Professional Documents
Culture Documents
FIL 105
KABANATA 9
Ang Pagpaplano sa
Pagtuturo
(BUOD)
Inihanda nina:
Arcos, Ailyn
Estrada, Erika Marie
Tablan, Estella Marie
Tapiz, Kim C.
A36
Kabanata 9
Ang Pagpaplano sa Pagtuturo
Gaano ang
Salik sa
Maaaring
Epektibong
Matutuhan?
Pagkatuto Anu-ano ang
mga Salik sa
Mabisang Paano ang
Mga Hadlang Pagpaplano sa Pagkakasuno-
sa Pagkatuto sunod ng
hakbang?
Ang isang guro ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaring kalalabasan ng
pagkatuto. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na
nakakaimpluwensya sa pagkatuto sa mga tiyak na sitwasyon. Sa pagpaplano kailangan
ng isang guro na-
Kalikasan ng wika;
Pagkatuto ng wika;
Paano natutuhan ang wika;
Mga salik sa epektibong pagkatuto;
Mga sagabal sa pagkatuto;
Mga kagamitan sa pagtuturo; at
Mga dulog, pamamaraan at teknik
Ano ang mga binabanggit sa ilang pananaliksik tungkol sa aktwal na gawi ng mga
guro sa pagpaplano ng aralin? Natuklasan nina Clart at Yinger(1979) na karamihan sa mga
guro ay hindi matapat na sumusunod sa paglalapat ng mga simulang natutuhan nila sa
mga ekspertong edukador hinggil sa pagpaplanong pampagtuturo. Sa pag-aaral naman
nina Peterson, Marx at Clark(1978), natuklasan nila na mas unang binigyang-pansin ng
mga guro sa pagpaplano ang nilalaman at mga istratehiya sa pagtuturo bago ang mga
layunin.
Ang pagtuklas kung paano mabisang pagpaplano ng isang aralin ay isang habang
buhay na proseso. Ito ay isang sining na masasabing ang kadalubhasaan ay matatamo
lamang sa pagkatapos ng maraming taong pagsasanay. Ang mga ibinabahagi rito’y ay ang
pagsisimula lamang ng mga proseso sa pagpaplano. Sisikapin din na tignan ang mga isyu
na dapat isa alang-alang sa pagpaplano ng aralin, bakit mahalaga ang isyung ito? At
paano nito maapektuhan ang pananagumpay o pagkabigo ng isang aralin.
Mahirap bigyang kahukugan kung ano ang aralin. Nangyayari ito dahul sa ibat-ibang
aralin ay may kanya kanyang takdang haba ng oras sa pagtuturo at may ibat-iabng anyo o
hugis. Ang aralin sa pagbasa ay lubhang kakaiba sa aralin sa balarila kung minsan, may
liksyon an binubuo ng maraming episode ngunit kung susuriin ay wala naming kaugnayan
sa isat-asa.
Ang isang liksyon ay binubuo ng ibat-ibang yugto may simula, gitna at katapusan.
Halimabwa sa pagbasa, may binabanggit tayo nago bumasa, habang bumabasa at
pagtapos bumasa. Gayon din sa pagsulat: bago sumulat, habagn sumusulat at pagkatapos
sumulat. Tatalakayin ang mga terminolohiyang binaggit sa mga susunod na kabanata ng
aklat.