You are on page 1of 37

Uri at Anyo ng Panitikan at mga

Halimbawa
Inihanda ni: Mikee Talino (BSED1)
PANITIKAN
"pang-titik-an"
titik - literatura (literature),
Literatura - galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.

Ito ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag.


- Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,
mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
URI NG PANITIKAN
Piksyon •
Ito ay mga literatura na nagpapakita ng mga makukulay na imahinasyon. Nilalayon nito na
paglakbayin ang isip ng mga mambabasa; nanlilibang at pumapawi ito ng inip gamit ang
mga pangyayari na pawang kathang isip lamang ng may akda. Ito ay madalas gamitin ng
mga mambabasa na nais maglibang; ginagamit din ito sa paaralan upang kapulatan ng
mga magagandang aral.

lan sa mga Uri ng Piksyon

● Maikling kwento
● Nobela
● Epiko
URI NG PANITIKAN
Mga halimbawa ng piksyon
Ang nasa ibaba ay ilan lamang sa halimbawa ng piksyon sa literatura:

● Ang Alamat ng Pinya


● Biag ni Lam-ang
● Bidasari
● Si Langgam at si Tipaklong
● Mga Kwento ni Lola Basyang
URI NG PANITIKAN
Di Piksyon
Ito ay nagsasaad ng mga literatura na kakikitaan ng tunay na pangyayari o katotohan.
Nilalayon nito na bigyan ng angkop na impormasyon ang mga mambabasa tungo sa
pagkakatuto. Ang mga limbag na ito ay dumaan sa pag-aanalisa ng mga dalubhasa upang
matiyak na ang nilalaman ay tama. Ito ay mga kagamitan sa pag-aaral upang mabigyan
ang mga mambabasa ng tiyak na kaalaman.

ilan sa mga Uri ng Di-Piksyon

● Artikulo
● Balita
● Posisyong Papel
● Talambuhay
● Recipe
URI NG PANITIKAN
Mga Halimbawa ng Di Piksyon

Ang nasa ibaba ay ilan lamang sa halimbawa ng di piksyon sa literatura

Almanac

● Kasaysayan ng Pilipinas
● Diksyonaryo
● Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
● Talambuhay ni Manuel Quezon

● Ang piksyon at di piksyon ay lubos na nakatutulong upang mapaunlad ang


kaalaman ng bawat mambabasa; ang mga ito ay ginagamit sa paaralan upang
mapatalas ang mga kaalaman at mahubog ang ugali ng bawat mag-aaral. Nilalayon
ng dalawang literatura na ito na turuaan ang bawat mambabasa na tukuyin o tayahin
ang tama at mali para sa makabuluhang na pagpapasya.
Anyong Tuluyan/ Prosa
Kahulugan
: Maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.

1. Maikling Kuwento 5. Tula 9. Sanaysay

2. Nobela 6. Alamat 10.Anekdota

3 . Pabula 7. Parabula 11. Balita

4. Talumpati 8. Talambuhay
Anyong Tuluyan/ Prosa
1. Maikling Kwento
Maikling katha, mabilis and daloy ng pangyayari tumutukoy
sa nangungunang tauhan.
Anyong Tuluyan/ Prosa
2). Nobela o Kathambuhay
Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Anyong Tuluyan/ Prosa
3). Pabula

Mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao.


Anyong Tuluyan/ Prosa
4). Talumpati
Isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado.
Anyong Tuluyan/ Prosa
5). Tula
Maraming pakahulugan ang
mga eksperto sa wika at
panitikan tungkol sa tula.
Sinasabing ito ay isang anyo
ng panitikan na binubuo ng
mga taludtod at saknong.
Ginagamit ito upang mabisa at
malikhaing maiparating ang
damdamin sa pamamagitan ng
mga salita at tugma.
Anyong Tuluyan/ Prosa
5). Tula
Ito rin ay isang uri ng akdang pampanitikan na karaniwang nahahati sa dalawang anyo, ang malaya at
taludturan. Sa malayang anyo, malaya ang manunulat na gumawa ng tulang ayon sa kaniya ang haba, tugma, o
kung gaano karaming tuludtod o saknong.
Wala ring bilang ang pantig nito kaya naman sinasabing mas pagpapahayag ng damdamin ang nananaig kaysa
sa mga panuntunan.

Sa kabilang banda, ang isang tulang taludturan naman o tulang pormal ay binubuo ng mga pamantayan sa
pagkakasulat nito. Mayroong mga tulang sinusulat na may bilang ang pantig sa bawat saknong.

Mayroon ding mga tula na kinakailangan ng tugma sa bawat taludtod. Ang iba naman ay nililimitahan din ang
haba at kabuuan ng tula sa pamamagitan ng pagbibigay ng bilang sa dami ng saknong.

Maliban sa pagiging isinusulat na akda, ang tula ay isa ring akdang pampanitikang binibigkas. Dito ay binibigyang
buhay ng mambibikas ang bawat tugma, ritmo, at talinghaga nang isinulat na tula. Kailangan ng damdamin sa
pagbigkas nito upang mabisang maipahayag ang kahulugan.
Anyong Tuluyan/ Prosa
6). Alamat
ay ang mga haka-hakang kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bayan. Mga haka
hakang, palapalagay tungkol sa pinang-galingan ng isang bayan. Ang alamat ay mga kwentong
bayan na isinasalin sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng bibig. Ang mga alamat ay
kapupulutang ng mga aral. Ang mga kwentong ito ay nagsasalamin ng ating kultura.

Halimbawa/ Mga Kwentong Alamat Sa Pilipinas


Ang mga alamat ay mga palapalagay na kwentong bayan na nagsasabi tungkol sa pinanggalingan ng isang
lugar, bagay, tao. Ang mga sumusunod ay ang mga kwentong alamat sa pilipinas:

● Alamat Ng Saging - Kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng saging


● Alamat Ng Pinya- ang pangunahing bida rito ay si pina, na kinalaun nagging pinya
● Alamat Ng Makahiya - Kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng halaman na makahiya
Anyong Tuluyan/ Prosa
7). Parabula
Ang salitang parabula o “parable” sa Ingles ay paghahambing. Ito ay mga kwento na makalupang
pagsulat ngunit may makalangit na kahulugan. Ang mga nilalaman ng mga parabola ay nagmula sa sulat
ng Diyo na pumupuna sa mga masamang katangian ng tao. Ito ay hindi lamang kwento ngunit nagbibigay
aral din at maatagpuan sa bibliya na nakakapagturo ng mga magagandang asal at ispiritwal.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “parabole” na ang ibig sabihin ay pagkukumpara. Ang mga
kwentong parabula ay galing sa Panginoon at nagbibigay pangaral sa sangkatauhan.

Halimbawa:

Ang Mabuting Samaritano (Mula sa Lucas 10:25-37)

Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga (Mula sa Mateo 25:1-13)

Ang Nawala at Natagpuang Tupa (Mula sa Lucas 15:1-7)


Anyong Tuluyan/ Prosa
8.) Talambuhay
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikang nagsasaad ng kasaysayan ng taong nakapaloob
ang tungkol sa kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang
natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa
kanyang buhay. Ang talambuhay ay nagmula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay"
na may diwang "tala ng buhay" at kilala rin sa tawag na biyograpiya.

HALIMBAWA:

talambuhay ni Francisco Balagtas.

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


Anyong Tuluyan/ Prosa
9.) SANAYSAY

Ang kahulugan ng sanaysay ay "essay" sa Wikang Ingles. Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na
nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang
diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng
nararamdaman,magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong maibahagi ang saloobin ng nagsulat nito. Ito
rin ay maaaring magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon
o damdamin, manghikayat ng ibang tao, at iba pa. Ang isang sanaysay ay maaaring tumalakay ng iba't
ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya,
lipunan, mundo, at iba pa.

HALIMBAWA:
-Sanaysay Tungkol sa Sarili
-Sanaysay Tungkol sa Kibigan
-Sanaysay Tungkol sa Pamilya
Anyong Tuluyan/ Prosa
10.) Anekdota
anekdóta: maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari, karaniwan sa búhay ng kilalá o
dakilang tao, at maaaring tunay na nangyari o hindi.

Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang mga pangungusap
lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay maging kapanapanabik. Ang isang magandang simula
ay magbibigay ng pagganyak sa mga mambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng
anekdota.

Halimbawa:

TSINELAS NI JOSE-RIZAL
Anyong Tuluyan/ Prosa
Halimbawa:

NAGREREKLAMO NA TAKOT

Isang babae ang pumunta sa polce upang mag reklamo. Siya raw ay pinagsamantalahan ng kanyang manliligaw matapos niya
itong biguin.

“Kailan pa ito nangyari” tanong ng pulis. Sumagot ang babae “Noon pa hong 1977”.

“Bakit ngayon lang kayo nag report? Dapat sana’y noon pa!”, sabi ng Police.

“Tinakot niya po ako na papatauin niya kapa ako’y nag sumbong”, kinikilabutan na pasagot ng bababe.

“Ganoon ba?”, tanong ng police. “E bakit ngayon ay nag report na ho kayo?, dagdag niya.

Sagot ng babae, ” Dahil patay na po siya at wala nang papatay saakin kapag ako’y nagsumbong sa mga awtoridad.
Anyong Tuluyan/ Prosa
11.) Balita
Ang isang balita ay isang impormasyon tungkol sa isang kaganapan o isang hanay ng mga kaganapan na, sa loob ng isang tukoy na
pamayanan, lipunan o lugar, ay may kaugnayan, nobela o hindi pangkaraniwang. Ang salitang, tulad nito, ay nagmula sa Latin balita.

Sa puntong ito, ang isang balita ay ang kwento, ang pagtatayo at ang pagpapaliwanag ng isang katotohanan, kaganapan o kaganapan na
itinuturing na mahalaga o nauugnay na ibunyag para sa kaalaman sa publiko.

Ang balita ay ang mga account ng pinakamahalagang mga kaganapan o nangyari sa isang araw o isang linggo. Ito ang pumupuno sa mga
pahina ng pahayagan o pahayagan, portal ng balita sa web o mga programa sa balita sa radyo at telebisyon.

Upang makabuo ng isang balita, nagsisimula kami mula sa isang formula ng anim na katanungan, Ano ang mga ito:

1. Anong nangyari?
2. Kanino ito nangyari
3. Bilang hakbang?
4. Kapag pumasa ako?
5. Saan ito nangyari?
6. Bakit o bakit nangyari ito?
Anyong Tuluyan/ Prosa
11.) Balita
Sa balita, ang impormasyon ay dapat isaayos sa pababang pagkakasunud-sunod depende sa
kahalagahan ng tinukoy. Kaya, ang baligtad na iskema ng pyramid ay ginagamit, alinsunod sa kung saan
ang pinakamahalagang data ay matatagpuan sa simula at ang hindi gaanong makabuluhang data ay
matatagpuan hanggang sa huli.
Ang balita ay maaaring sumangguni sa pinaka-magkakaibang mga larangan at kaganapan: politika,
ekonomiya, lipunan, giyera, krimen, pangyayari, trahedya, protesta, atbp. Ito ang ilan sa mga karaniwang
tema, ngunit gayundin ang palakasan, agham, teknolohiya o palabas negosyo Sa isang item ng balita,
dapat mayroong pinakamaraming posibleng pagiging pansin at katotohanan sa paraan ng pagkakaugnay
ng isang kaganapan sa balita, para dito, dapat na nakakabit ang mamamahayag sa kanilang propesyonal
na code ng etika.

Tingnan din:

● Pamamahayag.
● Pindutin
Anyong Tuluyan/ Prosa
11.) Balita
Ang isang balita ay isang impormasyon tungkol sa isang kaganapan o isang hanay ng mga kaganapan na, sa loob ng
isang tukoy na pamayanan, lipunan o lugar, ay may kaugnayan, nobela o hindi pangkaraniwang. Ang salitang, tulad nito, ay
nagmula sa Latin balita.
Sa puntong ito, ang isang balita ay ang kwento, ang pagtatayo at ang pagpapaliwanag ng isang katotohanan, kaganapan
o kaganapan na itinuturing na mahalaga o nauugnay na ibunyag para sa kaalaman sa publiko.

Ang balita ay ang mga account ng pinakamahalagang mga kaganapan o nangyari sa isang araw o isang linggo. Ito ang
pumupuno sa mga pahina ng pahayagan o pahayagan, portal ng balita sa web o mga programa sa balita sa radyo at
telebisyon.

Ang balita ay maaaring sumangguni sa pinaka-magkakaibang mga larangan at kaganapan: politika, ekonomiya, lipunan,
giyera, krimen, pangyayari, trahedya, protesta, atbp. Ito ang ilan sa mga karaniwang tema, ngunit gayundin ang palakasan,
agham, teknolohiya o palabas negosyo
Anyong Tuluyan/ Prosa
11.) Balita
Anyong Patula
Ang mga anyong patula ay may apat na uri. Ito ay mga sumusunod:

● Tulang Pasalaysay

● Tulang Liriko/Pandamdamin

● Tulang Pandulaan

● Tulang Patnigan
Tulang Pasalaysay
Ang tulang pasalaysay ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahahalaga sa buhay. Ito ay may tatlong uri –

ang epiko, awit at kurido, at balad.

Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng
pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga nagsulat nito ay
naglayong gamitin ito sa ritwal. Ang Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) ay isang halimbawa ng
epiko. Isinulat ito ni Pedro Bukaneg ng taga-Abra. Ito ay kilala bilang pinakamatandang epikong naitala.
Nakasulat ito sa salitang Iloko at tungkol sa mga pambihirang pakikipagsapalaran ni Lam-ang, ang
pangunahing tauhan ng epiko. Si Lam-ang daw ay binigyan ng di-pangkaraniwang lakas at pananalita
nang ipinanganak. Isa pang halimbawa ng epiko ay ang tungkol sa Ifugao na si Hudhud. Ang epikong ito
ay kinakanta tuwing may importanteng mga kasayahan, katulad ng anihan at pagtatanim.
Tulang Pasalaysay
Ang mga paksa sa awit at korido ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga
pangunahing tauhang mga reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang sukat ng pantig,
habang ang korido naman ay may 10 ang sukat. Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit, at
ang mga sumusunod ay halimbawa ng korido: Ang Ibong Adarna, at Buhay na Pinagdaanan ni Donya
Mariang Asawa ng Ahas.

Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon.
Mayroon itong anim hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay
debateng awit at sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.
Tulang Liriko/Padamdam/Awit
Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng
makata o sumusulat ng tula. Walang anumang konsiderasyon sa
pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ng sumusulat.

Hindi nito kinakailangan na mayroong tauhan o karakter sa isusulat na


tula. Tumatalakay lamang ang tulang ito sa perspektibo, pagpapahalaga,
emosyon, o iniisip ng makata.
Tulang Liriko/Padamdam/Awit
Ang tulang paawit o liriko ay mayroon ding iba’t ibang uri. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Awiting Bayan – ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin natin. Pangunahing halimbawa ng awiting bayan ay ang Lupang
Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Iba pang halimbawa ay ang Leron, Leron Sinta,
Dalagang Pilipina, Bahay Kubo at ang Paruparong Bukid.

2. Soneto – ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod. Dito ay may
mapupulot na aral ang mambabasa. Ang halimbawa ng soneto ay ang Sonnet on Worker’s Rights ni
Amado M. Yuson na isinalin sa wikang Filipino ni Joey A. Arrogante. Ito ay pinamagatang Soneto sa
mga Karapatan ng Mga Manggagawa.
Tulang Liriko/Padamdam/Awit
3. Elehiya – ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita
sa isang sumakabilang-buhay na. Isang halimbawa ng elehiya ay ang isinulat ni Bienvenido A.
Ramos na may pamagat na Awit sa Isang Bangkay.

4. Dalit – kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito ay awit ng papuri sa Diyos o
kaya ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o sa relihiyon. Isang halimbawa na lamang nito ay “Ang
mga Dalit kay Maria”

5. Pastoral – mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.Ang tulang pastoral ay madalas na tumatalakay ng
mga pang araw-araw na pamumuhay ng isang tao tulad ng pangingisda, pagsasaka at iba pa. Halimbawa
nito ay ang Bayani ng Bukid ni Alejandrino Q. Perez na patungkol sa pamumuhay ng isang magsasaka, at
Ang Magsasaka ni Julian Cruz Balmaceda tungkol sa mga paghihirap ng magsasaka.
Tulang Liriko/Padamdam/Awit
6. Oda – ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin. Walang tiyak na bilang ang
pantig at taludtod. “Manggagawa” ni Jose Corazon de Jesus
“Spoken Words Poetry”
Tulang Pandulaan
Ang tulang pandulaan ay naglalarawan ng mga dulang pangyayari na karaniwang nagaganap sa araw
araw nating pamumuhay o nangyayari sa tunay na buhay at layunin nito na maitanghal. Masasabing ang
katangian nito ay nabibilang o patungkol sa dula at ang kaanyuan at kayarian nito ay patula.

Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang sumusunod:

1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga
ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay
naaayos. Ang pagkakasundosundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood. Isang
halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng
Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangan
at may isang yugto.
Tulang Pandulaan
2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Isang halimbawa nito ang
Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez Ang "Les Miserables" ni Victor
Hugo (na isinalin niya sa Tagalog),

3. Trahedya – isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon
ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas.Isang halimbawa ng
trahedya ay Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara at “Romeo and Juliet” na
sinulat ni William Shakespeare na isinalin naman sa tagalog ni Gregorio C. Borlaza

4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga
pangyayaring nakatatawa. Halimbawa na din "ang mga pamahiin sa buhay ni dorina pineda"
Dula-dulaan
Tulang Pandulaan
Ang parsa ay isang konsepto ng teatro o dula at ang komedya naman ay ginagamit kung saan ang
mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o pagpapatawa.

5. Saynete – isang yugtong nakakatawa diwa na nauukol sa mga popular na tauhan. Ang dulang ito ay
tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao. Halimbawa na lamang nito ay ang film na “José
Rizal” na kung saan naka tuon ang buong kwento kay rizal.
Tulang Patnigan
Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng
pangagatwiran at matalas na pag-iisip.

IV. Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay
may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda.
Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang
matatalinhaga o makahulugan.bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao, subalit sa
Katagalugan ang Karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang
prinsesa.Ang halimbawa ng Karagatan ay ang isang alamat kung saan ang singsing ng isang prinsesa ay
nahulog sa gitna ng dagat, pakakasalan ng dalaga kung sinuman ang makakakuha nito.
Tulang Patnigan
2. Duplo – ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay
katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay
madalas laruin tuwing may lamay sa patay. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat
at tugma. Ang halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa isang
madulang debate kung saan ay isa ay magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang sarili

Katangian ng Duplo

1. tinatawag na duplero ang mga lalaking kasali at duplera naman sa babae.


2. ang mga maglalaro ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
3. ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang
parusahan
4. ang parusang pinapataw ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay .
Tulang Patnigan
3. Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula.
Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng
Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute). Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan
ang saloobin at pangatwiran ay ipinapahayag ng mga salitang mag tugma sa pang hulihan.

Katanginan ng Balagtasan:

-debate o pagtatalong patula patula

-may tugma sa huling pantig

-makabuluhan

-gumagamit ng marikit st matalinhagang salita.


Maraming Salamat

You might also like