Professional Documents
Culture Documents
MORPEMA
2.1 Pagbabagong
Morpoponemiko
2.2 Anyo
2.3 Dalawang Uri
2.4 Wastong Gamit ng Salita
Morpema
- pinakamaliit na yunit ng isang
salita na nagtataglay ng
kahulugan
Morpolohiya
- ito ang pag-aaral ng morpema ng
isang wika at pagsasama ng
mga ito upang makabuo ng salita.
PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
Tumutukoy sa anumang
pagbabago sa
karaniwang anyo ng
isang morpema dahil sa
impluwensya ng
kaligiran nito.
Asimilasyon
Sakop nito ang pagbabagong /ŋ/ sa
pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng
ponema.
TUNTUNIN:
pang/ mang/ sing + p/b = pam/ mam/ sim
pang/ mang/ sing+ d/ l/ r/ s/ t = pan/ man/ sin
DALAWANG URI:
1. Asimilasyong Parsyal/ Di-ganap
- buo pa ang salitang-ugat
2. Asimilasyong Ganap
- ‘di na buo ang salitang-ugat
pang + bansa = pambansa
mang + daya = mandaya
pang + tukoy = pantukoy
mang + dukot = mandukot
pang + talo = panalo
mang + kuha = manguha
Pagpapalit ng Ponema
May mga ponemang
nagbabago o
nagpapalitan sa
pagbubuo ng mga salita.
lipad + in
= linipad = nilipad
yaya + in
= yinaya = niyaya
Pagkakaltas ng Ponema
Nagaganap ito kung ang
huling ponemang patinig
ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi
nito.
bili + han
= bilihan = bilhan
dakip + in
= dakipin = dakpin
tirah + an
= tirahan = tirhan
sarah + an
= sarahan = sarhan
Paglilipat-diin
Nagbabago ang diin
kapag nilalapian.
Ilaw+an= ilawan
Ka+ sama+ an= kasamaan
Reduplikasyon
Pag-uulit ng pantig ng
salita. Ang pag-uulit ay
maaring nagsasaad ng
kilos na ginagawa o
gagawin pa lamang,
tagagawa ng kilos o
pagpaparami.
a+ alis = aalis
ma+ ta+ taas = matataas
pu+ punta = pupunta
ma+ sa+ saya= masasaya
nag+ la+ lakad= naglalakad
Anyo ng Morpema:
1. Payak
2. Maylapi
3. Morpemang Ponema (a)
Morpemang Payak
- binubuo lamang ng salitang ugat.
- ito ay mga salitang-hubad dahil sa
hinubaran ang salita ng panlapi o walang
kasamang panlapi.
- malayang morpema, ito ay maaaring
makapag-isa o may taglay na
kahulugan kahit walang kasamang
panlapi.
Halimbawa:
itlog, langit, bahay, yaman,
talino, diwa, sulat
Morpemang Panlapi
- ang mga panlapi, kahit hindi buong
salita, ay mayroon parin kahulugan dahil
sa dumadagdag ito sa kahulugan ng
salitang ugat.
- di-malayang morpema; hindi makikita
ang tiyak na taglay na kahulugan
hanggang hindi naisasama sa ibang
morpema.
Halimbawa:
ma- + bait= mabait
ma- + talino = matalino
Morpemang Ponemang (a)
maipakita ang nasyonalidad o
rehiyong pinagmulan, pati sekswalidad
-o/a: Amerikano/a, Australyano/a
-es/esa: Hapones/Haponesa
-ano/a : Ilokano/a, Bikolano/a
-ense: Pangasinense
-enyo/enya: Batangenyo/a
QUIZ 9
Dalawang Uri ng
Morpema:
1. Salitang
Pangnilalaman
2. Salitang Pangkayarian
Salitang Pangnilalaman o
Leksikal
- mga morpemang may
natatanging kahulugan na
madaling malaman.
- Content-morphemes
- Open class, dahil sa maari itong
madagdagan ng mga bagong
salita.
Salitang Pangkayarian
- Mga morpemang nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa gramatikal na
gamit sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
mga salita sa pangungusap.
- Ito ay nakapagpapalinaw ng kahulugan ng
buong pangungusap.
- Function-morphemes
- Close class, dahil sa hindi ito
nadadagdagan ng mga bagong
miyembro
Salitang Pangnilalaman o Leksikal:
• Pangngalan
• Panghalip
• Pandiwa
• Pang-uri
• Pang-abay
Salitang Pangkayarian:
• Pang-angkop
• Pangatnig
• Pang-ukol
• Pananda
MGA BAHAGI NG PANANALITA
LEKSIKAL PANGKAYARIAN
O PANGNILALAMAN (content words)
PANGATNIG
PANGNGALAN (Conjunction) PANG-
(Noun) NOMINAL
PANG-ANGKOP UGNA
PANGHALIP Y
(Pronoun) PANG-UKOL
PANDIWA (Action (Prepisitiom)
Verb) PANTUKOY (Article)
PANG- URI PANAND
PANURI
(Adjective) PANGAWING A
PANG- ABAY
(Adverb)
PANGNGALAN
- tumutukoy sa mga
salitang sumisimbolo sa
ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar,
pangyayari, katangian
at kalagayan.
•Tao – anak, mamamayan, sundalo
•Bagay – tubig, computer, buto
•Hayop – ibon, ahas, Zebra
•Lugar – kusina, ospital, EDSA
•Damdamin – pag-ibig, pagkatuwa, galit
•Katangian – kabaitan, katapatan,
katamaran
•Kalagayan – kasaganaan, kahirapan,
paghihirap
1. Ayon sa Konseptp
1.1 Kongkreto/ Tahas
1.2 Abstrakto/ di-
kongkreto/ basal
1.3 Palansak
2. Ayon sa kayarian
2.1 Payak
2.2 Maylapi
2.3 Tambalan
2.4 Inuulit
3. Ayon sa Katangian
3.1 Pambalana
3.2 Pantangi
4. Ayon sa Kasarian
4.1 Panlalaki
4.2 Pambabae
4.3 Di- tiyak
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa
Konsepto:
1. Kongkreto/ tahas
Hal. Ina, Bentilador, Kaklase
2. Abstrakto/ di-kongkreto/ Basal
Hal. Tuwa, pag-awit, kabayanihan
3. Palansak
Hal. hukbo, buwig
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa
Kayarian:
1. Payak
Hal. Abo, tubig, ama, galit, dunong
2. Maylapi
Hal. Aklatan, lamayan, awayan, kaopisina, kabanalan,
pinagsumikapan
3. Tambalan
Hal. Kapitbisig, hampaslupa, bahay-aliwan, balikbayan,
silid-aklatan
3. Inuulit
Hal. Bali-balita, Sali-salita, sabi-sabi, tau-tauhan
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa
Katangian:
1. Pambalana
Hal. doktor, sabon, ospital,
paligsahan
2. Pantangi
Hal. Dr. Reyes, Palmolive, Manila
Medical Center, Bb. Pilipinas
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian:
1. Panlalaki
Hal. Senador, kuya, tandang, hari, manong
2. Pambabae
Hal. Senadora, ate, inahin, reyna, manang
3. Di – Tiyak
Hal. Mambabatas, mananahi, manok, pinuno, kamag-
anak
4. Walang Kasarian
Hal. Senado, tahian, gunting, itlog, korona
Mga Uri ng Pangngalan Ayon sa Kailanan:
1. Isahan
Hal. Ang bata, ng puno, sa balde, isang aklat, si Noel,
ni Paolo, kay Joshua, isang digmaan
2. Dalawahan
Hal. Magkapatid, magbayaw, maglolo, dalawang tao,
dalawang mesa, dalawang kilometro
3. Maramihan
Hal. Ang mga kongresista, ng mga dokumento, sa mga
tagapagbalita, maraming artista, limang lalaki,
magkakasama, magkakapatid.
Panghalip
- salitang panghalili sa pangngalan
• Panao
ako, ikaw, akin, siya niya, kami, kayo
• Pamatlig
ganito, ganire, iyan, dito, diyan
• Panaklaw
anuman, alinman, sinuman, ilanman,
saanman
• Pananong
Ano, Sino, Kanino, Alin, Magkano
Halimbawa:
• Kailan aalis ang barko?
• May pulis sa kanto.
• Bago ang sapatos ko.
• Iyan ang dala ko.
• Iyan ang bahay nila.
• Tagasaan ang banyaga?
• Kukunin natin ang mga libro.
• Nabaitan siya sa titser.
• Iyon ang dala ko.
• Sino ang nagbabasa?
• Kanino sinabi ang sagot?
• Ito ang dala ko.
PANGHALIP (Pronoun
Kaukulan
Panauhan/
Kailanan Palagyo Paukol Paari
Isahan
Una Ako Ko Akin
Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
Ikatlo Siya niya Kanya
Dalawahan
Una Kami, tayo Natin Atin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Maramihan
Naming,
Una Kami, tayo natin Atin, amin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Pandiwa
- salitang nagpapakilos o
nagbibigay sa isang lipon ng
mga implikasyon nito
PANDIWA (Action Verb)
ASPEKT
O
PERPEKTI PERPEKTIBO IMPERPEKTI KONTEMPLATI
NG BO
BO BO
kilos na KATATAPOS kilos na kilos na
katatapos nasimulan hindi pa
nasimulan palamang
at ngunit hindi nasimulan o
ang kilos pa tapos mangyayari
natapos
na pa lamang.
nagaganap
naganap magaganap
PAWATAS PERPEKTIBO KATATAPOS IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO
1. magbasa
2. tumula
3. maglakbay
4. matanggap
5. sumulat
Tinig ng Pandiwa
1. Tahasan
- ang pandiwa ang gumaganap na paksa sa isang
pangungusap
Halimbawa:
• Sinulat ni Juan dela Cruz ang kwento ng mga bulaklak.
• Siya ang nagluto ng aming tanghalian.
• Si Miriam Santiago ang may akda ng paborito kong aklat.
2. Balintiyak
- hindi ang paksa ang gumaganap sa pandiwa ng
pangungusap, ang taga-ganap ng kilos ay nasa hulihan
ng pandiwa.
Halimbawa:
• Ibinato ni tatay ang bola sa akin.
• Gumawa ng magandang komposisyon ng awit si ate Isabel.
• Masarap ang nilutong pagkain ni aling Juana.
Mga Bahagi ng
Pangungusap
1. paksa- bahaging pinag-uusapan sa loob
ng pangungusap
2. panaguri- bahaging tungkol sa subjek.
• Ang mga bata ay naglalaro sa parke
• Naglalaro sa parke ang mga bata
• Napakahusay umawit ni Sarah
2. Pamilang na Panunuran
- anyong ika-, anyong Pang-
Halimbawa:
una ikalawa ikatlo
pang-una pangalawa pangatlo
Pang-abay
- nagbibigay turing sa
pandiwa, pang- uri o sa
iba pang pang-abay.
Uri ng Pang-abay
1. pamanahon
2. panlunan
3. pamaraan
4. pang-agam
5. Pananggi at panang-ayon
6. Panulad
7. Benepaktibo
8. Kawsatibo
9. pangkaukulan
1. Pang-abay ng Pamanahon
- nagsasaad ng panahon.
- sumasagot sa tanong na “kailan”.
Halimbawa:
Ang pangulo ay dumating kahapon.
Masaya kagabi ang tatay.
Iba pang hal: minsan, bukas, kamakalawa, ngayon, dati, lagi, bihira at
iba pang mga salita’t pariralang nagsasaad ng panahon.
2. Pang-abay na Panlunan
- sumasagot sa tanong na”saan”
Halimbawa:
Dito nakatira ang guro nina Teodora.
Si Lyn ay maligaya roon nguni’t siya’y malungkot dito.
3. Pang-abay ng Pamaraan
- nagsasabi kung paano ang pagganap na
binabanggit sa pandiwa.
Halimbawa:
Lumalakad nang banayad ang bata.
Ang bata ay lumakad nang banayad.
4. Pang-abay na Pang-agam
- nagkakaroon ng diwa ng pag-aalinlangan at di-katiyak
Halimbawa:
Sasama marahil ang ama ni Gliza sa pagdiriwang.
Ang kalahok ay tila nahihiya sa mga tao.
5. Pang-abay na Pananggi at Panang-ayon
- ay pag-ayaw at nagsasaad na pagsang-ayon
Halimbawa:
Huwag kayong mabahala at tutuparin nila ang kanilang pangako.
Oo, nakalampas na si Crispin sa mahigpit na pagsusulit.
Tunay na maligaya na ngayon ang mag-anak na Dioneda.
6. Pang-abay na Panulad
- ginagamit sa paghahambing
Halimbawa:
Lalong nasasayahan si Gloria dito sa Maynila kaysa Lalawigan.
Si Mang Pedro ay higit na mayaman kasya Aling Juana.
7. Benepaktibo
-sumasagaot sa tanong para kanino o para saan
Hal: Ginawa niya ang trabaho para sa iyo.
8. Kawsatibo
- sumasagot sa tanong ano ang bakit
Hal: Pinili siya dahil sa kakayahan niya.
9. Pangkaukulan
- sumasagot sa tanong na ano
Hal: Nagkuwento siya hinggil sa giyera.
Nagbalita siya ukol sa pulitika.
Pangatnig
-kataga o salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunud-sunod sa pangungusap.
Gamit ng MAYROON
+ panghalip na palagyo
Hal: Mayroon silang dadaluhang
pagtitipon sa susunod na araw.
+ kataga
Hal: Mayroon ding palatuntunan sa
Linggo ng Wika.
- sa patalinghagang kahulugan
Hal: Si Don Elizalde ang mayroon sa
kanilang lugar.
Gamit ng MAY
+ Pangalan
Hal: May taong masipag.
+ Pandiwa
Hal: May aalis na marino mamayang gabi.
+ Pang-uri
Hal: May lumang bahay na nasunog.
+ Panghalip na paari
Hal: May kanya-kanya tayong gawi.
+ mga
Hal: May mga magagarang damit ang mga
bagong dating mula sa Italya
+ sa
Hal: May sa-palos ang taong iyan.
Pagsasanay 4
SUBUKIN
-try
Hal: Subukin mong gamitin ang
sabong ito baka hiyang sa iyo.
SUBUKAN
- spy
Hal: Subukan mo siya upang
malaman mo ang kanyang
sekreto.
PAHIRIN at PAHIRAN
PAHIRIN
- Wipe out
Hal: Pahirin mo ang iyong pawis sa
noo.
PAHIRAN
- To put something
Hal: Pahiran mo ng Vicks ang likod
ng bata.
PUNASIN at PUNASAN
Punasin mo ang alikabok sa mesa.
Punasan mo ang mesa.
OPERAHIN at OPERAHAN
Ooperahin bukas ang mga mata ni
Geelyn.
Ooperahan na ng doktor ang
naghihirap na bulag.
WALISIN at WALISAN
Walisin ang mga nahulog dahon na sa
bakuran.
Wawalisan ang bakuran.
DIN at RIN
DAW at RAW
DOON at ROON
Gamit ng din, daw, doon
- kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa w at y.
Hal: Sumikat din ang araw.
Sumikat daw ang araw.
Sumikat doon ang araw.
Gamit ng rin, raw, roon
- kapag ang nauunang salita at nagtatapos sa patinig at
malapatinig (w,y)
Hal: Wala rin ang kapatid ko sa bahay
Wala raw ang kapatid ko sa bahay
Wala roon ang kapatid ko sa bahay.
Pagsasanay 6
SINA/ NINA
- Mga pantukoy na marahil na sinusundan ng
pangngalan
Hal: Sina Joan at Carol ay lalakad papuntang simbahan
PINTO at PINTUAN
PINTO
- door
- isinasara o binubuksan
Hal: Isinara niya ang pinto upang hindi
makapasok ang lamok.
PINTUAN
- doorway/ daanan
Hal: Nakaharang sa pintuan ang
paso ng halaman kung kaya’t
hindi niya maisara ang pinto.
HAGDAN at HAGDANAN
HAGDAN
- steps
Hal: Mabilis niyang inakyat ang hagdan
upang marating ang klinika.
HAGDANAN
- staircase
Hal: Matitibay ang hagdanan ng
kanilang bahay kaya hindi gumuho ang
hagdan niyon matapos ang lindol.
IWAN at IWANAN
IWAN
- Hindi sinasama
Hal: Iwan mo na ang anak mo sa
bahay ninyo.
IWANAN
- May bagay na iiwan
Hal: Iwanan mo’ko ng perang
pambili ng pananghalian.
SUNDIN at SUNDAN
SUNDIN
- Follow the advice
Hal: Sundin mo ang mga payo ng iyong mga
magulang kung ayaw mong maligaw sa
landas.
SUNDAN
- Follow the way
Hal: Sundan mo agad ang umalis mong
kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.
TUNGTONG, TUNTONG at
TUNTON
TUNGTONG
- Panakip sa palayok
Hal: Hindi Makita ni Efren ang tungtong ng palayok sa kusina
TUNTONG
- Pagyapak sa ano mang bagay
Hal: Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya
TUNTON
- Pagbakas o paghanap sa bakas ng ano
mang bagay
Hal: Hindi ko matunton kung saan na angsuot ang aming tuta
DAHIL SA at DAHILAN SA
DAHIL SA
- Ito ang wasto
Hal: Hindi siya nakapasa pagsusulit dahil sa hindi
niya pagsunod sa panuto.
DAHILAN SA
- Ito ay mali, ang DAHILAN ay
pangngalan mismo
Hal: Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang
nagging dahilan ng pagkasira ng reputayson ni
Romano
IKA at IKA-
Gamit ng IKA
- bilang panlapi sa bilang na isinusulat
bilang salita
Hal: Ikatlong taon
Ikaapat na araw
Gamit ng IKA-
- ginitliiang “ika” bilang panlapi kung
mismong bilang ang isusulat
Hal: Ika-21 ng Febrero
Ika-3 taon
MAKA at MAKA-
Gamit ng MAKA
- ginagamit na walang gitling kung
pangngalang pambalana and kasunod na
salita
Hal: Naglunsad na naman ng kilos
protesta ang mga makamasa.
Gamit ng MAKA-
- ginagamit kapag sinusundan ng pangnglang
pantangi
Hal: Maka-Erap lagi ang pasimuno sa kilos
protesta
Paggamit ng Gitling
1. Kapag ang salita ay inuulit
Hal: araw-araw, gabi-gabi
2. Ang unlapi ay nagtatapos sa katinig
at ang salitang-ugat ay nagsismula sa
patinig
Hal: pang-ugnay, pag-umulan
3. May katawagang nawawala sa pagitan
ng dalawang salitang pinagsama
Hal: bahay na kubo = bahay-kubo
4. Panlapi + Ngalang Pantangi
Hal: Maka-Nora
5. Ika + tambilan/ pamilang
Hal: ika-7 ikapito
6. Binabaybay ang yunit ng
praksiyon
Hal: isang-kapat
7. Nanatili ang dalawang kahulugan
ng dalawang salitang pinagsama
Hal: dalagang-bukid
Paggamit ng
Kudlit
•May nawawalang letra o titik sa
dalawang salitang pinag-ugnay
Hal: pag-asa’t pagmamahal
•WALANG KUDLIT: mga salitang
namatay na dahil wala na ang
daglit na at
Halimbawa: subalit, datapwat
QUIZ 11