You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Matematika 1 (Banghay Aralin

sa…)
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang;
a. natutukoy ang mga araw o buwan gamit ang kalendaryo;
b. nasusuri ang mga araw o buwan gamit ang kalendaryo; at
c. nabibigyang halaga ang mga araw na ipinagdiriwang sa bawat buwan.
II. Paksa
Pagtuklas ng Araw o Buwan Gamit ang Kalendaryo
M1ME – IVa – 2

Sanggunian:
Internet, Mathematics 1 Textbook page_, Matematika 1 Quarter 4 Week 2
Module, Youtube (https://youtube/Z9BpNQs4usc)

Kagamitan:
Laptop, chart, kalendaryo, chalk, projector, pentel pen

III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
 Pagsasaayos ng Silid – Aralan
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtetsek ng liban at di liban

B. Balik – Aral

“Nais ni Alissa Mary na sumali na sa gaganaping unang araw ng face to


face classes sa paaralan sa Lunes. Inayos niya ang kaniyang bag at gagamitin
sa pag-aaral isang araw bago ang araw ng pagpasok sa paaralan.

Tanong:
1. Anong araw niya inimpake ang kanyang bag at mga gagamitin sa
pagpasok sa paaralan?
L_NG_O

2. Kailan ang unang araw ng kanilang face to face classes sa paaralan?


L N S
(REMOVE THE LAST UNDERLINE , DI KO MADELETE)
3. Bakit kailangan niyang mag-ayos ng mga gamit nang mas maaga bago
ang pasukan?

C. Pagganyak:
1. Maaari nating awitin ang “Pitong Araw sa Isang Linggo”
(https://www.youtube.com/watch?v=JMvkvyswZVY)

2. Sabay sabay awitin ang kantang “Lubi – Lubi” (Mga Buwan sa Isang
Taon) (https://youtu.be/Z9BpNQs4usc)

D. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa “Pagtuklas ng Araw o
Buwan Gamit ang Kalendaryo”

Paano natin madaling maalala ang bawat buwan ng taon?


Ano-ano ang mga natatanging okasyon mayroon sa bawat buwan?
Alin sa mga okasyong ito ang nasasabik kang paghandaan?

Kasanayan sa Pagkatuto 1:
(Ang guro ay magbibigay ng halimbawa kung paano ipakita ang paraan
ng pagtukoy o pag-aralan ng mga araw at buwan gamit ang kalendaryo.)

Halimbawa:
Dahil sa ipinatupad na Enhance Community Quarantine (ECQ),
kinakailangan na manatili ang magkapatid na Joan at James mula Mayo
12, 2020 hanggang Mayo 30, 2020 sa kanilang bahay. Ilang araw ang
itinagal ng pananatili ng magkapatid sa kanilang bahay?

Halina at bilangin natin ng sabay-sabay. Tayo ay magsisimulang


magbilang unang araw ng quarantine nina Joan at James ng Mayo 12
hanggang Mayo 30.
(Ang guro ay gagamit ng kalendaryo sa pagbibilang ng araw kasama ng
mga mag-aaral)
(Inaasahang Sagot: 19 araw nanatiling hindi lumabas ng bahay ang
magkapatid.)
Anong araw ang Mayo 12, na ipinakikita sa kalendaryo?
Anong araw ang Mayo 30?

E. Pagtalakay
Kasanayan sa Pagkatuto 2
Dahil alam na natin kung paano tukuyin ang pitong araw sa isang
Linggo gamit ang kalendaryo, alamin naman natin ang 12 na buwan sa
loob ng isang taon.
(Basahin ng guro ang tula at muling pababasahin ito ng sabayan
sa mga bata. )

Bilugan ang mga buwan sa isang taon na makikita sa tula.

“Iba’t – ibang Buwan”


ni Teacher Dianalyn Samala

Bagong taon ay Enero


Pebrero’y araw ng puso ko
Marso, Abril saka Mayo
Magbabakasyon naman tayo.
Sa Hunyo’y Araw ng Kalayaan
Hulyo nama’y pakikipagkaibigan.

Linggo ng Wika’y Agosto naman


At Setyembre’y pasasalamat ng bayan.
Sa Oktubre’y buwan ng Rosaryo
Nobyembre nama’y sa sementeryo.
Ang Disyembre ay Araw ng Pasko
Halina’t magbigay ng aginaldo.

Pagtatanong:
Paano natin madaling maalala ang bawat buwan ng taon?
Ano-ano ang mga natatanging okasyon mayroon sa bawat buwan?
Alin sa mga okasyong ito ang nasasabik kang paghandaan?
F. Paglalahat

Ilang araw mayroon sa isang lingo?


Ano-ano ang mga ito?
Ilang buwan mayroon sa isang buong taon?
Ano-ano ang mga ito?
Gaano kahalaga ang paggamit ng kalendaryo?
Gaano kahalaga ang pagdiriwang sa mga okasyon tulad ng birthday o
Kapaskuhan?

G. Paglalapat
Panuto: Gamit ang kalendaryo sa ibaba. Sagutin ang mga tanong.

Tanong:
1. Anong araw ang Enero 1?
2. Ilang Lunes ang mayroon sa buwan ng Hunyo?
3. Anong petsa ang Araw ng Pasko? Anong araw ito?
4. Ano-anong petsa ang nakatapat sa araw ng Lunes sa buwan ng Pebrero?
5. Ano-ano ang inyong kapanganakan? (Magtanong sa 1-2 bata lamang)

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ng tahimik at unawain ang bawat pangungusap sa ibaba.
Salungguhitan ang tamang sagot sa loob ng panaklong.

1. Mayroong (5, 6, 7) na araw sa isang lingo.


2. Ang (Lunes, Linggo, Martes) ang unang araw ng pagpasok sa paaralan.
3. Ang Araw ng Pasko ay ipinagdiriwang sa buwan ng (Enero, Disyembre, Pebrero).
4. Ang Araw ng Kalayaan ay tuwing (Mayo 12, Hunyo12, Hulyo 12).
5. Mayroong (10, 11, 12) na buwan sa loob ng isang taon.

V. Takdang - Aralin Petsa:______________________

Ibigay ang mga petsa sa araw ng Sabado sa buwan ng Agosto. Itala ito sa iyong
kuwaderno.

Inihanda ni:

LOIWEZA C. ABAGA
Practice Teacher
Itinama ni:

ARLYN IGNACIO-CO
Teacher III/Cooperating Teacher

Noted:

JOEL D. ORCINO
Principal I

You might also like