You are on page 1of 6

Manimtim Daisy Rine

BEED12M1

Pagtuturo sa Filipino sa Elemenatrya

Prpv. Kervin Darwin Balayan

Instructions

Magsaliksik ng mga salik na isinasaalang-alang sa pagpaplano ng aralin sa elementarya.

Sagot

Ang Pagpaplano sa Pagtuturo

ANG PAGPAPLANO…. PAANO?

Ang mga pagpaplano o paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan atistilo ng isang guro.

Mahalaga ang pagpaplano at dapat na isinasagawa ito ng lahat ng guro. Bagopumasok sa klasrum ang
isang guro, taglay na niya ang mga ideya kung paano tuturuanang kanyang klase. Kaya lang, ang proseso
ng pagpaplano at pagbabalik ng mga Gawainsa pagtuturo ay nakakaiba-iba ayon sa oryentasyon at
paniniwala ng isang guro. Bawatguro ay may sariling paniniwala kung paano ang mabisa at epektibong
pagbabahagi ngpagkatuto. Ang pagkaklaseng walang plano ay maaaring mauwi sa hindi pagkatuto ng
mgamag-aaral. May mga pagpaplanong palipad-hangin lamang dahil kung papasukin mo angklasrum ay
malabong Makita ang mga inilahad na binalak na mga Gawain.Makatutulong ng malaki para sa
epektibong pagkaklase ang mahusay napagpaplano. Maaaring kontrahin ang katotohanang ito lalo na ng
mga gurong matagal nasa pagtuturo. Ang isyu ay hindi tungkol sa kung walang

Kailangan ba ang pagpaplano

Kundi kung

Paano ang pagpaplano

. Walang isang tiyak na sagot sa tanong na ito.Maraming teknik para sa isang mabisang pagpaplano. Sa
malawakangpagpapakahulugan, ang pagpaplano ay tumutukoy sa mga Gawain na nagbibigaydireksyon
sa pagbuo ng ugnayan ng mga gawaing pang mag-aaral at gawain ng guro.

(Clark at Yinger, 180). Ang ganitong depinisyon ay kumikilala sa pagkakaiba-iba ngpersonalidad at istilo
ng mga guro: pormal, masusing pagpaplano par sa mga gurongsensitibo sa pangangailangan ng mga
mag-aaral at impormal na proseso para sa iba.Batay sa ganitong pananaw, madali natin makukuro ang
isang depinisyon na naglulundosa mga pagpaplanong panturo

(Yinstructional planning).

Sa anumang pagpa pagpaplanong isasagawa, kailangan bigyang-pansin angsumusunod:1.Ang mga


layunin ng liksyon.2.Ang pamaraan at pagkakasunod-sunod ng mga teknik o istratehiya3.Pag-aalam sa
kasaklawan ng pagtatamo o hindi pagtatamo ng mga lilinanging mgalayunin. Ang tatlong aspektong ito
ay mahalagang bahagi ng mga pagpaplanongisinasagawa ng guro para sa isang pagututuro bagama’t
maaaring hindi nabibigyan ngmagkakatulad na atensyon o importansya ang bawat isa. Ang pang araw-
araw nabanghay aralin na ginagawa ng guro bilang paghahanda sa pagtuturo ay naaayon sakanyang
intwisyon at mga desisyong rasyunal tungkol sa mag-aaral, sa nilalaman atmga kasanayang lilinangin, at
mga paraan at mga istratehiyang gagamitin sa pagtuturo.

MGA ISINASAALANG-ALANG SA PAGPAPLANO

Ang isang guro ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaring kalalabasan ngpagkatuto. Magagawa
niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik nanakakaimpluwensya sa pagkatuto sa mga tiyak na
sitwasyon. Sa pagpaplano kailanganng isang guro na-

Gamitin ang kanyang kaalaman sa :

Kalikasan ng wika;

Pagkatuto ng wika;

Paano natutuhan ang wika;

Mga salik sa epektibong pagkatuto;

Mga sagabal sa pagkatuto;

Mga kagamitan sa pagtuturo; at

Mga dulog, pamamaraan at teknik

PAGTIYAK O PAGBUO NG DESISYON TUNGKOL SA:

Anon ang dapat matutuhan;

Gaano ang maraming matutuhana sa isang tiyak na panahon;

Pag-aayaw-ayaw ng mga episodo sa pagtuturo;

Anong Gawain at materyales ang gagamitin at kung saan episode;

Paano masusubaybayan ang pagkatuto at paano makapagbibigay ng pidbak; at

Paano tatayain at pahahalagahan ang pagkatuto;

MGA PANANALIKSIK AT ILANG BATAYANG TEORETIKAL SA PAGPAPLANO

Ang katotohanan na ang epektibong pagpaplano ay mahalaga para sa epektibongpagtuturo ay hindi na


lingid sa kabatiran ng marami. Kakaunti lamang kung mayroon mangpananliksik sapagpaplano noong
mga nakaraan dekada.nito lamang mga huling 15 taonnagging masigla ang mga pag-aaral at pananaliksik
hingil sa pagpaplano. Karamihan samga ito’y mga palarawang pag-aaral(

Descriptive research)

. At isinasagawa sa antas ngelementarya (Kindsvatter,et al., 1996). Ano ang mga binabanggit sa ilang
pananaliksik tungkol sa aktwal na gawi ng mgaguro sa pagpaplano ng aralin? Natuklasan nina Clart at
Yinger(1979) na karamihan sa mgaguro ay hindi matapat na sumusunod sa paglalapat ng mga simulang
natutuhan nila samga ekspertong edukador hinggil sa pagpaplanong pampagtuturo. Sa pag-aaral
namannina Peterson, Marx at Clark(1978), natuklasan nila na mas unang binigyang-pansin ngmga guro
sa pagpaplano ang nilalaman at mga istratehiya sa pagtuturo bago ang mgalayunin.Sa pag-aaral nila
Levin at Long(1981) natuklasan nila na maganda ang kalalabasanng pagkatuto kung may kabatiran ang
mga mag-aaral hinggil sa mga tiyak na layunin nalilinangin. Pinatunayan din sa kanilang pag-aaral na ang
pagsasabi ng mga layunin sa mgamag-aaral ay magbibigay ng direksyon at seguridad sa kanilang
pagkatuto.Napagalaman nina Clark at Yinger(1980) na humigit kumulang 12 na oras sa loobng isang
lingo ang ginugugol ng mga guro sa pagpaplano pampagtuturo. Ang proseso sapagpaplano ay
karaniwang nagsisimula sa isang ideya at unti-unti itong nagkakahugis sapamamagitan ng patuloy na
modipikasyon at elaburasyon. Ang inihandang banghay aralinay isang maliit na bahagi lamang na
kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay nsaisipan ng guro ayon naman kay Earle(1992).
Bumubuo ang maraming guro ng mg imahe osinaryo sa proseso ng kanilang kabuuang plano sa
pagtuturo. Ayon naman kay Westerman(1991), mas komprehensibo ang pananaw ng mgabihasang guro
sa mga mag-aaral at sa mga kaalamang kanilang ituturo. Ang mga baguhannaman nakatutok sa
pagtatamo ng layunin sa halip na isa-alang alang ang dating alam ngmga mag-aaral at iuugnay ang mga
ito sa mga bagong kaalaman. Natuklasan naman niTyson(1991) nagagawa ng mga sanay na guro na
mapagtagni-tagni ang mahahalaga atmahihirap na bagay ng isang paksang aralin kaya nabibigyan nila ito
ng ibayong diin.Bibihirang nagagawa ito ng mga baguhang guro.Sinabi ni Copper(1990) na ang
epektibong guro ay iyong nagagawang maihatid samga mag-aaral ang mga inaasahang bunga ng
pagkatuto. Batay sa mga pananaliksik nainilahad at mga desisyong binubuo sa pag-tiyak ng maaaring
maganap sa pagkaklase,mahirap na isipin na magagawa ng isang epektibong guro ang pagharap sa klase
ngwalang malinaw na pagpaplano at desisyon hinggil sa mga layunin, metodo, istratehiya atebalwasyon
sa isasagawang pagtuturo.

ANG PAGPAPLANO NG ARALIN

Ang pagtuklas kung paano mabisang pagpaplano ng isang aralin ay isang habangbuhay na proseso. Ito
ay isang sining na masasabing ang kadalubhasaan ay matatamolamang sa pagkatapos ng maraming
taong pagsasanay. Ang mga ibinabahagi rito’y ay angpagsisimula lamang ng mga proseso sa pagpaplano.
Sisikapin din na tignan ang mga isyu

Na dapat isa alang-alang sa pagpaplano ng aralin, bakit mahalaga ang isyung ito? Atpaano nito
maapektuhan ang pananagumpay o pagkabigo ng isang aralin.

ANO ANG ARALIN/ LIKSYON?

Mahirap bigyang kahukugan kung ano ang aralin. Nangyayari ito dahul sa ibat-ibangaralin ay may kanya
kanyang takdang haba ng oras sa pagtuturo at may ibat-iabng anyo ohugis. Ang aralin sa pagbasa ay
lubhang kakaiba sa aralin sa balarila kung minsan, mayliksyon an binubuo ng maraming episode ngunit
kung susuriin ay wala naming kaugnayansa isat-asa. Ang isang liksyon ay binubuo ng ibat-ibang yugto
may simula, gitna at katapusan.Halimabwa sa pagbasa, may binabanggit tayo nago bumasa, habang
bumabasa atpagtapos bumasa. Gayon din sa pagsulat: bago sumulat, habagn sumusulat at
pagkatapossumulat. Tatalakayin ang mga terminolohiyang binaggit sa mga susunod na kabanata ngaklat.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPLANO NG ARALIN ( BANGHAY ARALIN)


Ilang mga kadahilanan ang ilalahad dito kaugnay ng pagpaplano ng aralin1.

Iba’t ibang bagay ang halos magkakasabay na isinasaalang-alang ng guro sapagbabanghay ng isang aralin
. sa pagpaplano ng aralin , na nabibigayan ng aralinupang makapamili siyang mabuti ng mga gawaing ang
angkop ilapat sa bawatepisode ng pagkatuto bago ito ilahad sa klase.

2.May dalawang dimension ang mga Gawain ng guro sa pagbabanghay ng aralin: a)mga Gawain na
isinasagawa bago pa man simulan ang pagtuturo, at b) mga gawainsa loob lamang ng klasrum
maisasagawa, napg iisipang mabuti ng guro ang buongaralin sa tulong ng isang banghay o plano at
naihahanda niya ng mas maaga angmga kaukulang kagamitang panturo.

3.Nagagawang maihananda ng guro ang kakailanganing

SoftwareAt Hardware Sapagtuturo kung mas maagang mabubuo ang banghay aralin.

4. Ang banghay aralin ay magsisilbing isang talaan ng mga natapos na Gawain. Ito’ymaaring sangguniin
ng guro sa mga darating na araw upang makakuha siya ng mgaimpormasyon hinggil sa kung anong mga
Gawain ang mabisa o di mabisa sapagkatuto ng mga batang kaniyang tuturuan

5. Ang pagbuo ng isang malinaw na desisyon ay isang mahalagang batayan sapagpaplano. Kailangan sa
pagpaplano ang pinakamataas na level na pagbuo ngdesisyon.kung ang pagpaplano ay di nagging
epektibo, malamang na hindi itobinigyan ng seryosong atensyon. Ang “ pagwawalang-bahala “na
binigyang pansinni Silberman (1970, p.10) ay sinang ayunan ni Goodland (1983)ay bunga ngkawalang ng
malasakit ng mga guro sa pagpaplano. Sa tuwing bubuo o magbabalakang gurong magbanghay-aralin
dapat niyang pag-isipang mabuti ang sumusunod namga tanong:a.Ano ang konsepto, tapik o kasanayan
ang mahalagang matututuhan ng mgamag-aaral sa tiyak na oras sa isang pagkaklase?

b.Dahil sa binubuong silabus, batayang aklat o dating-gawi, possible bangipagpatuloy na lamang sa


susunod na yunit ang aralin na wala man lamangpagsaalang-alang kung ito nga ang pinaka angkop na
talakayin?c.May sapat bang kahandaan ang mga mag-aaral para sa pagtatamo ng mgalayunin para sa
isang particular nay unit o liksyon?d.Magbubunga kaya ng mataas na antas ng kawilihan ang mga tapik o
yunit?e.Anong mga istratehiya ang gagamitin sa pagtuturo sa tapik o yunit?f.Anong mga teknik ang
maaaring gamitin sa pagtataya, pormal o di pormal man,sa mga pagsisikap o pagtatamo ng kaalaman ng
mga mag-aaral?

MGA SALIK NA ISINASAALANG-ALANG SA PAGBABANGHAY ARALIN

1.Ang mga panlahat na layunin at mga tiyak na layunin na inaasahangmatatamo

Alamin kung ano ang panlahat na layuning itinakdan para sa aralin. Maaringito’y hango sa PELC o PSSLC
na ipinalabas ng kagawaran ng edukasyon.Pagkatapos, alamin din ang mga kasanayang alam na maging
dapat panglinangin upang maisakatuparan ang mga layuning panlahat. Angpumapailalim na mga
kasanayan ang dapat layunin ng bawat Gawain saliksyon o aralin.

PELC at PSSLC ay talaan ng mga layuning lilinangin sa bawat aralin sapaaralang elementarya at
Sekundarya. Ang PELC ay inihanda ng kawanihanng paaralang Sekundarya.

2.Mga Katangian ng mga mag aaral


Isaalang-alang ang higit na naiibigang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Alamin din ang kanilang
interest ang antas ng kahusayan sa wikang pagaaralaan. Ang mga impormasyong ito’y makatutulong sa
pagtiyak kung anongkagamitang panturo,Gawain,istilo sa pagkatuto at pamaraan at teknik anggagamitin
sa pagtuturo.

3.Dating kaalaman ng mga mag aaral

Kailangan ang tiyakng pag-iisip at pagbabalak upang mabisang magamit ngmga mag aaral ang kanilang
dating kaalaman,tandaan ba ang isang liksyonay may isang paksa o tapik (e.g. Mga Halaman), mga
Gawain (e.g.pagsasatao, usapan)

4.Mga Gawain Pagkatuto

Mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiwilihan ng mga mag-aaral. Kungmaari, maglahad ng mga gawaing
magagamit ng mga mag-aaral sapaglalapat ng mga kasanayang nililinang para sa isang aralin.

5.Mga kagamitang panturo

Pagtapos Matiyak ang mga Gawain, pag-iisipan naman ng guro ang mgaangkop na kagamitan (awdyo-
biswal) para sa bawat Gawain at kung paanoito lubusang magagamit para sa isang makabuluhang
pagtuturo at pagkatuto.

6.Wikang kailangan sa pagsasagawa mg mga Gawain

Ang pagtiyak sa uri ng wikang gagamiti’y ay isinasagawa sa dalawang yugtong pagpaplano ng


aralin.a.Bago piliin ang mga Gawain – sa yugtong ito’y isinasaalang-alang angsumusunod:

Magagawa ban g mga Gawain na bigyan ng pagkakataon ang mga mag aaralna mapagsanayan ang uri ng
wikang dapat nilang malaman?

Ano ang dapat bigyang-diin sa pagtuturo ng wika bago isagawa ang Gawain?

Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?b.kapag napili at naisaayos na ang mga kagamitan para sa mga
itinakdangGawain---

May mga kayarian bang pangwika na maaring hindi binalak ang lumabas sapagtuturong isasagawa?

Kung mayroon, maksasagabal ba ito sa pagkatuto?

Kung oo, paano mo ito lulutasin?

Makabubuti ba kung ituturo muna ito sa mga mag –aaral? Kung hindi,kailanganbang gumawa ng
modipikasyon sa mga Gawain? At iba pa.

7.Oras o takdang panahon

Mahalaga ang oras o takdang panagon ayon sa sumusunod na pananaw:

Kung kailan isasagawa ang liksyon ay mahalaga

Dahil maaring makaapektoito sa kalidad ng atensyong inaasahan mo sa iyong mag-aaral. Ang isang
aralinna kasabay ng isang klase sa P.E na nasa tapat ng iyong klasrum, ay hindimaaring maging aralin sa
pakikinig. Hindi rin kasiya-siya sa mga mag-aaral angpag-aaral ng balarila bilang huling aralin bago ang
pag-uwi.

Kung gaanong oras/panahon ang gugugulin

Ay kailangang pag isipan din sapagbabanghay ng aralin. Kung walang pagsasaalang-alang sa


tamangoras.maaring hindi maisakatuparan ang mga nililinang na layunin.

Ang tamang pagtatakda guro-mag-aara

Ay dapat ding isaalang-alang sa pagpaplano.Halimbawa, ang pagbibigay ng mga tanong bago ang
pagbasa o pakikinig saisang teksto ay maaring makatulong upang malinang sa mga mag-aaral
angkasanayan sa paghula ng mga pangyayari. O di kaya naman, ang pagbibigayng mga tanong
pagkatapos basahin ang teksto ay maaring isagawa upangmalinang ang kasanayan sa pag-unawang
literal.

8.Partisipasyon guro-mag-aaral

Kailangang pag-iisipan ding mabuti ng guro s yugto ng pagplano ng aralin anghaba o tagal ng
partisipasyon ng guro at mag-aaral.Dapat niyang isaisip na angpartisipasyon ng bawat kasangkot sa isang
pagtuturo-pagkatuto sa loob ngklasrum ay naayon sa uri ng liksyon at ng mga layuning nililinang dito.

9.Pababalanse sa pagtatakda ng oras para sa mga Gawain.

Passageway ito ng maayos, Kailangang tiyakin ng guro na ang itinakdangoras para sa isang Gawain ay
layuning nililinang para sa Gawain Minsan,napahahaba ang talakay sa isang yugto ng aralin at
naisasakripisyo tuloy angdapat na talakay sa isang mahalagang bahagi ng aralin.

10.Pagsusunod-sunod at pag-aantas ng mga Gawain

Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay naayon sa kung ano angituturo, Ang sariling pananaw
ng guro sa wika at kung paano ito nattutuhan,

At ang parang kanyang pinananaligan, Gayunman, may ilang tanong nadapat isaisip ang guro sa wastong
pagsunod-sunod at pag-aantas ng mgaGawain.

Dapat bang magsimula muna ako sa mga madadaling Gawain bagomagpatuloy sa mga mahirap na
Gawain?

Kailangan ko bang isaisip na ang mga naunang Gawain ay paghahandapaea sa mga sumusunod pang
Gawain?

Kailangan bang ang mga Gawain ay ugnay-ugnay para sa isangmakabuluhang pagkatuto?

You might also like