You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: FILIPINO – Art of Translation


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: PROYEKTO SA PAGSASALIN BLG. 1
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

FILIPINO-DAGLI
HAHAMAKIN ANG LAHAT
(Ni: Abdon Balde Jr.)

"Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi ni Cherry. May halong biro.
Para na rin niyang sinabing,"Pagputi ng uwak".Ngunit hindi ganoon ang dating
kay Dindo.Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang.Inilihim niya sa mga kaibigan
ang balak. Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana
ang sakitat hirap."Puwede ka na," sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.Isang
linggo bago mag JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa
canteen."Para sa'yo , handa na ako", sabi ni Dindo."Oh shocks ! " sagot ni
Cherry ,nakangisi,"Serious ka? Kami na ni Joko, noh ! "Malungkot na tumalilis si
Dindo, iika-ika, hila ang paa namay polio.Malupit ang pag-ibig.

ESPAÑOL-INSTANTANEAS
A PESAR DE TODO
(Por: Abdon Balde Jr.)

"Si puede permitirse breakdance en JS", dijo Cherry. Hay chistes contradictorios.
Era como si hubiera dicho "Blanqueando el cuervo", pero ese no era el caso de
Dindo. Dindo desobedeció la orden de sus padres. Mantuvo el plan en secreto
para sus amigos. Se fortaleció. Hablé con Sam. Dindo está entrenando.
Independientemente del dolor y la dificultad, "puedes hacerlo". dijo Sam un mes
después Una semana antes del JS Prom, Dindo se acercó a Cherry que estaba
tomando un refrigerio en la cantina. "Para ti, estoy listo", dijo Dindo, "¡Oh
choques!" Cherry respondió con una sonrisa: "¿Hablas en serio? ¡Somos Joko,
no!" Dindo se escapó tristemente, pisando fuerte, arrastrando el pie con polio. El
amor es cruel.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL
Kurso: FILIPINO – Art of Translation
Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: PROYEKTO SA PAGSASALIN BLG. 2
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

MAIKLING KWENTO
Pagkagat ng Dilim
Ni: DELFIN N. VITUG JR.

Napakalamig ng gabi noon at sobrang dilim dahil sa kapal ng ulap sa


kalangitan. Tanging mga ilaw lamang ng mga gasera ang matatanglawan sa
mga kabahayan. Malakas ang hampas ng hangin sa bubong nila Mang Aldo.
“Sabi ko sa’yo Aldo noong isang araw na ayusin mo na ang pawid na bubong
natin at narinig ko sa radyo na malakas ang paparating na bagyo”, naiinis na sabi
ng asawa nito na si Aling Adeng. Maya-maya pa ay bumuhos na ang malakas na
ulan na lalo pang nagpabinggi sa buong kapaligiran na walang maaninag kundi
kadiliman.
“Inay sabi ng aming guro walang pasok bukas, mataas daw ang ilog
walang makatatawid!!!”, bulalas ni Tonyo ang panganay na anak. “Malamang
kami rin dahil wala na sa hayskul e”, sagot ni Mely. “Sa wakas makakapaglaro
tayo ng matagal bukas Nica?! “Pero ate ‘di naman tayo makalalabas, malamang
bukas baha sa labas”.
“Tama na ‘yan at hane sa hapag, maghapunan na tayo”, yaya ng ama
sa mga kapatid. Medyo gabi na ang alas otso na hapunan mag-anak, ani Aling
Adeng. Sinimulang magdasal ng ama. Habang naghahapuanan sila ay patuloy
ang hampas ng malakas na hangin sa kanilang bahaykubo.
“Nay, ano ba naman ‘tong radyo paubos na yata ang baterya, panu
yan mamaya nay? Hay, naku Mely tigilan mo na nga ang kakareklamo at naasar
lang ako, pa’no, sabi ko dito sa ama mo na ‘wag kakalimutan bumili ng baterya,
ayan hanggang mamaya nalang yan”. Maya-maya biglang ginulat ang mag-anak
ng isang malakas na kalabog. Napayakap ang dalawang magkapatid na babae
sa kanilang kuya Tonyo na nagulat din sa pangyayari ngunit di n’ya na lamang
pinahalata. “Bintana na kumalampag lang kayo naman masyado kayong
matatakutin”, may pangungutyang banat ng ama. Ngingisi-ngisi ito.
“Itay, paubos na ang gaas sa gasera. Halos kulang nalang ito sa
kalahati.”, sabi ng bunso.
“Hayaan mo na at may inintindi pa ako dito, itong bintana. Kakasya
naman siguro yan hanggang mag-umaga.” Ang buong mag-anak ay nasa hapag
pa rin kahit na tapos ng maghapunan, ang lahat ay hindi pa antok at
nakaantabay sa harap ng transistor at nakapalibot sa iisang gasera sa loob ng
bahay maliban kay Mang Aldo na inaayos ang bintana.
“Sa wakas tapos na ‘tong bintana.” Maya-maya pa ay lalong bumuhos
ang malakas na ulan at sinamahan pa ng mas malakas na hangin. “Nay,
tumutulo na sa ating bubungan”. Tony, hawakan mo tong si Nica at kukunin ko
lang ang timba sa batalan”. Sige po nay, mag-ingat kayo at madilim dahil isa lang
ang ilaw natin, wala na sa batalan. Dahan-dahang pumunta ang ina sa batalan
hanggang sa mawala ito sa kanilang paningin at nilamon na ng dilim.
Maya-maya pa. “Kuya, ang tagal naman ni nanay? Oo nga Mely e, mahigit
limang minuto na yata noong umalis si nanay.” Itay!!, wika ng mga
magkakapatid. Oh, ano?! Nakatulog na pala ako. Anong oras na ba? Alas diyes
na po itay. “Itay si inay po di pa bumabalik galing sa batalan kanina pa. Oo nga
kanina pa yun ah, teka nga lang. Adeng!!! Adeng!!!! Adeng!!! Adelina!!!...Biglang
kinabahan si Mang Aldo. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit matatagalan
sa batalan ang kanyang asawa gayong maliit lang naman ang kanilang
pamamahay.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL
“Teka mapuntahan na lang ang nanay nyo. “Itay!! Iiwan nyo kami dito?
Sagot ng dalawang babae. “Kayo naman, nariyan naman ang inyong kuya
Tonyo. Basta dito lang kayo malapit sa gasera. Sandali lang ako.”
Patuloy ang pagpatak ng tubig mula sa kanilang pawid na
bubungan habang sa labas ay patuloy ang pagngangalit ng hanging dala ng
bagyo. “Kuya yung radyo parang pahina na ng pahina”. At sila nanay at tatay
hindi pa rin nakakabalik? Tahimik na nag-iisip at hindi makatugon si Tonyo sa
mga kapatid ng biglang namatay na ang tinig ng newscaster mula sa radyo.
“Hala!” Iyon na lamang ang nasambit ni Tonyo sabay tingin sa dalawang kapatid.
“Kuya pano na yan wala pa din sila? Pupuntahan mo? Sumagot lang ng tingin
ang panganay at biglang tumingin sa kadiliman papuntang batalan at napalunok.
“Ano na kuya? Sambit ng bunso. Kung ayaw mo ako na lang!?”, tugon ni Mely na
parang may pag-aalinlangan. “Teka muna, bakit ako ang pinapupunta niyo at
sino namang maiiwan sa inyong dalawa. Natahimik ang dalawang magkapatid
habang nangingilid na ang luha sa mata.
Biglang nabasag ang katahimikan nang sigawan ng
magkakapatid, biglang namatay ang gasera ng hipan ng malakas na hangin
galing sa bumukas na bintana. Mabilis nilang kinapa ang isa’t-isa sa dilim
habang si Tony ay kinakapa kung nasaan ang posposro.
“Sa wakas ang posporo! Dali-dali niyang sinindihan ang gasera.
Dahan-dahang sumabog ang katiting na liwanag sa hapag. Luminga-linga si
Tony, nasa harap niya ang umiiyak at takot na takot na bunsong si Nica.
Luminga-linga si Tony sa buong kabahayan na ang tangjng nakikita lamang ay
ang natatanglawan ng gasera. Wala na sa kanilang paningin si Mely. Niyakap
niya ang bunsong kapatid. Dali-dali niyang kinuha ang gasera at paatras na
tinungo ang kanto ng bahay habang nililinga kung matutuluan ng patak ng tubig
ang gasera.
Sumandal ang magkapatid sa pader na gawa sa kahoy at sawali,
amoy pa ang murang kawayan dahil kapapalit lamang nito. Dahan-dahang
umupo ang magkapatid habang nililinga-linga ang paligid. Maraming tanong ang
tumatakbo sa isip ni Tony. Nasaan na si Mely? Nasaan na ang kanyang mga
magulang? Kailan titigil ang bagyo? Hanggang kailan tatagal ang gasera na may
sindi.Lahat ito ay gumugulo sa kanyang isip habang sinasagot ng malakas ng
hagupit ng hangin sa labas at lagitik ng malakas na ulan ang tanging naririnig
niya habang palalim na ng palalim ang gabi.
“Mely tahan na?!” Kuya, nasaan na sila? Bakit biglang nawala si
ate?”, tanong ng bunso kasabay ng hikbi. Walang maitugon si Tony, nakatingin
lamang siya sa bawat sulok ng bahay. Lilinga-linga na tila para bang may
hinihintay na lumitaw sa kadilim. Niyakap na lamang niya ang kapatid at sinabi
na, “Makikita rin natin sila kapag tumila na ang ulan at nag-umaga na Nica”.
Tumingin siya sa orasan sa ding-ding. Ang oras ay nakatutok sa
ala una y medya. Nakatulog na sa kanyang bisig ang bunsong kapatid habang
siya naman ay nakatitig sa aandap-andap na gaserang ilawan. Kahit natatakot
ay pabagsak na rin ang kanyang mga mata sa antok ngunit pilit niya itong
nilalabanan ng biglang hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya ng ilang
minuto.
Naalimpungatan siya sa patak ng tubig sa kanyang mukha. Siya
ay bumalikwas na tila ba natutulog sa sariling higaan ng maalala niya ang mga
pangyayari. Biglang namulagat ang kanyang mga mata, puro kadiliman ang
kanyang nakikita, kinapa niya ng dahan-dahan ang gasera malapit sa kanya.
Wala sa kanyang bulsa ang posporo. Naalala niyang pinatong niya ito sa hapag
kanina. Lakas loob siyang mabilis na tumayo at nagtungo sa hapag, nakapa niya
agad ito at nagmamadaling kiniskis ngunit ayaw nitong sumindi. Nakailang kiskis
siya at bali sa posporo bago pa ito sumindi.
Muling lumiwanag ng bahagya ang hapag, sinipat niya agad ang
kanto kung saan siya nakapwesto knina. May isang bagay siyang naalala, wala
na ang bunso niyang kapatid na si Nica. “ITAY!!! INAY!!! MELY!!! NICA!!!
NASAAN NA KAYO!!!, pasigaw na pagtawag ni Tony ngunit sipol lamang ng
malakas na hangin at patak ng tubig sa pawid na bubong ang tangin sumasagot
sa kanya.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Medyo nilalamig na siya sa pagkakabasa dahil sa mga patak na nanggagaling sa


pawid na bubong. Bumalik siya ulit sa kanto kung saan siya nakapwesto kanina.
Dahan-dahan at palinga-linga siyang naglakad patalikod.
Tumingin siya sa orasan. Alas kwatro y medya na ng madaling
araw. “Maya-maya ay mag-uumaga na at makakahingi na rin ako ng tulong”,
bulong niya sa sarili. Hindi pa rin humuhupa ang bangis ng bagyo sa labas.
Mabuti na lamang at bago ang pader at nakatali ang pundasyon ng kanilang
pawid na kubo yun lamang hindi ito napalitan ng bagong bubungan.
Lalo pang humina ang naghihingalong gasera. Halos nasaid na
ang laman nitong gaas. Nanggagaling na lamang sa basa ng mitsa nito ang sindi
at aandap-andap na ito. Tumingin siya sa paligid, kaunti na lamang ang sakop na
liwanag ng gasera. Alam niyang ilang minuto o baka sigundo ay bigla na lamang
mamamatay ito. Patuloy pa rin ang pagragasa ng malakas na hangin sa labas.
Dumadami na lalo ang patak ng tubig sa loob ng bahay at paliit na ng paliit ang
apoy na nanggagaling sa gasera.
Tumingin siya sa paligid at sa apoy ng gasera. Nagsimula na
siyang magdasal ng Sumasampalataya ngunit hindi nakapikit. Hawak niya ang
gasera habang palinga-lingang at nagdarasal ng bigla niya na lamang nasambit
na, “Diyos ko po iligtas mo ako”, at biglang namatay ang gasera.

You might also like