You are on page 1of 7

Learning Outcomes:

Pagkatapos sa aralin, ikaw ay inaasahang:

• Nakapagpapaliwanag sa kahulugan ng ponema.


• Nakabubuo ng isang pahayag gamit ang mga konsepto ukol sa pagaaral
ng ponolohiya.
• Nakapaggawa ng maikling sariling ulat tungkol sa ponema sa pag-aaral
ng ponolohiya

Inilalaang Panahon: Isa at kalahating oras

Introduksyon:

Bago pa man mapalawak ang paglalahad ng mga paksang–aralin,


nauuna muna dito ang pag-aaral ng mga tunog sa pag-aaral ng gramatikang
Filipino na kung saan binibigyang–diin ay ang kaalaman sa mga pinakamaliit
na yunit ng tunog na may kahulugan.

Aktibiti

Katanungan:

Saan kaya unang natutuhan ng tao ang pagsasalita?


Sa aking pagkakaalam, tayong mga tao ay unang nakapagtuto ng
pagsasalita mula sa ating mga kanunu-nunuan, pagka’t sila ay unang
namumuhay sa mundo at ang kanilang mga salita ay naisalin hanggang sa
panibagong henerasyon.
Ano-ano kaya ang elemento na kakailanganin upang makapagsasalita ka.
Ang lingwaheng ating binibigkas ay pinagbubuklod ng mga salita, at ang
bawat salita ay binubuo ng iba’t-ibang tunog at tono kung paano natin ito
maibigkas. Kinakailangan nating mapaghusayan ng mabuti ang mga
palatinigan ng bawat letra o pantig.

25
Analysis

Suriin ang larawang ito?

https://www.google.com/search?q=prinsipal+na+sangkap+ng+pananalita&tbm=isch&chips=q:prinsipal+na+sangkap+ng+pananalita,
g_1:larawan:q9Zf2XRLBNc%3D&rlz=1C1NHXL_enPH843PH843&hl=en-
US&sa=X&ved=2ahUKEwi09oz99pLrAhVtyIsBHZ3xBkcQ4lYoAnoECAEQFg&biw=1079&bih=526#imgrc=5c5bTIZDPV8EnM
Isulat ang unang salita ang sumagip sa iyong isipan?
Itala sa loob ng kahon ang iyong kasagutan

Isang representasyon sa loob na bahagi ng ilong at bibig.

Depinisyon ng Ponolohiya

Ponoholiya

Ito ay pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng tunog na may


kahulugan. May kinalaman ang tono ng pahayag sa diwang nais ibigay ng
nagsasalita. Kaya ang pag-aaral ng ponolohiya hindi lamang mga ponema ang
mahalaga sa pagbigkas ng mga salita dapat isinasaalang-alang. Mahalaga ring
pag-ukulan ng pansin angn pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch), pagpapahaba
(lengthening) at hinto (juncture) sa kabuuan ang tinatawag na intonasyon sa
pagsasalita.

26
Abstraksyon

Ponema

Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan.

May dalawampu’t isang (21) ponema ang wikang Filipino.


Ang palatunugan sa Filipino ay may 21 na ponema, 16, sa mga ito ay
katinig at 5 naman ang patinig.
Mga Katinig- /p, b, t, d, m, n, s, l, r, k, g, n, y, w/
Mga Patinig- /i, e, a, o, u/
Ang /?/ ay ang impit na tunog sa matandang balarila ng Wikang
Pambansa(1940). Ang /n/ ay katumbas ng ng sa ating abakada.

TSART NG PONEMANG KATINIG

Paraan ng Punto Artikulasyon


Artikulasyon ng
Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangngalngala Glottal
Palatal/Velar
Pasara w.t
m.t. p t k ?
Pailong m.t. b d g
Pasutsot
w.t. M N n
Pagilid m.t.
Pakatal m.t. s h
Malapatinig
m.t.
l

y,w

TSART NG PONEMANG PATINIG

HARAP SENTRAL LIKOD


Mataas o i
Gitna u e

27
Mababa a

Punto ng Artikulasyon

Inilalarawan dito kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas


ng isang ponemang katinig sa pamamagitan ng anim na punto ng artikulasyon,
gaya ng mga sumusunod:
1. Panlabi- ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas. /p, b, m/
2. Pangngipin- ang dulo ng dila ay dumidikit sa lood ng ngipng itaas. /t,
d, n/
3. Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dudikit sa
punonggilagid /s, l, r/
4. Pangngalangala- ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa matigas
na bahagi ng ngalangala /y/
5. Velar- ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa velum o malambot
na bahagi ng ngalangala /k, g, n, w/
6. Glottal- ang mga babagtingang patinig ay nagkalapit o nagdidikit at
hinaharap ang presyon ng paglalabas ng hininga at pagkatapos ay
pakawalan upang lumikha ng paimpit o pasusot na tunog /?, h/

Paraan ng Artikulasyon

Inilalarawan kung saang mga artikulador-dila, mga labi, velum, mga


babagtingang pantinig gumagana o kung paano ang hininga ay lumalabas sa
bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinmang sa mga ponemang katinig. Ito ay
napapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod:
1. Pasara- ang daanan ng hanginay harang na harang /p, t, k, d, b, g/
2. Pailong- ang hanging na naghaharang dahil sa pagkababagay sa
velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas /m, n, n/
3. Pasutsot- ang bahaging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na
pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang
pandinig. /s, h/

28
4. Pagilid ang hanging lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang
dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid /l/
5. Pakatal- ang hangin ay ilang ulit hinaharang at pinababayaang
lumabas sa pamamagitan ng mabilis na paggawa ng dulo ng
nakaarkong dila /r/
6. Malapatinig-katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito ay nagkakaroon
ng galaw mula sa isang pusisyon ng dila patungo sa bang pusisyon
/y, w/. Sa ibang aklat pambalarila, ang w at y ay itinuturing na panlabi.

Aplikasyon

Panuto: Matapos mong mabasa at maintindihang mabuti ang ponolohiya at


ponema ay sagutin at magbigay ka ng opinyon sa bawat katanungan.

Katanungan:

1. Ano ang ponolohiya?


Ang ponolohiya ay ang mga katunugan na ating binibigkas sa bawat
salita. Marahil ito ay ang pagtaas o pagbaba ng tunog, ang palahabang tunog
sa pagbigkas, at ang paghinto na sa kabuuan nito ay ang intonasyon ng
salita.
2. Bakit may kinalaman ang tono sa pagsasalita ng isang tao?
Ang tono ay nagbibigay buhay sa pagsasalita, bukod paman, ito ay
nagpapakita ng ekspresyon sa tagapagsalita kung sya ba ay galit, masaya,
o malungkot.
3. Bakit ponemang /r/ ang hanging napapabayaang lumabas sa pagkagawa ng
nakaarkong dila?
Sapagkat ayon sa artikulasyong pabigkas ng ponemang /r/ ay pakatal,
ang hangin dito ay napabayaang lumabas sa pagkagawa ng nakaarkong
dila.
4. Sa iyong pagpapatunay, mahalaga ba ang pag-aralan ang mga ponema?
Ang pag-aaral ng ponema ay higit pa sa mahalaga na ating mapag-
aralan sa pagsasalita. Ito ay ang pagsanay sa bawat tunog ng bawat letra
na ang sya’y nakapagbuo ng mga salita na ating binibigkas sa tuwing tayo
ay nagsasalita.

29
Panuto:

Sumulat ng isang maikling ulat tungkol sa pag-aaral ng ponolohiya at


ponema at isang interpretasyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa punto at
paraan ng artikulasyon.

Ulat tungkol sa …

Pag-aaral ng Ponolohiya at Ang Artikulasyon ng mga Salita

Isang napakahalagang bagay ang pag-aaral ng ponolohiya sa ating


buhay. Tayo’y nakaatas na makipagsalamuha sa ating kapwa tao di lang sa
paraang pagpapakita ng mabuting kilos, ngunit pati na rin sa paraang
komunikasyon. Ang pagsasalita ay naging pundasyon sa usapan. Kailangan
rin nating mapag-alaman kung paano tayo nakakapag-usap at kung paano
nga ba nabubuo ang mga salitang ating binibigkas.
Ang pag aaral na ito ay tinatawag na ponolohiya. Ito ay ang paraang
pagkilala sa bawat tunog ng letra na kung tawagin ay ‘ponema’ na bumubuo
sa mga salitang ating ginagamit. Ang mga ponema sa mga pantig ay tiyak na
nakakatulong sa pagbigkas ng tunog sa bawat salita. Inilarawan sa punto ng
artikulasyon ang kaganapan ng bibig sa tuwing tayo ay nagsasalita. Marahil
ito ay panlabi, pangngipin, pangilagid, pangalangala, velar, at/o glottal.
Inilahad naman ang paraan ng artikulasyon kung paano gumagana ang loob
na bahagi ng bibig at ilong, at ang nagging daloy ng hangin kapay tayo ay
nagsasalita.

25
Closure

Ginalingan mo talaga ang iyong pag-aaral. Maraming Salamat Po! sa


iyong pagsagot at sana ay magiging kapana-panabik po ang iyong magiging
karanasan sa pag-aaral ng wikang Filipino lalung-lalo na ang kasunod na aralin.

25

You might also like