You are on page 1of 2

Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan
Ika-Pitong na Linggo : Ikatlong Araw
Petsa :____________________________ Araw:________________ Oras:_______________

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapa-


halaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat isa.
Pamantayan sa Pagganap : Nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging ginagampanan ng
bawat isa.
Pamantayan sa Pagkatuto: Naisa-isa ang mga alitutunin ng pamilya. (APIPAM-IIC-14)

I.LAYUNIN :
> Natatalakay ang mga batayan ng mga alituntunin ng pamilya. (APIPAM-IIO-15)
> Nahihinuha na ang mga alituntunin ng pamilya ay tutugon sa ibat-ibang sitwasyon ng pang araw-araw
na gawain ng pamilya. (APIPAM-IIE-16)
> Napipili ang wastong pagkilos bilang pagtugon sa mga alituntunin ng pamilya. (APIPAM-IIF-17)

II.PAKSANG – ARALIN:

Ang Aking Pamilya


Mga alituntunin ng pamilya
Sanggunian: AP curriculum guide pahina 8, Gabay guro pahina 122 to 128,LM 136 – 137
Iintegrasyon: Matimatika at Sining
Kagamitan:Larawan,tsart
Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III.PAMAMARAAN :
A. Balik-Aral
Muling balikan ang mga alituntunin tulad ng:
A-Ayusin ang pinagtulugan
L-Linisin ang kalat
I-Iwasan kumain ng junk foods
T-Tandaang magsabi ng po at opo
U-Umuwi sa bahay sa tamang oras
N-Nararapat na iligpit ang pinagkainan
T-Tumulong sa gawaing bahay
U-Umiwas sa labis na panonood ng telebisyon
N-Nagpapaalam kung makikipaglaro sa kapitbahay
I-Ipagpatuloy ang mabuting pag-aaral
N-Nagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon

B. Pagganyak
Bakit mahalagang sundin ng mga mag-aaral ang mga alituntunin ng kanila pamilya?

C. Paglalahad
Sinusunod ba ninyo ang mga alituntunin o mga ipinapagawa ng inyong mga magulang o di kaya’y
nakatatandang kasapi ng inyong pamiya?
Iparining ang kwento ng “Munting Gamo-gamo”
(pahina 130-131 AP Teaching Guide)

D. Pagtalakay:
Sinunod ba ng batang gamu-gamo ang kanyang ina?
Ano ang nangyari sa batang gamu-gamo?

E. Paglalahat:
Mahalaga ba ang mga alituntunin?
Tandaan:
Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod o ginagwa ng mga kasapi ang mga
alituntunin sa tahanan.

F. Paglalapat:
May mga pagkakataon bang tulad ng batang gamu-gamo ,hindi mo rin sinusunod ang payo o utos sa iyo ng
iyong nanay at tatay?

G. Pagtataya:
Kulayan ang kahon na nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin sa pamilya.

1. Batang nagwawalis ng bakutan

2. Batang nakikipag-away sa kapatid

3. Batang nagsisipilyo

4. Batang kumakain ng masustansiyang pagkain

5. Batang Nagmamaktol

IV. Kasunduan:

Iguhit ang gamu-gamo na may malaking pakpak. Sa kanang pakpak isulat ang mabuting naidudulot ng pagsunod
sa mga alituntunin. Sa kaliwang pakpak naman ang hindi mabuting naidudulot ng di pagsunod sa mga alituntunin.

You might also like