You are on page 1of 22

POKUS NG

PANDIWA
Dalawang Bahagi ng Pangungusap

PAKSA o SIMUNO
PANAGURI
PAKSA o SIMUNO
 pinag-uusapan sa pangungusap
 gumagamit ng panandang si o sina (tao)
 gumagamit ng panandang ang o ang mga (bagay)

Ang paksa ay maaaring makita sa unahan, gitna o


hulihang bahagi ng pangungusap.
PANAGURI
 nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
paksa
 ang panaguri ay maaaring makita sa
unahan, gitna o hulihang bahagi ng
pangungusap.
gumagamit ng panandang ay
- DIWA PANDIWA
-nagpapakita ng aksyon, pangyayari o karanasan
1. Aksyon- kilos na ginawa, ginagawa o gagawin
Hal. lumabas, tumalon, naglakad
2. Pangyayari- kilos ng isang mahalagang kaganapan na maaaring maging
bahagi ng kasaysayan o kolektibong kamalayan ng mga tao
Hal. natanggal, nagpahayag, pinalitan
3. Karanasan- kilos na nagsasaad ng isang personal na pangyayari sa buhay
ng tao
Hal. pinalo, pinalayas, manunumpa
POKUS NG
PANDIWA
Ang Pandiwa at ang ugnayan nito sa Paksa
Ang bawat kwento ay nagtataglay ng mga pangyayari na
pinagagalaw sa pamamagitan ng mga salitang-kilos o
PANDIWA
Bakit mahalaga ang mga salitang-kilos?
- higit na maunawaan ang nilalaman ng kwento
- maging ang pagkatao ng bawat karakter.
Pokus ng Pandiwa
Pokus- ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangungusap.
*tingnan ang simuno at ang pandiwa sa panaguri

Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ayon sa paksa at


panlaping ikinakabit sa pandiwa.
Panlapi- unlapi, gitlapi at hulapi
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor
Ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa. “sino”
Panlapi
mag-, nag-, ma-, -um- mang-,maka-, maki- at magpa-
Hal. Seryosong nag-usap ang guro at mga mag-aaral.
Lumusong si Ken sa baha.
mag-, nag-, ma-, -um- mang-,maka-, maki- at magpa-

mag- nag- ma- -um- mang- maka- maki- magpa-


magtawanan nagtulungan mapalo lumantad manggingisda makapupunta makipaglaban magpapasa
2. Pokus sa Tagatanggap
Ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan
ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa. “para kanino”
Panlapi
ipinag-, ipina-, ipag-
Hal.
Ipinagtabi niya ng pagkain ang kanyang kaibigan.
Ipinamili ni Jose ng mga bulaklak si Juanita.
ipinag-, ipina-,
ipag-

ipinagluto ipinaalok ipagluluto


ipinagtabi ipinasara ipaglilinis
ipinaglaba ipinatabi ipaglalaba
3. Pokus sa Layon
Ang paksa ng pangungusap ay ang pangngalan(noun) na tumatanggap ng kilos.
Sumasagot sa tanong na “ano?”
Panlapi
i-, -an, ma-, na- ipa- at –in-

Hal.
Sinuri ng optalmologo ang mata na idinaraing niya na malabo.
Iniuwi namin ang pagkaing natira sa handaan.
i- -an ma- na- ipa- –in-

ilagay tinakpan maalis naipit ipalabas sinira


inayos inayusan mabawasan natulak ipaligo binusinahan
4.Pokus sa Sanhi
Ang pandiwa ay nakapokus sa dahilan o sanhi ng paggawa ng
kilos. “bakit”
Panlaping -i , ika-, ikina-
Hal.
Ikinalulungkot ko ang masasamang pangyayari sa ating
bayan.
Ang naramdamang sama ng loob ay ikakain na lang daw
niya.
-i ika- ikina-

ialay ikasisira ikinasama


iangat ikatutuwa ikinalungkot
5. Pokus sa Direksyon
Nilipatan ng isang tao, bagay, o hayop makaraan nitong
gumalaw (patungo saan/ kanino)
Panlaping –an, -han, -in
Hal.
Pinuntahan nila ang kweba na sinasabing mapanganib.
Pinasyalan ng mga mag-aaral sa baitang 3 ang silid-aklatan.
–an -han -in

nilapitan tinakbuhan bilhin

sinunggaban inunahan awayin


6. Pokus sa Kagamitan
Ang pandiwa ay nasa pokus sa kagamitan kapag ang paksa ng
pangungusap ay ang bagay na ginamit upang maisakatuparan ang
kilos.
Panlapi
Ipa-, ipang-
Hal.
Ipang-aasim ng sinigang ang dahon ng sampalok.
Ipanghalo mo sa malalim na kaldero ang mahabang sandok.
Ipa- ipang-
ipapalo ipanglalako
ilalapat ipanglalaba
B.
Mula sa larawan na nakatalaga sa inyong pangkat, gumawa ng talataan na binubuo ng
5-6 pangungusap lang (lagyan ng transitional devices-bold font). Gamitin ang
sumusunod na pokus ng pandiwa. Hindi bababa sa 4 uri ang gagamitin. Gawing kulay
pula ang font ng simuno at lagyan ng salungguhit ang pandiwang ginamit.
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor
2. Pokus sa Tagatanggap
3. Pokus sa Layon
4. Pokus sa Sanhi
5. Pokus sa Direksyon
6. Pokus sa Kagamitan
Pangkatang Gawain
A. MGA NASA ALERT LEVEL 3, 2, 1 ‘DI NA KAILANGANG MAGSUOT NG FACE SHIELD AYON KAY
PANG. DUTERTE
B. MGA BATANG EDAD 11 PABABA, ‘DI MUNA DAPAT DALHIN SA MALL, AYON SA PHILIPPINE
MEDICAL ASSOCIATION (PMA)
C. PAGBABAKUNA NG COVID-19 PARA SA EDAD NA 12-17, NAGSISIMULA NA
D. PAGHAHANDA NG DEPED PARA SA PILOT NG FACE-TO-FACE CLASS, PUSPUSAN

You might also like