You are on page 1of 9

PANITIKAN:

MGA BATAYAN
KAALAMAN
Depinisyon ng panitikan
-Ito ang tawag natin sa lahat ng uri ng
pahayag.
-ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag
ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
URI NG PANITIKAN:
 Ang mga uri ng Panitikan ay Pasalin-dila o Pasulat. Pasalin-dila ang
panitikan ay gumagamit pamamagitan ng bibig ng tao. Ito ang paraan
ang mga tao noon dahil hindi pa nila natutunan ang pag sulat sa papel.
Ang mga halimbawa nito ay mga epiko, awiting-bayan, alamat,
kasabihan, salawikain, bugtong at maging mga palaisipan na isinalin ng
ating mga ninuno sa mga nakababatang henerasyon sa pasaitang paraan.
Pasulat naman ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang
matutunan ng tao ang Sistema ng pagsulat. Lalong tmaman ang
panitikang pasulatnang mainbento ng tao ang imprenta dahil sa
pagsasalimbag at pagsaaaklat ng mga ito. Sa dalawang anyo ng
panitikan ng ito, higit na mahalaga ang panitikang pasulat dahil higit na
naiingatan ang mga ito. Samatala ang Pasalin-dila ay maaring mag bago
o maiba dahil sa pag salita nito kaya’y malimutan kalauna
MGA AKDANG TULUYAN O PROSA:
 Maraming mga akda ang nasa ilalim ng akdang tuluyan. Iilan sa mga
halimbawa nito ang nobela o kathambuhay, maikling
 Katha o maikling kuwento, dula, alamat, pabula, parabula,
anekdato,sanaysay, talambay, balita at talumpati.
 Ang nobela ay isang mahabang salaysayin ng mga kawing kawing na
pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon.
 Ang isang nobela ay maaring mauri batay sa pagbibigay-din sa isa o ilang
sangkap nito.
 Ang parabula naman ay mga kuwentong hinago sa banal ng kasulatan. Tulad
ng pabula may layunin din ilnag mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa
buhay.
 Ang sanaysay ay isang pagpapahyag ng kuro-kuro o opinyon
 Ng isang mag akda hinggil sa isang suliranin o paksa.
MGA AKDANG TULUYAN O PROSA:
 Ang talumbay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaring maging
pansarili ang isang talambuhay kung ang akda ang sumulat ng kanyang
sariling talambuhay tulad ng ang mabuting pakikipaglaban ni Manuel L.
Quezon.

 Ang talumpati naman ay tinatawag na talambuhay na paiba.


 Tagapakinig. Ang talumpati ay nauuri batay sa ibat’ibang layunin. Maaring
may layuning humikayat , magbigay- impormasyon magpaliwanag,
mangatwiran.
MGA AKDANG PATULA:
Ang mga akdang patula ay may apat na uri:
 Tulang pasalaysa
 Tulang pandamdamin o liriko
 Tulang padula o dramatiko
 Tulang patnigan

Ang tulang pasalaysay ay isang kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula,
may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa
ilalim nito ang epiko, awit at kurido.
Ang epiko ay isang tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, kapatangan at
pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi
kapanipaniwala. May dalawang halimbawa ito ang Biag ni Lam-ang ng mga Ilocano
at Sulayman ng mga Muslim.
Ang awit at korido naman ay mga patulang salaysay na paawit kung basahin. Ito ay
kinapapalooban ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at
kataksilan at mga pantakas sa karahasan katotohanan. Kung gayon karaniwang
kinapapalooban ang mga ito ng mga pangyayaring hindi kapanipaniwala tulad ng
mahika, kababalaghan at mga kapangyarihang super-natural.
Ang awit ay ay may talutod na lalabindalawahing panttig tulad ng sa Florante at Laura ni
Francisco Balagtas at Buhay ni Segismundo ni E. Julian de Tediana. Samantala naman
ang korido ay wawaluhing pantig ang bawat taludtod tulad ng Ibong Adarna ni Jose de
la Cruz.
MGA AKDANG PATULA:
Ang mga tulang pandamdamin o liriko ay mga tulang tumatalakay sa madubdob na
damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategoryang ito
ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.
Ang mga awiting-bayan ay maiikling tulang binibigkas ng may himig.Karaniwan itong
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito
ay hindi na matukoy kung sino ang may akda ng maraming mga kantahing bayan.
Ang soneto ay tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at
karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa. Ilan sa mga halimbawa nito ay Sonnet
ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.
Ang elihiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Elegy ni Thomas Gray at Awit sa
Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos.
Ang dalit ay isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. Ang dalit kay Maria ay isang mahusay
na halimbawa nito.
Ang pastoral ang mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Isang halimbawa nito ay ang Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.
Ang oda naman ay isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay. Ang Ode to the
Nightangle ay isang mahusay na halimbawa ito.
Ang mga tulang padula o dramatiko ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba
pang tanghalan. Ang La India Elegantey El Negrito Amante ni Francisco Baltazar ay
isang halimbawa nito. Maging ang parsa at saynete ay mahusa y ring halimbawa ng
tulang padula o dramatiko.
Samantala ang tulang patnigan ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang
isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
karagatan, duplo, ensalada at juego de prenda. Maging ang paligsahin sa patulang
pagtatalo o pangatwirang na kalauna’y nakilala sa tawag ng balagtasan ay mauri sa
ilalim ng kategoryang ito.
ANG IMPLUWENSYA NG
PANITIKAN:
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
NG SARILING PANITIKAN:
 Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang
pag-aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral.
 A. Lubos nating nakilala ang ating sarili bilang pilipino at matataliw nating
yaman at talinong taglay.
 B. mababatid natin ang kadakilan at karangalan ng ating mga sariling
tradisyon. Maging ng mga naging impluwensyo sa atinng ibang bansa na
siyang sanding.
 Ang maikling kuwento ay isang mahalagang pangyayring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
 Ang dula ay isang uri ng panitikan na isinulat upang itanghal sa entablado o
tanghalan. Karaniwang nahahati ang isang tatlo.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
NG SARILING PANITIKAN:
 Ang alamat ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay karaniwang lamang sa paligid at bunga ng kalawan ng mga bibilya.
Isang mahusay na halimbawa nito ay ang alamat ng pinya.
 Ang pabula ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng
mga bagay. Ang mga kuwentong ito ngutin may layunin pakawin ang isip ng mga bta
sa mga mag aaral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali. Ang gaong at ang
matsing ay isang mahusay na halimbawa nito.

You might also like