You are on page 1of 5

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO CITY

HULING YUGTO PARA SA NGAYONG SEMESTER

KABANATA 7: ANG PAGPAPLANO AT ANG BANGHAY-ARALIN

PAANO ANG PAGPAPLANO?

 Ang pagpaplano ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng


isang tao sapagkat nagsisilbi itong batayan sa mga desisyon ma kailangang
isakatuparan.

 Ito ang tumatayong sandigan ng mga desisyon bunga ng mga hindi inaasahang
pagbabago sa buhay.

 Ito ang mabisang inspirasyon upang maabot o matupad ang layuning nakasaad sa
ginawang plano.

 Ang pagpaplano ay isang bagay na ginagawa o sinusunod bago gawin ang isang
proyekto upang maging maayos at organisado.

 Earle (1992) - bumubuo ang maraming guro ng mga imahin o senaryo sa proseso ng
kanilang kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay nasa isipan ng guro.
Lumilikha sila ng paglalarawan sa kanilang isip o diwa kung ano ang maaaring anyo ng
leksyon at paano ito epektibong mailalahad sa klase. Samakatuwid, higit na
nagaganap ang pagpaplanong pampagtuturo sa isipan kaysa sa papel para sa
maraming guro.

 Westerman (1991) - mas komprehensibo ang pananaw ng mga bihasang guro sa mga
mag-aaral at sa mga kaalamang itinuturo. Ang mga baguhan nama'y nakatutok sa
pagtatamo ng layunin sa halip na isaalang-alang ang dating alam ng mga mag-aaral at
iuugnay ang mga ito sa bagong kaalaman.

 Tyson (1991) - nagagawa ng mga sanay na guro na mapagtagni-tagni ang


mahahalaga at mahihirap na bahagi ng isang paksang-aralin kaya nabibigyan nila ito
ng ibayong diin. Tinitiyak din ng mga sanay na guro kung nauunawaan ng mga mag-
aaral ang mga kasanayang nilinang sa halip na ipalagay na lamang na natutunan ang
mga ito gaya nang isipan ng maraming bago pa lamng nagtuturo.

 Cooper (1992) - ang epektibong guro ay iyong nagagawang maihatid sa mga mag-
aaral ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto. Batay sa mga pananaliksik na inilahad
ng mga desisyong binubuo sa pagtiyak ng maaaring maganap sa pagkaklase, mahirap
isipin na magagawa ng isang epektibong guro ang pagharap sa klase nang walang
malinaw na pagpaplano at desisyon hinggil sa mga layunin, metodo,istratehiya, at
ebalwasyon sa isinasagawang pagtuturo.
 Sa pagtuturo, kailangan ang pagpaplano at nakatutulong ang paggawa ng banghay-
aralin upang isakatuparan ang nabuong layunin ng isang guro na makamit ng kanyang
mga estudyante.

 Banghay-Aralin - ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa


pagtuturo ng isang topiko para sa isang tiyak na oras o panahon

 ay isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang ng


sunod-sunod na isinasagawang pagsasakatuparan ng layunin at ikatatamo ng mga
inaasahang bunga at ito ay may ibat-ibang bahagi.

o Layunin

o Paksang-Aralin

o Pamamaraan

o Ebalwasyon

o Takdang-Aralin

ANG PAGPLAPLANO NG ARALIN

ANO ANG ARALIN/LIKSYON?


 isang yugto ng pagkatuto kung saan ang mga gawain ay mahusay na pinag-
aayaw-ayaw sa paglinang ng isang tiyak na layunin.
 Binubuo ng iba’t ibang tugto – may simula, gitna at katapusan.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPLANO NG ARALIN (BANGHAY-ARAL)?

Ilang mga kadahilanan dito kaugnay ng pagplaplano ng aralin.

1. Iba’t ibang bagay ang halos magkasabay na isinasaalang-alang ng guro sa


pagbabanghay ng isang aralin.
2. May dalawang dimension ang mga gawain ng guro sa pagbabanghay ng aralin:
a. Mga gawain na isinasagawa bago pa man simulant ang pagtuturo at
b. Mga gawaing sa loob lamang ng klasrum maisasagawa
3. Nagagawang maihanda ng guro ang kakailanganing software at hardware sa pagtuturo
kung mas maagang mabubuo ang banghay aralin.
4. Ang banghay aralin ay magsisilbing isang talaan ng mga natapos gawain.
5. Ang pagbuo ng isang malinaw na desisyon ay isang mahalagang batayan sa
pagpaplano.
MGA SALIK NA ISINASAALANG-ALANG SA PAGBABANGHAY-ARALIN

1. Ang mga panlahat na layunin at tiyak na layunin na inaasahang matatamo.


Alamin kung ano ang panlahat na layuning itinakda para sa aralin.
2. Katangian ng mga mag-aaral
Isaalang-alang ang higit na naiibang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
3. Dating kaalaman ng mga mag-aaral
Kailangan ang tiyakang pag-iisip at pagbabalak upang mabisang magamit ng mga mag-
aaral ang kanilang dating kaalaman.
4. Mga gawain sa pagkatuto
Mag-isip ng mga tiyak na kawiwilihan ng mga mag-aaral.
5. Mga kagamitang panturo
Pagkatapos matiyak ang mga gawain, pag-iisipan naman ng guro ang mga angkop na
kagamitan (awdo-biswal) para sa bawat gawain at kung paano ito lubusang magagamit
para sa isang makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.
6. Wikang kailangan sa pagsasagawa ng mga gawain
Ang pagtiyak sa uri ng wikang gagamitin ay isinasagawa sa dalawang yugto ng
pagpaplano ng aralin.
a. Bago piliin ang mga gawain- sa yugtong ito’y isinasaalang-alang ang sumusunod:
 Magagawa ba ng mga gawain na bigyan ng pagkakataon ang mga m,ag-aaral na
mapagsanayan ang uri ng wikang dapat nilang malaman?
 Ano ang dapat bigyang-diin sa pagtuituro ng wika bago isagawa ang gawain?
 Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?
b. Kapag napili at naisasaayos na ang mga kagamitan para sa mga itinakdang gawain
 Kung mayroon, makakasagabal ba ito sa pagkatuto?
 Kung oo, paano mo ito lulutasin?
 Makakabuti ba kung itinuro muna ito sa mga mag aaral? Kung hindi, kailangan
bang gumawa ng modipikasyon sa mga gawain? At iba pa.
7. ORAS O TAKDANG PANAHON
 Kung kailan isasagawa ang liksyon ay mahalaga dahil maaring makaapekto ito
sa kalidad ng atensyong inaasahan mo sa iyong mag-aaral.
 Kung gaanong oras/ panahon ang gugugulin ay kailangan pag-isipan din sa
pagbabanghay ng aralin.
8. Partisipasyong guro – mag-aaral
Kailangang pag-isipan ding mabuti ng guro ang yugto ng pagpaplano ng aralin ang haba
o tagal ng partisipasyon ng guro at mag-aaral.
9. Pagbabalanse sa pagtatakda ng oras para sa mga Gawain
Upang maisagawa ito ng maayos, kailangang tiyakin ng guro na ang itinakdang oras
para sa isang Gawain ay naayon sa layuning nililinang para sa gawain.
10. Pagsusunod-sunod at pag-aantas ng mga Gawain
Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay maayos sa kung ano ang itututro, ang
sariling pananaw ng guro sa wika at kung paano ito natutuhan at ang paraang kanyang
pinananaligan.

BANGHAY-ARALIN

 ay maaaring tanawin bilang iskrip sa sinusunod sa pagtuturo ng isang tapik para


sa isang tiyak na oras o panahon

 ay isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin at maging ang mga hakbang


na sunod-sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan upang matamo ang
inaasahang bunga.

Tatlong (3) Uri ng Banghay na Pagtuturo:

a. Masusing Banghay ng Pagtuturo – ito’y gin agamit ng mga bagong guro at mga gurong
mag-aaral.
b. Mala-masusing Banghay - ito’y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo.
c. Maikling Banghay – ito’y talagang maikli lamang.
SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY
SURIGAO CITY
UNANG GAWAIN PARA SA FM 8

PANGALAN: PETSA:
TAON AT SECTION: ISKOR:

I. Panuto: Gumawa ng isang banghay-aralin bilang paghahanda para sa pagtuturo.

You might also like