You are on page 1of 22

POKUS NG

PANDIWA

Pokus

… ang tawag sa relasyong pansemantika ng


PANDIWA o salitang kilos at PAKSA ng pangungusap

Makikita ito sa PANLAPING ginamit sa


pandiwa.
BAHAGI NG PANGUNGUSAP

PAKSA

PANAGURI
BAHAGI NG
PANGUNGUSAP

PAKSA
Pinag- uusapan sa pangungusap

Guamagamit ng panandang Si at Sina ( Tao)

Gumagamit ng panandang ANG at ANG MGA (


bagay)

Ito ay maaaring makita sa unahan, gitna o hulihang


bahagi ng pangungusap
Halimbawang Pangungusap

PAKSA

Ang ekonomiya ng bansa ay


naapektuhan nang lubos dahil
sa pandemya.
BAHAGI NG PANGUNGUSAP

PANAGURI

Naglalarawan at nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa paksa.

Ito ay maaaring makita sa unahan, gitna


o hulihang bahagi ng pangungusap
Halimbawang Pangungusap

PANAGURI

Ang ekonomiya ng bansa ay


naapektuhan nang lubos dahil
sa pandemya.
POKUS NG PANDIWA

Kailangang bigyang- pansin


ang PAKSA,PANDIWA at
PANLAPING ginamit dito
upang malaman ang POKUS
NG PANDIWA sa
pangungusap.
POKUS NG
PANDIWA

Tagaganap (
Aktor) Layon) Tagatanggap

Kagamitan Ganapan Sanhi)

Direksyunal
Ang Pokus ng Pandiwa

ay RELASYON ng PANDIWA sa PAKSA ng


pangungusap . Naipakikita sa pamamagitan ng
pokus ang ugnayan ng paksa sa pandiwa kung
tagaganap ( aktor) tagatanggap, sanhi,
pinaglalaanan,ginanapan, kagamitan at
direksyunal.
• POKUS SA TAGAGANAP (
AKTOR)

Ang pokus ng pandiwa ay tagaganap


kung ang paksa ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos ng pandiwa.
Sinasagot nito ang tanong na SINO

Mga panlaping um-/ -um, mag-,nag-,ma- , mang-


nang-
Mag- an,magsipag- an /han,
POKUS SA TAGAGANAP
Halimbawang Pangungusap

Si Pilar ay nagtalumpati sa harap ng


maraming tao.

Pandiwa =
Si Pilar ang tagaganap
Nagtalumpati
ng kilos.
Paksa= Pilar
POKUS SA LAYON o GOL

Ang pokus ng pandiwa ay layon o gol kung


ang paksa ng pangungusap ang siyang
binibigyang- diin sa pangungusap
Sinasagot nito ang tanong na ANO

Mga panlaping: -in/- hin ,an/ -han,ma, paki,


ipa at pa at panandang ang sa paksa o
pokus
POKUS SA LAYON o GOL
Halimbawang Pangungusap

Ang isyu tungkol sa diskriminasyon ay


pinag –usapan ng pangkat.

Pandiwa = Pinag- usapan


Paksa= Ang isyu
POKUS SA
TAGATANGGAP

Ang pokus ng pandiwa ay tagatanggap kung


ang tao o bagay na nakinabang sa resulta
ng kilos ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap.

Sumasagot sa tanong na PARA


KANINO, SINO o ANO

Mga panlaping : i-,in,


ipang-, ipag
POKUS SA TAGATANGGAP
Halimbawang Pangungusap

Ang kanyang anak ay ipinagluto ng ina


ng kanyang paboritong spaghetti.

Pandiwa= Ipinagluto
Paksa= Ang kanyang anak
POKUS SA KAGAMITAN o
INSTRUMENTAL

Ang pokus ng pandiwa ay kagamitan o


instrumental kung ang instrument o
kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos na
isinasaad ng pandiwa ang gumaganap
bilang paksa ng pangungusap.

Sumasagot sa tanong na PAANO o


ANO?

Panlaping ginagamit: ipang-,


ipinang
POKUS SA KAGAMITAN
Halimbawang Pangungusap

Ipinantali niya ang lubid sa puno


upang hindi matumba sa paparating
na bagyo.

Pandiwa= Ipinantali
Paksa= ang lubid sa puno
POKUS NA Ganapan

Kung ang paksa ang lugar na


ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap

Saan? (pag-/-an,-an/han,ma-/-an,pang- /an,


mapag-/-an)
1. Pinagtaniman namin ang bukiran ng
maraming gulay.

2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay


para magluto ng masarap na ulam.

3. Ang tindahan ay ang pinagbilhan ni Rosa


ng bulaklak.

4. Pinagdausan ng paligsahan ng mga tao ang


bagong tayong entablado.
Sagutin pahina 183- Madali lang yan
207- Madali lang yan
Bumuo ng Pokus ng PANDIWA ( AKTOR,
LAYON, TAGATANGGAP, KAGAMITAN, GANAPAN
Tig -dalawang pangungusap sa bawat pokus.
Ang Kahon ni Pandora, Macbeth
1. Salungguhitan ang Pokus- Paksa
2. Ikahon - Pandiwa
canva . power point

You might also like