You are on page 1of 19

MGA SALIK NA

ISINASAALANG-
ALANG SA
PAGPAPALANO
NG ARALIN
layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag- aarala ay inaasahang:

01 makapag isa-isa ng mga bagay na dapat isaalang-


alang sa pagpaplano ng aralin;

nakakasagot sa mga katanungan hinggil sa mga


02 salik na isinasaalang-alang sa aralin at
pagpaplanong pagtuturo; at

03 naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa


at pagpapahalaga sa pagpaplano ng aralin.
Ano ang pagpaplano
sa pagtuturo?
Ang pagpaplano sa pagtuturo ay ang tawag sa
paghahanda bago ang aktwal na pagtuturo sa
pamamagitan ng maingat na pag-iisip at paggamit ng iba’t
ibang teknik, kasabay ang mga gawain na nagbibigay-
direksyon sa pagbubuo ng ugnayan ng mga gawaing
pangmag-aaral at gawain guro. Iba't iba ang mga
personalidad ng mga mag-aaral, kaya kinakailangan ng
mga guro na humanap ng estratehiyang aangkop sa
kanilang magkakaibang pagkato. Dahil dito, masasabing
ang pagpaplano sa pagtuturo ay mahalaga.
Bakit mahalaga na ang
guro ay makagawa ng
isang mabisang
pagpaplano bago siya
magturo?
Bago magturo, nararapat lamang na nakagawa na ng isang
mabisang pagpaplano ang isang guro sapagkat
kinakailangan ito upang:

maging kawili-wili at maayos ang daloy ng pagtuturo at


pagkatuto;
walang makakaligtaang impormasyon na mahalagang
malaman ng mga mag-aaral;
magamit ng maayos at hindi kukulangin sa oras ang
guro sa pagtuturo;
at higit sa lahat ay upang maisakatuparan ng guro ang
mga layunin mula sa aralin para sa mga mag-aaral.
Mga Salik na
Isinaalang-alang sa
Pagpaplano ng Aralin
A.Ang mga Panlahat na Layunin at mga
Tiyak na Layunin

Halimbawa: Elementarya

*Panlahat na Layunin
*Mga Tiyak na Layunin
B.Katangian ng mga Mag-aaral

Isaalang-alang ang higit na naiibigang estilo sa


pagkatuto ng mga mag-aaral. Alamin din ang
kanilang interes at ang antas ng kahusayan sa
wikang pag- aaralan. Ang mga impormasyong ito ay
makatutulong sa pagtiyak kung anong kagamitang
panturo, Gawain, estilo sa pagkatuto at pamaraan,
at teknik ang gagamitin sa pagtuturo.
C. Dating Kaalaman ng mga Mag-aaral

Lahat ng bagong pagkatuto ay kinakailangang mag-


ugat sa dating alam na ng mga mag-aaral.
Samakatwid, bago gamitin ng guro ang dating alam na
ng mga mag-aaral para sa isang pagtuturo, kailangang
tiyakin niya kung ano na ang alam ng mag-aaral sa
paksang tatalakayin, ang wikang gagamitin, ang mga
uri ng Gawain, at iba pa
D.Mga Gawain sa Pagkatuto

Mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiwilihan


ng mga mag-aaral. Kung maaari, maglaan ng
mga gawaing hahamon sa kanilang kakayahan
at mga sitwasyong mapaglalapatan ng mga
kasanayang nililinang ng aralin.
E.Mga Kagamitang Panturo

Pagkatapos matiyak ang mga Gawain, pag-iisipan


naman ng guro ang mga angkop na kagamitan (audio-
visual)para sa bawat gawain at kung paano ito
lubusang magagamit para sa isang makabuluhang
pagtuturo at pagkatuto. Ang bisa ng isang kagamitang
panturo ay nakasalig sa sining at agham ng paggamit
nito sa proseso ng pagtuturo ng guro at pagkatuto ng
mga mag-aaral.
F.Wikang Kailangan sa Pagsasagawa ng
mga Gawain

Ang angkop at wastong gamit ng wika ay hindi


matatawaran sa malinaw na pagbibigay ng panuto
at proseso ng gawain para maisakatuparan ng mga
mag- aaral nang maayos at tama ang kahingian ng
bawat aralin. Kasangkapan ito sa pagpapatanggap
ng kaalaman at pagpapadaloy ng kamalayan sa
mga mag- aaral. Hindi dapat na mapaso ang mga
mag-aaral sa wikang sisidlan o kargahan ng
kaalaman.
E.Mga Kagamitang Panturo

Pagkatapos matiyak ang mga Gawain, pag-iisipan


naman ng guro ang mga angkop na kagamitan (audio-
visual)para sa bawat gawain at kung paano ito
lubusang magagamit para sa isang makabuluhang
pagtuturo at pagkatuto. Ang bisa ng isang kagamitang
panturo ay nakasalig sa sining at agham ng paggamit
nito sa proseso ng pagtuturo ng guro at pagkatuto ng
mga mag-aaral.
G. Oras o takdang panahon

Ang tukoy na oras o takdang panahon para sa


lahat ng gawain at yugto ng gawaing pagtuturo-
pagkatuto sa loob ng silid aralan ay dapat na
malinaw at kontrolado ng guro upang matiyak
na maging makabuluhan at produktibo ang
bawat pagtalakay.
H. Partisipasyong guro- mag-aaral

Kailangan pag-isipan din ng mabuti ng guro sa


yugto ng pagpapalano ng aralin ang haba o tagal ng
paartisipasyon ng guro at mag-aaral. Dapat niyang
isaisip na ang partisipasyon ng bawat kasangkot sa
isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng silid aralan ay
naaayon sa uri ng leksyon at ng mga layuning
nililinang dito.
I. Pagbabalanse sa pagtatakda ng oras
para sa mga gawain

Upang maisagawa ito nang maayos, kailangan


tiyakin ng guro na ang itinakdang oras para sa
isang gawain ay naaayon sa layuning nililinang
para sa gawain. Minsan napahahaba ang
talakayan sa isang yugto ng aralin at
naisasakripisyo tuloy ang dapat na talakay sa
isang mahalagang bahagi ng aralin.
J. Pagsusunod-sunod at pag-aantas ng mga
gawain

Ang pasisimula at pagtatapos ng isang aralin ay


naaayon sa kung ano ang ituturo, ang sariling
pananaw ng guro sa wika at kung paano ito
natututuhan, at ang paraang kanyang
pinababatayan.
REPORTED BY:
Jennifer Ramos
Lynzel Ropan

You might also like