You are on page 1of 15

MAIKLING KWENTO

KAHULUGAN NG MAIKLING KWENTO

 Ayon kay Edgar Allan Poe, ang


tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay
isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang –isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.
 Ito ay nababasa sa isang tagpuan,
nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming
may kaisahan.
 Tinatalakayang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
 May kapayakan at kakauntian ng mga
tauhan.
 Nagpapakita ng isang makabuluhang
bahagi ng buhay ng tao.
URI NG MAIKLING KWENTO
1. Kuwento ng tauhan
-inilalarawan ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-
unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kuwentong Katutubong Kulay
-binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
3. Kuwentong Sikolohiko
- ipinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng
maikling kuwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan
ng kaisipan.
4. Kuwento ng Katatakutan
- ito ay mga pangyayaring kasindak-
sindak.
5. Kuwentong bayan
- nilalahad ang mga kuwentong pinag-
uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
6. Kuwento ng Kababalaghan
-pinag-uusapan ang mga salaysaying
hindi kapanipaniwala.
7. Madulang Pangyayari
-binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.
8. Kuwentong Pakikipagsapalarang
- nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento.
9. kuwento ng katatawanan
-nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman
sa mambabasa.
10.Kuwento ng pag-ibig
- tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Panimula
- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng
kuwento.
 Saglit na Kasiglahan

- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo


ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
 Suliranin
- Problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian
-May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban
sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan
-Makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
 Kakalasan
- Tulay sa wakas
 Wakas
-Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan
ng kuwento.
 Tagpuan
-Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan
ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin
ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.
 Paksang Diwa
- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
 Kaisipan
- mensahe ng kuwento.
 Banghay
-pagkakasunod ng pangyayari sa
kuwento.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO

 Simula
- ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.
 Gitna
 Npaloob sa gitna ang saglit na
kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.


Ang saglit na kasiglahan
ang naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa
suliranin.

Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin, na
minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.
 Ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 Wakas
 Binubuo ang wakas ng kakalasan at
katapusan.
 Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita
ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na pangyayari
sa kasukdulan.
 Ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.

You might also like