You are on page 1of 13

DAGLI

Ang “Dagli” ay isang uri o


paraan ng pagsusulat ng isang
akda na mas maikli sa isang
maikling kuwento. Kaya naman
ito ay kilala rin sa tawag na
“maikling maikling kuwento”.
Matagal nang nakikita at
nababasa ang ganitong anyo sa
ating lokal na panitikan.
Bakit ba mayroong pang ‘Dagli’ kung may
Maikling Kuwento na?
Bakit nga ba? Ganito yun, sa bawat araw
ng ating buhay, ay mayroong tayong
iba’t ibang sitwasyon o eksena na
nadidinig, nakikita, nararanasan o
nararamdaman.
At ang bawat eksena ay isang ‘Kuwento’.
Ano ba ang nakita mo habang papauwi ka
galing eskuwela o trabaho?
Halimbawa:
1. Isang batang nagpupunas ng sapatos ng mga
pasahero sa loob ng sinakyan mong dyip.

2. Magnobyong nag-aaway sa gitna ng daan.

3. Isang matanda na nagpapahangin sa ilalim ng


puno at marami pang iba.

Ang bawat eksenang ‘yon ay pasok na pasok


para sa isang Dagli.
Kadalasan, ang isang Dagli ay
binubuo lamang ng 100-300 salita.
Upang maging epektibo ang isang
Dagli, ito ay ilan lamang sa mga
kinakailangang isaalang-alang:

1. Mensahe
2. Tagpo at Diyalogo
3. Damdamin
1.) Mensahe – maaari kang
magparating ng isang mensahe
sa pamamagitan ng pagsulat ng
isang Dagli. Kahit na kathang-
isip lang ang isang Dagli ay
maaari mo itong gamitin bilang
salamin ng reyalismo.
2.) Tagpo at Diyalogo –
importante ang pagbuo ng
isang makabuluhang tagpo
sa umpisa ng iyong Dagli,
kahit maiksi man ang iyong
akda ay mayroon pa ring
mabuong imahen ang
mambabasa.
Halimbawa:
“Walang Hugutan” ni Juan Bautista
Isang gabi, naglalakad ako sa isang napakadilim na
eskinita. Sisipul-sipol pa ko habang bitbit ang pancit na
pasalubong para sa mag-iina ko, nang bigla na lang akong
undayan ng saksak ni Berto. Kilalang adik at tulak sa
lugar namin. Tangka na niyang huhugutin ang ‘ice pick’
mula sa pagkakabaon nito sa bandang ilalim ng aking
tiyan nang hablutin ko ang kanyang kamay.
– “Pare. Parang awa mo na huwag mong huhugutin.” Sabi
ko.
– At bakit hindi?
– “Kapag hinugot mo ‘tong ice pick, maiuuwi ko pa itong
pancit sa bahay, pero hindi na ‘ko aabot ng ospital”.
– Berto: “At kapag hindi ko hinugot?”
– Aabot pa ko sa ospital. At ‘pag dinalaw ako ng mag-iina
ko, may pagsasaluhan pa silang pancit.
– Sinasabi mo ba sakin na kapag namatay ka hindi na
makakakain ng pancit kahit kailan ang pamilya mo?
– Oo pare.
Agad akong itinakbo ni Berto sa ospital. At magmula noon
hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami…
Wakas
Naumpisahan ang maikling maikling kuwentong ito sa
pamamagitan ng paglalarawan (Isang gabi, naglalakad ako sa
isang napakadilim na eskinita. Sisipul-sipol pa ko habang bitbit
ang pancit na pasalubong para sa mag-iina ko,).

Ang primerong intensyon sa unang pangungusap ng kuwento ay


upang makabuo agad ng isang eksena o imahen ang mga
mambabasa. Senaryo. Isang eksena lang ang “Walang Hugutan”.
Isang pangungusap na sinundan ng palitan ng mga diyalogo ng
dalawang tauhan. At hindi man detalyado ang kuwento, tinapos
ito ng isang pangungusap lamang (At magmula noon hanggang
ngayon, magkaibigan pa rin kami.)
3.) Damdamin – lahat ng uri ng pagsusulat, awit,
kuwento, nobela o tula ay nangangailangan ng
damdamin. Syempre ‘di ba? Ganoon din ang Dagli.
Kung tutuusin nga ay hindi ganoon kadaling
maiparamdam ang “sinseridad” ng isang manunulat sa
kanyang mga mambabasa, kung ang piyesa ay maikli
lang. Kaya naman kinakailangang epektibo ang
“pagtatahi” ng mga salita sa pagbubuo ng isang Dagli.
Nang sa gayo’y sumibat pa rin sa damdamin ng ating
mga mambabasa ang bawat Dagli na iyong isusulat sa
hinaharap.
Holdap

“Holdap ‘to!” hiyaw na lamang ng lalaking nakaupo sa dulo ng jeep.

Napasigaw ang babaeng kolehiyala na katabi ng holdaper. Na napakalaki


nitong pagkakamali. Ayaw yata ng holdaper sa maiingay. Tinakpan agad nito
ng kamay ang bibig ng kolehiyala at itinutok ang baril na hawak
sa sentido nito.

“Ilabas niyo ang mga pera niyo!” sigaw sa’min ng holdaper. Bata pa. Wala
pang beinte-singko. “Pati mga cellphone, alahas, lahat! Dali! Kundi papatayin
ko ‘to!”

Tumalima agad sila. Nagsilabasan ang mga pera, cellphone, at mga alahas.
Walang tumutol. Walang nanlaban. Matatalinong tao, sa isip-isip ko.
Habang nangyayari ‘to’y walang kamalay-malay na natutulog ang isang ale sa
likod ng drayber (Teka, bakit hindi humihinto ang drayber? Walang karea-
reaksyon! Tatandaan ko plate number mo, loko!).
“Gisingin mo!” singhal sa ‘kin ng holdaper.

Tinapik niya ng makatatlong beses ang ale bago ito naalimpungatan.


Napatingin ito sa akin saka sa holdaper.

“Benedict?” hindi makapaniwala ang tinig ng ale. “Ikaw na ba ‘yan?”

Natigilan ang holdaper. Nanlaki ang mga mata. Namutla. Nabitawan ang
baril.

“Para na!” sigaw nito at dali-daling huminto ang jeep.

Tumingin muna ang holdaper sa ale. Punum-puno ng hiya ang mukha nito.


Para ngang maiiyak pa.

“Sorry po, Ma’am!”

At saka ito bumaba.

You might also like