You are on page 1of 10

LITERATURE AND THE SOCIAL SCIENCES

Activity 6. Understanding Literature and its Relationship to the Society

Directions:
1. Read the following stories and for each of the stories, write a short paragraph
discussing the social issues or concepts. Submit your output on or before 19
November 2023.
2. Write a short non-fiction piece about an experience in the campus that caused
you to almost lose your cool.

Mga Piling Dagling Katha at ang mga May-akda

Mga Napiling Dagling katha buhat sa Babasahing “Wag Lang Di Makaraos 100 Dagli

(Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay).” ni Eros S. Atalia.

1. Si Ma’am Kasi

Final exam ng mga graduating. Make or break Terorista ang prof nila sa major

subject na ito. Walang pakialaman kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak,

bagsak.

Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng

kahina-hinalang kilos, lingon o titig ng mga estudyante, sinisita nito.

May nag-vibrate na cellphone na nakapatong sa armchair

“Turn it off! Or keep it away!” bulyaw ng prof.


Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpuumilit na mai-off o itago ang

cellphone.

Balik uli ang lahat sa pagsagot.

Maya-maya, yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at at pagkatapos

ay sa prof.

Nagduda na ang prof. Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa

cellphone.

Lumapit pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak na ang

estudyante.

“ Give me your phone, you’re cheating.”

Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot nito ang bag, at saka

bumira ng takbo papalabas ng classroom.Iniwan ang test paper.

“class, you’re all my witnesses, you’re classmate is Cheating. Will you read kung

ano ang nakalagay sa message?”

Tumayo ang estudyanteng inutusan.Binasa ang phone.

“y di u sagot tawag namin? Wala na si Dad. D niya na survive ang operation. D2

kami hospital.

2. Retirement Day
Last day niya na sana ito. Magreretiro na siya. Simula ng isilang ang ikaanim

niyang anak, ang kaisa-isang babae, nakaramdam na siya ng takot. Bahagi na kasi ng

trabaho niya ang panganib. Tuwing lalabas siya ng bahay, nasa hukay ang isa niyang

paa.

Duguuan ang kanyang tsapang nakasabit sa bulsa ng kaliwang dibdib.Ni hindi

man lang niya naiputok ang binunot na kalibre 45. Nakabulagta siyang suot parin ang

sumbero. Butas din ang kanyang ID na nakasabit sa dibdib.

Pilit dumudukwang ang media sa kurdon( na inilagay ng mga pulis ) na

pinagtalian ng signboard na “Check Point”

Kung saan-saan nanggaling ang flash ng camera

May dalawang dumating na sakay ng police car.

Nahawi ang tao. Pumasok ang mga ito sa kurdon. Napailing ang mga ito.

“Sya ba?”

“Positive ang tip, Sir. Dito nga sa lugar na ito nambbiktima ang pulis-pulisan na

yan.”

3. Kumpisal

“Father, patawarin nyo po ako. Nagkasala ako. Ang huli ko pong kumpisal ay noong

isang lingo. Mapapatawad pa po kaya ako ng Diyos?”


“ Anak, sige, sabihin mo ang iyong kasalanan. Mapagpatawad ang Diyos.”

“Masama po bang magalit sa aking ama? Hindi niya naman po kami

pinapabayaan,pero, sa pakiramdam ko, ikinakahiya niya po kami…”

“Baka naman, may malalim na dahilan ang iyong ama at…”

“Gaano man po kalalim ang kanyang dahilan… hay naku, Father… ayoko po ng

nararamdaman ko, pero unti-unti na pong lumalayo ang loob ko sa kanya…kung

ikinakahiya niya ako…mas lalo ko siyang ikinakahiya,Kasalan po bang…”

“Anak huminahon ka. Umuwi ka muna, at mag-isip-isip…baka…”

“Father…lagi na lang po bang…”

“Anak,sundin mo ako…umuwi ka muna, sa bahay na lang tayo mag-usap.”

4. Panawagan

“Magbigay-daan muna tayo para sa isang public service, narito si lolo ngayon

para manawagan…sige po, manawagan na po kayo,” wika niya bag tuluyang humigop

ng kape.

Lumunok muna ang matanda at saka nilinis ang lalamunan, “Sa mga anak ko,

apo at iba pang kamag-anak, sana, bago ko tuluyang ipkit ang mga mata ko, madalaw

niyo muna ako dito sa Home for the Aged, kahit saglit na saglit lang, kahit silip lang,”

garalgal ang tinig ng matanda ay tuluyang napaluha.

Nagpahid siya ng luha. Ibinaba ang hawakan ng walis. “Yan po ang panawagan

ni…”
“O, ba’t pati ikaw napapaluha? Ako lang ang nanawagan ngayon, ha?” mapait

ang ngiti ng matanda, ibinaba ang hawakan ng pandakot

“tama na nga itong kalokohang ito, hayaan mo, makakaalala rin ang mga

tinamaan ng lintek na ‘yon…

dadalawin din nila tayo.”

Itinabi na ng mga ito ang walis ay pandakot sa ilalim ng punong mangga at

inalalayan ang isa’t isa sa pagpasok habang humahalakhak.

5. Food Pyramid

“Nay, gusto ko niyan,” wika niya sa inang nagpaparikit ng kalan gamit ang

nilamukos na papel at tuyong kahoy samantalang nakatutok ang mata niya sa

telebisyong halos nangungupas na ang kulay.

“’Nak.patayin mo na yang TV, baka dumaan ang inspector ng Meralco,

malilintikan tayo, kakabaliktad nga lang ng tatay mo ng kontador, baka kunin pa.”

“Hotdog…Hotdog…lagi na lang hotdog,” wika ng artista sa telebisyon.

“Gusto ko nga yan,’Nay. Kahit pala hindi kumain inumin lang ang gatas na ‘yan

okay na.”

“Anak, ang anak ng mayayaman, walang gana sa pagkain. Kaya binibigyan sila

ng gatas. Tayo kahit may gana, walang makain. Wala ring gatas na iinumin. Patayin mo

na yan, pumunta ka muna sa ninong mo dala kamo siya ng isang kilong bigas saka

noodles. Pagdating ng ninong mo, laro ka muna sa labas,ha?”


Mga Napiling Dagling Katha buhat sa Babasahing “100 KISLAP.” ni Abdon M.

Balde Jr.

1. Hahamakin ang Lahat

(116 Salita)

“Kung kaya mong mag-breakdance sa JS,” sabi ni cherry.

May halong biro. Para na rin niyang sinabing, pagputi ng uwak.

Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo.

Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang inilihim niya sa mga kaibigan ang balak.

Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana ang sakit at

hirap.

“Pwede ka na,” sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.

Isang linggo bago ang JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa

canteen.

“Para sa ‘yo, handa na ‘ko sabi ni Dindo.

“Oh shocks!” sagot ni Cherry, nakangisi,

“Serios ka? Kami na ni Joko, no!” Malungkot na tumalilis si Dindo Ika-ika, hila

ang paang may polio. Malupit ang pag-ibig.

2. Paglaban sa Katiwalian
(150 Salita)

Nang bumalik ang Hari buhat sa pagbisita sa ibang bansa ang isinalubong sa

kanya ng punong Ministro’y isang kalatas na pinagkasunduan ng Konseho ng

Matatanda Tungkol sa bagong tuntunin ng pamumuno sa Estado: Presidente na ang

mamumuno sa loob ng anim na taon. Wala siyang suweldo bagama’t tutustusan ng

Estado ang lahat ng gastos niya at ng kanyang pamilya. Sa katapusan ng kanyang

termino’y papalitan siya ng bagong Presidente na ang unang tungkulin ay litisin ang

paalis na Presidente. Kapag napatunayang nadagdagan ang pag-aari o nakagawa ng

katiwalian ang paalis na Presidente, siya’y pupugutan ng ulo kung nagging tapat siya’y

pararangala’t gagantimpalaan ng isang libong pirasong ginto sa bawat taong

panunungkulan.

Sabi ng Ministro.” Kayo’y bibigyan ng pagkakataong bumaba ng tungkulin

ngayon nang walang paglilitis.

“At kung tumanggi ako?” tanong ng Hari

“Bukas ay bubuuin ang Korte na lilitis sa inyo at ako ang magiging

pansamantalang Presidente,” sagot ng Ministro.

3. FPJ

(150 Salita)
Naging Fernando ang kanyang ama dahil idolo ng lola niya si Fernando Poe Sr.

sa pelikulang Giliw ko noong 1939. Nag-pulis ang kanyang ama. Nang mapanood ang

pelikulang Pepeng Kaliwete noong 1958 ay naging Fernando Jr. siya.

FPJ siya sa mga kaklse mulang elementarya. Graduating siya sa high school,

nang matagpuan sa cabinet ng ama ang kalawanging baril na hindi lisensyado. Tinarget

ang poste ng Meralco, kinalabit ang gatilyo. Bang!

Ang bala’y bumalandra sa poste, dumaplis sa balisbisan ng katapat na bahay at

tumama sa sinapupunan ng buntis na babaeng naglalako ng hipon sa kabilang kalsada.

Patay ang mag-ina. Naitago ang baril. Hindi nahuli ang salarin.

Mula noon palagi na siyang balisa. Tila pinasok ng bulate ang utak. Hindi

nakapag-kolehiyo. Maraming gabing naaalimpungatan sa putok ng baril at nagtatago

sa ilalim ng kama. Umiiwas sa babaing buntis. Pag may pumutok kumakaripas na

parang hinagupit na aso si Fernando Pe Jr.

4. Superman ang Misis Ko

(150 Salita)

Una ko siyang makadapuang palad, ramdam ko na agad ang tigas ng kanyang

mga daliri. Sabi’y pinaglalaba’t pinagsisibak ng panggatong ng magulang. Tibo ka ba?

Tanong ko minsan. Ang sagot ay kunwaring suntok sa dibdib ko.


Pero napakaganda niya para pakawalan. At napakabait. Siya’ng omoorder at

nagdadala ng pagkain sa mesa. Inaalalayan niya ‘ko sa pagtawid sa kalsada.

Nang ikasal kami’y kinarga niya ‘ko paakyat sa apartment, habang yakap ko ang

saklay sa paa. Pangatlong palapag kami. Kanya ang mabibigat na gawain: pagkabit ng

TV antenna, pagkumpone ng kisame, pagpalit ng screen. Ako’y taga luto lang.

Isang hatinggabi nagkasunog sa unang palapag. Abot sa ika-apat na palapag ang

usok, Sensitibo ako sa usok, agad akong nahilo. Nang balikan ng malay, nasa ospital na

‘ko. Nasunog ang buong apartment. Kaunti kaming nakaligtas.

Sa bagong apartment, bago matulog, tinanong ko kung paano nya ‘ko nailigtas.

Inilipad kita palabas ng sunog na apartment, sagot nya.

5. Hindi Namamahinga ang Hustisya

(150 Salita)

Isinakay ko ang babaeng iika-ika sa tapat ng Megamall isang gabing umaambon.

Ibinaba ko sa tapat ng isang bonggalo sa Boni, lampas ng Ortigas, tapat ng iskinita,

Martinez…Martinez? Umikot ako sa tapat ng simbahan ng San Felipe. Tapos, carbarn

na dahil masakit ang tiyan ko. Sa garahe nakita ko’ng pitakang naiwan sa backseat ng

babae.
Kinabukasan, Pasay-Paranaque ang ruta ko. kaya dinala ko ang pitaka sa

estasyon ng radio. Nang buksan sa estasyon, ang pitaka’y sa lalaki at di sa babae! May

voters ID.

Sinamahan ako ng isang reporter para isoli ang pitaka sa babae. Laking gulat

naming nang makitang sementeryo ang pinaghatiran ko sa babae. Tumuloy kame sa

presinto ng pulis sa munisipyo ng Mandaluyong.

Mula doon nasusog naming ang lalaki sa voter’s ID ay convicted sa

panggagahasa sa isang hostess sa Henry’s na natagpuan sa bakanteng lote pinagtayuan

ng Megamall mahigit tatlumpong taon na ang nakakaraan.

You might also like