You are on page 1of 7

Fil 101 – Pagtuturo ng Filipino sa Elem 1

Aralin 6– Pagpaplano sa Paguturo ng Filipino

Introduksyon
Ang isang mabisang pagpaplano ay nangangahulugan ng kompletong
paghahanda na nangangahulugan ng maingat nap ag -iisip at paggamit ng iba’t ibang
Teknik. Sa mas masaklaw na pagpapakahulugan. Ang pagpaplano ay tumutukoy sa
mga gawaing nagbibigay direksyon sa pagbuo ng ugnayan ng mga gawaing
pampagmag -aaral at gawain ng guro. Ang mga guro kagaya ng mga mag -aaral ay
nagtataglay rin ng iba’t ibang personalidad kaya dapat silang humanap ng estratehiyang
aangkop sa kanilang pagkatao. Sa ganitong pagsipat, makukuro natin an kahalagahan
ng pagpaplano ng pagtuturo.

Layuning Pagkatuto
1.Nasasabi ang mga salitang naglalarawan ng kilos sa tulong ng larawan,

2. Natutukoy sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan ng kilos

3. Naibibigay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos na angkop sa larawan o sitwasyon.

Nilalaman
Mga Salik na Isinasalang – alang sa Pagpaplano ng Aralin
Isalang – alang ang higit na naiibigang estilo sa pagkatuto ng mga mag -aaral. alain
din ang kanilang interes at ang antas ng kahusayan sa wikang pag -aaralan. Ang mga
impormasyong ito ay makatutulong sa pagtiyak kung anong kagamitang panturo, estilo
sa pagkatuto at pamamaraan at teknik ang gagamitin sa pagtuturo.
1.Dating Kaalaman ng Mag -aaral
2. Mga Gawain sa pagkatuto
3. Mga kagamitang panturo
4. Wikang kailangan sa pagsasagawa ng mga Gawain
5. Oras o takdang panahon
6. Partisipasyong Guro – Mag -aaral
7. Pagbabalanse sa Pagtatakda ng Oras para sa mga Gawain
8. Pagsusunod – subod at pag -aantas ng mga Gawain
Siklo ng Pagpaplanong Pagtuturo
Tulad ng maraming bagay ang pagpaplano ay dumaraan din sa masalimuot at
komplekadong proseso. Bago tuluyang mabuo sa kasalukuyang anyo ang prosesong
ito ay paulit – ulit na nagaganap taglay ang pagpapayaman at pagpapabuti sa mga
natukoy na kahinaan o kakulangan mula sa nauanang pagpaplano. Lumilikha ito ng
isang padron para sa guro upang matutunan ang siklo o cycle na nabuo. Mapapasin
natin sa aktwal prakrikal na pagtuturo, may siklo o sariling proseso ang personal na
estratehiya o gawain ng guro.
Ganap na Kabatiran Angkop na
Kabatiran sa ng mga Estratehiya sa Pagtataya Pagtataya
kurikulum Kagamitan Pagtuturo
sa
Pagtuturo
I.Pamantayang - kagamitan - paggamit ng - -
Pangnilalaman sa pagtuturo angkop na pinakamahalagang nagsasabi
- nakahanay ang - estratehiya bahagi ng sa guro
principal na performance - nagbibigay lakas pagkaklase kung
kaalaman o task na loob sa guro - nabubuo ang dapat
kasanayang isasagawa upang maisagawa lahat ng ideya ng pang ituloy
dapat matutunan - layuning an ninanais sa mag -aaral tungkol o hindi ang
II.Pamanatayan nais ng guro klase sa isang aralin kanyang
sa Pagganap - top down o - may hakbang na mga
-nakahanay ang deductive dapat sundin ng hakbangin.
mga principal - bottom up o guro
nkasanayan o inductive method -
kakayahang hinihimay ng guro
dapat ang bawat detalye
maipagkaloob bago tumungo sa
upang pinakamahalagan
maisakatuparan g paksa
ang gawaing
tinakda
III.Tatasagsasaad
ng pamantayan
ng katangian
dapat taglayin ng
mga mag -aaral
mula sa
nilalamang aralin
at kasanayang
ipinalilinang.
-ang laman at
sustansya ng
pagtuturo ay
naasalig sa
pinakapuso ng
Sistema ng
edukasyon, ang
kurikulum.

Modelo sa Pagpaplanong Pang – Instruksyon


Ang iba’t ibang guro ay may iba’t ibang paraan ng pagpaplano. Maraming alik ang
nakaka impluwensya sa isang guro bago makagawa ng Sistema na bagay sa kanya.
Ano pa at ang bawat estilo ay masasabi nating dumaan sa proseso. Dapat pag -arala
ng isang mag -aaral sa pagiging guro ang iba’t ibang modelo na ginagamit bilang
planong pang – instruksyon upang sa gayon ay makagawa siya ng sariling estilo na
bagay sa kanya kapag siya ay nagtuturo na.

“Ang propesyon ng isang guro


ay walang katapusang pag -aaral.”

“Ang pagtuturo ay isang gawaing nakapananabik


at nangangailangan ng mayamang imahinasyon”

Narito ang isang Modelong


banghay – aralin na ang pormat
ay kalimitang ginagamit sa
Pilipinas batay sa DepEd Order
No. 42 s. 2016

I.Layunin
A. Pamantalang Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nilalaman
Paksa
II. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng guro
Mga Pahina sa Kagamitang Pang – Mag -aaral
Mga Pahina sa teksbuk
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang Panturo
III. Pamamaraan
A. Balik -aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimulang Aralin
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
C. Pag – uugna ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
E. Pagtatalakay ng Bagong konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
F. Paglilinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment 3)
G. Paglalapat ng aralin sa Pang – araw – araw na Buhay
H. Paglalahat ng Aralin
I. Pagtataya ng Aralin
IV. Mga Tala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag -aaral na nakakuha ng 75% sa pagtataya
B. Bilang ng mag -aaral na ngangailangan ng iba pang gawainpara sa remidation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag -aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag -aaralna magpapatuly sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tunlong ng aking
punongguro at tagamasid
G. Anong kagamitang panturo ang aking dinesenyo nan ais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Papaunlad na Pagpaplanong Instruksyon
Lebel ng Pagpaplano ng Guro (Fortunato, 2008)

buwanang plano na
taunang plano na may bahagyang nakapokus naglilista ng mga hati ng
balangkas na panlahat na na plano para sa isang pagtuturo na may
batayan o frmawork termino espisipikong progrma
ng panonood

ang arawang planona


may igit na tiyak na lingguhang plano ng higit
iskedyul ng mga gawain na etalyadong deskripsyon
at resources ng ng mangyayari kasma na
pagtuturo ang alokasyon ng oras para
sa bawat gawain

maraming paraan ng pagpaplano at mahalaga na naiisip natin an mangyayari sa silid


aralan upang mas maging epektibo ang ating “approach” at ito ang papatnubay sa atin
kung paano maisasakatuparan ang ating Gawain.
Sa pagpapaunlad sa gawaing pagpaplano, ang unang hakbag na dapat alamin ay kung
bakit tayo nagpapalano. Nagbigay I Anderson (1989) ng ilang dahilan.

1.Para makabawas sa ating pag -aalala at walang katiyakan sa mga


gawain
2. Nagdudulot ito ng karanasan sa pagkatuto para sa guro
3. Nagbibigay probisyon ito para sa ma -accommodate ng guro ang
pagkakaiba – iba ng mga mag -aaral
4. Nagbibigay istruktura at direksyon ito sa pagtuturo
5. Nagsisilbing security blanket
6. Isang pangangailangan o requirement sa maraming guro
7. Nakapagdaragdag sa kabisaan o efficiency at flexibility ng guro
guro

Kapag ang isang gawain ay alam mo ang dahilan, nagkakaroon ka ng sapat na


motibasyon upang ipagpatuloy mo ang paggamit nito. Sa pamamagitan ng patuloy na
repleksyon sa inyong mga ginagawa, nagkakaroon ng kaliwanan ang mga paraan ng
pagtuturo lalo na sa pagsulat n banghay – aralin. Hindi na mahirap ang adjustment sa
ating giagawa at ang magiging bunga ay ang patuloy na pagpapaunad ng ating gawain.
Kahalagahan ng Karanasan, Obserbasyon, at Kritisismo sa Pagpapaunlad
ng Pagpaplanong Instruksyon
Ang ating karanasan ang ating pinakamagaling na guro. Sa ating pagsusulat ng
banghay – aralin at pagsasakatuparan nito, nakikilala natin ang ating mga pagkakamali.
Isa pa, sa aktwal na pagtuturo lamang mauunawaan ng isang guro ang tinatawag na
teaching process. Kagaya ng isang magaling na chef, mahalagang magaling sa
bserbasyon ang isang guro, kung anong nangyayari sa kanyang mga mag -aaral at ano
pa pangangailangan ng mga ito. Kaya nga hindi maaaring maging guro ng isang ang
isang robot at gaano man ka advanced ang kanyang artificial intelligence. Ang tao lang
ang makapagbibigay ng tapat at tumpak na obserbayon kaugnay ng edukasyon ng mga
mag -aaral.
Mahalaga rin ang obserbasyon ng principal o mga eksperto upang maging sapat
ang pag – unlad ng isang guro particular sa pagpapaunlad ng pagpaplanong
instruksyon. May mga kahinaan ng guro na ang ibang tao lamang ang makapgsasabi
kung ano iyon, Kaya naman mahalaga na ang guro ay tumanggap ng mga taong may
sapat na kaalaman para sa matapat na pagmmasaid sa kanilang klase.

Pagtataya at Ebalwasyon
Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at sagutin ng buong
ingat. Ipadala ang sagot sa email add ng guro.
1.Gaano kahalaga ang mabisang pagsasakatuparan ng banghay – aralin ang
pinakakaluluwa ng propesyon sa pagtuturo?

2. Magsaliksik kung ano ang antas ng pagpaplano ng mga guro sa paaralan.ano


ang mga pagpaplanong ginagawa ng mga guro bago, habang at pagkatapos
ng taong panuruan?

3. Ipaliwanag ang kasabihang “ a man without vision is like a ship without a


destination” sa konsepto sa pagpapaunlad ng pagpaplanong pagtuturo.

Sanggunian
Gallo, Roseta V. et al., 2020. Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementrya I
(Estruktura at Gamit ng wikang Filipino). Rex Publishin. Quezon City, Manila

Checked: Approved:
Prepared:
Ms. GINA A. SIGLOS
Dr. AIDA A. CASAS Dr. RANDY M. BAJA
Instructor
Department Head Dean

You might also like