You are on page 1of 2

Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan
Ika-Pitong na Linggo : Ikaapat na Araw
Petsa :____________________________ Araw:________________ Oras:_______________

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapa-


halaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat isa.
Pamantayan sa Pagganap : Nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging ginagampanan ng
bawat isa.
Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang mga batayan ng mga alituntunin ng pamilya. (APIPAM-II0-15)

I.LAYUNIN :
> Natatalakay ang mga batayan ng mga alituntunin ng pamilya. (APIPAM-IIO-15)
> Nahihinuha na ang mga alituntunin ng pamilya ay tutugon sa ibat-ibang sitwasyon ng pang araw-araw
na gawain ng pamilya. (APIPAM-IIE-16)
> Napipili ang wastong pagkilos bilang pagtugon sa mga alituntunin ng pamilya. (APIPAM-IIF-17)

II.PAKSANG – ARALIN:

Ang Aking Pamilya


Mga alituntunin ng pamilya
Sanggunian: AP curriculum guide pahina 8, Gabay guro pahina 122 to 128,LM 136 – 137
Iintegrasyon: Matimatika at Sining
Kagamitan:Larawan,tsart
Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III.PAMAMARAAN :
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
(Awit: Himig ng paru-parong bukid)
Ako’y tumutulong sa gawaing-bahay.
Sumusunod sa utos ng mga magulang.
Iginagalang sa tuwina ang lolo at lola
Tumutulong palagi kay ate at kuya.
Ano ang maaring mangyari kung hindi susundin ang mga alituntunin sa tahanan?
Magkakaroon kaya ng kaayusan?

B. Paglalahad
Magtanghal ng maikling dula-dulaan na pangkatan:
1. Nagmamano sa mga lolo at lola
2. Tumutulong sa gawaing bahay
3. Sumusunod s autos ng magulang

C. Talakayan ng tanong
Tinutupad ban g mga bata ang alituntunin sa tahanan?

D. Paglalahat
Tandaan:
Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod o ginagawa ng mga kasapi ang mga
alituntunin sa tahanan.

E. Paglalapat
Ipakita ang masayang mukha kung tumutupad sa alituntunin at malungkot na mukha kung hindi sumusunod
sa mga alituntunin.
1. Sumusunod s autos ng nanay
2. Naglalaro lang maghapon
3. Tumutulong sa gawaing bahay
4. Natutulog lang
F. Pagtataya
Lagyan ng  ang nagpapahalaga sa alituntunin at X ang hindi
1. Batang nagpupuyat sa panonood ng T.V.
2. Batang kunakain ng “Junk foods”
3. Batang nagbabasa ng aklat
4. Batang nagmamano
5. Batang naglilinis ng bahay

IV. Kasunduan
Gawain:
Mahal na _________________. Ipinapangako ko na simula sa araw na ito, susundin ko ang sumusunod
na mga alituntunin sa ating pamilya.
1.
2.
3.
4.
5.
Mag-aaral

You might also like