You are on page 1of 1

Name: Claire Eunice G. Laurel___________ Yr.

& Sec: BEED 1A DAY_____


Date: June 18, 2022_____________

Panuto: Ibahagi ang iyong sariling opinyon sa bawat tanong.

1. Bakit mahalaga ang banghay-aralin sa pagtuturo?


Mahalaga ang banghay-aralin upang maipaliwanag ang hati ng mga
ekspektasyong nakapaloob sa apat na makrong kasanayan sa batayang
kurikulum. Napipili at nagagamit ang mga angkop na istratehiya sa pagtuturo
ng wika at nakagagamit ng iba’t ibang istratehiya sa pagtataya ng pagkatuto.
Dito rin nakalagay kung ano ang magiging takbo ng talakayan sa araw-araw.
Dito nakasulat ang plano ng isang guro sa kanyang mga paksang gustong
tatalakayin o mga leksyon nito. Ito rin ang sinusunod ng guro sa kanyang
isasagawa na pagtuturo.

2. Ano ang naidulot sa paggawa ng banghay-aralin sa guro at sa mga mag-


aaral?
Ang mabuting naidudulot ng paggawa ng banghay-aralin ay pagiging
organisado sa kahit ano. Ang mabuting halimbawa ay yung guro at ang
kanyang mga mag-aaral ay magiging organisado lalo na sa mga leksyon na
dapat tatalakayin. Dahil sa paggawa ng banghay-aralin, natatantya na ng
mga guro bago magklase kung gaano katagal niya dapat talakayin ang mga
parte ng kanyang paksang tatalakayin. At ito rin ay nagiging gabay ng mga
guro para magkaroon ng isang direksyon sa pagtatalakay ng mga leksyon sa
mga estudyante.

3. Para sayo, anong uri ng banghay-aralin ang mas mabuting gagamitin sa


pagtuturo?

Bilang isang magiging guro sa hinaharap, ang uri ng banghay-aralin na


mabuting gamitin ay yung pormal at magiging mabisang pagtuturo ng mga
guro sa mga studyante. Kailangan maging planado at organisado ang mga
guro upang ang kanilang mga mag-aaral ay makakakuha at
makakaimpluwensya sila sa kapwa nilang mag-aaral na dapat maging handa
sa ano mang oras. Sa pagiging guro, dapat natin subaybayin ang mga aral na
dapat natin ipahayag ang mga dapat nilang matutunan na mga aralin sa ating
mga studyante. Ang pinakamahalaga talaga sa lahat ay yung uri na banghay-
aralin na may matututunan o makakapulot ka talaga ng aral sa leksyon na
pwede mong maisagawa sa totoong buhay.

You might also like