You are on page 1of 4

Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

BANGHAY ARALIN SA EPP 4


A.Y. 2022-2023

I. Paksang Aralin: Tatlong Pangkat ng Pagkain


Batayan: EPP4, pah.20-23, Tatlong Pangkat ng Pagkain
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Writing Materials, Coloring
Materials
Kasanayan: Pagkilala, Pagtukoy, Pagpapahalaga, Pakikinig
Estratehiya: Fishbowl, Picture Analysis, Pagbabahagian, Round table,
Ticket to Leave

II. Layunin
1. Nakapagbabalik–aral tungkol sa paksang tinalakay
2. Naiisa-isa ang pagkakaiba ng tatlong pangkat ng pagkain
3. Napapangkat ang pagkain ayon sa Go, Grow, Glow Foods
3. Nakakatulong sa paghahanda ng masusustansyang pagkain

III. Pamaraan

A. Pagbabalik-aral (fishbowl)
Kukuha sa bowl ng isang salita /konsepto na may kaugnayan sa
nakaraang aralin. Ipaliliwanag ito ng mag aaral.

B. Pagganyak (Picture Analysis)


Mayroon ipapakitang larawan ang guro sa mga mag-aaral,bibigyan
sila ng ilang minute upang isipin kung ano ang meron sa larawang
iyon. Magtatanong ang guro kung sinong gustong magpaliwanag
kung ano ang nasa larawan.

• Teacher, sa tingin ko po ay kumakain ng umagahan ang bata


bago pumasok sa paaralan.
C. Paglalahad ( Pagbabahagian)
Ang mga mag-aaral ay magbabahagian tungkol sa mga
sumusunod na tanong:
1. Kumain na ba kayo ng umagahan?
2. Anong klaseng pagkain ang inihain sa inyong
hapagkainan ngayong umaga?
3. Sa iyong palagay, biyaya ba galing sa Diyos ang kinain
mo ngayong umaga?

D. Pagtatalakayan (Round Table)


Ang mga mag-aaral ay:
• Pupunta sa kanilang mga ka grupo para sa inihandang
aktibidad ng guro.

Group 1

Group 2

Group 3
• Itatanong ng guro sa bawat grupo ang napuntang larawan
sa kanila kung anong pagkain ang kanilang nakikita nila at
benepisyong makukuha dito, pagkatapos nilang mag usap
ay magtatawag na ang guro upang may mag paliwanag.
• Ipapaliwanag ng guro na ang mga letratong ipinakita ay ang
Tatlong Pangakat ng Pagkain, ang Go, Grow, at Glow foods.

• Isa- isang tatalakayin ang pagkakaiba at mga benepisyong


pwedeng makuha ng tao sa Tatlong Pangkat ng Pagkain.
• Mayroon ulit ipapakita ang guro sa powerpoint presentation
at ipapahula sa mga mag-aaral kung saan nabibilang ang
pagkain na iyon, kung sa go, grow, o glow foods ba.

E. Paglalahat
Sabay sabay babasahin ng mga mag-aaral ang ibig sabihin ng go,
grow, at glow foods. Pagkatapos ay tatanungin ng guro ang mga
mag-aaral ang kahalagahan ng tamang pagkain base sa nutrisyong
dulot neto.

F. Pagsasanay
Panuto: Makikita sa
ibaba ang ibat ibang
klase ng pagkain, suriin
itong Mabuti. Kulayan
ng asul kung ito ay
kabilang sa Go foods,
kulayan naman ng pula
kung ito ay kabilang sa
Grow foods, at kulayan
naman ito ng berde
kung kabilang sa Glow
foods.
G. Pangwakas na Gawain (Ticket to Leave)

Gamit ang ticket ng mga mag-aaral na ibinigay sa kanila ng


kanilang guro, sila ay magsusulat ng isang pangungusap mula sa
kanilang natutunan sa araw na ito.

Karagdagang Gawain: Pag uwi sa inyong mga bahay, mag presintang


tumulong sa magulang na maghanda ng kakainin sa araw na iyon, upang
mas lalo pang malaman ang kahalagahan ng pagkain ng tama.

Inihanda ni: Ricaella Rose C. Macapayag

You might also like