You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

PANGGITNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO


(Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya PANITIKAN NG PILIPINAS)
BEED 3A

Pangalan: _____________________________ Petsa: _______________


Kurso: _____________________ Marka: _____________

I. PAGPILI: Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay isinusulat ng patalata, karaniwan ang mga salita ay tuloy-tuloy ang pagpapahayag,
walang sukat at tugma at ito’y Malaya.

a. Pasalinsulat c. Patula
b. Tuluyan d. Patanghal

2. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na


nagpasalin-salin sa bibig ng mga ninuno.

a. Pasalinsulat c. Palaisipan
b. Pasalindila d. Bugtong

3. Ito ay nangangahulugang “sumulat”.

a. Samtoy c. Badeng
b. Dallot d. Kurdit

4. Siya ang kinikilalang “Ama ng Balarilang Pilipino at may akda ng Nobelang Pilipino na Banaag
at Sikat”.

a. Ildefonso Santos c. Severino Reyes


b. Lope K. Santos d. Florentino Collantes

5. Siya ang tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa”.

a. Amado V. Hernandez c. Iñigo Ed Regalado


b. Julian Cruz Balmaceda d. Cecilio Apostol

6. Siya ay napasama sa “International Encyclopedia of Women’s Works” noong 1889 sa angking


kakayahan sa Literatura.

a. Liwayway Arceo c. Leona Florentino


b. Jose Corazon De Jesus d. Isabel Florentino

7. Siya ang sumulat ng akdang pinamagatang “Walang Sugat”.


a. Julian Cruz Balmaceda c. NVM Gonzales
b. Severino Reyes d. Jose Palma

8. Siya ang may sagisag panulat na “Elisea Liwayway”.

a. Liwayway Arceo c. Faustino Aguilar


b. Jose Corazon De Jesus d. Francisco Laksamana

9. Siya ay naging pangulo ng “GUMIL” Gunglo Daguiti Mannurat nga Ilokano noong taong 1968.

a. Jose Bragado c. Gregorio T. Amaco


b. Pedro Bukaneg d. Mario A. Abalos

10. Siya ang may sagisag panulat na “Odalager”.

a. Florentino Collantes c. Iñigo Ed Regalado


b. Francisco Laksamana d. Jesus Balmori

11. Isinatitik niya ang “Pambansang Awit ng Pilipinas”.

a. Rafael Palma c. Julian Felipe


b. Jose Palma d. Gerardo Chanco

12. Siya ang may akda ng “Uhaw ang Tigang na Lupa”.

a. Liwayway Arceo c. Jesus Balmori


b. Mauro R. Avena d. Gerardo Chanco

13. Siya ay kilalang manunulat na kung saan ang pamamaraan niya sa panitikan ay payak ngunit
tapat sa diwa at may kaisipang taglay.

a. Lope K. Santos c. Florentino Collantes


b. Julian Cruz Balmaceda d. Ildefonso Santos

14. Siya ay kilala sa taguring “Ama ng Panitikang Ilokano”.

a. Carlos S. Bulosan c. Jose Bragado


b. Pedro Bukaneg d. Mario A. Abalos

15. Siya ay nagkamit ng karangalan sa patimpalak sa pagsulat sa Hawaii at ginawarang “Thomas


Jefferson Award”.

a. Gregorio T. Amaco c. Carlos S. Bulosan


b. Mario A. Abalos d. Jose Bragado

II. PAGTATAPAT-TAPAT: Panuto: Hanapin sa HANAY B ang kahulugan ng mga pahayag na


nasa HANAY A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago dumating ang bilang.

HANAY A HANAY B

___1. Tulang lalabindalawahing pantig a. Badeng


___2. Nababasa ng isang upuan lamang b. Sapataya
___3. Salaysaying nahahati sa mga kabanata c. Burburtia
___4. Binibigkas ng tuluyan at naghahanap ng kasagutan d. Pang-obra
___5. Awit ng pag-ibig ng mga Ilokano e. Korido
___6. Awiting pampatulog ng mga Kapampangan f. Paninta
___7. Awit sa pagtatrabaho ng mga Kapampangan g. Arasaas
___8. Awiting may himig pangangatuwiran o pagtatalo h. Pamuri
ng mga Kapampangan
___9. Tawag sa sawikain ng mga Ilokano i. Nobela
___10. Tawag sa Bugtong ng mga Ilokano j. Awit
___11. Tawag sa Bulong ng mga Ilokano k. Basulto
___12. Awit ng pag-ibig ng mga Kapampangan para sa l. Palaisipan
pamilya at kaibigan
___13. Inaawit ng mga pastol sa bukid ng mga m. Parabula
Kapampangan
___14. Tulang wawaluhing pantig n. Pagsasao
___15. Salaysay mula sa Banal na Kasulatan ñ. Tumayla
ng. Maikling Kuwento

III. TAMA O MALI: Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang salitang
TAMA kung ang bawat pahayag ay wasto at MALI naman kung ang bawat pahayag ay hindi
wasto. Isulat ang sagot sa patlang bago dumating ang bilang.

___________1. Ang “Dallot” ng mga Ilokano ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani,


nagpapahayag din ng kaisipan at saloobin.
___________2. Ang “Dung-aw” ng mga Ilokano ay isang paligsahan ng mga lalaki at babae na
ang tema nito ay tungkol sa karapatan at responsibilidad na haharapin ng bagong mag-asawa.
___________3. Si “Gregorio T. Amaco” ang may akda ng “Dimo Kuma Biruken Ti Kaasida”.
___________4. Ang “Kasebian” ng mga Kapampangan ay inaawit kasabay ng biyolin at tamburin
tuwing gabi bago ang araw ng “Todos Los Santos”.
___________5. Ang “Sanaysay” ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
___________6. Ang “Patanghal/Pandulaan” ay itinatanghal sa entablado, pa-iskrip ang
pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo at yugto.
___________7. Ang “Pabula” ay salaysaying hubad sa katotohanan sapagkat mga hayop ang
gumaganap dito, layunin nitong gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring huhubog
ng kanilang ugali at kilos.
___________8. Si “Dr. H. Otley Bayer” ang nagsabing ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa
alinmang uri ng lipunan.
___________9. Si “Jose A. Arrogante” ang nagsabing ang kuwentong bayan ng Pilipinas ay higit
na mayaman kaysa sa mga kuwentong bayan ng India, Persya, Russia, at Hapon.
___________10. Ang “Diparan” ng mga Kapampangan ay awit na naglalaman ng mga salawikain
at kasabihan ng mga Kapampangan na ang paksa nito ay hango sa katotohanan na nararanasan
sa buhay.

IV. PAG-IISA-ISA: Panuto: Ibigay ang mga sumusunod:

1 – 3 Anyo ng Panitikan.
4 – 6 Uri ng Panitikan Ayon sa Midyum o Gamit.
7 – 9 Mga Karunungang Bayan ng mga Ilokano.
10 – 14 Magbigay lamang ng 5 Mga Akdang Patula.
15 – 20 Magbigay lamang ng 6 na Mga Akdang Tuluyan.
Inihanda ni:

GARRY F. ALMAZAN, MAEd.


Guro sa Filipino

Binigyang pansin ni:

ZENVI ANN MACALINAO, MAEd.


Program Chair., BEED

Pinagtibay ni:

LILIAN FLAUTA – UY, Ed. D.


Dekana, Kolehiyo ng Edukasyong Pangkaguruan

You might also like