) Ah, ang ganda.

ANA
Nagustuhan mo? (Parang nahihiyang tanong.)

MOND
Yeah, nice. Its nice.

ANA
(Mapapatingin sa relo. Titingin sa labas ng salamin ng coffee shop.)

Dalawa na lamang ang customer, sila at isang grupo sa di kalayuan ng


kanilang upuan. Nagsisimula nang magligpit ang mga barista. May isang
customer na papasok sa shop ngunit sesenyas na ang kahera na pasara na
sila.

ANA
Tara na, its late.

MOND
(Aayusin ang gamit at iinumin ang natitirang kape. Bubuhatin ang bag ni
Ana.)

ANA
(Titingnan siya ng dalaga, hindi nito tatanggihan o kukwestyunin ang
nagging kilos ni Mond.)

Page 48 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Parang natural ang ginawa ni Mond, parang dati na niyang ginagawa sa
dalaga. Pero sa totoo, ngayon lang niya binitbit ang gamit ni Ana. Ngumiti
siya nang makahulugan sa binata.

Lumabas ang dalawa na magkahawak ang kamay. Sumandal nang pahilig si


Ana sa balikat ni Mond. Hinalikan ni Mond ang ulo ng dalaga, inamoy ang
buhok nito.
34. EXT. CAMPUS. HAPON
Naglalakad si Mond sa koridor dala ang dalawang libro sa kanyang kaliwang
kamay. Makikita ang pamagat ng aklat na Corpse ni Jessica Snyder Sachs.
Hindi niya mapapansin si Rey Ann, sabik siyang puntahan si Ana sa library
para ipakita ang bago niyang aklat. Sa likod niya ay tatawag si Rey Ann.
Mapapalingon si Mond at mapapansin ang magandang hubog ng katawan ni
Rey Ann sa itim nitong low neckline na blouse, leather jacket at tight jeans.
Mapula ang labi at nakatali paitaas ang buhok. Lalapitan siya ni Rey Ann
galing sa grupo na kinabibilangan ng mga kaibigan.

REY ANN
Hey, Mond, wait? Are you free tonight? (Sigaw ni Rey Ann, kumakaway sa
binata)

MOND
Hi! (Gulat at parang naninibago. Mapapangiti. Mapapatingin sa kabuuan ni
Rey Ann) Musta? Medyo busy ka lately kaya..

REY ANN
Ikaw rin. Im with my band. And youre with.. Ana? (Mapang-asar at
malisyoso ang ngiti.)

MOND
Uhhh..oo. Sa librarypero nothing special. (Pautal at nagi-guilty)

REY ANN
Relax. (Aakbayan ang binata at nilapit ang mukha, saka bumulong nang
mapang-akit). I dont mind. I dont mind having threesome. (Ilalayo ang
mukha at seseryoso.)
Say, why dont you come in my place, tonight maybe around 8? Ill cook
something for us, lets catch up. Isama mo si Ana, I miss her.

MOND
(Awkward na sasagot. Mapapatango.) Sasabihan ko si Ana.
(Magmamadaling aalis, parang hindi komportable ang damdamin.
Pakiramdam niyay ibang tao si Rey Ann, parang hindi niya nobya.)

Page 49 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
REY ANN
Dont make we wait! (Pahabol na sabi ni Rey Ann habang papalayo si Mond
na kumakaway.)

35. INT. APARTMENT NI REY ANN. GABI.


Makikita si Rey Ann na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Inihahanda niya
ang paboritong ulam ng kanyang nobyo na adobong atay at balunbalunan
ng manok. Hahablutin niya ang recipe book malapit sa lutuan. Itatago sa
tukador. Magsisimula na siyang maghanda ng lamesa. Gagalawin niya ang
music player, lalakasan nang kaunti ang rock song na kanina pa tumutugtog.
Lalo siyang gaganahan sa paghahanda.
Suot niya ang puting damit, shorts na high waisted, maikli. Ang kaniyang
buhok ay nakalugay, loose curl na buhaghag. Mapula ang labi at matingkad
ang eye liner. Matitigil ang kaniyang paghahanda dahil maririnig niya ang
biglang pagkatok sa pintuan. Bubuksan ang pinto at makikita ang binatang
nakasuot din ng plain white t-shirt, nakasuot ng short pants at bitbit ang bag
na itim. Maaliwalas ang mukha ni Mond. Sasalubungin siya ng ngiti ni Rey
Ann.
REY ANN
(Mabubungaran si Mond. Ngingiti. Mapapakagat sa labi.) Commn in!
Everything is set.

Bahagyang mapapatitig ang binata sa kaniyang kasintahan. Maganda talaga


si Rey Ann, tulad ng kaniyang ina. Isang alaala ang gumuhit sa kanyang
isipan.

REY ANN
(Titingnan ang likuran ni Mond na parang may hinahanap.) Si Ana?

MOND
Susunod na raw. (Papasok sa loob ang binata. Parang balisa. Hahanapin ng
paningin niya si Ana gayong alam niya na wala si Ana. Susunod naman si
Ana sa isip niya.)

REY ANN
May problema ba? (Mapapansin ang hindi relax na ayos ni Mond. Tatabihan
niya ito at hahawakan ang kamay. Bubulong kay Mond. Ilalapit at
padadampiin ang mga labi sa tainga ng binata) Hindi mo ba ako na-miss.

MOND
(Mapapapitlag ang binata. Sisipatin ang relo sa bisig.) Padating na siguro si
Ana. Hintayin na natin siya.

REY ANN
Page 50 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
(Dismayado sa reaksiyon ni Mond. Tinanggihan na naman siya nito. Tatayo
na lamang at ipagpapatuloy ang paghahanda ng maiinom.)

Lilingunin ni Mond si Rey Ann, maiisip niya si Ana. May maririnig na katok sa
pinto, ibabaling niya ang lingon sa pinto.
MOND
Ako na. (Tatayo at tutungo sa pinto.)

Tumutugtog pa rin ang rock songs na naka-play. Madilaw ang ilaw sa kusina
at dim naman sa sala. Sa iilang sulok ay may scented candles.

Page 51 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
ANA
(Tahimik, tipid na ngumiti. Parang nawalan nang kaba nang makitang naroon
na si Mond, ngunit parang nag-aalala, inisip na gaano na kaya katagal siyang
naroon at ano kaya ang ginawa nila ni Rey Ann.)

MOND
Kadarating ko lang din. Hinintay ka na namin. (Sisigla ang pakiramdam ni
Mond, ngunit tila ba nagpapaliwanag na wala siyang ginawang iba kundi
hintayin siya.)

ANA
Nahirapan ako sa taxi. Trapik pa. (Tipid niyang paliwanag. Papasok sa loob at
tutuloy sa pag-upo sa sofa)

Dadaluhan siya ni Mond.


REY ANN
Wow, a reunion! We should celebrate. (Nakangiting mapang-uyam.)

Dala-dala ni Rey Ann ang botelya ng wine at tatlong wine glass, inilapag sa
mesang nasa gitna ng sala. Nakatingin ang dalawa sa hawak ng babae.

MOND
Ah, Rey. Baka nagugutom na si Ana. Ako rin eh. Kumain na muna tayo?

Mapapatingin si Rey Ann kay Ana, parang nag-uusisa. Tila nagtatanong kung
may nangyayari ba sa dalawa ang tingin. Iiiwas ni Ana ang tingin.

ANA
Ahhoo. Gutom na nga ako. Ang traffic kasi e.

Tatango lamang nang malungkot si Rey Ann at babalik sa kusina.


Magkakatinginan sina Ana at Mond at magkakaunawaan. Mauunang tumayo
si Ana upang sundan si Rey Ann.

35. INT. KUSINA. GABI.


Matapos ang tahimik na hapunan, tatayo na si Rey Ann at aktong magliligpit.
Umakto tutulong si Ana ngunit tumanggi si Rey Ann. Si Mond ang inalok
niyang tumulong sa kaniya at hindi naman tumanggi ang binata. Hahayaan
ni Ana ang dalawa upang makapag-usap naman ito, mauupo siya sa sofa at
naghanap nang mababasa. Padabog na magliligpit si Rey Ann, wala siya sa
sarili na pahagis na inilalagay ang mga kubyertos sa lababo. Nakamasid
lamang si Mond na inaabala rin ang sarili sa pagliligpit ng mesa. Hindi
mamamalayan ni Rey Ann na mapapadiin ang hawak niya sa kutsilyong nasa
ligpitin.
Page 52 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
Page 53 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
REY ANN
(Mapapangiwi sa kirot) Shit! (Maihahagis ang kutsilyo sa lababo, tutulo ang
dugo. May patak-patak ng dugo ang counter.)

MOND
(Agad na lalapit kay Rey Ann. Hahawakan ang kamay na may sugat, matindi
ang kabog ng kaniyang dibdib nang makita ang pulang-pulang dugo.
Bubuksan niya ang gripo at idadarang ang kamay ni Rey Ann) Ana.. (Nag-
aalalang paghingi rin ng tulong niya kay Ana)

REY ANN
(Kikilos patungo sa isang kuwarto, isang storage room. Hawak ang kamay at
titingnan si Mond na parang pinasusunod.)

36. INT. STORAGE ROOM. GABI


Sumunod si Mond. Habang hinahanap ni Rey Ann ang Betadine at gasa ay
nakatingin si Mond sa hiwa sa kamay ng nobya. Hahawakan niya ang kamay
ni Rey Ann at malambing na sisipsipin ang dugo. Magugulat si Rey Ann
ngunit mae-excite. Ito na ang matagal na hinihintay sa binata. Hahawakan
niya ito sa mukha. Uusisain ang kabuuan ng nobyo. Marahan niyang
hahalikan ang binata. Madadala si Mond, mararamdaman niya ang dugo sa
paghawak niya sa kamay ni Rey Ann. Marahan siyang gaganti ng halik sa
dalaga. Gagapang ang kaniyang mga kamay sa balat ng dalaga.
Mapapasandal sila sa pader. Mapapahigpit ang hawak ng nobyo sa sugat ni
Rey Ann at mapapangiwi ang dalaga sa hapdi ngunit mas mananaig ang
excitement sa nagaganap. Magiging marahas ang binata. Mapapadako ang
kanyang mga kamay sa leeg ng dalaga. Hahalikan ito ng binata saka
hihimasin. Mapapapikit si Rey Ann, ngunit mapapansin niyang humihigpit
ang hawak ng binata.

REY ANN
Wait, Mond!

Magmimistulang bingi ang binata at walang naririnig sa kanyang kasintahan.


Iba ang tingin niya kay Rey Ann isang malamig na bangkay at walang buhay.

REY ANN
Nasasaktan ako! (Pasigaw na piglas ni Rey Ann. Buong lakas na itutululak
niya si Mond.)

Bumalibag ang pinto at mapapalingon sila sa nakatayo. Nakamasid sa kanila


si Ana.

ANA
Page 54 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
(Susugurin si Mond. Galit na galit siya sa binata subalit hindi para sa
natunghayang ginagawa ni Mond kay Rey Ann. Pakiramdam niya ay
pinaglaruan siya niyo. Inuto.) Walanghiya ka! Akala ko mahal mo ako?! Si Rey
Ann pa rin pala!?

Page 55 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
MOND
(Pipigilan si Ana sa pagbayo sa kaniyang dibdib.) Im sorry, Ana. Its not what
you think. Its you. Its always been you. (Yayakapin si Ana, apologetic.
Hahalikan si Ana sa ulo at aamuyin ito.)

Hahagulgol si Ana. Gusto niya ang sinabi ni Mond. Ngunit hindi niya maalis
sa isip ang nasaksihang pagtatangka sa pagniniig nina Mond at Rey Ann.
Mas mananaig ang damdamin niya sa binata, yayakapin niya nang mahigpit
si Mond. Hindi na niya pakakawalan ang binata, hindi sa pagkakataong ito.
Marami na siyang ipinagparaya kay Rey Ann ngunit hindi na kasama si Mond
sa mga yun. Sa kaniya si Mond, sa kaniya lamang. Walang maaaring
makihati.
REY ANN
I knew it! (pasigaw at natatawa. Tatayo siya at susugurin si Ana, hihilahin
ang buhok) Malandi ka! Nagmamalinis ka pa. So ano pa? ano pang ginagawa
nyo sa likod ko? (babaling kay Mond at babayuhin ang dibdib nito) Ano,
ngayon pa kayo mahihiya? Fuck you, fuck you both.

Maitutulak nang malakas na sampal ni Mond si Rey Ann. Matitigilan si Rey


Ann sa pagkakatumba. Titingin sa kanya si Ana na parang humihingi ng
tawad. Hihilahin ni Rey Ann si Mond. Makikita ng binata ang dugo sa gilid ng
bibig ni Rey Ann. Marahas na hahalikan ni Rey Ann si Mond, noong una ay
tumatanggi ang binata ngunit nang lumaon ay muling madadala ito.
Kukuhanin ni Rey Ann ang kamay ni Mond at ipayayakap sa kaniya. Hindi
makakakilos si Ana. Hindi siya makatutol o makalaban. Nalilito siya. Malaki
ang pagtutol sa isipan.
ANA
(Hindi makapagsalita, tumatakbo sa isipan ang samut saring mga bagay
habang nakikitang dalang-dala sa paghahalikan sina Mond at Rey Ann. Hindi
siya ang mahal ni Mond. Hindi yan dapat gawin ni Mond sa kanya. Hindi siya
papayag. Aagos ang luha sa kanyang mga mata. Iiwan ba niya sina Mond at
Rey Ann nang ganito? Hindi, hindi na siya magpaparaya. Sa kaniya lang si
Mond. Hindi maaaring makihati si Rey Ann. Patuloy siya sa pag-iyak.)

Kikilos siya, makakakapa ng matigas na bagay. Ipupukpok ito kay Rey Ann.
Gulantang ang dalaga, umagos ang dugo sa ulo. Mapapatingin kay Ana na
nagtatanong na bakit? Si Mond ay nakatingin sa dalawang dalaga, hindi niya
pinigilan, at para ba siyang nasisiyahan sa pagkabayolente ni Ana.
Susuguring muli ni Ana si Rey Ann, hahampasin niya ito muli. Sa katawan, sa
ulo, sa likod. Magpa-pasa at magdurugo ang katawan ni Rey Ann hanggang
sa tuluyan itong humandusay. Mapapaluhod si Mond sa tabi ng bangkay ni
Rey Ann. Ang gunita, naalala niya ang gunita.
MOND

Page 56 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
(Babalik sa gunita ang inang parating naghihikahos sa pananakit ng kanyang
ama. Yayakapin ng batang si Mond ang inang hindi mapatahan o mapatigil
sa pag-ungol. Inaamoy nito ang buhok ng inang ni hindi makabangon.
Samantala, ang binatang si Mond ay tulalang iaangat ang taas na bahagi ng
bangkay ni Rey Ann. Yayakapin niya ito nang mahigpit habang hinihimas ang
buhok nito. May mga luhang mangingilid sa mga mata ni Mond subalit
blangko ang reaksyon ng mukha.)

Parang estatwa si Ana, nakatitig si Ana kay Rey Ann, nasiyahan sa nagawa.
Nalipat ang tingin niya kay Mond. Bakit iba ang tingin nito kay Rey Ann.

MOND
(Luluwag ang pagkagapos nito sa katawan ni Rey Ann. Titignan nito ang
mukha ng bangkay. Tutulo na ang luha nito subalit mapapangiti at
mapapatawa nang tahimik habang hinihimas ang mukha ni Rey Ann. Tila
manghang-mangha at tila gandang ganda siya rito.)

Maririnig niya ang paghimig ng kanyang ina sa saliw ng awiting Wag Ka Nang
Umiyak. Aawitin ng tinig ng isa ang mga huling linya ng koro ng kanta.

Kung wala ka nang maintindihan


Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit sa akin
Hindi kita bibitawan
Hindi kita pababayaan
Hindi kita pababayaan

Muling yayakapin ni Mond ang bangkay at ihehele sa kanyang mga bisig ang
katawan ni Rey Ann.

ANA
(Magdidilim pang lalo ang paningin. Lumuluha na sa pagkadismaya sa
nasasaksihan. Hihilahin niyang palayo si Mond sa bangkay ni Rey Ann upang
awatin. Hindi bibitiw si Mond kay Rey Ann. Sa sobrang galit ay buong lakas
niyang mapupukpok si Mond ng matigas na bagay na ginamit din niya kay
Rey Ann)

37. INT. SILID. MADALING-ARAW


Panatag is Ana. Sa harap niyay inihanay ang dalawang bangkay. Nilinisan
sila, inayos at dinamitan. Parang mga tulog lamang. Itinabi niya sa mga
bangkay ang scented candles. Kukuhanin ni Ana ang tanging picture frame
na nakasabit sa dinging malapit sa kama ni Rey Ann. Ilalagay niya ito sa
ibabaw ng tiyan ni Rey Ann. Gayundin ang Hello Kitty bag na regalo ng
Page 57 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
maagang namayapang ama. Nasa loob nito ang matigas na bagay na
ipinukpok ni Ana sa magkasintahan. Papatayin ni Ana ang player. Papatayin
niya rin ang gripong naiwang bukas nang mahina kagabi pa. Naghalo na at
pumusyaw ang dugo ni Rey Ann sa plangganang mayroong mga pinggan at
kubyertos na hindi na nabanlawan. Nais ni Ana magkaroon ng katahimikan.
Tahimik na siya ngayon. Sila ni Mond. Tititigan niya si Mond.

ANA
(Hihiga siya sa tabi ni Mond na parang bangkay. Yayakapin niya ang mainit
pang katawan ng binata. Aamuyin ang buhok nito, tititigan ang mukha saka
hahalikan ang labi nito. Titigil sa paghalik. Hihiga ulit na parang bangkay.
Titingin sa kisame, maaliwalas ang araw, kulay asul ang langit walang ulap
na lumalambong sa araw. Uusalin ang tula na binigkas niya sa coffee shop
nang gabing kasama ang binata. Pipikit.)

Ang init at lamig ay iisa/


Tulad ng sa atiy nagbigkis/
Ang tibok na walang pintig/
Aabot, paaabutin sa langit.

Maririnig ang mabibigat na pagkatok sa pinto ng apartment ni Rey Ann.


Mumulat nang saglit si Ana. Pipikit muli at ngingiti. Magpe-play ang isang
payapang musika sa background habang ipinapakita ang pwersadong
pagpasok ng mga pulis sa apartment.

37. EXT. SEMENTERYO. HAPON.


Inililibing ang isang kabaong kasabay, hinahagisan ito ng lupa nito. Sa
paligid ay mga taong nakaputi. May matandang babaeng umiiyak. Ang iba
ay may tingin na panghihinayang. Naririnig niya ang anasan ng mga tsimosa
sa likuran. Masyado pang bata. Hindi niya pinansin. Inilabas niya ang isang
piraso ng papel. Sinimulan ni Jaco basahin ang isang tula ni Avon Adarna na
Ako Pala ang Inyong Ililibing habang tinatabunan ang kabaong ni Mond.
Matapos mabasa ang isang saknong ay hindi na niya ito maitutuloy.
Hahagulgol ng iyak, mabibitawan ang kopya ng papel. Tatalikod si Jaco,
lalakad palayo. Patuloy sa pagtapon ng lupa sa kabaong. Liliparin ang papel
sa direksiyon ni Jaco. Magpapatuloy ang pagbasa ng tula mula ikalawang
saknong ngunit hindi si Jaco kundi si Mond ang magsasalita.

VOICE OVER
Ang nilalang na sumakabilang buhay
Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay?
Page 58 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016
At ang kaluluwa ng buting nilalang,
Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang?
Nagising akong puno ng pag-asa,
Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga,
Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa,
Igting ng paligid ang bumulaga!

Ngunit ano itong nangyari sa amin?


Magulo ang tao, parang sa may piging,
Aba at nabigla, nagkaduling-duling,
Ako pala itong inyong ililibing!

Page 59 of 59
Writing in Trimedia
Group 2
Screenplay-Final Draft
This version: 8-Aug-2016

You might also like