You are on page 1of 31

Estruktura ng Wikang

Filipino at Kurikulum

Mikee Talino at Jerome Chavez


Aspekto ng Pandiwa
Ay nagsasaad o nagpapahayag kung ang kilos ay nasimulan na, natapos na, sisimulan na o
sisimulan palang.
Tatlong Aspekto ng Pandiwa
1.Naganap/perpektibo-ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay tapos na, o naganap na. Ito ay
tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong katatapos. Kadalasan itong
ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan at iba pa.

Halimbawa: Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan, China.

Namili ako ng mga Prutas Kahapon.

2.Nagaganap/imperpektibo -ay naglalarawan ng isang kilos na laging ginagawa o kasalukuyang


nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan ng
mga salita na habang, kasalukuyan, at ngayon.

Halimbawa: Ngayon ang klase namin kay Ginang Jocelyn.

Sa kasalukuyan, ako at si Jerome ang reporter sa asignaturang Estruktura.


Tatlong Aspekto ng Pandiwa

3.Magaganap/ kontemplatibo- Ito ay uri ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos o galaw ay hindi pa
nagagawa o nangyari. Ito ay plano pa lamang na gawin. Tinatawag itong pandiwa ng panahunang panghinaharap o
aspektong magaganap pa lamang. Ito ay ginagamit ng mga salitang tumutukoy sa panahon na darating pa lamang.
Halimbawa ng mga salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay sa susunod, bukas, sa makalawa, pagdating ng
panahon, balang araw at iba pa.

Halimbawa: Balang araw, Tayo ay magiging ganap na isang mabuting Guro.

Bukas pa ako gagawa ng aking aktibidad, sapagkat ako ay tinatamad.

Pokus ng Pandiwa
Ang relasyong panggramatika ng pandiwa at ng kaganapan o komplemento ang tinatawag na
POKUS. Malalaman ang uri ng pokus ng pandiwa batay sa mga panlaping bumubuo nito. Sa
pamamagitan ng mga panlapi,naipakikilala kung alin ang komplemento o kaganapang binibigyan
ng pokus sa pangungusap. Ang pinakapaksa o ang pinakasimuno ng pangungusap ang
itinuturing na pokus
Mga Uri Ng
Pokus
1. Pokus sa Tagaganap/Aktor
Ang paksa o simuno ang tagaganap ng kilos.Mga panlaping
ginagamit: -um ma- mag- mang maka- makapag, nang, naka-,
nakapag, atbp.
PANLAPI PANDIWA AKTOR/ LAYON Benepaktib
SIMUNO

-um kumukuha Ang Mananahi Ng sinulid Para sa


Kasama

nag Naglaba Ang Labandera Ng Barong Para sa Asawa

1. Kumukuha ang mananahi Ng sinulid Para sa kasama.


(pandiwang naka pokus sa paksa) (Paksa, Gumaganap ng Kilos)
2. Naglaba Ang labandera Ng barong Para sa asawa.
2. Pokus sa Layon/gol
Ang layon o ang gol ang siyang simuno ng pangungusap.

Panlapi PANDIWA AKTOR GOL/ LAYON BENEPAKTIB


=simuno

Nang Namitas Ang Hardinero Ng bulaklak Para sa Guro

-in Kinuha Ng Mnanahi Ang sinulid Para sa


kasama

1. Namitas ang hardinero ng bulaklak para sa Guro


(Pandiwang nnaka pukos sa layon) (layon na siyang paksa ang binigyang diin)

2. Kinuha ng mananahi ang sinulid Para sa kasama


3. Lokatib Pokus/Ganapan
Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang simuno ng
pangungusap. ang mga panlaping –in –an at pag-an.
Panlapi PANDIWA AKTOR GOL/ LAYON Ganapan=
Simuno

pag,-in Pinaglutuan ko Ng adobo Ang kawali

-in pinaglinangan Ang bukid

1. Pinaglutuan ko ng adobo ang kawali


(Pandiwang nakapokus sa ganap) pinangyarihan ng kilos na siyang paksa

2. pinaglingan ang bukid


4.Benepaktib Pokus/Tagatanggap
Ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos ay ang simuno. dito
ang mga panlaping –i at ipag

Panlapi PANDIWA AKTOR GOL/ LAYON BENEPAKTIB=


Simuno

Nang Namitas ko Ng bulaklak ang Guro

-in Kinuha Ang sinulid ang mananahi

1. Ang Guro ay pinitasan ko ng Bulaklak


(Pandiwang nnaka pukos sa tagatanggap) (tagatanggap na siyang paksa ang binigyang diin)

2. Kinuhanan ang mananahi ng sinulid


5.Instrumental Pokus/kagamitan
Ang kagamitan ang siyang naging simuno ng pangungusap.
Napapaloob dito ang mga panlaping –ipang at maipang

Panlapi PANDIWA AKTOR GOL/ LAYON instrumental=


Simuno

ipang Ipinamingwit niya Ng Isda Ang lubid at


kawayan

Maipang- Naipanguha ko Ng bulaklak Ang Gunting

1. Ipinamingwit nya ng isda ang lubid at kawayan


(pandiwang nakapukos sa instrumental) (kagamitan na siyang binibigyang diin)
2. Naipanguha ko ng bulaklak ang gunting.
6.Kawsatib Pokus/sanhi
Ang kadahilanan o sanhi ang siyang naging simuno ng
pangungusap. Napapaloob dito ang panlaping –ika
Panlapi Pandiwa Aktor Sanhi= Simuno

ikina Ikinamatay Ng Tatay mo Ang kanser sa baga

1. Ikinamatay ng tatay mo ang kanser sa baga


(pandiwang nakapukos sa Sanhi) (sanhi na binibigyang diin)
2. ang paputol ng mga puno sa kabundukan ay nagkaroon ng pagbaha.
7.Pokus Resiprokal
Ang aktor at gol ay simunO ng pangungusap.
Ang pandiwa ay banghay sa panlaping
kabilaan na nag-an.
Halimbawa:
Nagmamahalan sila.
Nagkwentuhan ang mag-ina.
Nagbibiruan sina Anton at Amor.
Pokus ng Pandiwa:

● Tagaganap/ Aktor- Sino?


● Layon/ Gol- Ano?
● Ganapan/ Lokatib- Saan?
● Tagatanggap/ benepaktib- Para Kanino?
● Gamit/ Instrumental- Ano ang Ginamit?
● Sanhi- Ano ang dahilan?
Pandiwang Di-
Karaniwan
Pandiwang di-karaniwan
May mga pandiwang hindi karaniwan ang anyo. Ang mga pandiwang di karaniwan ay
nagkakaroon ng pagbabago sa anyo bunga ng pagbabawas o pagpapalit at
pagdaragdag.
1. May mga Pandiwang di karaniwan ang Anyo bunga ng pagbabawas o pagkakaltas ng
letra:
Halimbawa:

Buhos+ an Buhusan Busan

Tanim+ an Taniman Tamnan

Dama+ hin Damahin Damhin


Pandiwang Di- karaniwang
2. NAGBABAGO ANG ANYO DAHIL SA PAGPAPALITNG MGA LETRA O PAGDARAGDAG. - May mga
pandiwang lalawigin o ginagamit sa ilang lalawigan lamang.

Halimbawa:

Halik+an Halikan Hagkan

Dinig+ in Dinigin dinggin

Halili+ han halilihan halinhan

3.Mga pandiwang nagbabago ang anyo dahil sa pag lilipat ng Letra. Mayroon ding nawawalang
letra dahil sa paglilipat.
Halimbawa:

Silid+an Silidan sidlan


Mga Pandiwang
Katwanin at Palipat
Dalawang Uri ng Pandiwa:

1. Katawanin:
Mga Panlaping
Makadiwa
Ano ang Panlapi?
Ito ay mga salitang ginagamit na magkadugtong sa salitang ugat.

Ano naman ang Panlaping Makadiwa?


kapag ginamit ang panlapi sa pandiwa, ang tawag dito ay Panlaping
makadiwa
nagLakad

nagTatapon

NaGulat

Lumipad

You might also like