You are on page 1of 3

Surigao State College of Technology

Surigao City

Kahulugan ng Maikling Kwento


Elemento ng Maikling Kwento

Inihandi ni:
Via Cerelle R. Villareal

Ipinasa kay:
Gng. Geraldine A. Serdan
Kahulugan ng Maikling Kwento
 “Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni
at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”
Ito ay ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa na ama ng makabagong maikling
kwento na si Edgar Allan Poe.
 Si Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7, 1849) ay
isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na
mga maiikling kuwento at mga tula.
 Si Deogracias Rosario (Dé·yo·grá·syas Ro·sár·yo) ay isang mangangatha,
mamamahayag, at makata. Kinikilala siyá bilang “Ama ng Makabagong Maikling
Kuwentong Tagalog.”
 Ayon kay Teodoro Agoncillo
 Ang Maikling Kwento ay gumagamit ng unang panauhan, tungkol ito sa
buhay sa lungsod at matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin.
 Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Paglalarawan ng Maikling Kwento
 Bilang isang masining na panitikan, naglalahad ng isang pangyayari ang
maiking kwento, hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ng pagsasalaysay sa
maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang
paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.
Layunin ng Maikling Kwento
 May sariling layuning ang maikling kwento. Ang pinakapangunahing paglalahad
ng pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kwento. Isa pang layunin nito
ang pagkakaroon ng kaisahan ng bisang nilalayang ikintal sa isipan at damdamin
ng mambabasa.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
1. Tauhan
Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento na gawa ng may akda.
Uri ng Tauhan
1. Protagonista
- Ang pangunahing tauhan sa kwento, sa kanya naka sentro ang pangyayari sa
kwento.
-Bida
2. Antagonista
Siya ang humahadlang upang hindi magtagumpay ang bida.
3.Tauhang Bilog
isang tauhan na multi-dimensional o maraming saklaw ang kanyang
personalidad.
4.Tauhang lapad
ito ay nagtataglay ng iisang personalidad o katangiang madaling matukoy o
predictable.
2. Tagpuan – Dinadala ng may akda ang mga mambabasa sa iba’t ibang lugar
at panahon
kung saan at kalian naganap ang
mga pangyayari.
3. Saglit na kasiglahan
inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkikilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
4. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
Uri ng Tunggalian
1. Tao laban sa Tao
2. Tao laban sa Sarili
3. Tao laban sa Lipunan
2. Tao laban sa kalikasan
5. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Diro
nahihiwatigan ang mga mambabasa ang mangyayari sa tauhan kung siya ay
magtatagumpay o mabibigo sa paglutas ng suliranin.
6. Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema.
7. Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang
kwento.Trahedya ang wakas kung ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo o
pagkamatay ng pangunahing tauhan, melodrama naman kung nagtapos ito
masaya sa pangunahinh tauhan.
8. Paksang Diwa
ito ang mensaheng inilalahad ng kwento.

You might also like