Professional Documents
Culture Documents
COLLEGE DEPARTMENT
AY 2022-2023
Ang pangkalahatang uri ng panitikan ay ang tuluyan at patula. Ang mga akdang tuluyan
ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap, samantalang ang patula
ay yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod at saknong.
1. Nobela- ito’y isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay
na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.
Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
2. Maikling Kwento- ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may pangyayari sa
kakintalan.
3. Dula- ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto,
at sa bawat yugto ay maraming tagpo.
5. Ang Pabula- mga salaysayin din itong hubad sakatotohanan ngunit ang layuni’y
gisingin ang isipan ng mgabata sa mga pangyayaring makahulog ng kanilang ugali at
pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito.
6. Anekdota- mga likhang isip lamang ng mga manunulat ang maikling salaysaying ito na
ang tanging layunin ay makapagbigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang
kuwentong mga hayop o bata.
8. Talambuhay- ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o
pansarili.
11. Parabula- ito’y mga salysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin
nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasao nakikinig.
5
Nauna na nating binigyan ng depinisyon ang panitikan bilang isang pahayag na may anyo.
Anu-ano ang mga anyong ito? May apat na tradisyunal na anyong pampanitikan na
nakilala sa lahat ng panig ng daigdig. Ang mga tradisyunal na anyo ng ito ay ang
sumusunod: tula, kuwento, dula at sanaysay. Bawat Anyo ay itinuturing na genre o tipo
ng panitikan subalit sa loob ng bawat genre na ito ay mayroon pang mga iba-ibang pag
uuri batay sa kasaysayan,pag-unlad t pinagmulan ng mga ito.
Ang Tula
Ayon kay Lope K. Santos, may apat na katangian ng tradisyunal na tulang Tagalog:
una ang sukat, ikalawa ang tugma, ikatlo ang talinghaga, at ikaapat ang kariktan. Ayon
din sa kanya, ang unang dalawang katangian (sukat at tugma) ay ang pisikal o panlabas
na estruktura ng tula, samantalang ang huling dalawang katangian (talinghaga at
kariktan) ay mga panloob na katangian ng tula. Sa pag-unlad ng pormang tula gayunman,
at sa pagdating ng panahong makabago hindi na gaanong ipinapataw ang mga katangiang
ito ng pagtula sa Pilipinas.
• octava sa waluhan at
Batay sa depinisyong ito, may apat na mahalagang elemento ang kuwento: ang
banghay o plot, na siyang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari hanggang
makarating sa kasukdulan o climax; ang tauhan; ang lunan at ang kakintalan o
pagkakaroon ng sapat na interes para basahin a isang upuan. Manyari pa, may iba’t ibang
genre o uri rin ng kuwento at pagkukuwento. Marami sa mga tradisyonal na anyo ay
matatagpuan sa panitikang bayan. Ito ay ang mga mito, mga alamat, mga kuwentong-
bayan, mga pabula at parabola, ang dagli at anekdota.
Ang mito ay kadalasang kuwento tungkol sa mga bathala o mga nilalang na may kakaiba
o kagila gilalas na katangian. Mga kuwento rin ito tungkol sa pinagmulan o pinag-ugatan
ng mga tao, kagaya ng maraming mito na nagsasalaysay sa pinagmulan ng unang babae
at unang lalaki sa mundo.
Ang nobela ay kuwento na maaaring episodyo o mga bahagi. Maaaring serye ito ng mga
kuwento na pinagdugtung-dugtong at umiikot sa maraming tauhan, maraming lunan,
maraming komplikasyon ay umiikot sa iisang problema, kasukdulan at karaniwang
nagaganap sa iisang luna lamang.
Ang metafiction ay isang uri ng salaysay na naghahalu-halo ang iba’t ibang uri ng
pagkukuwentong nabanggit sa itaas, at maaari pang may kahalong iba pang porma ng
panitikan tulad ng tula, sanaysay (liham) o dula.
Ang Sanaysay
May dalawang uri ng sanaysay- ang pormal o impersonal at ang impormal o personal.
Nakikilala ang dalawang ito sa bias ng wika at ashtanga ginagamit. Sa pormal na sanaysay
madalas, ang nagsasalaysay ay nag aastang “obhektibong” tagamasid ng mga bagay-
bagay. Sa bias ng mga tradisyonal na anyo ng pagpapahayag sa prosa o tuluyan gaya ng
paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, pangangatwirang nakbubuo ito ng mga
obserbasyon at opinion. Sa impormal naman, madalas na isinasangkot ng mananaysay
ang sarili na nagsasalaysay siya batay sa sariling mga obserbasyon at karanasan.
Ang Dula
Malawig ang tradisyon ng dula. Sa dula, pangunahing elemento ang aksiyon o drama pero
katulad ng kuwento, may banghay rin ito na sumasalimuot at nagkakaroon ng
komplikasyon hanggang dumating sa kasukdulan. Dalawa ang pangunahing anyo ng
dula, ang trahedya na gumaganyak ng hinagpis o kalungkutan at ang komedya na
nagpapatawa. Sa Pilipinas gayunman, may iba pang ibang ibig sabihin ang komedya at
ito ang moro-moro na laging may naglalabanang mga Kristiyano at mga Moro (Muslim).
8
Ang metafiction ay isang genre na pinagsasama ang iba't ibang mga diskarte sa
pagkukuwento at maaari ring isama ang iba pang uri ng panitikan tulad ng tula, sanaysay,
o dula.
Lumitaw ang iba't ibang uri ng fiction, kabilang ang talambuhay, travelogue, at
malalim na pagsisiyasat tulad ng mga kwento ng krimen. Ang mga talumpati, mga haligi
sa pahayagan, at mga paunang salita sa aklat ay maaaring ituring bilang mga porma ng
sanaysay. Ang mga sanaysay ay itinuturing na praktikal at maraming nalalaman, na
ginagawa itong isa sa pinakasimpleng anyo ng panitikan.
1. Jose Corazon De Jesus (Huseng Batute) - Makata ng Pag -Ibig (Isang Punong
Kahoy - Obra maestro)
Nobelista
1. Lope K. Santos
2. Valeriano Hernandez Pena
3. Faustino Aguilar
4. Inigo Ed Regalado
Kwentong Tagalog
Panitikang Ilokano
Panitikang Kapampangan
Panitikang Bisaya
1. T bag - dala ng mga kastila at ipaalala ang paghahanap ng sta elena at kinamatay
ng krus ni jesus
Epifanio de los Santos nakilala sa tawag na "Don Panyong." Ipinalalagay siyang magaling
na mamumuno, at mananalambuhay sa buong panahon ng panitikang Kastila.
Inuri ni Julian Cruz Balmaceda sa tatlo ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga
sumusunod: Makata ng Puso-Kinabibilangan nina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado,
Carlos Gatmaitan, Pedro Gatmaitan, Jose Corazon de
Jesus, Cirio H. Panganiban, Deogracias del Rosario, Ildefonso San- ton, Amado V.
Hernandez, Nemecio Carabana, Mar Antonio, atbp.
Makata ng Dulaan - nangunguna sa hanay nito ang mga pangalan nina Aurelio
Tolentino, Patricio Mariano, Severino Reyes, Tomas Remegio, atbp.
LOPE K. SANTOS
FLORENTINO COLLANTES
Isa ring batikang "duplero" tulad ni Batute itong si Florentino Collantes. Siya ang
unang makatang Tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang pampolitika sa panahon
ng mga Amerikano. Kila- lang-kilala siya sa sagisag na "Kuntil Butil" at ang kaniyang obra
maestra ay ang "Lumang Simbahan".
14
Konklusyon
Sanggunian
https://cdn.fbsbx.com/v/t59.2708-
/356233356_801156204935698_8119810795529778508_n.pdf/SACT-
Pagtuturo-ng-Filipino-sa-Elementarya-ng-Panitikan-ng-
Pilipinas.pdf?_nc_cat=102&ccb=1-
7&_nc_sid=0cab14&_nc_eui2=AeE6VSITZVXFNajbQfZbNoEh5gIDtQwaH2Dm
AgO1DBofYFQ4TAOonPrso9vlaViBBrJDDUaerQaDWdHo8n8avw0F&_nc_ohc=
wShTsmrryBUAX-
jnTSB&_nc_ht=cdn.fbsbx.com&oh=03_AdRo8f8H3BkJjlF1dwd0ZDVeuiQRoJj
G4qwiaKR4eymGZg&oe=64CD4D06&dl=1