You are on page 1of 31

MAIKLING KWENTO

FIL 2 MWF 12-1 : GROUP 1


Katuturan

Isang anyo ng panitikan na naglalayong


magsalaysay ng isang mahalaga at
nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Maikling katha na nagsasalaysay at
tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay.
Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang
nobela.
Isang uri ng masining na pagsasalaysay na
maikli ang kaanyuan at ang diwa ay
napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa
isang paraang mabilis ang galaw.
Edgar Allan Poe Ama ng Maikling
Kwento
Ang maikling kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at
bungang-isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.

Ito ay nagpapakita ng isang


makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
Layunin:

Ang maikling kwento ay isang kathang


pampanitikan na may sariling layunin.
Pangunahing layunin nito ang lumimbag sa
pamamagitan ng paglalahad ng pangyayari
sa buhay ng pangunahing tauhan ng kwento.
Uri ng Akda

1. Salaysay - ang uring itoy di nagtataglay ng


nangingibabaw na katangian, hindi
nagmamalabis bagamat masaklaw, timbang na
timbang ang bahagi, maluway at hindi apurahan
ang pagsasalaysay.

Rip Van Winkle ni Irving


Uri ng Akda

2. Kwento ng katutubong kulay -


binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
Ang Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
Uri ng Akda

3. Kwentong Madulang Pangyayari -


binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Bahay na Bato ni Antonio B.L. Rosales
Uri ng Akda

4. Kwento ng Pakikipagsapalarang Romansa -


ditoy ang kawilihan ay nasa balangkas sa halip na sa
mga tauhan. Ang pagkawili ay nasusubaybayan sa
mga pangyayaring bumabalot sa pangunahing
tauhan ng kwento.

Legend of the Three Beautiful Princesess ni Irving


Uri ng Akda

5. Kwento ng Kababalaghan -
pinag-uusapan dito ang mga kwentong hindi
kpanipaniwala at salungat sa hustong bait,
kaisipan at karanasan ng tao.
Uri ng Akda

6. Kwento ng Katatawanan - mga kwentong


nagbibigay aliw at nagpapasaya sa mga
mambabasa
Tubig sa Buslo ni Mateo Cruz Cornelio
Uri ng Akda

7. Kwentong Sikolohiko - ipinadarama sa mga


mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.

Dugo at Utak ni Cornelio Reyes


Uri ng Akda

8. Kwento ng tauhan - inilalarawan ang mga


pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang
pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Si Ingkong Gaton at ang kanyang Kalakian ni


Serafin Guinigundo
Uri ng Akda

9. Kwento ng Katatakutan - ang damdamin


ay pinupukaw sa kawilihan ng mambabasa sa
halip na ang kilos sa kwento. Naglalaman ng
mga kasindak-sindak na kwento.
Uri ng Akda

10. Kwento ng Talino - mga kwento ukol


sa paniniktik, paglutas sa mga krimen at mga
masuliraning kalagayan ng mga pangyayari.
Katangian ng Maikling Kwento

1. Iisang kakintalan o impresyon ng


mambabasa
2. May isang pangunahing tauhang may
mahalagang suliraning kailangan lutasin
Katangian ng Maikling Kwento

3. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng


buhay
4. May mahalagang tagpo
Katangian ng Maikling Kwento

5. May mabilis na pagtaas ng kawilihan


hanggang sa kasukdulan na madaling
sinusundan ng wakas
Mga Sangkap ng Maikling Kwento

1. BANGHAYTumutukoy ito sa
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Dapat
itong maging maayos at magkakaugnay upang
maging matatag at kapani-paniwala.
5 Mahalagang elemento ng maikling kuwento:

(1) Panimula
(2) Hanay o galaw ng mga pangyayari
(3) Kasukdulan
(4) Kakalasan
(5) Wakas
Mga Sangkap ng Maikling Kwento

2. TUNGGALIAN (Conflict) Ito ang


nagsisilbing puso ng maikling kuwento. Ito ay
ang mahalagang suliranin na dapat lutasin ng
pangunahing tauhan.
Uri ng Tunggalian

(a) Tao laban sa kapwa tao


(b) Tao laban sa kalikasan
(c) Tao laban sa sarili
(d) Tao laban sa lipunan
Mga Sangkap ng Maikling Kwento

3. Tauhan
Dalawang uri ng tauhan:
(a) Protagonista pangunahing tauhan
- Sa kanya nakasentro ang pangyayari
- Bida
(b) Antagonista siya ang lumilikha ng hadlang
para huwag magtagumpay ang pangunahing tauhan.
Mga Sangkap ng Maikling Kwento

4. PAKSA o TEMA Ito ay ang kaisipan o


mensaheng nais ipahatid ng awtor.

5. PANINGIN (Point of View) Ito ay ang


pananaw na ginamit ng awtor sa isang akda.
Elemento ng Maikling Kwento

1. Panimula- Dito nakasalalay ang


kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan
ng kuwento.
Elemento ng Maikling Kwento

Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng


panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.

Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.


Elemento ng Maikling Kwento

Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao,


tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban
sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
Elemento ng Maikling Kwento

Kakalasan- Tulay sa wakas.


Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kuwento.
Elemento ng Maikling Kwento

Tagpuan- nakasaad ang lugar na


pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling
kuwento.
Elemento ng Maikling Kwento

Kaisipan- mensahe ng kuwento.


Banghay- pangyayari sa kuwento.

You might also like