You are on page 1of 3

Ang maikling kuwento

Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o


ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang
o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A.
Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga
Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa
buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”

Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng isang
pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon,
may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Mga Katangian ng Maikling Kwento:

1.Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.


2.Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan.
3.Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
4.Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad
ngwakas.
5.Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan

Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito
ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Ang mensahe naman ang tuwirang
pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga Elemento:

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba
sa mga tauhan ng kuwento.
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
Kaisipan- mensahe ng kuwento.
Banghay- pangyayari sa kuwento.

Bahagi at Sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

Mga pitong salik ng maikling kwento:


1. Banghay – ang pagakakabatangkas ng mga pangyayaring dapat na maging maayos ang
pagkakaugnay
2. Kakinatalan – ito ay tumutukoy sa paglalarawang tauhan ayon sa sariling mga salita at kilos
3. Kaganyakan – ito ang pumupukaw sa kawilihan ng mga mambahasa batay sa pangunahing suliranin
sa kwento
4. Kapanauhan – it ay tumutukoy sa pagalalarawang tauhan ayon sa sariling mga salita at kilos
5. Kakanyahan- ang nauukol sa salitang bigkas ng paraa ng pagsulat o akda
6. Paksang Diwa – ito ang pinakakaluluwa ng kwento
7. Himig – ito ang nangingibabaw na damdamin sa kwento

Mga Halimbawa
9 Maikling Kwento na Yaman ng Panitikang Filipino
1. Sa Bagong Paraiso -ni Efren Abueg
2. Ang Kwento ni Mabuti-ni Genoveva Edroza-Matute
3. Tata Selo-ni Rogelio Sicat
4. Walang Panginoon-ni Deogracias Rosario
5. Sandosenang Sapatos-ni Luis Gatmaitan
6. Utos ng Hari-ni Jun Cruz Reyes
7. Bangkang Papel-ni Genoveva Edroza-Matute
8. Geyluv-ni Honorio de Dios
9. Ang Kalupi-ni Benjamin Pascual

Bagong Kaibigan
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang
kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at
nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko
sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang
hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng
dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi
ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong
isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko
ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang
ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong
bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak!
Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking
payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop.
Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay
kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang school bus.“

You might also like