You are on page 1of 51

Ang Panitikan at Mga

Halimbawa Nito
Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong pagkakataon
upang kami ay matuto. Gawaran mo kami
ng isang bukas na isip upang maipasok
namin ang mga itinuturo sa amin at
maunawaan ang mga aralin na
makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa
buhay na ito.
Amen.
BALIK
ARAL
Naaalala mo
pa ba?
Si Kuya Obet
Si kuya Obet ay isang
mangingisda. Gawain
niyang manghuili ng isda.
Talapia at bangus ang
nahuhuli niya.
Paborito ito ng mga
suki niya.Sa harap ng
bahay niya nakaabang
na sila upang bumili ng
mga huli niya.
Nag-aagawan sila sa pagbili nito
dahil sa mura na at sariwa pa.
Kaya ang kapitbahay niya ay
mahal na mahal dahil isa siyang
masipag na mangingisda.
Ang Batang si Ambo
Ang batang si Ambo
Araw-araw naliligo
Ngipin sinisipilyo
Upang hininga ay di bumaho
Suot niyang damit
Ay laging malinis
Ang mahabang kuko’y
Laging ginugupit
May sariling suklay
Sipilyong gingamit
Buhok ay maayos
Mabango at malinis
Ano ang PANITIKAN?
Ang panitikan ay tumutukoy sa mga akda
na nakasulat o naisulat ng mga manunulat
Ito ay kadalasang naglalarawan ng:

buhay karanasan
kultura kaisipan
Ang salitang panitikan ay mula sa
salitang
“pang-titik-an“. Ito ay binubuo ng
unlaping “pang“, hulaping “an” at ang
salitang ugat na “titik“.
Alam mo ba na...
ang panitikan ay kilala rin sa tawag na
literatura o “literature” sa wikang Ingles
Alam mo ba na...
Ang salitang Literatura ay nanggaling sa
salitang Latin na “litera” na ang may ibig
sabihin din na “titik”
Uri ng Panitikan
Pasalin dila
-Ito ang tawag sa panitikan kung ito ay
naisalin na sa ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao.
Uri ng Panitikan
Pasulat
-Ito ang paraan ng pagsasalin ng
panitikan magmula nang matutunan ng
tao ang sistema ng pagsulat.
ANYO NG PANITKAN
1.Tuluyan o PROSA
2.PATULA
ANYO NG PANITKAN
1.Tuluyan o PROSA
Ito ay ang mas natural na pagkakasulat.
Tuloy-tuloy at gumagamitng mga
pangungusap at talata. Walang binibilang na
mga salita o tunog na kinakailang ang itugma
sa iba pang salita.
ANYO NG PANITKAN
1.Tuluyan o PROSA
Naglalayon itong makapagpahayag sa mas
malayangpamamaraan. Nakadepende ang
kagandahan nito sa kung paano bubuuin ng
manunulatang pagkakasunod-sunod na mga
pangyayari.
MGA HALIMBAWA NG
TULUYAN O PROSA
Nobela o kathambuhay (Novel)
isang mahabang kuwentong
piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata.
Maikling Kwento (Short
Story)
ay isang maigsing salaysay
hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
mayiisang kakintalan o impresyon lamang. Isa
itong masining na anyo ng panitikan.
Alamat (Legend)
isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mgabagay-bagay
sa daigdig.
Ang kuwentong-bayan (Folklore)
ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay
mga kwentong napasalin-salin sa iba't ibang tao na
napapatungkol sa kwento ng isang partikular na
lugar.
Pabula (Fable)
isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan mga hayop o kaya mgabagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad
ng leon at daga, pagong atmatsing, at lobo at
kambing. Ito ay nagbibigay ng mga moral na
aral para sa mga batang mambabasa.
Parabula (Parable)
ay isang maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa
itong maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan
ang isang moral o relihiyosong aral.
Mito (Mithology)
ito ay mga kwentong may
kinalaman sa mga diyos at
diyosa.
Dula (Play)
Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal
ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang tagpo sa dula ay ang
paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan.
Talambuhay (Biography)
mula sa pinagsamang mga salitang "tala"
at "buhay" na may diwang "tala ng
buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng
panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao hango sa mga tunay na
tala, pangyayari, at impormasyon
Sanaysay (Essay)
ay isang maiksing komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng mayakda.Ito ay maaring isulat sa
porma at di-pormal na anyo.
Balita (News)
ito ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga
kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang
bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga
mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng
paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa
bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang
mambabasa at nakikinig.
Talumpati (Speech)
ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao
na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Anekdota (Anecdote)
ay "isang salaysay na may punto" tulad ng pagbabatid
ng isang ideyang mahirap unawain tungkol sa isang tao,
lugar, o bagay sa pamamagitan ng konkretong mga
detalye ng isang maikling kuwento o upang kilalanin sa
pamamagitan ng paglalarawan ng isang partikular na
ugaling hindi inaasahan o mga katangian.
ANYO NG PANITKAN
2. PATULA
ito ay mga akdang nasusulat ng patula na
kadalasang mayroong sukat at tugma
MGA HALIMBAWA NG
PATULANG
PANITIKAN
MGA TULANG
Narrative Poetry
PASALAYSAY
Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang
tagpo sa buhaytulad ng pag-ibig, pagkabigo at
tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at
kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Epiko
Isang uri ng panitikang Pilipino na tumatalakay sa
mga kabayanihan at pakikipagtunggaling ng isang tao
o mga tao laban sa mga kaaway na kakaiba at di
kapani-paniwala, maski narin ang tagpuan na tila
makababalaghan. Ito ay kuwento ng kabayanihan nap
uno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.
Korido
Ito ay isang uri ng panitikang Pilipino na
nakasulat sa anyong tula. Ito ay may sukat na
walong pantig bawat linya at may apat na linya sa
bawat saknong. Binibigkas ito sa pamamagitan ng
pakantang pagpapahayag ng mga tula.
Awit
Ito ay musika na mayroong tono at sukat at
magandang pakinggan. Ito ay kadalasang nasa anyong
tula at may tig-aapat na taludtod sa bawat saknong.
Binubuo naman ang bawat taludtod ng labindalawang
(12) pantig at iisa ang tugma ng bawat taludtod.
Mahihitulad ito sa mga kasalukuyang awit na sa bawit
salita ay ang liriko.
MGA TULANG LIRIKO
Lyric Poetry
ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad
ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan,
tagumpay, at iba pa? Maikli at payak ang uri ng
tula.
Ang mga uri ng tulang liriko ay ang mga sumusunod:

1.Soneto
2.Elehiya
3.Dalit
4.Pastoral
5.Oda
MGA TULANG
Karaniwang itinatanghal sa teatro.Ito ay patulang
PANDULAAN
ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo
o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga
tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng,
o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw
na buhay.
Ang mga uri ng tulang pandulaan ay ang mga sumusunod:

• Melodrama
• Komedya
• Trahedya
• Parsa
• Saynete
Bakit mahalaga ang
pag-aaral ng
Panitikan?
Maghanda Para sa
Maikling Pagsusulit

You might also like