You are on page 1of 8

PANDIWA

- Ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at ng isang higit pang


panlapit.
 Salitang-Ugat – ang nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa
 Panlapi – ang nagpapahayag ng pokus o relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno
o paksa ng pangungusap.

KAGANAPAN NG PANDIWA

- Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa


at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.

7 Uri ng kaganapan ng pandiwa.

1. Kaganapang tagaganap ng pandiwa (kaganapang tagaganap)


2. Kaganapang layon ng pandiwa (kaganapang layon)
3. Kaganapang di-tuwirang layon o tagatanggap ng bagay na isinasaad sa pandiwa (kaganapang
tagatanggap)
4. Kaganapang ganap ng kilos ng pandiwa (kaganapang ganapan)
5. Kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa (kaganapang kagamitan)
6. Kaganapang sanhi ng isinasaad ng pandiwa (kaganapang sanhi)
7. Kaganapang direksyonal o yaong nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa (kaganapang
direksyonal)
Ang mga kaganapang tagaganap at kaganapang layon ay naipahahayag sa
pamamagitan ng pariralang “ng”.
Ang iba pang mga kaganapan ay naipahahayag sa pamamagitan ng pariralang “sa” o
“para sa”

KATUTURAN NG MGA KAGANAPAN

1. Kaganapang tagaganap – ay ang bahagi ng panaguri na gumaganap ng kilos na isinasaad ng


pandiwa.
Halimbawa: Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang anibersaryo ng kanilang samahang
pansibiko.
2. Kaganapang layon – ay ang nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy ng
pandiwa.
3. Kaganapang tagatanggap – ang nagsasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.
4. Kaganapang ganapan – nagsasaad ng lugar ng ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
5. Kaganapang kagamitan – nagsasaan kung anong bagay, kagamitan o instrument ang ginamit
upang magawa ang kilos ng pandiwa.
6. Kaganapang sanhi – nagsasaan kung ano ang dahilan ng pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa.
7. Kaganapang direksyunal – nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.
MGA POKUS NG PANDIWA

Pokus

- ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.


- Naipakikita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

7 Pokus ng Pandiwa.

1. Pokus sa tagaganap – panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa


Halimbawa: Kumain ng suman at manggang hinog ang mga bata.
2. Pokus sa layon – panaguring nasa pokus sa layon ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.
3. Pokus sa tagatanggap – panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Ibinili ko nng ilaw na kapis ang pinsan kong nagbalikbayan.
4. Pokus sa ganapan – panaguring nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.
5. Pokus sa kagamitan – panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang malinis.
6. Pokus sa sanhi – panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Ipinagkasakit niya ang labis na paghitit ng opyo.
7. Pokus sa direksyon – panaguring nasa pokus direksyon ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang
Tagaytay.

KATUTURAN NG IBA’T IBANG POKUS NG PANDIWA

1. Pokus sa Tagaganap – ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. Ang mga pangunahing panlaping
nasa pokus tagaganap ay mag- at um-/-um-
2. Pokus sa Layon – kung ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. Halimbawang
panlapi: i-, -an, ipa-, -in
3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay lugar o ganapang kilos. Mga panlapi: -am/-han, pag-…-
an/-han, mapag-…-an/-han, pang-…-an/han
4. Pokus sa Tagatanggap – ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno ng pangungusap.
5. Pokus sa Gamit – ang mga pandiwang may pokus sa gamit ay nagsasaad na ang kasangkapan o
bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang simuno ng pangungusap.
6. Pokus sa Sanhi – ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng
dahilan o sanhi ng kilos.
7. Pokus sa Direksyon – kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
MGA ASPEKTO NG PANDIWA

Aspekto

- ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung
nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.

1. Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo


Nagpapahayag ang aspektong pangnakaraan ng kilos na nasimulan na at natapos na.
Ang implekasyon sa aspektong ito ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sumusunod na tuntunin:
a. Kapag ang panlapi ng pandiwa ay may inisyal na ponemang /m/, ang /m/ ay nagiging /n/.
Halimbawa: magsaliksik – nagsaliksik
b. Kapag ang pandiwa ay banghay sa –tum/- um-, ang panlaping ito ay nananatili sa
pangnakaraan. Samakatuwid, ang anyong pawatas at anyong pangnakaraan ay wlang
pagkakaiba.
Halimbawa: umunlad - umunlad
c. Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping –an/-han, maging ito man ay nag-iisa o may
kasamang iabng panlapi, ang –an/-han ay nananatili ngunit nadaragdagan ng unlaping –in
kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at gitlaping –in- naman kung ang pandiwa ay
nagsisimula sa katinig.
Halimbawa: alatan – inalatan, sabihan – sinabihan.
d. Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping –in/-hin maging ito man ay nag-iisa o may
kasamang iba pang uri ng panlapi, ang hulaping –in/-hin ay nagiging unlaping –in kung ang
pandiwa ay nagsisimula sa patinig at nagiging gitlaping –in- kung ang pandiwa ay nagsisimula
sa katinig.
Halimbawa: antukin – inantok, patayin – pinatay

2. Aspektong Perpektibong Katatapos


Nagsasaad ito ng kilos na kayayari o katatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita.
Maihahanay na rin ang aspektong ito sa aspektong pangnakaraan. Lahat ng kayarian sa
aspektong katatapos lamang ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-
uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang ugat.
Halimbawa: tumula – katutula, uminog – kaiinog

3. Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo


Nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang
ipinagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katining-patinig o unang
patinig ng salitang ugat at gayundin sa pamamagitan ng iba’t ibang tuntuning tinalakay sa ilalim
ng aspektong perpektibo.
Sa makatuwid, ang aspektong pangkasalukuyan ay tulad din ng aspektong pangnagdaan;
inuulit lamang ang unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang ugat.
4. Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo
Naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-
uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat o pangngalang hango. Walang
pagbabago sa taglay na panlapi.
Samakatuwid, ang aspektong panghinaharap ay tulad din ng anyong pawatas inuulit
lamang ang unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat. Ang tanging taliwas sa
tuntuning ay ang banghay sa –um/-um-. Ang panlaping um-/-um- ay nawawala sa aspektong
panghinaharap.
Halimbawa: magsaliksik – magsasaliksik, maghakot – maghahakot

5. Mga Pandiwang Di-karaniwan


Ang tawag sa mga pandiwang nagkakaroon ng mga pagbabagong morpoponemikong
pagkakaltas ng ponema o mga ponema, pagpapalit ng ponema o metatesis.
Halimbawa:
Buhos +-an - buhusan - busan
Higit + ma-..-an - mahigitan - mahigtan

6. Mga Pandiwang Katawanin at Palipat


Pandiwang katawanin ay hindi maaaring lagyan ng kaganapang tuwirang layon.
Nagtataglay ito ng kahulugang buo na sa ganang sarili kayat hindi na nangangailangan ng
tagatanggap ng kilos.
Pandiwang Palipat – ang tawag sa pandiwang maaaring lagyan ng tuwirang layon

7. Mga Panlaping Makadiwa


Tinatawag na panlaping makadiwa ang mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng mga
pandiwa.

MGA PANURING

1.Pang-uri
- Ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan, atb na tinutukoy ng
pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap.
- Sa pamamaraang istruktural, ang pang-uri ay nakikilala dahil sa implekasyong nagaganap
dito ayon sa kasidhian at hambingan. Ito ay kasama ng pangngalan o panghalip, maliban
kung ang mga ito ay inaalis na sa pangungusap.

Gamit ng Pang-uri sa loob ng pangungusap

a. Panuring ng Pangngalan o Panuring ng Panghalip


b. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
c. Pang-uring Kaganapang Pansimuno
A. Kayarian ng Pang-uri
1. Payak – kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi
Halimbawa: Mainit ang ulo ng taong gutom.
2. Maylapi – kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Tinatawag na panlaping
makapang-uri ang mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pang-uri.
3. Pang-uring inuulit – salitang ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaaring ganap o di
ganap ang pag-uulit.
4. Tambalan – ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-isa. Ang mga ganitong
pang-uri ay maaaring may kahulugang karaniwan o patalinghanga.

B. Kailanan ng Pang-uri
1. Isahan – ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan. Naipakikita sa paggamit ng panlaping
pang-isa; tulad ng ma-, ka-,pang-,atb nang walang pag-uulit ng unang P o KP ng salitang-ugat
o walang panandang mga, o iba pang salitang nagsasaad ng bilang na higit sa isa.
2. Dalawahan – kung dalawa ang inilalarawan. Naipakikita sa paggamit ng panlaping magka-,
magsing-, magkasing- o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng salitang kapwa.
3. Maramihan – kung higit sa dalawa ang inilalarawan. Naipakikita sa pamamagitan ng
pantukoy na mga, sa pag-uulit ng unang P o KP ng salitang-ugat, o sa pag-uulit ng pantig n
aka sa mga panlaping magka-, at magkasing- o sa paggamit ng salitang nagsasaad ng bilang
na higit sa dalawa.

C. Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri


1. Lantay o pangkaraniwan – karaniwang anyo ng pang-uri.
2. Katamtamang antas – naipakikita ito sa paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti, atb
o sa pag-uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito.
3. Pinakamasidhi – naipakikita sa pamamagitan ng (a) pag-uulit ng salita, (b) paggamit ng mga
panlaping napaka-, nag-..-an, pagka- at kay-, (c) sa paggamit ng mga salitang lubha,
masyado, talaga, tunay, atb.

D. Hambingan ng mga Pang-uri


1. Pang-uring pahambing – ang tawag sa mga pang-uring naghahambing ng dalawang tao,
bagay, pook, atb
a. Pahambing na magkatulad – kung ang pinaghahambing ay pareho o magkapatas ng
uri o katangian. Naipakikita ito sa pamamagitan ng mga panlaping ka-, sing-,
kasing-,magkasing-, atb at sa paggamit ng mga salitang pampanulad tulad ng gaya,
tulad, paris, kapwa, atb.
b. Pahambing na di-magkatulad – ang mga pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri
o katangian. Naipakikita ito sa paggamit ng mga salitang panghambing tulad ng
kaysa, di-tulad, di-gaya, di-gaano, di-hamak, atb.
2. Pasukdol/Panukdulan - ang tawag sa pang-uring naghahambing ng higit sa dalawa.
Naipakikita sa pamamagitan ng mga panlaping pinaka-,ka-…-an at ng pinagsamang salitang
walang at kasing.
E. Mga Pamilang.
Ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilang sapagkat ginagamit na panuring sa
pangngalan o panghalip

Uri ng Pamilang
1. Pamilang na patakaran o pamilang na cardinal
 ginagamit sa pagbilang o pagsasaad ng dami.
 Ay batayan ng iba pang pang-uring pamilang:
a. Pamilang na pamahagi (fraction) – ginagamit kung may kabuuang
binabahagi o pinaghahati-hati. Ginagamit ang panlaping ika- na
tinatambalan ng salitang bahagi at ng panlaping ka- na buhat sa ika-.
b. Pamilang na palansak o papangkat-pangkat (collective-distributive)
– ay nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang
tulad ng tao, bagay, hayop, pook, atb. Naipakikilala ito sa
pamamagitan ng:
1. Pag-uulit nang ganap o parsyal sa pamilang na patakaran
2. Paggamit ng panlaping –an, -han
3. Pag-uulit ng unang pantig ng pamilang at sa gayon ay
nagkakaroon ng kahulugang “gayon lamang ang dami”
4. Sa pamamagitan ng makasamang parsyal at ganap na pag-
uulit ng pamilang na patakaran at sa gayon ay nagkakaroon
ng kahulugang “gayung-gayon lamang ang dami”
5. Sa paggamit ng panlaping tig-, na may kahulugang
paghahati nang magsindami.
c. Pamilang na pahalaga (unitary collective) – ginagamit para sa
pagsasaad ng halaga ng bagay o mga bagay.May dalawang
panlaping ginagamit sa ganitong uri ng pamilang: (1) ang mang- na
ginagamit kapag ang presyo ay isang yunit lamang ng halaga at (2)
tig- na maaaring gamitin sa kahulugang isa o higit pang yunit ng
halaga.
2. Pamilang na panunuran o pamilang na ordinal – ginagamit sa pagpapahayag ng
pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, atb. May panlapi iton ika- o pang-.
Pangkatang Gawain: Sumulat ng isang Liham Aplikasyon at isang maikling talataan tungkol sa
pamilya na gagamitan ng 10 pang-uri na naglalarawan .Salungguhitan ang mga pang-uring
ginamit sa talata.

Disyembre 8,20202

Bb. Maria Elizabeth A. Gomez


Human Resources Manager
123 Restaurant Inc.
ABC, Gil Street, Makati City

Magandang araw, Bb. Maria Elizabetn A. Gomez,

Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para sa inyong
kumpanya. Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na mag apply para sa posisyon ng chef
ng Gian Restaurant Inc. Matagal na akong kumakain sa Gian Restaurant Inc. at nais kong
makatulong sa tagumpay ng Gian Restaurant Inc.

Ako ay may limang taong karanasan bilang isang chef sa Sierra Hotel. Sierra Hotel, natuto ako
kung paano humawak ng tao, kung paano magluto kahit na gahol sa oras, at kung paano
pasabikin ang mga customers sa pamamagitan ng masasarap na putahe. Ako din ay maasahan sa
lahat ng bagay. Kahit na maliit man o malaki ang aking mga gagawain ay kakaharapin ko ito ng
buong puso.

Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking karanasan sa Sierra
Hotel Inc. Maaari ninyo akong ma-contact nang kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking
email (gomezelizabeth@gmail.com) at cellphone number (+639783654443).

Maraming salamat.

Lubos na gumagalang,

Maria Elizabeth Gomez

gomezelizabeth@gmail.com

+639783654443

Pamilya

Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na


mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at sa kasaysayan, ang
pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang
komunidad o lipunan. Ito ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati
ng mga apo at iba pang kamag anak.

Sa aking unang pagmulat mukha nila ang aking nakita na kung saan ramdam ko
ang kanilang pagmamahal sa kanilang anak ito ay ang aking mga magulang. Kinalulungkot ko
mang sabihin sa aking paglaki ay may hindi inaasahan na kung saan ang pamilya na mayroong
ama na siyang haligi ng tahanan ay linisan ang kanyang pamilya. Bilang isang anak masakit na
mawalan ng ama ngunit pinagtibay ito ng aking ina tumayo siyang ama at ina sa aming
magkakapatid. Pinunan ng aking ina ng sobrang pagmamahal sa kanilang anak. Ginabayan kami
sa tamang landas at pinag-aral para sa aming kinabukasan. Ang aking ina ay isang mapagmahal,
maalalahanin at matulungin sa lahat ng bagay. Dahil sa kahirapan kami ay nagkahiwalay hiwalay
ngunit kahit kami ay hindi magkakasama ay pinagtibay pa rin naming ang aming samahan.
Kaya’t sa tamang panahon ay magiging buo din ang pamilya sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa
hamon ng buhay. Mataas ang paniniwala namin na magiging maayos din ang lahat.

Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng isang lipunan,


mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa
kabutihan ng bawat miyembro nito, at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan.

You might also like