You are on page 1of 7

Introduksyon

Ang isang mabisang pagpaplano ay


nangangahulugang ng kompletong paghahanda na
nangangailangan ng maingat na pag-iisip at paggamit ng
teknik.

Sa mas masaklaw na pagpapakahulugan, ang pagpaplano


ay tumutukoy sa mga gawain na nagbibigay direksyon sa
pagbubuo ng ugnayan ng mga gawaing pagmag-aaral at
gawain ng guro (Clark at Yinger 1980).
ARALIN 1
Mga salik na isaalang- alang
sa Pagpaplano ng Aralin

Presenter:
Bb. Rutchel M. Avenido
Bb. Heal Marie Arce
A. ANG MGA PANLAHAT NA LAYUNIN AT MGA TIYAK
NA LAYUNIN

Panlahat na Layunin
• Nagagamit ng mga salitang naglalarawan ng kilos (Pang-abay)

Mga tiyak na Layunin


• Nasasabi ang mga salitang naglalarawan ng kilos sa tulong ng larawan

• Natutukoy sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan ng kilos

• Naibibigay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos na angkop sa larawan o


sitwasyon
B. KATANGIAN NG MGA MAG-AARAL
• Isasalang-alang ang higit na naiibigang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Alamin dina ng
kanilang interes at ang antas ng kahusayan sa wikang pag-aaralan.
• Ang mga imporamasyong ito ay makatutulong sa pagtiyak kung anong kagamitang panturo,
gawian, estilo sa pagkatuto at pamaraan, at Teknik ang gagamitin sa pagtuturo.

C. DATING KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL


• Lahat ng bagong pagkatuto ay kinakailangang mag-ugat sa dating alam na ng mga
mag-aaral para sa paksang tatalakayin, ang wikang gagamitin, ang mga uri ng gawain,
at iba pa.

D. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiwilihan ng mga mag-aarl.
Kung maaari, maglaan ng mga gawaing hahamon sa kanilang
kakayahan at mga sitwasyong mapaglalapatan ng mga kasanayang
nililinang ng aralin.
E. MGA KAGAMITANG PANTURO
Pagkatapos matiyak ang mga gawian, pag-iisipan naman ng guro ang mga angkop na kagamitan
(audio – visual) para sa bawat gawain at kung paano ito lubusang magagamit para sa isang
makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.

F. WIKANG KAILANGAN SA PAGSASAGAWA NG


MGA GAWAIN
Ang angkop at wastong gamit ng wika ay hindi matatawaran sa malinaw na
pagbibigay ng panuto at proseso ng agwain para maisakatuparan ng mga mag-aaral nang
maayos at at tama ang kahingian ng bwat aralin. Kasangkasapn ito sa pagpapatanggap ng
kaalaman at pagpapadaloy ng kamalayan sa mga mag-aaral. Hindi dapat na mapaso ang
mga mag-aaral sa wikang sisidlan o kargahan ng kaalaman.

G. ORAS O TAKDANG PANAHON


Ang tukoy na oras o takdang panahon para sa lahat ng gawain at yugto
ng gawaing pagtuturo-pagkatuti sa loob ng silid-aralan ay dapat na
malinaw at kontrolado ng guro upang matiyak na maging makabuluhan at
produktibo ang bawat pagtalakay.
H. PARTISIPASYONG GURO-MAG-AARAL
• Kailanganng pag-isipan ding mabuti ng guro sa yugto ng pagpaplano ng aralin ang haba o
tagal ng partisipasyon ng guro at mag-aaral.

• Dapat niyang isaisip na ang partisipasyon ng bawat kasangkot sa isang pagtuturo-pagkatuto sa


loob ng silid-aralan ay naaayon sa uri ng leksiyon at ng mga layuning nililinang dito.

I. PAGBABALANSE SA PAGTATAKDA NG ORAS


PARA SA MGA GAWAIN
Upang maisagawa ito nang maayos, kailangang tiyakin ng guro na itinakdang oras
para sa isnag gawain ay naaayon sa layuning nililinang para sa gawain.

J. PAGSUNOD-SUNOD AT PAG-
AANTAS NG MGA GAWAIN
Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay naaayon sa kung
ano ang ituturo, ang sariling pananaw ng guro sa wika at kung paano
ito natutuhan, at nag paraang kaniyang pinagbabatayan.
Thank
You !!!

You might also like