You are on page 1of 3

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang
tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang ito ay di-totoo. Ang
kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang
kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.
Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng isang pangyayari
hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang kasukdulan, at
nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Mga Elemento
 Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga
tauhan ng kuwento.
 Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
 Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran
o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
 Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung
kailan naganap ang kuwento.
 Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
 Kaisipan- mensahe ng kuwento.
 Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Mga uri
May sampung uri ng maikling kuwento:
 Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
 Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
 Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
 Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
 Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
 Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
 Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan
ng kaisipan.
 Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
 Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
 Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang
nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa
isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa
lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang
tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.
Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.
Mga bahagi
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:
Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Napapasama rin
dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan
ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa
sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng
takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng
magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga
sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang
humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.
ANG ESPESYAL NA BISITA
Si Doña Inez ay isang mayaman. Isang araw ay nanaginip si Doña Inez. Sa kanyang panaginip ay nakausap
niya si Hesus.

“Dadalawin kita sa bahay mo bukas,” sabi ni Hesus.

“Opo. Hihintayin ko po kayo!” sabi niya.

Masayang masaya si Doña Inez ng magising. Dadalawin kasi siya ng Panginoon.


Maaga kung gumising si Doña Inez pero mas maaga siyang bumangon ng araw na iyon. Agad niyang inutusan
ang lahat ng katulong sa bahay na maglinis na mabuti. Nagpaluto rin siya ng masasarap na pagkain. Espesyal
ang kanyang bisita at dapat lang maging espesyal ang lahat ng makikita nito. Mga alas-diyes ay handa na ang
lahat. Malinis na malinis na ang bahay. Luto na ang mga pagkain. Naayos na ang mga bulaklak sa sala at
komedor. Bihis na rin si Doña Inez. Suot niya ang mga alahas niya at magandang damit.

Isang batang pulubi ang dumating at nanghingi ng pagkain. Itinaboy ito ni Doña Inez sa halip na bigyan ng
pagkain.

Bandang tanghali ay isang matandang gusgusin naman ang dumating. Uhaw na uhaw ito at gutom na gutom.

Itinaboy din ito ni Doña Inez dahil mabaho ang matanda. Ayaw niyang maabutan ito ng espesyal niyang
panauhin.

Nang makapananghali ay isa namang buntis ang dumating. Humingi din ito ng tulong pero hindi rin niya
binigyan. Itinaboy din niya ito.

Maghapon siyang naghintay ngunit hindi dumating ang espesyal niyang panauhin.

Kinagabihan ay muling nanaginip si Doña Inez. Nakita niyang muli si Hesus. Sinumbatan niya ito.
“Naghanda ako at naghintay ngunit hindi kayo dumating,” sabi ni Dona Inez.
“Nagkakamali ka,” sagot ni Hesus. Sa katotohanan ay tatlong beses akong dumating pero hindi mo ako
nakilala.”
Nang magising si Dona Inez ay naalala niya ang tatlong pulubing kanyang itinaboy.

Ang Aral ng Damo


May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa
kagubatan ay nasisiyahan.

"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel.

"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?"

"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y
umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!"

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang masasabi mo sa iyong
halimuyak?"
"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang
mga piling ay hinog na!"

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y
nasisiyahan sa iyong sarili?"

"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo't may
bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!"

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?"

"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y
nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?"
"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng
matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!"

You might also like