You are on page 1of 8

Usana, Ashley Nicole M.

September 5, 2019
21st Century Philippine Literature Pastor Joven Hubo

I. 3 Bahagi ng Sanaysay

Panimula o Introduksyon
Ang panimula o introduksyon ang pinakamahalagang bahagi ng
sanaysay dahil nakasalalay dito kung ipagpapatuloy ng isang
mambabasa ang sanaysay o hindi. Kaya kadalasang isinusulat dito ang
mga nakapupukaw-interes na mga salita upang makuha ang atensyon at
ganahan sa pagbasa hanggang sa matapos ito.
Katawan o Nilalaman
Ang Katawan o Nilalaman nito ang mga mahahalagang katotohanan
ng isang paksa. Sinasagot din dito ang mga ibinangong tanong sa
panimula. Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang impormasyon para
talakayin ang problemang bumabangon sa paksa.
Wakas o Konklusyon
Ito ang huling bahagi na nagbubuod ng buong paksa. Kung minsan
ay nagtatawid din ito ng mga mahalagang rekomendasyon kung
kinakailangan. Ang sanaysay ay magiging isang mas matinding
paninindigan kung may konklusyon.
Ang mga sumusunod:
1. Ebidensyang nakalap o nakolekta
2. Proseso
3. Lohika o Kronolohiya
4. Wakas o Konklusyon

Buod
sumaryo, lagom, diwa, kakanggata, pinaka-ideya
Maikling Kwento

Ang makikling kwento ay masining na anyo ng panitikan na


naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nagiiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mambabasa.

Ayon kay Edgar Allan Poe, “Ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikan likha sa guni-guni at salagimsim na salik sa buhay na aktwal
na naganap o maaaring maganap”.

II. 2 uri ng sanaysay

Pormal
Ang pormal na sanaysay ay karaniwang nagpapahayag tungkol sa
seryosong paksa at karaniwang isinusulat na may taglay na maiging pag-
aaral o pananaliksik ng may akda. Ito ay naglalaman ng impormasyon
tungkol sa ibat-ibang paksa maging: tao, hayop, bagay, okasyon o
pangyayari. Ang tono ng pagsulat ay seryoso at pormal din pormat nang
pagkakasulat.
Di Pormal
Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring tungkol sa
karaninwang mga paksa, personal na pananaw o mga sualt na
naglalayong makapagbigay aliw sa mambabasa. Ang tema at pormat
nang pagsulat nang ganitong uri ng sanaysay ay kadalasan may bakas
ng personalidad ng may akda at parang nakikipag-usap lamang sa
isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang mga salitang gamit sa
pagsulat.

III. Mga Elemento ng Maikling Kwento (11)

1. Panimula

Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin


kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan

Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin.

3. Suliranin

Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga


tauhan sa kwento.

4. Tunggalian

Ang tunggalian ay may apat na uri:

 Tao laban sa tao


Ex. Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng
tao at ng kanyang kapwa na ang kalimitang resulta ay gulo
at patayan.
 Tao laban sa sarili
Ex. Isang magnanakaw ang nagdadalawang isip kunin ang
bag na naglalaman na pera dahil baka siya ay makulong.
 Tao laban sa lipunan
Ex. Dapat pahalagan ang ating lipunan upang malinis ang
kapiligiran
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Ex. Ang sobrang init o lamig ng panahon ay dapat na
labanan ng tao upang siya'y mabuhay nang maayos
makaiwas sa sakit.

5. Kasukdulan

Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan


o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan

Ito ang tulay sa wakas ng kwento.


7. Wakas

Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Tagpuan

Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga


insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang
kwento.

9. Paksang Diwa

Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

10. Kaisipan

Ito naman ang mensahe ng kwento.

11. Banghay

Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

IV. Mga Uri ng Maikling Kwento ( 10 )

1. Kwento ng Tauhan

Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga


tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa
kanila ng isang mambabasa.

2. Kwento ng Katutubong Kulay

Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga


tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing lugar.

3. Kwentong Bayan

Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng


buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan

Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

5. Kwento ng Katatakutan

Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

6. Kwento ng Madulang Pangyayari

Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na


nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. Kwento ng Sikolohiko

Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may


kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari
at kalagayan.

8. Kwento ng Pakikipagsapalaran

Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng


pakikipagsapalaran.

9. Kwento ng Katatawanan

Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.

10. Kwento ng Pag-ibig

Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.


V. Mga Halimbawa ng Maikling Kwento ( 6 )

1. Pag-ibig
 Si Wigan at si Ma-I
 Ang Nawawalang Prinsesa
 Si Ederlyn
 Wala na Siya
 Tren
2. Kaibigan
 Ang Kaibigan Ba o Ang Tiya
 Ang Dakilang Kaibigan
 Ang Bata At Ang Aso
 Ang Matalik kong Kaibigan
 Ang Matalinong Pintor
3. Pamilya
 Ang Inang Matapobre
 Si Juan, ang Pumatay ng Higante
 Ang Batang Espesyal
 Ang Buhay Nga Naman
 Ang Sapatero at ang mga Duwende
4. Kalikasan
 Ang Bulkang Taal
 Ang Araw at ang Hangin
 Ang Aral ng Damo
 Pagatpat
 Araw, Buwan, at Kuliglig
5. Pangarap
 Regalo sa Guro
 Ang Inapi
 Ang Batang Maikli Ang Isang Paa
 Ang Babaing Maggagatas
 Si Mariang Mapangarapin
6. Pananampalataya
 Laging Nandiyan ang Diyos
 Reynang Matapat
 Sinag ng pagasa
 Si Jesus at ang Matandang Bulag
 Ang Diyos ang bahala sa iyo
VI. Sino si Edgar Allan Poe?

Si Edgar Allan Poe ay isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil


sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula. Ang
"The Raven" ang pinakakilala niyang tula, isang po siyang nagsasalaysay
tungkol sa ng pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa iba
pa niyang mga akda ang "The Tell-Tale Heart" at "The Cask of
Amontillado." Gumanap ring patnugot at manunuring pampanitikan si Poe,
kaya itinuturing din siya bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa Amerika.
Kinikilala siya bilang imbentor ng uri ng salaysaying kathang-isip na
pangdetektibo, at isa ring kontributor sa lumalaganap nang henero
ng salaysaying makaagham. Siya ang kauna-unahang kilalang
Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan
ng pagsusulat lamang, na naging sanhi ng kahirapang pangpananalapi sa
buhay at larangan.
Isinilang si Poe Boston, Massachussets noong 1809 sa isang mag-
asawang kapwa mga aktor, subalit hindi matagumpay ang kaniyang amang
lasinggero. Kinupkop si Poe ng isang mag-asawang walang anak (ang
mag-asawang Allan [apelyido]), nang mawala sa di-nalalamang dahilan
ang kaniyang ama, at nang mamatay dahil sa tuberkulosisang kaniyang
ina. Pinaniniwalaang naging inspirasyon ni Poe sa pagsusulat ang
pagkakaroon ng isang tagapag-alagang negro - taong maitim ang kulay ng
balat - na nagdadala kay Poe sa silid ng mga katulong. Sa pagkakataong
ito nakarinig ng mga kuwento tungkol sa mga multo.
Napangasawa niya ang isang 13-taong gulang na pinsan noong 1836.
Namatay ang kaniyang asawa noong 1847 dahil sa sakit na tuberkulosis.
Namatay si Poe noong 1849.
Nagsimulang mag-aral si Poe sa Richmond, Virginia, ang lugar kung
saan namatay ang kaniyang tunay na ina. Noong 1815, isinama siya ng
mga umampong magulang sa Inglatera kung saan nakapag-aral siya sa
ilang mga paaralan. Bumalik siya Richmond noong 1820. Noong 1826,
nagpatala siya sa Pamantasan ng Virginia subalit nilisan niya ito dahil sa
kahirapang may kaugnayan sa pananalaping pangtustos sa pag-aaral.
Bibliography

https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
http://proyektosasignaturangfilipino.blogspot.com/2014/12/ang-
tunggalian.html
https://www.tagaloglang.com/buod/
https://pinoycollection.com/sanaysay/

You might also like