You are on page 1of 5

FM-AA-CIA-15 Rev.

0 10-July-2020

Gabay sa Pag-aaral sa FIL107: Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo Modyul Blg. 1

GABAY SA PAG-AARAL PARA SA ARALIN 1

Mga Batayang Konsepto sa Paghahanda at Ebalwasyon


ng mga Kagamitang Panturo
PANGKALAHATANG-IDEA NG MODYUL

Sumasaklaw ang kursong Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo


sa pag-aaral ng mga teorya, simulain, pamaraan, paggamit at ebalwasyon ng kagamitang
panturo, kasama ang mga kagamitan para sa alternatibong pagtuturo at pagkatuto gayundin
ang paggamit ng teknolohiya.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga batayang konsepto sa paghahanda at ebalwasyon


ng mga kagamitang panturo. Tatalakayin din ang pagkakaiba ng kagamitang panturo sa
kagamitang pantulong. Gayundin ang mahahalagang katangian ng isang epektibong guro
upang maging mabunga at makabuluhan ang pagtuturo.
LAYUNIN NG MODYUL

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. matalakay ang kahulugan, kahalagahan, at gampanin ng mga kagamitang panturo


sa mabisang pagtuturo at pagkatuto;
2. maisa-isa at mailarawan ang katangian ng isang epektibong guro; at
3. maipaliwanag ang ugnayan ng kurikulum at ang paglinang ng mga materyal sa
pagtuturo

NILALAMAN

Mga Batayang Konsepto sa Paghahanda at Ebalwasyon


ng mga Kagamitang Panturo

A. Ano ang mga Kagamitang Pampagtuturo?

Ang Kagamitang Pampagtuturo (KP) ay tinatawag ding Instruksiyonal na Materyal


(Instructional Material [IM]) o Pagtuturo at Pagkatutong Materyal (Teaching / Learning
Material [TLM]). Pumapatungkol ito sa mga materyal na ginagamit upang mapagaan,
mahikayat, mapaunlad, at maitampok ang mga gawain sa pagtuturo at pagkatuto. Ito ay
anumang materyal na ginagamit sa proseso ng instruksiyon. Ito ay masaklaw na risors na
maaaring gamitin upang mapadaloy nang mabisa ang pagtuturo (IGI Global).
Ang mga kagamitang panturo ay alinmang materyal na ginagamit ng guro na
nakahanay sa ikatatamo ng layunin ng pagtuturo at bunga ng pagkatuto gaya ng modyul,
batayang aklat, at iba pang karagdagang risorses (Austria, 2021).

Ano ang mga Kagamitang Pantulong (Teaching Aids / TAs)?

Ito ay mga kasangkapang umaagapay sa pagtuturo. Maaaring mga tradisyonal na


kagamitan gaya ng pisara o di kaya mga makabago gaya ng projector at telebisyon.

Ano ang pagkakaiba ng IM sa TA?

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Gabay sa Pag-aaral sa FIL107: Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo Modyul Blg. 1

Magkagapay ang paggamit ng IM at TA upang maabot ang layunin ng pagtuturo.


Ang IM ay tiyak na dinisenyo upang umayon sa layunin at bunga ng pagkatuto. Samantalang
ang TA ay hindi palaging dinisenyo upang makamit ang layunin ng pagtuturo.

Ang alinmang materyal na naglalaman ng impormasyon ay magagamit bilang KP.


Kinapapalooban din ito pagtataya at iba pang pamaraan ng pagsusulit. Ang mga materyal sa
pagtataya ay hindi kinakailangang maglaman ng impormasyon subalit tumutulong ito upang
matutuhan at mapanatili sa isipan ang mga impormasyon.

Klasipikasyon ng Kagamitang Pampagtuturo

1. Mga Tradisyonal na Risorses: lektura, panayam, mga batayang aklat, gabay ng


kurso, mga sanayang aklat, tsarts, flashcards, graphic organizers
2. Midyang Digital: mga video, larawan, presentasyon
3. Open Resources: mga blog, open-source journal, open courseware, mga forum
4. Testing Resources: estandardisadong pagsusulit, mga takdang-aralin, mga kwiz,
sanaysay, kolaboratibong proyekto

B. Mga Simulain sa Paghahanda ng mga Instruksiyonal na Materyal

1. Gawing malinaw at tiyak ang layunin ng pagtuturo. Bawat proseso ng pagtuturo ay


nagsisimula sa pagtukoy ng guro sa mga layunin ng pagtuturo.
2. Iangkop sa paksang-aralin ang kagamitan. Kritikal sa pagpaplano ng pagtuturo ang
pamimili ng kagamitang gagamitin.
3. Kilalanin ang katangian at karanasan ng mga mag-aaral. Nararapat ding isaalang-
alang ang katangian ng mga mag-aaral sa paggagamitan nito.
4. Tiyakin ang tagal ng panahon ng paggamit ng kagamitan. Mahalagang iayon sa haba
o ikli ng pagtuturo ang ihahandang kagamitan.

C. Kahalagahan ng mga Instruksiyonal na Materyal


Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangan ng guro ang mga instruksiyonal
na kagamitan:
• kalinawan ng aralin
• pagpapanatili ng atensiyon
• pagpapanatili ng natutuhan o retention
• pagkamalikhain

D. Katangian ng Epektibong Instruksiyonal na Kagamitan


Ayon kay Tomlison (1998), may dalawang pangunahing katangiang dapat taglayin
ang anumang kagamitang ihahanda ng guro para sa pagtuturo.

1. May Impak
Kailangang masaling ang kuryusidad, interes, at atensiyon ng mga mag-aaral upang
masabing nagkaroon ng impak sa kanila ang mga kagamitang ginamit. Natatamo ang
IMPAK sa pamamagitan ng sumusunod na mga aspekto:
a. orihinalidad – pagiging bago o kakaiba

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Gabay sa Pag-aaral sa FIL107: Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo Modyul Blg. 1

b. pagkakaiba-iba – may baryasyon sa iba’t ibang pagkakataon


c. kaluguran – kahali-halina sa mata o paningin tulad ng paggamit ng mga
makukulay na presentasyon, larawan at iba pa.
d. kawilihan – pumupukaw ng interes ng mga mag-aaral

2. May Bunga
Inihahanda ang mga instruksiyonal na kagamitan hindi upang magamit lamang sa
pagtuturo. Inaasahang makatulong ito sa buong proseso ng pagtuturo-pagkatuto at
inaasahang magbunga ito ng isang kasanayang inaasahan ng guro sa simula pa
lamang ng kanyang pagpaplano.

E. Ang Epektibong Guro

1. May kaaya-ayang katauhan at masayang disposisyon upang makagawa ng isang


positibong kapaligirang sosyal na nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong pagkatuto
ng mga mag-aaral.
2. May malawak na kabatiran sa paksa / asignatura / wikang itinuturo at may sapat na
kakayahan sa pakikipagtalastasan.
3. Gumagamit ng iba’t ibang dulog o estratehiya sa pagtuturo, mayaman sa mga
kagamitang biswal, awdyo-biswal na angkop at lapat sa uri ng aralin, sa layuning nais
matamo, at sa kaalaman, kasanayan, at kakayahang ninanais na malinang.
4. Malikhain at maparaan upang makapag-isip, makapagbalak ng aralin, makagamit ng
iba-ibang gawaing pampagkatuto (diyalogo, iskit, laro, atbp.) at makagamit ng mga
kagamitang awtentiko sa paglinang ng aralin.
5. Bukas ang isipan sa pagbabago. May magandang saloobin sa pagtanaw sa pagtuturo
at sa kaniyang pagiging isang guro.
6. May mataas na pagpapahalaga sa kaniyang gawain, sa kaniyang mga mag-aaral, at
sa damdamin ng mga ito. Pinupuri ang tamang sagot, iwinawasto o tumutulong sa
pagwawasto ng mga maling tugon sa maayos na paraan.
7. Nagbibigay ng sapat na pagkakataon sa mga mag-aaral, sa partisipasyon sa mga
gawain sa pagkatuto. Sanay sa pag-uudyok sa mga mag-aaral sa pagsisikap sa
sariling ikatatagumpay. Bihasang humimok at gumanyak sa pagkilos at pagganap ng
mga mag-aaral.
8. Ang mabuting guro ay mabuting tagapagpadaloy, tagapamahala, patnubay, at
tagasubaybay, at hindi isang diktador.

F. Ang mga Kagamitang Pampagtuturo sa Kurikulum ng K to 12

Ano ang kurikulum?

Ito ang mga aralin na tinatangkang ituro ng paaralan na magdudulot ng pagtatamo


ng mga tiyak na kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral.

Binubuo ang kurikulum ng mga “mapa” o “gabay” ng anumang disiplina. Ang


pilosopiya ng patuturo ng mga guro at ng edukasyonal institusyonal ay nagsisilbing
dalawang prinspyo kung saan nakabatay ang kurikulum.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Gabay sa Pag-aaral sa FIL107: Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo Modyul Blg. 1

Ang Kurikulum ng K to 12 sa Asignaturang Filipino

Ang pangkalahatang layunin ng K to12 Filipino Kurikulum ay makalinang ng isang buo


at ganap na Pilipinong may kapaki - pakinabang na literasi.

Ang K to 12 Filipino Kurikulum ay nakatuon paglinang ng mga sumusunod: Una, ang


makrong kasanayan ng mga mag-aaral (pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at
panonood) ay nararapat na mahubog upang magkaroon siya ng mga kasanayang
komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip, malalim na pagpapahalagang pampanitikan.

Sa pamamagitan nito, matututo ang mag-aaral na magkaroon ng pambansang


pagkakakilanlan, kultural na literasi, at produktibong paggamit ng teknolohiya. Kung matamo
ng mag-aaral ang mga layunin na ito, siya ay makaaagapay sa mabilis napagbabagong
nagaganap sa daigdig.

Ang Pagmamapa ng Kurikulum

Ang pagmamapa ng kurikulum ay isang replektibong proseso na tumutulong sa mga


guro na maunawaan ang mga itinuturo sa klase, paano ito ituturo, at paano natataya ang
mga bunga ng pagkatuto. Ang proseso ng pagmamapa ng kurikulum ay nagreresulta ng
dokumentong tinatawag na mapa ng kurikulum. Karamihan sa mga mapa ng kurikulum ay
nasa grapikal na ilustrasyon na binubuo ng talahanayan o matrix.

Ang isang koherent na kurikulum ay (1) organisado at dinisenyo upang mapadaloy ang
pagkatuto, (2) malaya sa anumang akademikong puwang at repetisyon, at (3) nakahanay sa
mga aralin, kurso, asignatura, at baitang. Kapag iminamapa ng mga edukador ang kurikulum,
tinitiyak nila na ang mga natutuhan ng mga mag-aaral ay tumutugma sa mga inaasahang
pamantayan at pagganap sa bawat partikular na asignatura at/o baitang.

GAWAING PAMPAGKATUTO 1

Upang matiyak ang iyong pag-unawa, sagutan ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang mga kagamitang pampagtuturo? Paano ito naiiba sa kagamitang
pantulong?

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Gabay sa Pag-aaral sa FIL107: Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo Modyul Blg. 1

2. Paano nakatutulong sa’yo ang mga simulain sa paghahanda ng mga instruksiyonal


na materyal?
3. Bakit mahalagang may impak at bunga ang isang mabuting kagamitang panturo
ayon kay Tomlinson?
4. Ano-ano ang katangian ng isang epektibong guro? Bakit mahalagang pagnilay-
nilayan ang mga katangiang ito?
5. Bakit kailangan ang pagmamapa ng kurikulum? Paano ito nakatutulong sa iyong
paghahanda bilang guro ng Filipino sa hinaharap?

BUOD

Natalakay sa modyul ang mga batayang konsepto sa paghahanda ng mga kagamitang


panturo. Saklaw nito ang katuturan, gampanin, kahalagahan, katangian, at klasipikasyon ng
mga kagamitang panturo at ang pagkakaiba nito sa kagamitang pantulong. Binigyang-diin
din ang katangiang dapat taglayin ng isang epektibong guro. Gayundin ang kahalagahan ng
pagmamapa ng kurikulum para sa isang koherent na gabay sa pagtuturo.
MGA SANGGUNIAN

A. Mga Aklat
▪ Gutierrez, J. C. et al. (2016). Ang pagtuturo ng wika, panitikan, at kultura. Malabon City:
Jimcyville Publications.
▪ Abad, M., & Ruedas, P. (2001). Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo. Manila:
National Book Store.

B. Mga Website
▪ https://cognitiontoday.com/teaching-aids-and-instructional-materials-tools-for-teachers-
and-students.
▪ https://www.thoughtco.com/curriculum-mapping-definition-4155236
▪ https://www.edglossary.org/curriculum-mapping/

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 5

You might also like