You are on page 1of 2

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay

hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may


iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang
ito ay di-totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga bahaging
totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang kuwento ay
tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.
Kayarian-Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang
maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan
lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng
kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Tema- Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang
maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng
mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap
na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao,
paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa
lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.

Mga Elemento ng Maikling Kwento


1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung
kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung
saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na
darating sa buhay ng mga tauhan

4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang
mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas
ng suliranin.

6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may
malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting
tauhan.

May sampung uri ng maikling kuwento:


Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.
Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit
ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing
pook.
Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao

You might also like