You are on page 1of 2

Ang 

“Dagli” ay isang uri o paraan ng pagsusulat ng isang akda na mas


maikli sa isang maikling kuwento. Kaya naman ito ay kilala rin sa tawag
na “maikling maikling kuwento”. Matagal nang nakikita at nababasa ang
ganitong anyo sa ating lokal na panitikan, at sa kasalukuyan, ilan lamang
sa mga kilalang kuwentista ng ating panahon sina Eros Atalia (Wag Lang
Di Makaraos: 100 Dagli) at Jack Alvarez (Ang Autobiografiya ng Ibang
Lady Gaga).

Bakit ba mayroong pang ‘Dagli’ kung may Maikling Kuwento na?

Bakit nga ba? Ganito yun, sa bawat araw ng ating buhay, ay mayroong
tayong iba’t ibang sitwasyon o eksena na nadidinig, nakikita,
nararanasan o nararamdaman. At ang bawat eksena ay isang ‘Kuwento’.
Ano ba ang nakita mo habang papauwi ka galing eskuwela o trabaho?
Halimbawa, isang batang nagpupunas ng sapatos ng mga pasahero sa
loob ng sinakyan mong dyip. Magnobyong nag-aaway sa gitna ng daan.
Isang matanda na nagpapahangin sa ilalim ng puno at marami pang iba.
Ang bawat eksenang ‘yon ay pasok na pasok para sa isang Dagli.

Kadalasan, ang isang Dagli ay binubuo lamang ng isandaan hanggang


tatlongdaang salita. Upang maging epektibo ang isang Dagli, ito ay ilan
lamang sa mga kinakailangang isaalang-alang:

1.) Mensahe – maaari kang magparating ng isang mensahe sa


pamamagitan ng pagsulat ng isang Dagli. Kahit na kathang-isip lang ang
isang Dagli ay maaari mo itong gamitin bilang salamin ng reyalismo.

2.) Tagpo at Diyalogo – importante ang pagbuo ng isang makabuluhang


tagpo sa umpisa ng iyong Dagli, upang maiksi man ang iyong akda ay
mayroon pa ring mabuong imahen ang mambabasa.

Halimbawa:

“Walang Hugutan” ni Juan Bautista

Isang gabi, naglalakad ako sa isang napakadilim na eskinita. Sisipul-sipol


pa ko habang bitbit ang pancit na pasalubong para sa mag-iina ko, nang
bigla na lang akong undayan ng saksak ni Berto. Kilalang adik at tulak sa
lugar namin. Tangka na niyang huhugutin ang ‘ice pick’ mula sa
pagkakabaon nito sa bandang ilalim ng aking tiyan nang hablutin ko ang
kanyang kamay.
– “Pare. Parang awa mo na huwag mong huhugutin.” Sabi ko.
– At bakit hindi?
– Kapag hinugot mo ‘tong ice pick, maiuuwi ko pa itong pancit sa bahay,
pero hindi na ‘ko aabot ng ospital.
– At kapag hindi ko hinugot?
– Aabot pa ko sa ospital. At ‘pag dinalaw ako ng mag-iina ko, may
pagsasaluhan pa silang pancit.
– Sinasabi mo ba sakin na kapag namatay ka hindi na makakakain ng
pancit kahit kailan ang pamilya mo?
– Oo pare.
Agad akong itinakbo ni Berto sa ospital. At magmula nuon hanggang
ngayon, magkaibigan pa rin kami…

Wakas

Inumpisahan ko ang maikling maikling kuwentong ito sa pamamagitan


ng paglalarawan (Isang gabi, naglalakad ako sa isang napakadilim na
eskinita. Sisipul-sipol pa ko habang bitbit ang pancit na pasalubong
para sa mag-iina ko,). Ang aking primerong intensyon sa unang
pangungusap ng kuwento ay upang makabuo agad ng isang eksena o
imahen ang aking mambabasa. Senaryo. Isang eksena lang ang “Walang
Hugutan”. Isang pangungusap na sinundan ng palitan ng mga diyalogo
ng dalawang tauhan. At hindi man detalyado ang kuwento, tinapos ito ng
isang pangungusap lamang (At magmula nuon hanggang ngayon,
magkaibigan pa rin kami.)

3.) Damdamin – lahat ng uri ng pagsusulat, awit, kuwento, nobela o tula


ay nangangailangan ng damdamin. Syempre ‘di ba? Ganoon din ang
Dagli. Kung tutuusin nga ay hindi ganoon kadaling maiparamdam ang
“sinseridad” ng isang manunulat sa kanyang mga mambabasa, kung ang
piyesa ay maikli lang. Kaya naman kinakailangang epektibo ang
“pagtatahi” ng mga salita sa pagbubuo ng isang Dagli. Nang sa gayo’y
sumibat pa rin sa damdamin ng ating mga mambabasa ang bawat Dagli
na iyong isusulat sa hinaharap.
Hango sa Juan Bautista Diaries

You might also like