You are on page 1of 10

Teknikal na Paraan

ng Pagsusulat ng
Diyalogo
Ulat ni : Lauren Joy F. Solomon
1. Ipaloob sa mga panipi ang buong diyalogo.
Halimbawa:
"Paano ba magsulat ng diyalogo?" usisa ng mag-aaral.
"Ganito. Madali lang naman," sabi ng guro.
Pansinin natin ang kuwentong "Today with Kris Aquino" ni Rommel Rodriguez na humalaw ng anyo sa isang iskrip para sa programang pantelebisyon:
Kris: Thank you doktora. Grabe, ang daming insights talaga. Anyway, isa sa mga field reporters namin ang nangalap ng comments tungkol sa topic natin. Roll VTR
Dissolve to:
On VTR.
U.P. Professor: According to Freud. According to Foucault. According to the phenomenon of human behaviour. According to blah, blah, blah.
U.P. Student: Keri lang.
Pulis: Dapat ikulong iyan, o kaya sa perya ilagay. Ha, paano kung anak ko? Isasali ko sa Pinoy Exposed! Dagdag kita rin iyon.
Tindera ng Banana cue: Ay ano ba iyan!
Miriam Student: My God ano ba iyan?
Ateneo Student: My God!
2. Gumamit ng kuwit para ihiwalay ang diyalogo sa tag line (ang mga salita para
tukuyin kung sino ang nagsasalita).
Halimbawa:
• "Makikita ninyo ang kuwit sa pagtatapos ng pahayag na ito," sabi ng guro.

3. Ang tuldok, kuwit, at iba pang bantas ng pangunahing pangungusap ng diyalogo


ay nakapaloob sa mga panipi.
Halimbawa:
• "Ganito ba ang dapat gawin?" tanong niya.
• "Oo, dapat nasa loob ng mga panipi ang tuldok."
• "Pati na rin ng kuwit," sabad ng propesor.
• "Ngayon, alam ko na!"
4. Gagamitinang kuwit kapag hahatiin ng tag line ang isang
pahayag sa dalawa. Isinasagawa ito para magkaroon ng
dramatikong epekto ang isang diyalogo.
Halimbawa:
• "Kuwit ang dapat nating gamitin," payo ng guro, "kung sakaling
hahatiin sa dalawa ang isang pahayag sa diyalogo."
5. Upang ipakita ang panipi sa loob ng isang pahayag, gumamit
ng single quotation.
Halimbawa:
• “Nabasa mo na ba ang kuwentong "Tata Selo' ni Rogelio Sicat?"
pabulong niyang tanong sa akin sa loob ng silid-aklatan.
7. Kapag ang pahayag ay dalawa o mahigit pang talata, huwag itong isasara ng isang panipi (end quotation). Sa halip,
isara ang pahayag sa pinakahuling pahayag ng isang tauhan.
Halimbawa nito ay ang isang sipi mula sa kuwentong "Arrivederci" ni Fanny Garcia:
"Pa'no ka nga pala napunta sa Italya?"
"Dahil sa labinlimang taon."
"Ano?"
"Pinarangalan ako dahil sa labinlimang taong pagtuturo. Nagdaos ng programa sa paaraları. Binigyan ako ng sertipiko. May mga
talumpati, tula, sayaw, bulaklak, handa. Naluha ako sa galak. Pero sa bahay, hatinggabi na'y hindi ako makatulog, hawak-hawak ang
sertipiko. Isang kapirasong papel lang pala ang pagtuturong inalayan ko ng puso't utak. Hindi nagbago ang maliit kong suweldo." At
tumitig si Vicenta kay Nelly, "Hindi ako materyoso. Pero ako'y may tatlo pang nakababatang kapatid. At gusto nila, at gusto ko rin, na
sila'y makatapos ng pag-aaral. Magsasaka lang si Tatang, at siya'y matanda na. At hindi ko maaasahan ang sumunod sa 'king dalawa
kong kapatid. Sa mga pamangkin ko'y hirap na hirap na sila.
"No'ng bakasyon ding 'yon, lumuwas ako ng Maynila. Nakituloy sa isang kamag-anak. Naghanap ng mapagtuturuan. Sobra-sobra
ang titser. At balewala ang qualifications ng isang nagtapos lang kung saang probinsiya. Balewala sa lungsod ang labinlimang taong
pagtuturo sa isang liblib na baryo.
"Naghanap ako ng ibang klaseng trabaho. Klerk, salesgirl, serbidora, kahera, trabahadora sa pabrika. Madalas na ang kailanga'y mas
bata. At napakaliit ng suweldo. Kulang pa sa pamumuhay ko sa Maynila.
"No'n ko sinubok ang recruitment agencies. Sa ahensiyang napili ko, sinabi sa 'kin na magiging katulong ako sa Italya. Pero h'wag daw
akong mag-alala. H'wag kong paris sa pagkakatulong sa Pilipinas. Push-button ang lahat-lahat. May washing machine, dishwashing
machine, vacuum cleaner, floor polisher. Mababait ang mga magiging amo ko. Ituturing akong parang hindi na iba sa pamilya. Kapag
nagbakasyon sa ibang bansa ang mga amo ko'y tiyak na kasama ako, kayat makapaglalakbay ako nang libre. Bibigyan ako ng mga
damit at ba pang gamit. May medical insurance. Malaki ang suweldo kayat ga'no man kalaki ang gastos ko'y mababawi agad kahit
wala pang isang taon." At tumawa si Vicenta, pagak, "At tulad din ng sinabi mo, baka raw nasa ibang bansa ang mapapangasawa ko."
8. Tandaan na kapag isinara ang isang pahayag, ang susunod na pahayag ay
pag-aari na ng ibang tauhan.
Halimbawa:
• "Akin ang pahayag na ito kasi isinara na ng isang panipi,” sabi ni A.
• "Ito nama'y aking-akin," tugon ni B.

9. Magsimula ng bagong talata kapag nagpapalit na ang nagsasalitang tauhan.


Bunsod ito ng praktikal na kadahilanan at kalinawan sa pagsusulat. Magiging
patnubay ito sa mambabasa sa pagtukoy kung sino ang nagmamay-ari ng
isang pahayag.
Halimbawa:
• “Ako ang nagsasabi nito,” sabi ni Juan.
• "Ako naman ang nagpapahayag nito," wika ni Maria.
10. Magsisimula sa malaking titik ang nakapaniping diyalogo.
Halimbawa:
• "Malaking titik dapat ang simula nito!" sabi ng aklat.

11. Kapag nahati ang pahayag sa pamamagitan ng speech tag o tag line, magsisimula
na ito sa maliit na titik.
Halimbawa:
• "Dapat tandaan," payo ng guro, "na maliit na titik ang simula ng ikalawang bahagi ng
pangungusap na ito.“

12. Nahihiwalay ang diyalogo sa katawan ng prosa sa pamamagitan ng bagong talata


o kaya'y sa isang kuwit.
Halimbawa:
• Nakapagpasiya na si Paolo sa kaniyang nais sa buhay, "Mag-aaral na akong magsulat.
Gusto kong malathala. Gusto kong mabuhay nang walang-hanggan."
13. Tiyaking batid ng mambabasa ang nagsasalita sa kuwento. Dapat ipakilala ng may-akda kung sino ang nagsasalita sa bawat pahayag. Huwag ding paulit-ulit ang pagbanggit
kung sino ang nagsasalita kapag ito'y natukoy o naipakilala na sa dakong simula ng eksena. Pansinin natin ang sipi mula sa nobelang Makinilyang Altar ni Luna Sicat:
Ano ba ang kanyang sinusulat? Minsan, lumabas ng kuwarto ang aking ama at nagtungo sa banyo para maligo. Sinilip ko ang silid. Nakita ko, sa kalagitnaan ng gubat ng riga nilamukos na
papel, ang makinilyang Olympia na nakapatong sa mesa. Kabibili ng aking ina ang makinilyang ito.
Naririnig ko ang sunud-sunod na buhos ng tubig mula sa banyo. Nakikipagtitigan sa akin ang makinilya, parang nanghahamon. Parang may mukha, parang may bibig, parang may mata.
Hindi ito simpleng makina lang ng pagtipa. May sarili itong personalidad: marunong umismid, suminghal, at kung minsan, namamalikmata ako't parang nanlilisik ang kanyang mga mata.
Napasulyap ako sa patung-patong na mga papel sa tabi nito. Kukuha na sana ako ng ilang blangkong piraso nang pumasok ang aking ama sa silid. Tapos na siyang maligo.
"Ginalaw mo ba 'yan?"
"Hindi po."
"Bakit mo hawak ang papel na iyan?"
"Naghahanap lang ako ng 'di na ninyo ginagamit. Gusto kong magdrowing."
"Nasaan na nga pala ang bolpen na ginagamit ko?"
"Hindi ko po alam."
"Hindi mo ginalaw?"
Pumasok ng silid si Bituin na hawak ang bolpeng hinahanap ng aking ama.
"Akala ko ba ay hindi mo ginalaw?"
"Hindi niya galaw," pakli ni Bituin.
Kinabig niya ang aking leeg, at saglit kong naramdaman sa aking batok ang mainit niyang singhal. Namuti ang paligid nang ako'y binatukan. Sumibi ako. Galit na galit ako sa aking nguso
dahil hindi nito mapigilan ang pagsibi. Galit na galit ako sa aking ilong dahil tumutulo nang kusa ang sipon. Nainis ang aking ama, tinampal niya ako. Pumasok ng silic ang aking ina, "Nasaan
na nga 'yong folder na 'yon." at hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang makita niya akong umiiyak, at dahil umiiyak ako'y nakikiiyak na rin ang aking kapatid. Niyakap ako ng aking ina.
At lalo lang akong nahilam.
"Sa lahat ng ayaw ko'y pinakikialaman ang mga gamit ko. Putang'na, pa'no na 'ko makakasulat ngayon, nagdadramahan na naman 'yang lintek mong mga anak."
Lumabas na kami ng silid. Habang ipinaliliwanag ng aking ina kung bakit nagalit ang aking ama, hanging humahaging lamang sa aking pisngi at batok ang alaala ng sampal. Magmula noon,
kinamuhian ko na ang makinilyang iyon.
At ngayon, mababasa ko sa isa sa pitumpu't limang kuwadernong kanyang iniwan ang internal na tunggali na nagaganap sa aking ama noong araw na iyon:
Mahigpit na pangangailangan ng isang manunulat ang paggalang ng mga kasambahay sa kanyang pag-iisa. Kailangang mapag-isa siya sa kanyang mga inisip, kailangang mapag- isa siya sa
kanyang silid. May nasasaling sa kanya sa tuwing pakikialaman ang kanyang makinilya; bahagi ito ng kanyang katawan, pati ang mga libro. Ingatan ninyo ang mga bagay na ito.
Hindi ko na itutuloy pa ang "Yugto." kapag hindi pa ito umarangkada. Maganda ang ideva, bago ang paksa ng dula, pero hindi ko mapaamo ang mga linya, hindi ko mabigyang hugis.
Dramatiko ang iniisip kong wakas: papatayin ng ina ang sarili niyang anak, ngunit kailangang maging mahigpit ang kaugnayan ng wakas na ito sa simula pa lamang. Pagod na ang aking utak,
pagod na rin ang aking katawan. Hindi mawaglit sa alaala ang pasaring ng asawa ni Kuyang, siyang naiinis sa tunog ng makinilya sa hatinggabi. Kailangang tigilan ko na ang pagmamalupit
kay Laya. Matalas ang kanyang gunita.
14. Gumamit ng tamang bantas sa pagsulat ng diyalogo.

15. Huwag magsayang ng diyalogo. Piliin lamang kung kailan


hahayaang magsalita ang tauhan. Dapat ay may kabuluhan ang
kaniyang sasabihin. Huwag gagawing madaldal ang tauhan nang
walang kaugnayan sa kuwento. Ayon pa kay Jose Dalisay (2006).

The art of dialogue is the art of saying just enough, and always leaving something for
the reader to fathom, without being too arty or contrived about it. Good dialogue
never says too much. Dialogue is the worst place for sheer exposition, the kind of
information overload that anxious or incapable writers inflict on their readers.
16. Iwasan ang labis na pagpapaliwanag o eksposisyon sa diyalogo.

17. Gumamit ng mga pahayag na nagsasalaysay para ipamalas ang


kasalukuyang ginagawa, iniisip, o kalagayan ng tauhan.

18. Hayaang maging natural ang pagsasalita ng mga tauhan. Maaaring


gumamit ng maiikling pangungusap at ng mga contraction sa mga salita para
makuha ang tamang tunog ng tunay na pagsasalita.

You might also like